Nakakaawa pero Nakakainis

Ganito kasi yun:

May inampon na batang lalaki (Felix) yung tita ko para sa anak niyang nasa USA na may 5 anak na babae pero walang anak na lalaki. Dumaan naman sa legal na paraan yung pag ampon kay Felix kaya nadala siya sa USA. Habang nasa USA na si Felix, pinalaki siyang spoiled ng tita ko. Masyadong napamahal si tita kay Felix kaysa sa mga tunay niyang apo. In short nagkaroon ng issue sa pagitan ng tita ko at sa mga anak at mga apo niya. Sa kamalasan, etong si Felix ay may kahinaan ang utak at may di magandang ugali na nagiging dahilan kung bakit siya kinaiinisan ng mga tao. Nakatapos naman siya ng vocational course sa America kahit laging pasang awa. Hindi rin siya nagtatagal sa mga trabaho niya dahil nga sa hindi magandang ugali na sinamahan pa ng katamaran.

Eto na ngayon ang nangyari, namatay si tita. Pinamanahan niya si Felix para may panggastos siya habang walang trabaho na di naman kinalaunan ay naubos na rin. Pinili niyang bumalik sa Pilipinas kasi nga ayaw na niyang magtrabaho doon sa America. Akala niya, matatamasa pa rin niya ang saganang pamumuhay na naranasan niya hang nabubuhay pa si tita. Ayaw na rin siyang intindihin ng mga umampon sa kanya.

Dumating siya sa Pilipinas ng walang kaplano plano. Wala siyang matitirhan kaya nakiusap siya sa amin na sa amin muna tumuloy pansamantala. Pumayag naman ang nanay ko kasi nga nakakaawa. Maghahanap daw siya ng trabaho sa call center kasi magaling naman daw siyang mag ingles. Ayun, wala xang napasukan kasi laging bagsak sa mga tests.

Nakita namin ang dahilan kung bakit siya kinaiinisan. Hindi marunong maglinis ng sarili. Walang ginawa kundi manood ng TV. Walang kusa sa sarili, batugan, mayabang at ubod ng sinungaling. Kain-tulog-nood ng tv ang routine niya araw araw. Idagdag pa natin na malakas din siyang kumain. Wala siyang gustong kainin kundi mga hotdog, chips,fried chicken, pork chop, burgers, donuts and mga chocolate, in short, mga pagkaing Amerikano. Pag ayaw niya ng pagkain namin like gulay o isda, maghahanap siya ng karne o manok sa ref para lutuin para lang may makain siya. Naiinis na rin kami sa kanya kaya pinalipat namin siya ng tirahan sa labas ng aming bakuran. Kasalukuyan, sa isang maliit na kubo siya natutulog sa may estero pero sa amin pa rin siya nagpupunta para kumain. 3 taon na siyang ganyan. Walang ginagawa para sa sarili nia. Wala ngang balak gumawa ng paraan para buhayin ang sarili niya. Lagi siyang nakaasa sa ibang tao.

Balak ko ngang isumbong sa Bureau of Immigration para hulihin dahil isa na siyang over staying illegal alien dito sa Pilipinas. Baka pag nagkaganun ay ipadeport siya sa America. Baka doon ay maalagaan pa siya ng USA government. Gusto lang namin na hindi na kami magkaroon ng connection sa kanya. Hindi naman namin siya kadugo.

Baka meron kayong magandang maipapayo sa kung ano ang dapat naming gawin...

Comments

  • djaynitordjaynitor Cheap Executive Orderly PExer
    Palayasin mo ang nanay mo dahil siya ang may kasalanan ng lahat.... :glee:

    --sent from my iPhone 8
  • djaynitor wrote: »
    Palayasin mo ang nanay mo dahil siya ang may kasalanan ng lahat.... :glee:

    --sent from my iPhone 8

    Sandali lamang..... Sandali lamang!
    Huwag naman po tayong padalus-dalos.

    TS, ilang taon na si nanay mo? Hot ba siya?
  • kashieca1019kashieca1019 Member PExer
    recharge wrote: »
    Ganito kasi yun:

    May inampon na batang lalaki (Felix) yung tita ko para sa anak niyang nasa USA na may 5 anak na babae pero walang anak na lalaki. Dumaan naman sa legal na paraan yung pag ampon kay Felix kaya nadala siya sa USA. Habang nasa USA na si Felix, pinalaki siyang spoiled ng tita ko. Masyadong napamahal si tita kay Felix kaysa sa mga tunay niyang apo. In short nagkaroon ng issue sa pagitan ng tita ko at sa mga anak at mga apo niya. Sa kamalasan, etong si Felix ay may kahinaan ang utak at may di magandang ugali na nagiging dahilan kung bakit siya kinaiinisan ng mga tao. Nakatapos naman siya ng vocational course sa America kahit laging pasang awa. Hindi rin siya nagtatagal sa mga trabaho niya dahil nga sa hindi magandang ugali na sinamahan pa ng katamaran.

