GOOD DAY PEXERS!

If you are having trouble in your account access, please do send us an email at [email protected]

Thanks,
PExer99

TEAM MARIAN: The Lady Boss & Primetime Queen Continues To Tempt Your World [TM.4]

1457910252

Comments

  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    MARIAN: Hello mga Kapuso! Kamusta ? :) ready na ready na ang mga challengers natin. Nasa taping po kami ngayon ng Extra Challenge. Abangan niyo ito sa weekend!


    ----
    :wave:
  • chuzluvchuzluv Member PExer

    Hello TM :wave:

    Congrats sa new haus! Salamat DJ.

    Ang ganda-ganda ni Yan talaga o. Fresh na fresh kahit alam nating pagod at puyat ang inaabot niya sa taping.
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Team DongYan Christmas Party

    c/o Ate Winnie



    8283494636_bdb63e52fe_b.jpg

    8283494172_325389b742_b.jpg

    8283493594_d297409efe_b.jpg

    8283486886_2d1bbe9f58_b.jpg

    8283485556_31b9c3e8a0_b.jpg

    8282419399_ed443099d8_b.jpg

    8283475812_e233cfb733_b.jpg

    8283475212_16db3ba66f_b.jpg
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Team DongYan Christmas Party

    c/o Ate Winnie



    8282546091_ac7f8b73bc_b.jpg

    8283604346_08a1ae5e0e_b.jpg

    8282544519_417d830a20_b.jpg

    8282543779_d4455746bc_b.jpg

    8283601792_182297fd77_b.jpg

    8282541101_645813434b_b.jpg

    8282539355_12fb6b8442_b.jpg

    8283597408_01838fa44c_b.jpg
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Marian Rivera on "new" character as Chantal in Temptation of Wife: “Iba ang gagawin ko… lamon! Sa mata lang… Nora Aunor!”

    Rommel Gonzales
    Tuesday, December 18, 2012

    c74fbb49b.jpg


    Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa taping ng Temptation of Wife kahapon, December 17, sa Green Meadows Village, Quezon City.

    Saad niya, “Talagang busisi talaga kami, kasi siyempre alam naman natin na may blend na ng pagka-Pinoy na maganda din siguro na…


    "Siguro yung iba, nagtataka din kung bakit yung line ng story namin, e, hindi sobrang katulad noong ano [Korean version]…

    “Kasi siyempre, bukod sa ginagawa nating Pinoy, para naman magkaroon ng thrill.

    “Kasi kung susundan natin yung path na same talaga na nangyari na ganito-ganito, e, di wala nang thrill. Wala nang excitement na alam na nila kung ano ang mangyayari.

    “So medyo may twist-twist lang.”

    CHANTAL. Si Chantal ang magiging bagong karakter ni Marian sa teleserye kapag “namatay” na si Angeline. Ano ang pagtataray na gagawin ni Chantal sa Temptation of Wife?

    Sagot ng Kapuso Primetime Queen,“Hindi ako magtataray, e. Ibang approach ang gusto kong gawin dito, e.

    “Nag-usap na kami ni Direk [Dominic Zapata], ayoko yung mga naghihiganting pataray… iba ang gagawin ko… lamon! Sa mata lang.”

    Very Nora Aunor?

    “Nora Aunor!

    “Para kasi, di ba, alam ninyo yung mga tipikal na mga mababait, tapos umaapi, na ‘Ano, ha?! Akala mo!’ Yung ganun.

    “So parang gusto namin ibang atake naman. Ewan ko kung kaya kong gawin pero ita-try ko.

    “Basta ang ganda ng mangyayari, ang ganda ng istorya. Nabasa ko yung script ng Week 8 and Week 9... naku!”


    KUDOS. Halos puro positive reviews ang natatanggap ni Marian tungkol sa role niya bilang Angeline sa Temptation of Wife. Ano ang reaksiyon niya rito?

    “Sabi ko nga, e, parang after Amaya, ngayon na lang uli yata ako nakarinig ng mga tao na sobrang adik na adik sa show, sa Temptation of Wife.

