Home PEx Local Entertainment Showbiz - TV
Ho-Ho-Hope you have a holly jolly holidays, PExers! 🎅

GMA Network: PAHIRAM NG SANDALI (Dingdong Dantes Christopher De Leon Lorna Tolentino)

1252628303160

Comments

  • King_DavidKing_David PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • King_David wrote: »


    Bukas na talaga mga kapuso mapapanuod na natin ang pinakahihintay nating teleserye!

    alabyu Ms. LT :heart:
  • mr_boy007mr_boy007 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    The teasers reminds me of Maroon 5's She Will Be Loved music vid..
  • maganda ang first epi.. at maganda din ang story mukhang papatok to. great ensemble of cast pa plus a very reknown director.. after OTL eto na ang bagong obra ni miss suzie..
  • stomatastomata PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Lorna Tolentino on rumored relationship of son Renz with Maxene Magalona: “Hindi kasi ako puwedeng magsalita, e.”
    Ruben Marasigan
    Monday, November 26, 2012 @ 03:38PM | 18675 views

    463a0cc9e.jpg

    Simula ngayong gabi, Lunes, November 26, ang airing ng pinakabagong primetime series ng GMA-7—ang Pahiram Ng Sandali.

    Tampok dito sina Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Alessandra de Rossi, Max Collins, at ang nagbabalik-Kapuso na si Lorna Tolentino.

    Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna matapos siyang mag-promote ng Pahiram Ng Sandali sa Party Pilipinas kahapon, November 25.

    Bungad ng aktres, “Siyempre. Kasi ito, ano ito, e… parang kakaiba siya.

    “Kasi ngayon lang mata-tackle yung May-December affair na pelikula talaga ang approach.

    “Hindi talaga yung common na teleserye na napapanood na natin na wala ang anak… o hahanapin ang anak.

    “Ito, iba-ibang klase ng relationships ng tao.”

    PREPARATION. First time ni LT (palayaw ng aktres) na gumanap ng role bilang isang editor ng isang publication. Anong paghahanda ang ginawa niya for the role?

    Sabi niya, “Marami naman akong kilala na editors.

    “Pero siyempre, iba naman yung istorya ng buhay nila. Although yung trabaho nila, maipapakita.

    “Like merong broadsheet na newspaper, merong tabloid... ganyan.

    “So, iyon ang tina-tackle ko—iyon ang hina-handle ni Janice na character ko.”

    Anong part ng role niya ang medyo mahirap para sa kanya?

    “Yung sa relationships, kasi marami kang ka-deal, e.

    “Maraming part ng life mo na as a mother, as a career woman, as a wife, and then as isang taong nagkamali.”

    AGE GAP. Sa takbo ng istorya ng Pahiram Ng Sandali, magkakaroon ng relasyon sina Lorna at Dingdong.
    Paano nila gagawing convincing sa paningin ng viewers ang pagkakaroon nila ng affair?
    “Ano naman yun, e… it’s the chemistry, e.

    “Mararamdaman din ng tao iyon, hindi lamang kami.

    “Kami, sa amin, parang yung kilig, ang kailangang makaramdam ay yung tao, di ba?

    “Na ang ibig sabihin noon, nagki-click ang chemistry ninyo.

    “Na babagay pala kayo kahit na meron kayong age gap difference. Yun!”

    Hindi pangkaraniwan na mangyari na maging magkapareha sa isang proyekto ang kagaya nilang malaki ang agwat ng edad.

    Isang ikinasorpresa talaga ng marami ay ang team-up nila ni Dingdong.

    “Na-surprise din ako, e!” sabay tawa ni Lorna.

    “Hindi kasi ganoon talaga, e. Haram ito, e, na anak ko si Kylie sa story, di ba?"

    Ang Haram ay ang orihinal na project na gagawin sana ni Lorna with Dingdong kasama si Kylie Padilla. Kalaunan ay na-shelve ito at pinalitan nga ng Pahiram Ng Sandali.

