GMA7 KAPUSO PEXLOUNGE: Yesterday's Temptation Dares Butterflies To Fly Skies Forever

ex deo scientiaex deo scientia No one else but you PEx Veteran ⭐⭐
This is now the official thread. :)
«134567252

Comments

  • thelonius92thelonius92 Beat Energy Gap PEx Influencer ⭐⭐⭐
    GMA KAPUSO PEXLOUNGE: Challenging Temptations Make Butterflies Soar the Skies Forever

    thread title courtesy of ex deo scientia
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ayan, sa wakas may new thread na... *okay*
  • ex deo scientiaex deo scientia No one else but you PEx Veteran ⭐⭐
    Nagkamali ako ng merge ng thread. :lol:

    Akala ko ang nai-merge kong thread ay yung sa akin kay thelonius92.

    Yung sa kanya pala ang nai-merge ko.

    Sorry naman, thelonius92. :(
  • ex deo scientiaex deo scientia No one else but you PEx Veteran ⭐⭐
    Telebabad2_zps3a4bd5fa.gif
  • techjunkie88techjunkie88 Member PExer
    No suitors for perky star until sibling graduates

    Philippine Daily Inquirer
    October 16, 2012 | 9:36 pm
    Share on facebook_like
    Share



    1

    Perky star can’t entertain suitors because of family responsibilities. PS shuns love in order to focus on her career.

    A lot of people rely on PS, including a sibling who is studying… abroad! Fortunately, this one is graduating soon. Unfortunately, this studious sibling wants to take up a master’s course. Does this mean that PS will be loveless for two more years at least?

    On the bright side, maybe PS should be grateful that the considerate sibling didn’t take up medicine or law. Then again, there’s still such a thing as a doctorate degree.

    Reunited

    The grapevine says Gorgeous Star is involved with hot and hunky Foreign Cutie.

    But there’s talk that GS wants to reunite with Former Beau, scion of a rich family.

    Well, GS and FB were the perfect couple when they were together. Perhaps returning to familiar ground is just what GS needs right now—especially since she’s in transit on both the professional and personal fronts.

    Crossing over

    Another Talented Filipino has been invited to guest on this popular US TV show.

    TF’s travel papers are ready, a source says. And we predict TF will soon cross over to worldwide fame—like other gifted Filipino artists who performed on the same program?

    At least, TF was formally invited, unlike Pretty Pinay, who virtually “gate-crashed” the show and milked the publicity for all it’s worth. --- hindi naman ata si julie ann ito?



    Down and out

    Cute Hunk had big plans. To his credit, CH was fearless and pursued his dream, though it meant vanishing from the local scene for a while.

    That was a costly mistake. CH’s savings account depleted, and the pursuit led him nowhere.

    CH is back to square one and trying to jump-start his career by taking on a serious project.

    Sadly, a mole said CH can’t seem to rise to the challenge. He is said to have taken over a dozen takes to pull off a tricky dramatic scene.

    Reality bites back

    Pundits predict that Cute Newcomer could top this network’s reality talent search.

    Even fellow aspirants have accepted the inevitability of CN’s victory. But an insider doesn’t think CN should win because “he’s arrogant.”

    During an interview, CN was a trifle too cocky, the insider related. “He said that coming from a show biz clan helped a lot. Nothing could be farther from the truth.”

    CN’s only “connection” to the biz is a relative who has been chastised by critics for being inept. That’s nothing to brag about.



    Top of the Talk Shows

    For those who missed last weekend’s TV gabfests (And why we are moved, if we are moved):

    Marc Abaya on the passing of his mom, critically acclaimed director Marilou Diaz-Abaya: “She was at peace… ’yon ang mahalaga.” (Truer words there are but a few.)

    Marc on his mom’s legacy: “Lahat ng pelikula niya, may sinasabi. More than a filmmaker, she considered herself a teacher.” (May all other directors follow that path.)

    Rhian Ramos, asked if she’s ready to do more daring roles: “Handa ako na mas daring, as long as nakikita sa character na may dahilan.” (Shouldn’t that always be the case?)

    Maxene Magalona on rumored suitor Renz Fernandez: “Maraming reasons kung ba’t kami naging close, so best friend.” (Would your dads approve of this… friendship?)