    “Tapos, si Popoy [Caritativo, her manager], kasi ano, e... wala kasi akong Twitter, wala akong Facebook, pero yung mga comments sa akin, iniipon ni Popoy yun.


    “Tapos sine-send niya sa e-mail ko, nababasa ko lahat ng comments sa akin.

    “Tapos siguro ngayon na lang uli ako lumalabas ng bahay na tinatawag ako sa karakter ko, na hindi sa pangalan ko, “Angeline”—kinikilabutan ako!”

    PINAKATANGA... Sa Temptation of Wife, martir at ***** sa pag-ibig ang character ni Marian bilang si Angeline.

    Kaya tinanong si Marian kung ano ang pinakatangang bagay na nagawa niya sa buhay niya

    Sagot niya, "Buong buhay ko e lampayatot ako, e!

    "Pag naglalakad ako, minsan palaging natitisod. Palagi akong nasusugatan.

    "Pag nasusugatan ako, ngumangalngal ako. Alam mo yun?

    "Parang keber lang ako, deadma.

    "Siguro iyon ang pinaka, kasi minsan parang careless ako na parang, 'Ay wala, untog, untog!'



    CO-PRODUCTION.
    Ano ba ang New Year’s resolution ni Marian?

    Sagot niya, “Siguro ang New Year’s resolution ko, itong gagawin kong movie doon sa iko-co-prod ko na magpo-produce ako, e, pagbutihin kong mabuti.

    "At malay mo, kapag nag-enjoy ako at ganoon pala kasaya ang mag-produce, e, malay mo, maging producer ako, di ba?”

    Hindi pa ba puwedeng i-reveal kung sino ang malaking artista mula sa ABS-CBN ang magiging co-producer niya?

    “Magkikita kami sa... for sure, sa [December] 19, malalaman ninyo kung sino siya.”

    Fifty-fifty ang share nila?


    “Pag-uusapan namin kung kakayanin ko ‘yang fifty-fifty na ‘yan.

    “Ang laki kasi, parang Tiktik yung amount namin, e—ang laki, e.

    "Tingnan natin kung kakayanin ko.”

    Ang Tiktik ang pelikulang ipronodyus ng boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.



    BEST & WORST. Ano ang maituturing niyang pinakapangit at pinakamagandang nangyari sa kanya ngayong 2012?

    "Pangit? Wala akong maalalang pangit, sobrang ganda!

    "After all na lahat ng nangyayari before, na parang immature or whatever ang nangyayari, wala na, e, na-overcome ko na lahat e.

    "Kumbaga, kung meron mang hindi magandang nangyayari, parang iisipin mo na lang na hinga ka na lang.

    "Sabi nga ni Popoy, hindi naman maiiwasan na may mga tao talagang mahirap i-please o kaya idya-judge ka.

    "Sabi ni Popoy, 'Hinga ka lang, hingang malalim. Bumilang ka, 1, 2, 3, 4, 5... hanggang nakasampu ka na.'

    "Yun pala, naka-release ka na, nakaalis na, wala na!

    "Kesa naman sa naramdaman mo, magre-react ka, sino ang talo? Sino na naman ang pupulaaan? Talo ka."

    "Ang pinakamaganda? Pinakamagandang nangyari nitong 2012 ang Temptation of Wife para sa akin.

    "Tsaka Extra Challenge kasi first time kong mag-host e. Oo, Extra Challenge dahil sa hosting."
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Marian Rivera plays Santa Claus to people close to her

    Rommel Gonzales
    Tuesday, December 18, 2012


    Dahil Pasko, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera: Kung siya si Santa Claus, ano ang mga regalong ibibigay niya sa ilang malalapit na tao sa kanyang buhay.

    Sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes?


    “Bibigyan ko siya ng kahit three days na bakasyon kasi araw-araw din ang trabaho niya. Kawawa din yun… araw-araw.”

    Saan niya pagbabakasyunin si Dingdong?