    Patuloy niya, “So, naka-prepara ako bilang ina na magtuturo ng edukasyon tungkol sa kultura ng mga Muslim at tradisyon nila, di ba?

    “And then, biglang nag-shift sa ibang tema na talaga namang nangyayari sa totoong buhay natin sa ngayon.

    “Mas emotionally… ano ito… draining. Kasi nga, mas malalim ang emosyon bilang isang tao na nagkakamali.”

    HEAVY DRAMA. For sure, marami siyang mabibigat na eksena sa bagong primetime series na ito ng Kapuso network. Ano ang pinakamahirap para sa kanya so far?

    Tugon ni Lorna, “Yung confrontation ko with Boyet.

    “Yung nakita ko si Boyet with Alessandra de Rossi… yung nag-break down ako kay Dingdong“Maraming eksena, e. Marami talaga.



    “Kasi sunud-sunod siya, hindi mo bibitawan. Kapag binasa mo ang script, hindi mo mabibitawan.

    “So sobrang tuluy-tuloy ng emosyon at ganda ng pagkakasulat.”

    DABOY’S WIDOW. May possibility kaya na mangyari sa kanya sa totoong buhay na ma-in love siya sa isang guy na mas bata sa kanya?

    “Ayaw ni Daboy ng ganyan na mga tanong… ayaw ni Daboy!" bulalas ng 50-year-old actress.

    “Kabilin-bilinan ni Daboy… please, huwag kasing-edad ng mga anak ko!

    “Kung konting diperensiya lang sa edad ng mga anak ko, lalong hindi puwede.

    “Oo, ayaw ni Daboy.

    “Kaya huwag sana namang… hindi naman siguro mangyayari.

    “Kung ipagdadasal mo naman na huwag mangyari sa iyo at may nagbabantay sa iyo…

    “I know Rudy is watching over me. So, walang magiging problema.”

    May posibilidad din kaya na forever na siyang maging loveless? Na wala nang magiging kapalit sa puso niya si Rudy?

    Nakangiting sabi ng aktres, “Hirap na hirap na nga akong alagaan ang katawan ko, e.

    "Puwede ba? Ako muna! Ako muna.

    “Marami pa akong kailangang… ito nga lang na naka-heels ako ngayon, masakit na ang paa ko!

    “Hindi ko nga alam kung makakasayaw ako nang ganito kataas ang heels!” tawa naman niya.

    Dagdag ni Lorna, “Pero kailangan naka-heels para matangkad ka tingnan.”

    AGELESS BEAUTYIsa si Lorna sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. At sa paglipas ng panahon, tila hindi nagkaka-edad ang kanyang hitsura.

    Paano niya mine-maintain ang ageless niyang ganda?

    “Siyempre, Flawless, Belo—maraming salamat sa kanila!” tawa niya.

    “Masarap yung growing old ka gracefully. ‘Yan!

    “Ano ba yun? Paano mo ba maa-achieve yun? Siguro iyon ang importante.

    “Na i-work mo iyong sarili mo patungo doon sa road na iyo—growing old gracefully.”

    RENZ & MAXENE. Kumusta naman ang anak niyang si Renz na balitang in love na in love daw kay Maxene Magalona?

    “Talaga? Wow!” tawa na naman ng aktres.

    “Happy birthday, Maxene! And we love you.

    “Yun lang ang puwede kong masabi… hindi kasi ako puwedeng magsalita, e,” panghuling nasabi niya.
  • Congrats ke Dingdong, Direk Maryo and the whole cast of Pahiram ng Sandali. Ang ganda ng pilot episode! Hitik na hitik sa dami ng magagandang eksena.
  • nadineluvejnadineluvej PEx Veteran ⭐⭐
    nice start... magaganda ang mga eksena...
    Direk maryo good job!
  • nice start... magaganda ang mga eksena...
    Direk maryo good job!