    Lorna Tolentino on her son Renz’s brewing romance with Maxene: “Siguro in time aamin na rin ’yan! Ha-ha-ha!” (Buti pa si LT, straight shooter.)

    Dingdong Dantes, asked if rumors linking him to Isabelle Daza affected his relationship with Marian Rivera: “It’s not an issue, it’s not true. We always assure one another na andito kami para sa isa’t-isa.” (Is a project brewing in there?)

    Marian on what she loves about Dingdong: “Ang maganda kay Dong, kahit busy, humahanap talaga siya ng time. Gagawa at gagawa talaga ’yan ng paraan para makita ko… That’s love!” (And that’s how some guys cover their tracks. We’re just saying…)

    Joey de Leon teasing “Startalk” cohost Lolit Solis during his birthday celebration: “Kung meron akong gustong i-lips-to-lips ngayong birthday ko, ikaw ’yon! Dampi lang! … Siya pa maarte, itong matandang ’to!” (Now that is funny.) :rotflmao:

    Lolit on Joey’s request: “Ayoko! Dalagang Pilipina ako!” (And here we plead the Fifth.)

    Rufa Mae Quinto, asked if she and Boy2 Quizon really had a romantic relationship: “Friends-friends pero ’di na nag-push. Parang MU lang. Yes, kiyeme-kiyeme!” (Semantics.)


    Robin Padilla on including his daughter Kylie Padilla’s suitor Aljur Abrenica in the movie, “Kuratong Baleleng”: “Para iparamdam ko sa kanya (Aljur) na ako’y hindi mo problema. Magiging problema mo lang ako kapag pinroblema ka ni Kylie.” (Good job, Binoe. You can keep an eye on him, too.)

    Andi Eigenmann, asked if she’s OK with Albie Casiño attending the birthday party of her daughter, Ellie: “Di na naman talaga sila kasali; ayaw naman nila… pero if ever na gusto nila, I’m open to that because he’s still Ellie’s daddy.” (Has he acknowledged his part in that?)

    Jake Cuenca on his rumored romance with Lovi Poe: “Di pa kami, baka malayo pa.” (Baka lang naman.)

    Aiko Melendez on her spat with ex-boyfriend Patrick Meneses and his current girlfriend, Ara Mina: “Tama na, kasi may mga anak ako, eh. Alam niyo ’yong… feeling mo pinagtutulungan ka nang wala ka namang ginagawang atraso… Kung puwede tayong magbati-bati na, tama na, bati na… It doesn’t make us better persons; pareho kaming talo.” (Gotcha.)


    PIOLO Pascual: The measure of a man


    Piolo Pascual responding to an online basher: “Pinatulan ko, sabi ko, ‘Huwag siyang epal… halika dito suntukan tayo! Magpakita ka sa ’kin, magsukatan tayo ng pagkalalaki.’” (Ah, the true measure of a man.) :rotflmao:

    Gerald Anderson on rumors that he’s courting Shaina Magdayao: “Ha-ha-ha! Maganda si Shaina, pero walang katotohanan ’yun.” (His heart goes to flood victims.)

    (Startalk, The Buzz, with Allan Policarpio, Contributor)
  • ex deo scientiaex deo scientia No one else but you PEx Veteran ⭐⭐
    shimmer23 wrote: »
    para ito sa GMA, nabasa ko sa isang review ng TIKTIK!


    Lovi acting talent also shone in the film. Admittedly, I am not a fan of the beautiful actress simply because I have not seen any of her previous movies. But after watching her on “Tiktik” I could say she’s one priced jewel GMA Network should not let go of.


    GMA! please take note!

    Aba, tama ang comment na 'to! *okay*
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    shimmer23 wrote: »
    para ito sa GMA, nabasa ko sa isang review ng TIKTIK!


    Lovi acting talent also shone in the film. Admittedly, I am not a fan of the beautiful actress simply because I have not seen any of her previous movies. But after watching her on “Tiktik” I could say she’s one priced jewel GMA Network should not let go of.


    GMA! please take note!

    dpat lang na ipaglaban nila si Lovi. taasan ang tf kung maaari. susme, ewan ko na lang pag pinakawalan siya ng GMA. pero for sure hindi naman siguro .
  • ex deo scientiaex deo scientia No one else but you PEx Veteran ⭐⭐
    Sa October 29, 2012, dalawang malalaking event ang mangyayari sa GMA.