    “Ay, nakalagay doon sa ticket niya, 'Anywhere!'

    “Anywhere in the world, para mas masaya.”

    Sa manager niyang si Popoy Caritativo?

    “Kay Popoy? Hmmm… napaisip ako kay Popoy, a! Ano ba ireregalo ko?

    “Lahat kasi nandoon na sa kanya. Ang hirap regaluhan nun, e.

    “Hindi, kasi si Popoy ngayon, masaya naman siya. Yung lovelife niya… hmmm.

    “Hindi ko alam kung may boyfriend siya, pero alam ko maraming nanliligaw sa kanya. Ay, patay ako! Ay!

    “Basta masaya din kasi si Momsie [Popoy] ngayon, e, parang wala, e. Ang hirap!

    “Palitan na lang yung cell phone niya, iPhone 5! Naka iPhone 4 siya, e."

    Kay Dennis Trillo, na leading man niya sa Temptation of Wife at “kapatid” niya bilang talent ni Popoy.

    “Siguro bibigyan ko sila ng moment nung anak niya, para makapag-bonding sila.”

    In an interview, sinabi ni Dennis na gusto niyang makapag-camping sila ng anak niyang si Calix.

    “Ayun, mag-camping sila para, at least, mas mapalapit sila sa isa’t isa.”

    Kay Glaiza de Castro, na kasama niya sa Temptation of Wife bilang si Heidi?

    “Kay Glaiza… Naku, isa pang stressed ‘yan sa buhay sa Temptation of Wife, kaya bakasyon din para sa kanya.”

    Sa kaibigan niyang si Sheena Halili?

    “Ay, dinner kaming dalawa. Madaldal kasi kaming dalawa, so sa isang dinner, marami kaming mapag-uusapan.”

    Tatanungin ba niya si Sheena kung bakit break na ito kay Rocco Nacino? Bilang kaibigan ni Sheena, alam ba ni Marian ang rason?

    “Mahirap sa akin manggaling. Sa kanya na lang,” matipid na tugon ni Marian.

    Kay Katrina Halili?

    “Siguro, more on ano… mas masaya pa, dahil alam ko noong nagka-baby siya, ang saya niya, e.

    “Siguro, huwag mawala yung happiness niya dun sa anak niya at madagdagan pa yung anak niya.”

    Kay Atty. Felipe Gozon, na big boss ng GMA Network?

    “Fruits! Kailangan ng tao yun para maging stronger pa lalo.”

    Kay Marian Rivera?

    “Pahinga nga! One day lang.

    “Actually, hindi pahinga. Yung tipong ma-relax ko yung sarili ko, makapagpa-facial ako, makapagpa-dentista ako, alam mo yung ganun?

    "Yung tipikal na pampakiyeme lang sa sarili.


    “Kumbaga sa kotse, renovation.”
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    PEP ALERT: Si Ai-Ai delas ang tinutukoy ni Marian Rivera na big star mula sa ABS-CBN na posibleng makasama niya sa pelikula na iko-co-produce nila.


    ang bongga neto! :bounce:

    for sure sakit sa tiyan ang aabutin natin sa katatawa neto :rotflmao: :bounce2:
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Boobay ‏@boobay7
    Bakit ang sweet sweet mo Marian Rivera???? Waaaaaaah!!!!! THANK YOU!!!!!:) maraming salamat sa pagmamahal mo.. :) #touched
  • FeistyMommaFeistyMomma I ♥ SHOES :) PExer
    sorsie wrote: »
    ^ saka iba ang values ng pinoy kasi..
    siguro kung gagawin nila yun gaya ng sa orig na si marcel talaga maglulunod kay angeline at alam nya pang buntis..,baka magkaron ng headline sa 24 oras na "inatake dahil sa panonood ng tow"
    :lol::lol:

    yun nga lang epi kagabi nagsisikip na ang dibdib ko eh..pero parang may pagasa yun gusto ko mangyari sa story na mabuhay baby ni angeline :)

    yup.. gusto ko ring mabuhay baby ni Angeline.. haha.. legal baby yun. at revenge phase continues, with cherry on top in the very end.. ang baby na inaasam asam ni Marcel.. kay Papa Romeo naman, legal pa..
  • FeistyMommaFeistyMomma I ♥ SHOES :) PExer
    PEP ALERT: Si Ai-Ai delas ang tinutukoy ni Marian Rivera na big star mula sa ABS-CBN na posibleng makasama niya sa pelikula na iko-co-produce nila.


