COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Anong meron sa Starbucks Planner??

pusang_miyawpusang_miyaw ask.fm/pusangmiyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
Hindi ko alam kung san ko dapat i-post ang thread na to. Kung sa foods ba o dito. Anyway, curious lang ako. Ano po ba meron sa Starbucks planner? Ang impression ko lang kasi e yung regular planner lang pero Starbucks lang ang brand. Kaso nakikita ko kasi sa FB na parang sabik na sabik mga tao sa planner na yun. Tapos may iba pa nagbibenta talaga. May something pa ba dito maliban sa pagiging planner? May special discount ba o promo pag nakakuha nito? Did I miss something? Sorry ignorante lang hehe.
«1

Comments

  • AkeenatorAkeenator #PalipadBuhok PEx Influencer ⭐⭐⭐
    basta starbucks, sosyal.
  • TheBearJewTheBearJew Member PExer
    meron ata coupons sa loob? ewan ko lang ha.. pero kasi yung kakilala ko starbucks fangirl kaya trip niya yan.
  • pusang_miyawpusang_miyaw ask.fm/pusangmiyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TheBearJew wrote: »
    meron ata coupons sa loob? ewan ko lang ha.. pero kasi yung kakilala ko starbucks fangirl kaya trip niya yan.

    Oh I see, baka nga may coupons.
  • sunsilkpinksunsilkpink Member PExer
    TS, wala. walang special dun. May mga [email protected] tao lang sa mundo na lalaklak ng napakadaming overpriced coffee at mag-iipon ng stickers to get that plain planner. Sa totoo lang, madami namang magandang planner na mura lang. Function kasi dapat ang iniisip pag bumibili ng isang item hindi ka-echosan. I once tried these overpriced coffee/ milktea/doughnuts/cheesecakes, etc. just to know what's the hype about these stuff--pero wala. overpriced. fattening, not healthy at all. kung gusto maglustay ng pera dahil sa sobrang dami e di na mapagkasya sa bangko pero madamot magbigay sa kapwa, sa overpriced gyms na lang kesa sa overpriced coffee XD
  • workhardplayhrdworkhardplayhrd No shirts, no shoes. PExer
    Pag pinost mo sa Fb na may Starbs planner ka madami maglilike nun! *okay* compared sa ordinaryong planner.
  • gotta lick itgotta lick it Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Akeenator wrote: »
    basta starbucks, sosyal.

    101% bragging rights
  • Naruto KunNaruto Kun Member PExer
    wala. pa sosyal na sulatan. ampotik hindi maka afford ng smartphone siguro.
  • mykel14mykel14 Oh, ****. PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Papel lang siya na pinagtagpi-tagpi. At gusto nilang sulatan/gamitin 'yun.

    Kung hindi naman ako ang nagbayad ng kapeng iniinom nila, hindi ko sila pakikialamanan. Para walang basagan ng trip.
  • einhandereinhander thank god for the atheist PEx Veteran ⭐⭐
    mas social pag pinangsusulat mo sa starbucks planner eh starbucks pen.
  • xctrekkerxctrekker Member PEx Rookie ⭐
    I've seen it- nothing special. My planning needs are better served by those cheap planners available at National Bookstore.
  • taropuffgirltaropuffgirl mischief managed PEx Veteran ⭐⭐
    anong meron sa Starbucks planner? yung brand name na Starbucks hehe

    There's a lot of planners out there like that of Blogberry(Stradmore), Belle de Jour which are much better than Starbucks' :)

    I tried to achieve the 2012 Starbucks planner, ang saya mag-ipon ng stickers with friends, effort talaga, naumay ako sa kape :lol: then as soon as I got it, I saw my officemate's planner from Blogberry, daming something sa loob naingit ako, I should have gotten that one instead pero ok na din kase masaya naman yung experience ng pangongolekta ng stickers. Pero If you're into journals and writing a lot, Starbucks planner is the one for you, if you're into scrapbooking sort of thing, you may want to look for other planners. For 2013, I bought the blogberry planner, masubukan naman besides I didn't have much time na tumambay sa Starbucks.

    Happy new year, everyone :p
  • pusang_miyawpusang_miyaw ask.fm/pusangmiyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    You mean some people drink coffee there just for the planner??? Ginagamit kaya talaga nila yung planner na yun? LOL. Pero in fairness ang galing na marketing strategy yun haha.
    Isa pang pinagtataka ko. May nakikita akong nagbibenta ng Starbucks planner worth 1K plus. Sori ignorante lang uli. Magkano ba ang mamahaling planner ngayon? Naisip ko kasi baka mas mahal pa sa 1K yung mga high quality planner kaya they go ga-ga for Starbucks planner instead. Gusto ko lang talagang maintindihan yung craze ng mga tao sa planner na yun. Para kasing ang lamya kung dahil sa brand lang. Maybe there's something na di ko alam na special about it. Kasi sa totoo lang di ko ma-gets dahil andami daming mas magandang planner na nabibili sa bookstore. So I wanna know the deeper reason why.
  • taropuffgirltaropuffgirl mischief managed PEx Veteran ⭐⭐
    You mean some people drink coffee there just for the planner???