    Eto na ngayon ang nangyari, namatay si tita. Pinamanahan niya si Felix para may panggastos siya habang walang trabaho na di naman kinalaunan ay naubos na rin. Pinili niyang bumalik sa Pilipinas kasi nga ayaw na niyang magtrabaho doon sa America. Akala niya, matatamasa pa rin niya ang saganang pamumuhay na naranasan niya hang nabubuhay pa si tita. Ayaw na rin siyang intindihin ng mga umampon sa kanya.

    Dumating siya sa Pilipinas ng walang kaplano plano. Wala siyang matitirhan kaya nakiusap siya sa amin na sa amin muna tumuloy pansamantala. Pumayag naman ang nanay ko kasi nga nakakaawa. Maghahanap daw siya ng trabaho sa call center kasi magaling naman daw siyang mag ingles. Ayun, wala xang napasukan kasi laging bagsak sa mga tests.

    Nakita namin ang dahilan kung bakit siya kinaiinisan. Hindi marunong maglinis ng sarili. Walang ginawa kundi manood ng TV. Walang kusa sa sarili, batugan, mayabang at ubod ng sinungaling. Kain-tulog-nood ng tv ang routine niya araw araw. Idagdag pa natin na malakas din siyang kumain. Wala siyang gustong kainin kundi mga hotdog, chips,fried chicken, pork chop, burgers, donuts and mga chocolate, in short, mga pagkaing Amerikano. Pag ayaw niya ng pagkain namin like gulay o isda, maghahanap siya ng karne o manok sa ref para lutuin para lang may makain siya. Naiinis na rin kami sa kanya kaya pinalipat namin siya ng tirahan sa labas ng aming bakuran. Kasalukuyan, sa isang maliit na kubo siya natutulog sa may estero pero sa amin pa rin siya nagpupunta para kumain. 3 taon na siyang ganyan. Walang ginagawa para sa sarili nia. Wala ngang balak gumawa ng paraan para buhayin ang sarili niya. Lagi siyang nakaasa sa ibang tao.

    Balak ko ngang isumbong sa Bureau of Immigration para hulihin dahil isa na siyang over staying illegal alien dito sa Pilipinas. Baka pag nagkaganun ay ipadeport siya sa America. Baka doon ay maalagaan pa siya ng USA government. Gusto lang namin na hindi na kami magkaroon ng connection sa kanya. Hindi naman namin siya kadugo.

    Baka meron kayong magandang maipapayo sa kung ano ang dapat naming gawin...


    Palayasin nyo. Pahirap na tamad na si asa pa eh ampon na nga lang wala pang utang na loob..
    Kinuha kuha nyo kasi, ayan buti kung mapalayas nyo pa yan, baka magwala yan at kayo ang balikan...
    di nyo sya kargo, if i were you, isumbong nyo na....
  • otakusenshiotakusenshi Member PEx Veteran ⭐⭐
    Kung gwapo, let me know... but seriously walang masama magpalayas ng tao. Masakit man pero kung isakabubuti niya bakit hindi at ikagagaan ng loob mo...
  • rechargerecharge ~rose~ PExer
    salamat sa mga serious niyong replies. :naughty:

    the best option talaga yung palayasin siya hindi lang sa bahay namin kundi pati na rin sa buhay namin. Masyado na niyang inabuso ang kabaitan namin.
  • otakusenshiotakusenshi Member PEx Veteran ⭐⭐
    ay... ngayon ko lang na realize bakit may mali sa sinabi ko na "walang masama magpalayas ng tao"... hindi ko tuloy matandaan ang point ko dito... hahaha :bop:

    Anyway, korek... let him take on his own journey outside his comfort zone... kasi andoon na kayo sa punto na hindi na nakakabuti ang pagsama sama ninyo sa isang bubong at pati ang pagtulong ninyo sa kanya ay nakasama na rin sa kanya...

    Maglagay ka na lang ng "no pets allowed" sa pintuan ninyo, gets na niya iyon hahaha, kidding!
  • balbolskibalbolski Count D PEx Influencer ⭐⭐⭐
    alam naman pala eh ano pa ba gusto madinig?

    lasunin! :lol:
  • watertowaterwatertowater Member PExer
    Stay away from him, for he is a freeloader who has used you. And he should be deported.
  • emoticonsemoticons Member PExer
    hay, TS pareho tayo ng sitwasyon.