    ang bongga neto! :bounce:

    for sure sakit sa tiyan ang aabutin natin sa katatawa neto :rotflmao: :bounce2:

    Hay sa wakas, wala ng guessing game.. :D

    RIOT to *okay*
  • FeistyMommaFeistyMomma I ♥ SHOES :) PExer
    Ang ganda ganda ni Angeline kanina, my gosh.. at syempre, galing galing ni Marian..

    na-traumatized sa hospital dahil sa bruhang Heidi at yung abortionist, akala tuloy nya pati sina Nigel kasabwat..

    galing nag baliw-baliwan moment...

    wait, there's more........... :)
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Team DongYan Christmas Party

    c/o Ate Winnie



    8284478454_46b6bf7ef2_b.jpg

    8283417843_eda550e233_b.jpg

    8283416997_7324277cbc_b.jpg

    8283415451_21107de69d_b.jpg

    8284474002_8927fda4ab_b.jpg

    8283413503_f625692f46_b.jpg

    8283412709_4938d70ae0_b.jpg

    8283411847_3377151774_b.jpg
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Team DongYan Christmas Party

    c/o Ate Winnie



    8284499682_a268071311_b.jpg

    8283438861_36332483aa_b.jpg

    8284497988_8aa1358dbb_b.jpg

    8283437203_c9951729a0_b.jpg

    8284496260_ee445877c5_b.jpg

    8283435285_9134585712_b.jpg

    8283434437_c85ca7cbe6_b.jpg

    8284493588_40da72d770_b.jpg

    8284492446_ce8fab8753_b.jpg
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Team DongYan Christmas Party

    c/o Ate Winnie



    8284547818_481e4119bf_b.jpg

    8284552236_2d3a720eb3_b.jpg

    8283491467_7236c4d156_b.jpg
    para sa kapatid ni Ate Je :D

    8284548766_5e06166bab_b.jpg
    para sa bunsong kapatid ni Ate Je :D

    8284547008_b851817e13_b.jpg

    8283486415_0e1c2cfd2b_b.jpg

    8283485429_2d3b96e2b3_b.jpg

    8283484395_24878369f0_b.jpg
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Team DongYan Christmas Party

    c/o Ate Winnie



    8284595598_05bce2b48a_b.jpg

    8284594796_f1feca931a_b.jpg

    8283534581_943199ff5f_b.jpg

    8283531035_e1f2a85052_b.jpg

    8283530151_33afa2418d_b.jpg

    8284588814_eac3634738_b.jpg

    8284587692_e9485d4b12_b.jpg

    8283526133_b1cb867222_b.jpg

    8283524881_ec94ce085f_b.jpg

    :love:
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Marian Rivera, Ai Ai delas Alas to do movie together

    By Bayani San Diego Jr.
    Philippine Daily Inquirer

    MANILA, Philippines — Marian Rivera will be doing a movie with Ai Ai delas Alas, the actress’ boyfriend Dingdong Dantes revealed in an apparent slip during a recent pocket interview for his MMFF entry “One More Try”.
    Rivera is a contract star of GMA7 while Delas Alas is with ABS-CBN.