    I do like both, coffee and planner :) Mahilig kase talaga ko sa kape and I need a planner plus the experience na kasama ko yung friends kong mangolekta, makipag-unahan kung sinong unang nakakakuha then when we got our planners, I asked them to write there. that's priceless. kahit naumay ako sa kape, I'd treasure the experience. yun namang planner, I've been using planners for as long as I can remember, gamit na gamit yan sakin. I plan ahead, write my reflections and what-have-yous. Pero this coming year, since wala akong time tumambay, bumili na lang ako ng planner sa bookstore, mga 300-500 usually yung notebook-sized planners.

    Maybe if you're really curious, try it for yourself, wala namang masama if you'll do it once. Iba-iba naman kase perspective ng tao eh ;)
  • razzer_risingrazzer_rising Please do not use prohibited words in your user title to avoid sanctions. PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Our secretary sa office is not the most masipag people around nor does she socialize much often. Kaya I was so nagulat, when she approached me last week. Sabi nya "ma'am you want to order coffee sa Starbucks". Ako naman, said yes, pero naweird-han ako since she's not like that. Anyways, to make the story short, I learned na she was very busy that day asking everyone if they will buy coffee from starbucks and she was willing to go outside and buy the coffee for them, of course not for free. At the end of the day, I saw her with the SB planner. Narealize ko na yun pala yung goal nya talaga.
  • pusang_miyawpusang_miyaw ask.fm/pusangmiyaw PEx Influencer ⭐⭐⭐
    I do like both, coffee and planner :) Mahilig kase talaga ko sa kape and I need a planner plus the experience na kasama ko yung friends kong mangolekta, makipag-unahan kung sinong unang nakakakuha then when we got our planners, I asked them to write there. that's priceless. kahit naumay ako sa kape, I'd treasure the experience. yun namang planner, I've been using planners for as long as I can remember, gamit na gamit yan sakin. I plan ahead, write my reflections and what-have-yous. Pero this coming year, since wala akong time tumambay, bumili na lang ako ng planner sa bookstore, mga 300-500 usually yung notebook-sized planners.

    Maybe if you're really curious, try it for yourself, wala namang masama if you'll do it once. Iba-iba naman kase perspective ng tao eh ;)

    Ah ok naman sayo dahil mahilig ka talaga sa kape at gumagamit ng planner. Di ko lang naman ma-gets yung ibang kakilala ko na hayok na hayok sa planner na yun pero wala naman sa personality nila yung nagpa-planner naman talaga. So naisip ko baka may something pa sa planner na yun na di ko alam. Ayun lang naman.

    Di sakin applicable yun dahil una sa lahat hindi ako mahilig mag kape at lalong hindi ako nagpa planner heheheheh. :D
  • purpleheadd07purpleheadd07 Babae po ako PEx Influencer ⭐⭐⭐
    i get it because it's free. i drink coffee regularly anyway. gusto ko din sana yung belle de jour but mostly because of the freebies kaso mahal eh. :hiya:

    pero gusto ko din yung Paulo Coellho na planner, around 500 pesos. :D
  • prEttyInDistr3ssprEttyInDistr3ss ♥~i L♥ve u~♥ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TheBearJew wrote: »
    meron ata coupons sa loob? ewan ko lang ha.. pero kasi yung kakilala ko starbucks fangirl kaya trip niya yan.
    Oh I see, baka nga may coupons.


    may coupon sa loob. :)
  • farkasfarkas Peon PEx Veteran ⭐⭐
    Walang coupon sa loob.

    Free lang naman 'yun planner, sosyal ba yun?
  • purpleheadd07purpleheadd07 Babae po ako PEx Influencer ⭐⭐⭐
    may coupons sa loob, discounts, upgrades on different months.

    may mga nagbebenta tiog 1500, sobra naman. :bop: :lol:
  • chevy_camaro23chevy_camaro23 favete linguis PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Naruto Kun wrote: »
    wala. pa sosyal na sulatan. ampotik hindi maka afford ng smartphone siguro.

    :rotflmao: :rotflmao:

    OT: hindi ko din alam bakit ang daming nagkakandarapa sa starbucks planner na yan. minsan mga nagmamakaawa pa na kanila na lang daw yung sticker kapag bumili ka ng isang kape para lang makumpleto yung set of stickers nila. :lol:

    ito talaga yung isang trend na di ko masakyan at never kong sasakyan. :glee:

    eh never din naman kasi ako naging parokyano ng starbucks. :lol:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file