Angelica Panganiban cries foul over 'no show' issue in ABS-CBN station ID shoot

Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
523788_446254552083159_1613482345_n.jpg

Angelica Panganiban cries foul over 'no show' issue

MANILA, Philippines - Actress Angelica Panganiban cried foul over a tabloid report saying she did not show up for the taping of ABS-CBN's Christmas station ID last week.

In her Twitter account, Panganiban said the taping was not on her schedule last Thursday as she was supposed to be shooting for a movie. However, the film shoot did not push through and only then was she invited to the shoot for the station ID.

"Lilinawin ko lang po na wala po sa schedule ko ang shooting ng station ID. May isang araw po nung Thursday na hindi natuloy ang shooting ng movie namin kaya nakiusap sila na mag-station ID ako. Pero nagsabi po ako na baka pwedeng magpahinga na lang ako dahil puyat din naman ako galing ng taping," she said.

Panganiban said it is unfair that she is being blamed for what happened.

"Unang una po wala ako sa sched nila. Pangalawa, wala pong hindi pagsipot na nangyari dahil biglaan lang nila naisipan na isama ako. Hindi lang po maganda na i-blame sa artista ang hindi nila naayos na schedule," Panganiban said.

Currently, Panganiban is taping for her upcoming series "Apoy sa Dagat" with Piolo Pascual, as well as doing two movies -- the Star Magic 20th anniversary film "24/7 In Love," and the Metro Manila Film Festival entry "One More Try" with Dingdong Dantes, Angel Locsin and Zanjoe Marudo.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/10/17/12/angelica-cries-foul-over-no-show-issue

Comments

  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    UPDATED) Angelica Panganiban explains absence from ABS-CBN station ID shoot

    Ito ang paliwanag ni Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account sa isyung hindi raw niya sinipot ang station ID shoot ng ABS-CBN noong nakaraang linggo: “[W]ala pong hindi pag sipot na nangyari dahil biglaan lang nila naisipan na isama ako. Hindi lang po maganda na i-blame sa artista ang hindi nila naayos na schedule.”

    5046_439392476102700_1033872953_n.jpg

    Angelica Panganiban

    Itinanggi ni Angelica Panganiban ang balitang nagbigay sila ng sakit ng ulo sa production staff ng ginagawang station ID ng ABS-CBN.

    Ayon sa news item na lumabas sa Balita ngayong Lunes, October 15, naging sakit daw ng ulo si Angelica at ang napapabalitang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz dahil dalawang beses daw silang hindi dumating sa magkahiwalay na shoot para sa susunod na Kapamilya station ID.


    Pero sa pamamagitan ng kanyang personal account sa Twitter, ipinaliwanag ni Angelica kung bakit hindi siya nakapunta sa naturang shoot.

    Kaninang umaga, nai-post ni Angelica ang mga sumusunod na tweets:

    “May nabasa lang ako na article about the station ID shoot from tito ador. Lilinawin ko lang po na wala po sa schedule ko ang shooting ng station ID.

    "May isang araw po nung thursday na hindi natuloy ang shooting ng movie namin kaya nakiusap sila na mag station ID ako. Pero nagsabi po ako na baka pwedeng magpahinga na lang ako dahil puyat din naman ako galing ng taping.

    "Unang una po wala ako sa sched nila... pangalawa, wala pong hindi pag sipot na nangyari dahil biglaan lang nila naisipan na isama ako.

    "Hindi lang po maganda na i-blame sa artista ang hindi nila naayos na schedule. Yun lang po tito ador. Salamat and see you :)”

    Ang tinutukoy ni Angelica na pelikula ay ang 24/7 in Love na 20th annivesary movie offering ng Star Magic.

    ABS-CBN STATEMENT. Kaugnay ng isyung ito ay nagpadala ng official statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Creative Communications Division ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng head nitong si Robert Labayen.

    Sinang-ayunan nila ang sinabi ni Angelica na wala itong schedule kaya hindi totoong "hindi sumipot" ang aktres.

    Narito ang kabuuang statament ng ABS-CBN:

    "Kaming mga nagpo-produce ng ABS-CBN Christmas station ID walang isyu kay Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. Sa pagkakalam ko, hindi totoong "hindi sumisipot" si Angelica.

    "Wala po talaga siyang schedule ng SID shoot dahil sobrang puno ang kaniyang calendar. And we understand. Sa mga nakaraan naming shoots, Angelica and John Lloyd have always been cooperative and nice to work with.
    "Bilang matagal na kaming nagpo-produce ng SID, alam na naming madalas ang conflict ng schedules kaya hindi namin minamasama kung hindi available ang ibang artista."

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file