    When asked by the Philippine Daily Inquirer who among the Kapamilya actresses he would want to bring to GMA 7 to do a project with, Dantes said: “Eh ‘di ‘yung medyo sure ako na pupunta talaga du’n–si Ms. Ai Ai. Gagawa sila ni Marian ng movie so I will be seeing her there…Ay, ‘di ko pala pwedeng sabihin ‘yun! Sorry, na-excite ako!” (Of course, someone who I’m quite sure will be going there–it’s Ms Ai Ai. She and Marian will be making a movie so I will be seeing her there …Oops, I’m not suppose to say it. Sorry. I was excited.)
  • FeistyMommaFeistyMomma I ♥ SHOES :) PExer
    Ni Joe Barrameda (Pilipino Star Ngayon)

    MANILA, Philippines - “Talagang busisi kami kasi siyempre alam naman natin na may blend na ng pagka-Pinoy na maganda rin siguro na…siguro ’yung iba, nagtataka rin kung bakit ’yung line ng story namin eh hindi sobrang katulad nung Korean version. Siyempre bukod sa ginagawa nating Pinoy, para naman magkaroon ng thrill.

    “Kasi kung susundan natin yung path na same talaga na nangyari na ganitu-ganito, eh wala ng thrill. Wala ng excitement na alam na nila kung ano ang mangyayari. So medyo may twist-twist lang,” kuwento ni Marian Rivera sa mga magaganap sa drama series niya sa GMA 7 na Temptation of Wife.


    Nakatsikahan namin si Marian nung Dec. 17 sa Greenmeadows Village sa Quezon City sa set ng taping ng programa.

    Ano ang pagtataray na gagawin ni Chantal?

    “Hindi ako magtataray eh. Ibang approach ang gusto kong gawin dito. Nag-usap na kami ni Direk (Dominic Zapata), ayoko ’yung mga naghihiganting pataray, iba ang gagawin ko. Lamon! Sa mata lang.”

    Very Nora Aunor?

    “Nora Aunor! Para kasi ’di ba, alam ninyo ’yung mga tipikal na mga mababait tapos umaapi, na ‘Ano, ha?! Akala mo!’ ’Yung ganun,” sabi ng bida.

    “So, parang gusto namin ibang atake naman. Ewan ko kung kaya kong gawin pero ita-try ko. Basta ang ganda ng mangyayari. Ang ganda ng istorya, nabasa ko ’yung script ng week eight and week night, naku!”

    Halos puro positive reviews ang natatanggap ni Marian tungkol sa role niya bilang Angeline sa Temptation of Wife.

    Say niya, “Sabi ko nga eh parang after Amaya ngayon na lang uli yata ako naka*rinig ng mga tao na sobrang adik na adik sa show, sa Temptation of Wife. ’Tapos si Popoy (Caritativo, her manager), kasi ano wala kasi akong Twitter, wala akong Facebook, pero ’yung mga comment sa akin iniipon ni Popoy ’yun tapos sine-send niya sa e-mail ko. Nababasa ko lahat ng comments sa akin. Siguro ngayon na lang uli ako lumalabas ng bahay na tinatawag ako sa karakter ko, na hindi sa pangalan ko, Angeline. Kinikilabutan ako!’”

    Puwede na bang i-share ang New Year’s resolution?

    Sagot ni Marian, “Siguro ang New Year’s resolution ko, itong gagawin kong movie sa iko-co-prod ko na magpo-produce ako eh pagbutihin kong mabuti, at malay mo kapag nag-enjoy ako at ganun pala kasaya ang mag-produce eh malay mo, maging producer ako, ’di ba?”

    Hindi pa ba puwedeng i-reveal kung sino ang malaking artista na magiging co-producer niya?

    “Magkikita kami sa nineteenth, for sure sa nineteenth malalaman ninyo kung sino siya,” sagot niya.

    Fifty-fity ang share?

    Say niya, “Pag-uusapan namin kung kakayanin ko ’yang fifty-fifty na ’yan. Ang laki kasi, parang Tiktik ’yung amount namin eh. Ang laki. Tingnan natin kung kakayanin ko.”

    Kung meron siyang gustong gawin ngayong Pasko para sa sarili niya.