    Welcome back nadine. :wave:
  • Nov. 26 agb PPL nutam ratings: :)


    PNS- 10.2 ABA- 9.6

    TOW- 8.2 KPM- 5.8



    sure naah!!:love:



    parehong panalo sa nationwide ratings ang DongYans :flower: :D
  • wala masyadong ganap dito?

    i didnt like much the pilot episode. parang may kulang. ang laki kasi ng project na ito supposed to be, tapos malalaki ang artista at magagaling pero hindi ganon kalawak ang soap.

    parang hindi ganon ka bongga, pero sana sa mga susunod na episodes ayus na, kasi ito lang at TOW at sinusubaybayan ko! :)
  • November 26 AGB - Monday

    Pahiram Ng Sandali (GMA-7) 23.7%; A Beautiful Affair (ABS-CBN)17.8%; The Amazing Race Philippines (TV5) 7.2%
  • nadineluvejnadineluvej PEx Veteran ⭐⭐
    Yes parang maroon 5 story nga hehe...ganda ng video na yan.
    i luv it
  • EduardEduard Kapuso Elite ⭐⭐
    magaling vang cast at maganda rin ang kwento! *okay*

    sana lang improve pa ng konti pagdating sa technical aspect...
  • bublleberrybublleberry Member PEx Expert 🎖️
    Congrats PNS! *okay*

    fa395b8a392311e2ac3022000a1fb72c_7.jpg

    LorDing
    for the win :D
  • bublleberrybublleberry Member PEx Expert 🎖️
    sobrang galing ng buong cast walang itatapon *okay*

    mas okay dito si Max kesa sa CP

    galing ng mother and son tandem nila DD at Sandy *okay*

    galing din ni Kristoffer Martin
    pati yung batang Alex, magaling din

    sana masustain ang ganda ng PNS

    sabi nga ni Direk Maryo bibigyan nila daw ang viewers ng isang obra :)
  • micamyxmicamyx PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Buti na lang at napunta kay Max yung role :D
  • Congrats PNS! *okay*

    fa395b8a392311e2ac3022000a1fb72c_7.jpg

    LorDing
    for the win :D

    Panalong-panalo ang PNS, sobrang ganda ng pagkagawa!
    Congratz LORDONG *okay*
  • AgeL23 wrote: »
    November 26 AGB - Monday

    Pahiram Ng Sandali (GMA-7) 23.7%; A Beautiful Affair (ABS-CBN)17.8%; The Amazing Race Philippines (TV5) 7.2%


    Congratulations sa lahat ng PNS cast and staff,kay direk Maryo and most especially kay Ms. LT.
    looking forward ako sa mga heavy dramatic scenes ni Ms. LT!
  • mrlovable77mrlovable77 PEx Veteran ⭐⭐
    Ang ganda ng PNS. Next in line sa TOW. Sabagay eto lang naman talaga ang pinapanood ko. Yun asar ko sa TOW dahil sa pagiging martir ng bida, gumagaan naman pag pinapanood ko ito. Ang galing nilang lahat. Swak na swak ang kwento.

    Magaling pala si MAX COLLINS, ngayon ko lang sya napanood pero may ibubuga naman. Tingin ko sya ang next BIG STAR ng GMA 7. Magaling sya at maganda. Bagay at may kilig sila ni DINGDONG. Kung wala nga lang si MARIAN, pwede silang dalawa.

    Parang syang ANGELINA JOLIE ng pilipinas.

    Pero isa lang ang DYOSA ng kagandahan ng pilipinas, si MARIAN RIVERA lang.

    Sige gawing ko na syang pangalawa.
  • for me parang tipong gretchen barretto at bianca king ang ganda ni max collins! tama ka mrlovable77 marunong siya umarte and she's very likable! :)

    mas maganda ang 2nd episode nito kaysa nung pilot!

    sana lang maging SOLID ang kwento kasi mukhang maganda naman eh. :)
Sign In or Register to comment.