    May kapatid din akong ampon. Babae nga lang, at may anak at asawa. Pero hanggang ngayon kami pa rin ang bumubuhay. Malayo na kami sa kanya kasi di siya properly na adopt. Kasalanan niya rin kasi at maagang nagpabuntis at mag-asawa, kaya di siya nakasali.

    Mas maliit na nakukuha niya na monthly allowance sa amin dahil di na ako nagbibihay, si mama na lang, at kahit nga si Mama madalang na lang kung magbigay. May natatanggap pa rin siya galing sa lupain namin na kinurakot din sa mga relatives ng Papa ko--maliit lang--di umaabot sa 10K a month.

    Blessing talaga siguro na di siya nakapunta dito sa Amerika.

    May mental illness yata kasi, baka mas maging malubha pa kung dito siya tumira.
  • Since nang hihinge ka ng payo...

    I think need nyo turuan ng leksyon. Kaya masyado ring dependent sainyo dahil ganon lang din sya pinalaki ng tita mo.Pero since andyan na yan, kayo na nabubuhay pa ang kailangan gumawang paraan. Hindi titigil yan sa pagiging ganyan kung hindi nyo uumpisahan putulin ang pagiging stubborn nya. Naawa ka eh di tulungan mo yung tao. Pano?

    Bigyan nyo ng ultimatum pag nakahanap na sya work, sabihin nyo need nya umaayos dahil pag sablay pa rin sya wala na syang aasahan tulong galing sainyo.

    Since wala pa sya work, bigyan nyo ng panimula... pat hindi nya inaayos at pinalago yon same din wag na sya bumalik sainyo...

    Hindi naman pwede palagi sya easy easy lang...kaso ang mahirap dyan talaga is ganyan kase sya napalake. Haaay
  • marcagcaoilimarcagcaoili Member PEx Rookie ⭐
    OMG, I know this is old AF, but at last I found this while searching for my old username watertowater. Buti na lang I found this, because I found this video at inisip ko, ''Hmmm, this is vaguely like some story I read on Pinoyexchange back in the day." 
  • AverahamAveraham Member PEx Veteran ⭐⭐
    batugan talaga yan, report mo na sa immigration
  • marcagcaoilimarcagcaoili Member PEx Rookie ⭐
    Averaham said:
    batugan talaga yan, report mo na sa immigration
    LOL this is super old. 
  • 0627satogoro0627satogoro Member PEx Rookie ⭐
    baka kaya nagka-ganyan ang ugali nya dahil may mga bad experiences sya nung bata pa sya sa totoo nyang pamilya bago pa sya mapunta sa bahay ampunan... minsan kasi kahit maraming pagmamahal na natatanggap ang isang bata kung hindi pa rin nya matakasan ang bangungot ng nakaraan nya ay bale wala ito at makakaapekto sa ugali nya... tapos sa USA pa sya lumaki, karamihan pa naman mga bata dyan nowadays ay mga spoiled brats at siguro na-adopt nya ang ugali ng mga naging ka-klase, kaibigan at naging environment nya, kaya hanggang sa paglaki ay nagkaletse-letse tuloy ang buhay nya at ang ugali nya. 

    subukan nyo syang tanungin kung anong klaseng exams ba ang meron sa call center para matulungan nyo syang maipasa yon tutal magaling naman sya mag-english. kung may kakilala naman kayo na call center agent or mga friends baka pwedeng i-refer nyo si Felix doon. 

    pero dapat ugali mismo ni Felix ang dapat munang ayusin kasi kahit magka-work na yan, kung same pa rin ang ugali nya ay malamang sa malamang ay babalik na naman sya ulit sa umpisa.
    subukan nyo na lang muna syang kausapin, show love to him, respect.... kaya siguro naging stubborn na rin habang tumatagal ay dahil nakakaramdam sya sa paligid nya na ayaw nyo sa kanya kaya ganun. feeling nya ay mag-isa sya dito sa mundo kahit may nag-ampon pa sa kanya, nakakalungkot yon kaya marahil naapektuhan talaga ang ugali nito. 

    pero kayo ang bahala kung ano ang plano nyo sa kanya... siguro kaya nandyan sya sa inyo ay baka kayo ang magiging way para maging isa syang mabuti tao at maging maayos na ang buhay nya...


  • lordlapulapulordlapulapu PEx Rookie ⭐
    May update po patungkol kay Felix. Bumalik na raw sa USA dahil mas masarap pa rin daw buhay dun, libre pabahay pa! Taga L.A. na sya at dito sya nakatira:





Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file