    “Alam mo sa totoo lang, sabi ko nga thankful ako. Thankful ako ang dami kong trabaho, ini-enjoy kong umarte ’tapos iba-ibang tao, iba ’yung movie namin ni Richard (My Lady Boss na movie nila ni Richard Gutierrez), iba itong Temptation of Wife, iba ang ExtraChallenge, iba itong movie na gagawin kong isa pa. Kaya sabi ko, ‘Ay dire-diretso na naman ako. Wala na naman akong tulog. Wala talaga. Ine-enjoy ko pero sabi ko siguro kahit isang araw lang ipa-pamper ko naman’yung sarili ko.

    “Pamasahe, pa-salon, ay ’daaay, lahat ng pagpapaganda at pagre-relax,” saad ni Marian na nakangiti.

    Ano ang naiisip niyang Pamasko, kung siya si Santa Claus, kay Dennis Trillo na leading man niya sa Temptation of Wife bilang si Marcel at “kapatid” niya bilang talent ni Popoy.

    “Siguro bibigyan ko sila ng moment nung anak niya, para makapag-bonding sila.”

    Kay Glaiza de Castro na kasama niya sa Temptation of Wife bilang si Heidi?

    “Kay Glaiza, naku, isa pang stressed ’yan sa buhay sa Temptation of Wife, kaya bakasyon din para sa kanya.”

    Kay Sheena Halili?

    “Ay dinner kaming dalawa. Madaldal kasi kaming dalawa so sa isang dinner marami kaming mapag-uusapan.”

    Tatanungin ba niya si Sheena kung bakit hiwalay na umano ito kay Rocco Nacino? Bilang kaibigan ni Sheena, alam ba ni Marian ang rason?

    “Mahirap sa akin manggaling. Sa kanya na lang.”

    Kay Katrina Halili?

    “Siguro more on ano, mas masaya pa, dahil alam ko nung nagka-baby siya ang saya niya eh. Siguro huwag mawala ’yung happiness niya dun sa anak niya at madagdagan pa ’yung anak niya.”

    Kay Atty. Felipe Gozon na big boss ng GMA?

    “Fruits! Kailangan ng tao ’yun para maging stronger pa lalo.”


    http://philstar.com/psn-showbiz/2012/12/19/887706/marian-kinikilabutan-hindi-na-tinatawag-ng-fans-sa-pangalan

    Like I was saying last night.... :lol: maiba ng konti, para may thrill. Hindi expected, pero andun pa rin ang essence ng story :D
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Grabe katindi lang nung "asan ang baby ko" scene
    panalo acting ni Marian dun :handsdown:
    tagos kung tagos!....:handsdown:

    nak ng!...:director: kung di pa naman talaga maging BEST ACTRESS yan! naku.....
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Marian makikipag-meeting sa big star ng ABS-CBN para sa pagsososyohang pelikula

    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon)

    Ngayong araw ang meeting ni Marian Rivera sa big star ng ABS-CBN na makakasasosyo niya sa isang pelikula na sila rin ang co-producers. Mabuti at walang taping ng Temptation of Wife ang aktres, makakapag-concentrate siya sa pag-uusapan nila ng kaibigang magiging co-star at co-producer.

    Excited si Marian sa pagiging co-producer at iniisip na kung magkanong pera ang kanyang ilalabas. Ang alam niya, big project ang pagsasamahan nilang movie ng Kapamilya talent, baka mala-Tiktik: The Aswang Chronicles ang scope, kaya malaking pera ang kailangan.

    Kaya hindi muna bibilhin ang van na bigger sa gamit niya ngayon na reward for herself at magiging mas comfortable siya baka after ng meeting ng magiging co-producer niya at co-star siya mag-decide kung bibilhin ang van.

    Ang alam namin, may director na sa gagawing movie nina Marian at Kapamilya talent at ang clue lang na maibibigay namin ay babae siya at riot ’pag natuloy ang movie nilang dalawa. Dapat this December na sila magsisimulang mag-shooting at early next year ang playdate.