    The pilot telecast of GMA's biggest Afternoon Prime 2012 offering, Yesterday's Bride

    and

    The pilot telecast of GMA's biggest Telebabad 2012 offering, Temptation of Wife

    :bounce: :bounce: :bounce:
  • mrlovable77mrlovable77 Member PEx Veteran ⭐⭐
    Paapak sa bagong thread, namiss kong magpost ah. Tagal na din akong di nakakapagpost. Nung nawala kasi ang tweets 4 my sweets, nawalang na ako ng gana magpost. Di bale padating na ang TOW at EC, siguradong mapapadalas na akong magpost at magbilang ng ads. Hindi naman ako gaanong tagahanga ni MARIAN, hehehe. Sana pag-uwi ko sa pinas makita ko sya.
  • techjunkie88techjunkie88 Member PExer
    Ayaw makipag-cooperate sa kanyang pelikula Anne pumiyok, tinabla ng ABS-CBN!

    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated October 17, 2012 12:00 AM Comments (0)




    PIK: Truth @ 17 ang tema sa 17th anniversary ng Startalk na itinuturing na longgest-running showbiz-oriented talk show.

    Sa darating na Sabado ay ipagdiriwang ng GMA 7 ang 17th anniversary ng Startalk at mas eksplosibo at mainit na kuwentong showbiz ang ilalahad nito na mas kinalkal ang katotohanan sa likod nito.

    Isa sa live guest ay si Lorna Tolentino na kung saan ay bibigyan siya ng mainit na pag-welcome bilang nagbabalik na Kapuso artist.

    PAK: Nagkaroon ng reunion sa Protege: The Battle for the Big Artista Break na kung saan bumalik ang lahat na mga proteges para samahan ang anim na finalists. Pero merong isang hindi nakarating na nabalitaan naming buntis na ito. Apat na buwan na raw ang ipinagbubuntis nito na ang ibig sabihin buntis na siya nung sumali sa Protege.

    Ngayon lang napagtanto ng mga staff na kaya pala gustung-gusto na niyang lumabas nun ng protege quarters dahil sa dinadala niyang lihim.
    --- Sino kaya itong ex-Protege na preggy?

    Anyway, sa Linggo na ang finals at medyo nakalilito pa kung sino talaga ang mananalo dahil sa mga judges mukhang liyamado sina Jeric Gonzales at Elle Ramirez.

    BOOM: Inamin ni Anne Curtis na hindi nakipag-cooperate sa kanya ang ABS-CBN 2 sa promo ng pelikula niyang A Secret Affair dahil sa leading man niyang si Derek Ramsay.

    Bukod kay Anne, kasali rin si Andi Eigenmann pero hindi pala sila puwedeng mag-promote sa kanilang istasyon.



    Sabi pa ni Anne, kung sakaling babanggitin daw niya ito sa It’s Showtime, okay lang pero hindi puwedeng banggitin ang pangalan ni Derek na leading man niya sa pelikulang ito.

    Wala naman daw siyang magagawa kundi sundin ito at respetuhin ang desisyon ng kanyang network.

    “I have to respect that dahil nagtatrabaho naman po ako dun. So, ayoko na lang mag-isip ng mga negative ‘di ba? Think positive na lang,” bahagi ng pahayag ni Anne.

    Ganundin ang pananaw ni Derek tungkol diyan. Wala naman daw silang magagawa kundi respetuhin ito at gumawa ng paraang makapag-promote sa ibang istasyon.

    Puwede kaya silang mag-promote sa GMA 7 kahit walang Kapuso artist sa naturang pelikula?

    Sa October 24 na ang showing nito.
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Pil. Star Ngayon, Oct. 17, 2012

    Direk Gina tuluyan nang minana ang Luna Blanca
    ni Nitz Miralles

    Si Gina Alajar ang nagdidirek ng Luna Blanca habang dinidrehe ni Dominic Zapata ng Temptation of Wife. Alam ng director na nagtatampo na ang cast ng Luna Blanca, pero kailangang focus muna siya sa TOW dahil sa October 29 na ang pilot.

