34. PHILIPPINE MOVIE QUEENSHIP RIVALRY: A Thing Of The Past?

2456728

Comments

  • MONTO GAWEMONTO GAWE Primus Inter Pares Pares PExer
    crown.gif

    282105_261609587292719_1427729276_n.jpg

    The Frontrunners

    HALA BIRA!
  • marygugumarygugu Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    si bea alonzo at angel locsin kc sila ang original rival. nasa gma pa si angel noon
  • marygugumarygugu Member PEx Guru ⭐⭐⭐⭐⭐
    lahat ng movie queens sumikat sa loveteam. from gloria-luis vs. nida-nestor to sharon-gabby vs. maricel-william. kaya bea-johnlloyd vs. angel-richard. so its bea vs. angel.
  • Litzy25Litzy25 Member PExer
    marian rivera at angel locsin
    bea alonzo at anne curtis
    kim chiu at erich gonzales
  • For the older generation:

    Anne versus Angel versus Toni versus Angelica P.

    runner up:

    Bea is a bigger actress pero mahina talaga siya in terms of bankability unlike the first fouro I said. She lacks charisma, she is strong in movies kapag andyan si JLC because also of their chemistry. She is like Lorna Tolentino, which is a bigger actress than a star.

    Marian is a runner up too just like Bea, kaya lang hindi niya nasustain kung ano man ang meron iyong apat.

    younger generation:

    ang nakikita ko lang is:

    Sarah G and Kim

    although Sarah is a greater movie queen by miles, Kim is the only one in her generation na kaya humabol, sino pa ba mga stars na under 25 na kaya pang humabol kay Sarah and Kim? Sila lang kasi ang angat sa generation nila lahat halos over 25 na or near 30's like Anne, Angel, Bea, Toni, Marian and Angelica P.

    so ganito ang peg:

    Nora: Angel

    parehong hindi masyadong malakas sa movies, pero magaling sa acting department

    Vilma: Anne

    versatility, courage and bankability

    Sharon: Sarah

    obviously bankability

    Maricel: Angelica P.

    comedy to drama, multigenre and strong presence and bankability

    Regine: Toni

    pareho ng mold, rom com and sassy leading ladies

    Lorna: Bea

    Known for their acting prowess.

    :)

  • Litzy25Litzy25 Member PExer
    clowdette wrote: »
    bagamat ang kasikatan ngayon ng mga artista ay nakasalalay sa kung saang network ka nakatali, may nakikita akong mga kabataang artista ngayon na maaaring magreyna.

    Si Angel Locsin, Bea Alonzo at Anne Curtis.

    Bakit? Parepareho silang di takot to reinvent. Napatunayan nilang tagumpay sila at nakalagpas sa mga panahon ng pagpapatweetums. Deserving para sabihin na susunod na mga magagaling na aktres. Napatunayan din nila na hindi sila mga tv stars lamang. successful din sila sa mga pelikula. Bukod pa sa mayroon silang hukbo ng fans.

    But then, malaking tulong ang ABS CBN at Star Cinema kung pagrereyna sa TV at pelikula ang paguusapan. GMA on the other hand, ay hanggang sa pagiging TV star lamang. Pero pagdating sa pelikula, eh tsamba tsamba lang. Halimbawa si Marian Rivera. Maraming fans at popular sa TV pero hindi maitawid ang kasikatan nila sa movies. Dahil kaya GMA films or Regal ang producer? Parang gusto kong isipin na ganun na nga.

    Si Sarah Geronimo, pwede sana. Kaya lang napagiiwanan dahil masyadong manang at hirap siyang magreinvent. Dapat kasi kung tunay na artista ka eh mauhaw ka sa paghahanap ng bagong gagawin na kakaiba sa ginagawa mo na noon pa. Hindi naman kailangang magbold pero kailangan ng maturity dahil malaki ang maitutulong nito para maitawid ang pagiging artista mo sa bawat dekada. Mid 20s na siya pero yung batang Sarah pa din ang nakikita ko.