    Samantala, tuwang-tuwa si Marian sa big impact ng show sa viewers. Nakakarating sa kanya ang comments ng fans, gaya ng ***** siya at sobrang martir. Iniipon ni Popoy Caritativo ang comments at ini-e-mail sa kanya at ang reaction ng aktres sa mga nagsasabing “*****” siya, hintayin ’pag naging Chantal na siya at reresbak siya ng husto.

    Total overhaul ang gagawin sa kanya from makeup, damit, kilos, at pana*nalita at kasama si Yolanda (Ayen Laurel) sa magtuturo sa kanya. Excited na si Marian sa magiging reaction ng viewers sa bago niyang karakter.
  • LorenaE0212LorenaE0212 "∞" DY "∞" PExer
    Marian Rivera babaguhin na ang hitsura pati pananamit

    SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa)

    Ang *****-***** raw ni Angeline sa Temptation of Wife, na inaapi-api na ni Marcel at ng kanyang pamilya, ay ayaw pa ring lumaban, kaya ang mga televiewer, sumasakit na ang ulo sa inis. Tanong nila, kailan ba lalaban si Angeline?

    “Ay, malapit na, huwag silang mag-alala. Itini-taping na namin ngayon ang bago kong character na Chantal na pagagandahin mismo ni Lady Yolanda (Ayen Laurel). Yes, si Ayen ang magtuturo sa akin kung paano pagagandahin ang bagong Chantal. Kumuha rin ang production ng sylist ko, si J.P. Dizon, ang makeup artist ko iyon,” sagot ni Marian Rivera nang dalawin ng ilang showbiz press ang set nila ng No. 1 primetime show sa GMA 7pa rin pero ilalayo na sa makeup ni Angeline.

    “At si Chantal, kung ano ang pag-seduce ni Heidi (Glaiza de Castro) kay Marcel (Dennis Trillo), ganoon din ang gagawin niya. Pero hindi ako maghihiganti na mataray ang dating, bagong atake ang pinag-usapan namin ni Direk Dominic Zapata, mata lang ang gagamitin ko, iyong sa tingin ko lamang mababasa na ang ibig kong sabihin. Ewan kung kaya ko pero ita-try ko.”

    Nagpasalamat si Marian sa fans at televiewers sa halos lahat na positive reviews sa pagganap niya sa role ni Angeline. Wala man siyang Twitter at Facebook accounts, iniipon ito ng manager niya, si Popoy Caritativo, at ini-email sa kanya kaya nababasa niya pa rin ang comments sa kanya. Happy rin siya na after Amaya, ngayon lamang muli na may tumatawag sa kanya hindi ng kanyang pangalan kundi Angeline na.

    Kinikilabutan siya kapag iyon ang tawag sa kanya kaya naman lalo niyang pagbubutihin ang pag-arte, lalo ngayon na nabasa na niya ang script for weeks eight and nine lalong gumanda ang story. Pero may nagrereklamo na bakit hindi kamukha ng original Koreanovela ang napapanood nila?

    “Nakarating nga sa amin iyon pero nag-decide silang gawin naman itong may Pinoy twist para may thrill kasi kung susundan iyong original, alam na ninyo ang mangyayari, kaya wala lang thrill. Wala nang excitement. Basta we promise you na mas pagagandahin namin ang Temptation of Wife,” sagot niya.


    Wala na namang pahinga si Marian dahil tatlong projects ang ginagawa niya, ang Extra Challenge at nagsimula na silang mag-shooting ni Richard Gutierrez ng Valentine movie nila, ang My Lady Boss. Pero wala siyang reklamo.

    “December 24 and 25 lamang ako libre dahil December 23 and December 26, may shooting pa rin kami ni Richard. Iyong ibang araw, taping ng Temptation of Wife at Extra Challenge. Kaya sa Christmas Eve, naroon ako kina Dong (Dingdong Dantes) at Christmas Day, sa amin naman sa Cavite si Dong. Tuloy pa rin ang pagbibigay ko ng Pamasko sa mga kapitbahay namin at sasalubungin ang more than 85 na mga inaanak,” sabi niya.
This discussion has been closed.