    Mukhang malabong matupad ang wish ni Direk Dom na mabalikan niya ang Luna Blanca sa last three taping days nito.

    Samantala, 16 weeks tatakbo ang Temptation of Wife. Pinalitan ni Bettina Carlos si Candy Pangilinan sa role ni Madel at inalis ang role ni Pinky na gagampanan sana ni Julie Anne San Jose dahil focus daw muna ito sa studies niya.

    Marian lumayas sa taping para panoorin si Dingdong


    Hindi binigo ni Marian Rivera si Dingdong Dantes at ang fans nilang disappointed dahil nabalitang hindi makakarating ang aktres sa dalawang premiere night ng movie dahil ratsada sa taping ng Temptation of Wife. Last Monday, ginulat ng aktres ang nobyo dahil dumating siya sa SM Megamall at nanood ng movie.

    Nagpaalam si Marian kay direk Dominic Zapata sa taping ng Temptation of Wife na sasaglit sa SM Megamall at pinayagan naman. Pero sa celebrity premiere kahapon, hindi na pumuwede si Marian dahil tuluy-tuloy na ang taping nila.

    Sa October 29, ang pilot ng Temptation of Wife, mauunang eere ang Extra Challenge na hosts sina Marian at Richard Gutierrez with Boobay sa Oct. 27 at 28.

    Samantala, marami kaming tawa at sigaw sa takot sa Tiktik: The Aswang Chronicles at sa eksenang may kumakain ng lamang-loob, tinakpan namin ang aming mga mata. Sa lobby pa lang ng Cinema 9 ng SM Megamall, may nagtitinda ng lamang-loob, ‘kaloka!

    Worth P80 million ang movie dahil OBB pa lang, bumilib na kami at pasok na agad ang animations, CGI at Dolby sound. Bumagay sa opening scene ang kantang Laki sa Layaw at pati ‘yung kinanta ng Wolfgang Band na ‘di namin batid ang title.

    Mahusay ang cast pati ‘yung mga aswang at hindi lang sina Dingdong Dantes at Lovi Poe ang may chemistry, pati sina Joey Marquez at Janice de Belen. Kaya lang, mag-i-expect na kami na gagamit ng green screen technology ang mga susunod na pelikula. Paano ba ‘yan? Bukas na ang showing nito, sa direction ni Erik Matti!
  • techjunkie88techjunkie88 Member PExer
    Dingdong, pang-award ang acting sa 'Tiktik'


    Ni JOJO GABINETE


    Blockbuster ang red carpet premiere ng Tiktik: The Aswang Chronicles sa SM Megamall Cinema noong Lunes.

    Hindi kami nabagot sa panonood dahil highly-entertaining at mabilis ang pacing ng bagong project ng direktor na si Erik Matti kaya hindi namalayan ng mga nanonood na halos dalawang oras ang running time ng pelikula.

    Kung marami ang bumilib at nagandahan sa trailer ng Tiktik na magbubukas ngayon sa mga sinehan, mas magugustuhan nila ang kabuuan ng fantasy horror adventure comedy film na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

    Malaki ang tsansa ni Dingdong na maging nominado at manalo ng best actor trophy sa susunod na taon dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Tiktik. Bagay na bagay sa kanya ang maa*ngas na karakter ni Makoy na lumaban sa napakaraming aswang sa ba*yan na pinuntahan niya.

    Kung isinali sa 2012 Metro Manila Film Festival ang Tiktik, may posibilidad na humakot ito ng awards at makipag-compete sa number one slot.

    ***

    Seventy million pesos ang budget ng Tiktik: The Aswang Chronicles at 18-months na binuo ang ambitious pro*ject. Makikita sa quality ng pelikula na totoo at hindi press release na gumastos ng milyon-mil*yong piso ang mga film producer.

    May duda kami na may mga na-edit na eksena dahil wala sa final cut ang isang eksena na ipinakita sa trailer ng Tiktik. May mga dialogue sina Dingdong at Joey Marquez na maselan pero pinalu*sot ng MTRCB dahil normal sa mga Pilipino ang magbitaw ng mga ganoong salita.

    Mahusay rin ang pagganap nina Joey, Ramon Bautista at Ja*nice de Belen na effective bilang maligalig na nanay ni Lovi Poe.

