Home PEx Relationships Love - Principles, Practices & Preferences

Ibigay niyo ba password ng facebook o twitter sa bf/gf/asawa/m.u niyo?

May mga ilan kasi akong kakilala na pinapagalaw yung fb at twitter sa mga syota nila. Parang sobrang intrusion o pakekealam naman yata yun sa buhay ng bf/gf nila. Magtira naman kayo ng kaunting privacy teh!

Kung sakaling magkabf/gf ako di ko gagawin to, may mga bagay na dapat ikaw lang din nakakaalam.

Kayo ba ginagawa niyo to?

:drive:

Shed some light
«134

Comments

  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nope. Hindi ko gagawin. Matuto siyang magtiwala.
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    eh 'di nalaman kung ilan ang koolasisi mo. wak mo ibigay. :lol:
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ito isa sa malaking kalokohang naimbento ng tao eh.:lol:
    Privacy ko yun, nungka kong ibibigay.

    Bihira ka makabalita na naghiwalay dahil hindi ibinigay ang password. PERO, marami na naghiwalay at nagpatayan dahil ibinigay ang password.
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ibibigay mo lang ang password pag extreme na condition.. like 'di mo afford na mawala yung babae tapos nahuli ka na minsan.. so surrender na lang password para makita + monitor niyan na nagbagong buhay ka na. :flyangel:

    then gawa ka na lang ulit ng bago. :rolldvl:

    :rotflmao:
  • e kami ng fiancee ko alam yung password ng isa't isa, wala namang problema dahil wala namang dapat itago. wala din namang kinalaman sa trust issue dahil kusa naman kaming nagbigayan ng password. e kung di nyo trip e nasasa inyo yun pero wala din namang masama kung ibigay ng magsyota o magasawa password ng isa't isa.
  • pushpoppushpop PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kung hindi naman kelangan, bakit ko ibibigay? :hmm:

    except na lang siguro kung tipong wala ako internet access tapos may impt info ako na kelangan makuha sa email/FB ko, yun siguro. Pero papalitan ko din password kapag nakapag online na ako
  • popskypopsky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    weird_tuta wrote: »
    e kami ng fiancee ko alam yung password ng isa't isa, wala namang problema dahil wala namang dapat itago. wala din namang kinalaman sa trust issue dahil kusa naman kaming nagbigayan ng password. e kung di nyo trip e nasasa inyo yun pero wala din namang masama kung ibigay ng magsyota o magasawa password ng isa't isa.

    eh ano purpose ng bigayan ng password?
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hirap kaya magisip ng bagong password :lol:
  • popsky wrote: »
    eh ano purpose ng bigayan ng password?

    wala lang, nakiki open lang paminsan minsan, not necessarily naman para mag spy o manghuli. minsan pag naguusap kami online at may topic kami about conversation ng friend nya o kaya picture na gusto naming i share sa isa't isa at tinatamad kami mag-copy paste, sasabihin na lang namin, "buksan mo account ko tingnan mo sa inbox." ... ganun lang ka simple. no big deal samin. parang given na sa amin na we share what we have. it's a mutual decision.
  • uzumaki_narutouzumaki_naruto PEx Influencer ⭐⭐⭐
    weird_tuta wrote: »
    tinatamad kami mag-copy paste, sasabihin na lang namin, "buksan mo account ko tingnan mo sa inbox." ... ganun lang ka simple. no big deal samin. parang given na sa amin na we share what we have. it's a mutual decision.

    ok naman at least it works for you.. :) though, mas madali at mas mabilis para sa akin ang i-copy-paste kesa i-login ang account ng iba.. marami-raming clicks yun.. logout or launch a different browser... login... type login credentials.. go to messages.. scroll down conversation list or search for a picture.. etc.. :D sabagay.. kumbaga, imbes na ikaw ang magcopy-paste, nasa kausap mo yung effort kasi siya mag-login ng account mo.. :D
  • fiance ko alam ko password. yun sakin di niya alam pero kung gusto niyang kalikutin usisain ok lang din

    ang sakin lang ang relasyon parang isang business yan. bakit ka makikipag business partner sa isang taong may tinatagong transaksyon sayo? hindi ba't kelangan sa business, to keep the business afloat, going, and successful, kelangan ng transparency at accountability?

    "business" din ang relasyon. unfortunately, most people fail to see it that way.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^

    Kaya pala yung iba, nagmamadaling maghabol ng ROI. Pag nakuha na at tumubo na ng onti sabay hanap ng bagong business partner. :glee:
  • no problem samin ng husband ko. eversince knows namin password ng isat isa. wala naman kasi tinatago eh.

    kahit bank account ko online itinuturo ko sa kanya how to utilize it in paying bills siya lang ayaw matuto.

    respect and trust lang.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dati nung hina-hack ko pa ang mga passwords ng ex ko, alam ko lahat ng ginagamit niya. Kasi nakuha ko yung pattern niya sa paggawa ng password. Grabe sobrang eureka moment nung nakuha ko yung style nya ng paggawa ng password. Hanggang sa yun, ako ang nasaktan sa mga nabasa ko sa YM nya. Hehehe. :)
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sa mga nag sshare ng mga password account and kung ano pang sh1t wait until mag away/hiwalay kayo and post kyo ulit dito :lol:
  • hahaha.password issues depends on people involve.Ako wala akong prob with my hubby knowing my password,pero sya may issues sya dun..Tama si adipose. Relationship is like a business as well as business seems to be a relationship. Lahat ng important factor ng bawat isa is present,pero it just really boils to the people involve. So kung cool sayo yun,then share,if di ok,then express your reason why.
  • Vit@min_C[email protected]_C PEx Influencer ⭐⭐⭐
    password dito sa pinoyexchange?hindi mo kukunin? :lol:
  • basta alam mo password sa email, at alam mong wala na syang ibang email,madali nang makuha password kahit anu pang website sya magregister.ang mahirap kapag daming dummy email/accounts yun partner mo
  • Naka sulat sa isang maliit na notebook lahat ng passwords ko, at mga accounts online, my husband knows the location of that notebook, so I think he knows, okay lang, he knows me well, nothing to be scared of.

    May times din na kapag siya gumagamit ng laptop, natatamad akong mag check, binibigay ko sa kanya yung mga password ng yahoo ko or facebook, tapos siya mag checheck for me, secretary ko lang :lol:

    Ginagamit din niya ang account na "jazzmine22" minsan dito sa Pex, pag tinatamad siyang i logout pa, at mag login using his username.

    As for his accounts and passwords, I know all of them too, paanong hindi ko malalaman, eh ako ang creator, siya lang taga gamit :glee:
  • May mga ilan kasi akong kakilala na pinapagalaw yung fb at twitter sa mga syota nila. Parang sobrang intrusion o pakekealam naman yata yun sa buhay ng bf/gf nila. Magtira naman kayo ng kaunting privacy teh!

    Kung sakaling magkabf/gf ako di ko gagawin to, may mga bagay na dapat ikaw lang din nakakaalam.

    Kayo ba ginagawa niyo to?

    :drive:

    Shed some light


    I agree, iba kung GF/BF mo pa lang, ni hindi mo pa nga alam kung psycho yan, LOL, nung single pa ako, wala din akong pinagbibigyan ng passwords ko, yung iba, tatanungin, kung wala daw ako tinatago, ibigay ko daw, isa lang sinasagot ko "saka na pag mrs. mo na ako.". :glee:

    Magkaiba ang privacy ng mag nobyo pa lang, sa mag asawa IMO.
Sign In or Register to comment.