Home PEx Campus University of the Philippines
Reminder: You never know what someone is going through, so be kind.

Tulong po! UPLB

Um. Mejo nobela ata ang sasabihin ko, but please be patient with me. Here goes.

I have a passion for writing and speaking pero at the same time, ayaw ko din sana ng BA courses, so ever since High School, BS DevCom ang gusto kong itake for college. My brother, though, na graduate ng BSDC ay nahirapan maghanap ng work so ayaw talaga ng parents ko na mag BSDC ako kasi parang gineralize na nga nila na mahirap maghanap ng trabaho pag BSDC graduate, or kung makakahanap man, ay low paying. Kaya BSAECO ang pina first choice nila sakin for the UPCAT, and I passed (YAY! :D).

So yun. Lumipas ang freshman year, and nag SO na ako, pero hanggang ngayon, di ko talaga magustuhan ang BSAECO, although I know na maganda talaga siyang course since maganda ang job opportunities and employable siya. Recently din, nastart ko nang maaprecciate ang Math subjects ko, and parang natempt din ako mag shift to CEAT. Pero deep inside, gusto ko padin mag DevCom, so I spoke with my parents and pinayagan na nila ako. So I can start processing na. Problem is, nacoconfuse na ako kung gusto ko padin mag shift.

Here are my choices:

1. Stay in AECO. Good jobs ahead, and I'm realy tempted to stay kasi gusto ko sana ng high paying jobs (shame on me). Tapos balak ko din naman mag Law (kung kakayanin) after. Pero di talaga ako masaya. My lowest grades are in Economics and Agricultural subjects, ironically. Pumapasa naman ako in those subjects, pero wala akong naiinitindihan ng husto. Sabi nila pwede naman daw ako mag MS ng mga DevCom related courses, pero grabe. Two and a half years pa akong mag susuffer :(

2. Shift to CEAT. Maganda ang performance ko sa Math and Physics subjects ko, and employable din ang Engineers. Pero ayaw kong maging confident kasi 20 series lang Math namin, and diba 30s sa CEAT? And ang konti ng subjects ko na macrecredit. And di ko sure kung gusto ko ba talaga maging engineer. Parang kinonsider ko lang naman para matakasan ko ang BSAECO.

3. Shift to CDC. Yung pangarap kong course. Magiging masaya ako habang nag aaral. Mas madami akong subjects na macrecredit and yung mga hindi, pwede kong i-electives(?). Pero yun nga. Takot din ako. Pano kung di ako makahanap ng trabaho? Panu kung makahanap nga ako, low paying naman, like my parents said?

Patulong naman po. And pwede din pong matanong kung ano po ba nagiging trabaho ng BSAECO and BSDC grads? I tried searching the net, pero wala kong mahanap na matino. THANK YOU!
Sign In or Register to comment.