Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities

MaMA muling nkita on screen

Hindi mailarawan ang naramdaman ng mga fans na nagmamahal kay Ms. Dawn Zulueta matapos siyang mapanood at makitang muli on screen sa tatlong magkakasunod na shows sa ABS-CBN noong Linggo, November 25.

Nag-guest siya sa SarahGLive at ipinakita and 'di matatawarang galing sa pagkanta. Talaga namang pang-performance level ang dating at nkipagsabayan pa siya sa PopStar matapos nilang kantahin ang "Rehab". Sa usaping kagandahan naman, hindi rin maikakaila na na-starstruck ang PopStar sa aura ni Mother Penguin. Lahat halos ay napanganga nang umentrada si Mama na ready to flaunt naman ang legs.! bonGGa! ;)

Ipinakita rin sa GGV ang kadyosahan ni Mama nang ipalabas ang mga unkabogable na eksena sa show na ito. Muling ipinasilip ang pagsayaw niya ng Super Bass ng walang kaarte-arte. GasSShhh.. Super unexpected.:lol:

At syempre, napanood din siya sa telecast ng PMPC Star Awards for TV. Kinanta niya ang "Because You Loved Me" bilang pagpupugay sa espesyal na tao sa buhay niya bilang artista, si Kuya Germs.

Sulit na sulit ang pagpupuyat ng mga La Zulueta, DawnLovers and CharDawn Penguins!! :rotflmao: Fiestang-fiesta lang ang peg!! At ang resulta, nag-trend na naman si Mama sa twitter, bagging the second slot.

Ikaw na talaga madir! Ang nag-iisang....Ms. Dawn Zulueta.
Sign In or Register to comment.