    Tangkilikin sana ng mga kababayan natin ang Tiktik: The Aswang Chronicles dahil panahon na para matuto sila na manood ng mga Filipino film na matino at may katuturan.
  • techjunkie88techjunkie88 Member PExer
    GLAIZA, nanginig ang 'laman' sa love scene kay DENNIS!

    (ROSE GARCIA)



    Ang Temp*tation of Wife na bagong primetime series na mapapanood sa GMA-7 at adaptation ng Korean series ang maituturing na ni Glaiza de Castro na pinaka-daring o seksi na gagawin niya.

    Nakunan na raw ng isang beses ang love scene nila ni Dennis Trillo at natatawang sagot ni Glaiza nang tanungin namin ito kung kumusta naman, "nginig!"

    Nanginginig daw siya sa love scene nila na 'yun ni Dennis.

    "Eh, nginig talaga kasi, kinaabahan pa ko. Tapos hindi naman namin napag-usapan masyado ni Dennis ang gagawin naming atake. Pero okay naman yata, tanungin n'yo si Direk. Ha! Ha! Ha!"

    Si Direk Dominic Zapata ang director ng Temptation of Wife. Natawa naman si Glaiza nang hiritan namin na posibleng mahirap talaga sa kanya ang mga love scenes at bed scenes lalo na at virgin pa siya 'no!

    "Actually, 'yun nga ang challenge ng role kasi, you're portra*ying something na hindi ikaw or hindi mo nagagawa in real life."

    Na-link sina Glaiza at Felix Roco pero ayon kay Glaiza, sa ngayon, single raw talaga siya at siguro raw, hindi pa niya masasabi na nagkaroon na nga siya ng relasyon na sobrang committed na nga siyang talaga.

    Isa si Glaiza sa maituturing na magaling na young actress ng Kapuso network pero pagkatapos ng Biritera, may apat na buwan din daw siyang natengga. Inamin nito nang makausap namin na kahit paano, nakaramdam din daw siya ng depresyon.

    "Yes, na-depress din ako. Kasi, ang tagal din na wala. Although, naiintindihan ko naman na siyempre, hindi naman talaga puwedeng palaging sunud-sunod. Pero siguro ang dami ko lang din naiisip."

    Hindi naman itinanggi ni Glaiza na isa sa nakapagpa-depress din sa kanya ay ang aspetong financial kung saan, may bahay din siya na kabibili at binabayaran pa rin.

    "Well, may work din naman ang parents ko pero siyempre, naiisip mo talaga 'yun. Kaya noong dumating 'yung Temptation of Wife, sabi ko talaga, Lord, thank you po!"

    Walang kaso kay Glaiza kung hindi man siya ang original choice sa role bilang si Heidi. Si Alessandra de Rossi sana ito pero dahil nga sa mga bed scenes at love scenes, tinanggihan ito ni Alex.

    "Eh, ako naman, kahit dati, wala naman akong isyu sa ganyan. Naging isyu ko lang sa sarili ko, 'yun nga, 'yung mga daring scenes. Siyempre, I'm also into our church, kumakanta rin ako sa church, may mga Pastor akong kapamilya, tapos, mapapanood nila ko na ganu'n, kontrabida pa, 'di ba?

    "Minsan kasi ang tao, kung ano ang napapanood nila. Pero 'yun nga, dun nga papasok 'yung, iba naman 'yung totoong buhay sa ginagampanan mo lang na role," sey pa ni Glaiza.
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Ayaw makipag-cooperate sa kanyang pelikula Anne pumiyok, tinabla ng ABS-CBN!

    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated October 17, 2012 12:00 AM Comments (0)




    PIK: Truth @ 17 ang tema sa 17th anniversary ng Startalk na itinuturing na longgest-running showbiz-oriented talk show.

    Sa darating na Sabado ay ipagdiriwang ng GMA 7 ang 17th anniversary ng Startalk at mas eksplosibo at mainit na kuwentong showbiz ang ilalahad nito na mas kinalkal ang katotohanan sa likod nito.

    Isa sa live guest ay si Lorna Tolentino na kung saan ay bibigyan siya ng mainit na pag-welcome bilang nagbabalik na Kapuso artist.

    PAK: Nagkaroon ng reunion sa Protege: The Battle for the Big Artista Break na kung saan bumalik ang lahat na mga proteges para samahan ang anim na finalists. Pero merong isang hindi nakarating na nabalitaan naming buntis na ito. Apat na buwan na raw ang ipinagbubuntis nito na ang ibig sabihin buntis na siya nung sumali sa Protege.

    Ngayon lang napagtanto ng mga staff na kaya pala gustung-gusto na niyang lumabas nun ng protege quarters dahil sa dinadala niyang lihim.
    --- Sino kaya itong ex-Protege na preggy?

    Anyway, sa Linggo na ang finals at medyo nakalilito pa kung sino talaga ang mananalo dahil sa mga judges mukhang liyamado sina Jeric Gonzales at Elle Ramirez.

    BOOM: Inamin ni Anne Curtis na hindi nakipag-cooperate sa kanya ang ABS-CBN 2 sa promo ng pelikula niyang A Secret Affair dahil sa leading man niyang si Derek Ramsay.

    Bukod kay Anne, kasali rin si Andi Eigenmann pero hindi pala sila puwedeng mag-promote sa kanilang istasyon.



    Sabi pa ni Anne, kung sakaling babanggitin daw niya ito sa It’s Showtime, okay lang pero hindi puwedeng banggitin ang pangalan ni Derek na leading man niya sa pelikulang ito.

    Wala naman daw siyang magagawa kundi sundin ito at respetuhin ang desisyon ng kanyang network.

    “I have to respect that dahil nagtatrabaho naman po ako dun. So, ayoko na lang mag-isip ng mga negative ‘di ba? Think positive na lang,” bahagi ng pahayag ni Anne.

    Ganundin ang pananaw ni Derek tungkol diyan. Wala naman daw silang magagawa kundi respetuhin ito at gumawa ng paraang makapag-promote sa ibang istasyon.

    Puwede kaya silang mag-promote sa GMA 7 kahit walang Kapuso artist sa naturang pelikula?

    Sa October 24 na ang showing nito.

    gosh? sino ba ang hindi ko nakita kanina.. Meron naman si Kelly, Apple, Reese, Steffi, Arny, Shelly si Mitch hindi ko yata napansin?

    pero buntis na siya nung sumali hindi noon nakapasok right?
  • ExroExro Syb Breezebat PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ipopi wrote: »
    Pil. Star Ngayon, Oct. 17, 2012

    Direk Gina tuluyan nang minana ang Luna Blanca
    ni Nitz Miralles

    Si Gina Alajar ang nagdidirek ng Luna Blanca habang dinidrehe ni Dominic Zapata ng Temptation of Wife. Alam ng director na nagtatampo na ang cast ng Luna Blanca, pero kailangang focus muna siya sa TOW dahil sa October 29 na ang pilot.

    Mukhang malabong matupad ang wish ni Direk Dom na mabalikan niya ang Luna Blanca sa last three taping days nito.

    Samantala, 16 weeks tatakbo ang Temptation of Wife. Pinalitan ni Bettina Carlos si Candy Pangilinan sa role ni Madel at inalis ang role ni Pinky na gagampanan sana ni Julie Anne San Jose dahil focus daw muna ito sa studies niya.

    inalis sa story si Pinky or inalis si Julie bilang pinky? Ba't di sinabi kung sino papalit? At bakit 4 months lang to think na 100+ episodes ang original?
  • EduardEduard Member Kapuso Elite ⭐⭐
    sayang wala na yung role ni JA sa TOW
  • red_horse11482red_horse11482 shadapbowtopyuuu!!! PExer
    :wave: :wave: :wave: :wave: :wave:
  • EduardEduard Member Kapuso Elite ⭐⭐
    i-extend din ang TOW kapag mataas rating.:glee:
  • red_horse11482red_horse11482 shadapbowtopyuuu!!! PExer
    Kung ako ang magiging head ng GMA Drama, ipapa-tape or shoot ko ang lahat ng episodes -- from the pilot to the finale -- bago mag-premiere para iwas-extension at iwas-dagdag ng characters para di masira ang kwento. :glee:
  • champagne_boychampagne_boy POKER FACE PExer
    close%20look.gifParty List Pilipinas Teaser 10.21.12

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file