    Tulad ng nasabi ko kanina, malaki rin ang kaugnayan ng network kung saan ka nakatali. halimbawa na si Jolina Magdangal. Siya ay isa sa tatlong magkaribal noon sa popularidad. Judy Ann vs Claudine vs Jolina. Mas may bentahe si Jolina noon dahil nakakakanta siya at nagpaplatinum pa ang mga CDs niya. Nakapagdala din naman ng sarili niyang pelikula sa Star Cinema. Marami ring fans. Pero lumipat sa siyete... doon nagsimula ang pagbagsak ng career niya. Bukod pa sa wala ring reinvention. Kung sabagay, kahit naman may reinvention kung di naman ganun kagaling ang humahawak na network sa yo.... parang wala din. Kelan ba ang huling pelikula ni Jolina... naging TV personality na lang siya ng GMA.

    Yun ang nakakalungkot ngayon sa panahon na ito.... Noon kasi, pag sikat ka, susundan ka ng tao kahit saan kang istasyon pumunta. Dun napapatunayan na sikat ka nga talaga. Pero ngayon, may mga regular audience na ang bawat networks na laging nakatutok sa paborito nilang istasyon kesa artista. Ke umalis ka, may manonood sa yo pero mga fans mo lang na hindi sapat para tumaas ang rating ng programa mo.

    Yun ang problema... hindi solido ang pagrereyna ng kung sinuman ang mga susunod... dahil nakadepende lamang ito sa kung anong network ang humahawak sa yo. But then i still believe, kung talagang magaling ka at handa kang palawakin ang iyong horizons at nakaplano ang mga gusto mong gawin para mapaunlad ang pagiging artista mo eh tamasahin mo ang pangangalaga ng network kung nasaan ka, yung tipong tatatak sa history ng showbiz ang nagawa mong pelikula eh yun ang totoong reyna.

    *okay**okay**okay*
  • Bagay sa queen yung matapang gumawa ng pelikula na alam nilang against the norm ang role kaya i'd go for Angel Locsin, Anne Curtis and Bea Alonzo. Pasok din sa banga si Angelica kaso parang di ganun ka solid ang fanbase nya.

    Wala yan sa total gross ng movie, nasa galing at pagiging versatile yan para sabihin na artista ka.

    Si angel pinag usapan sa galing nya sa ITNOL kaya nga humakot din ng award. Ang galing galing nya sa movie na yon at alam mo na pag award season na, di pwedeng walang makuhang award si angel dahil sa pinakita nya sa ITNOL.

    Si anne sa NOW, kung kita lang ng movie, di papatalo ang NOW. Pero it's not about the gross para masabing pwede kang maging queen, sa galing sa pag arte yan. And Anne has it, naging karibal ni Angel sa best actress dahil sa NOW. Kahit na si Cristine ang legal wife, mas nakuha ni Anne sa galing sa pag arte sa NOW kung bakit mas pinagusapan ang character nya.

    Si bea, she was 21 nung And I Love You So and di mo iisipin na 21 lang sya sa bigat ng role nya. And ngayon na 24 na sya, The Mistress na ang nagawa nya. Ang daming nagulat na ginawa ni Bea yung di mo talaga iisipin na kaya nyang gawin. She has my respect because of what she did in The Mistress.
  • MONTO GAWEMONTO GAWE Primus Inter Pares Pares PExer
    Can any of these ladies pull an upset and steal the thunder from the front-runners?

    246735_263095537144124_1262945196_n.jpg
  • wedding_peachwedding_peach Archer/ Patriot PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ~for me kasi,isa sa batayan ko ang popularity sa pagsabing isang superstar ang isang artista.maraming magaling,pero iilan lang ang maraming fans..for me,it is not the final gross of the movie,kundi the reasons why the public watched the movie.nanonood ba sila dahil maganda ang movie kahit hindi idol ang bida o nanonood sila dahil idol ang bida kahit di maganda ang movie?ganundin pag teleserye..bumibili ba sila ng album dahil sa kanta mismo o dahil lang sa singer?manonood ng concert dahil bigatin at magaganda mga guests o dahil sa mismong may concert kahit walang guest?...sa endorsements,bibili ba sila dahil maganda quality nung product o dahil sa endorser?yan mga tanong at basehan ko.hehe.2nd sa popularity,for me is yung talent and achievements.
  • wedding_peachwedding_peach Archer/ Patriot PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sina angel p,erich at toni ba mga yan?mobile kasi gamit ko.hehe
    ~erich- sa ngayon,kulang pa si erich.bata pa naman siya.sa batch nila,sila ni kim ang magkalaban.kim si nora,vilma naman si erich..let's see anong magiging resulta ng movie niya with mario.
    ~angel p-for me dependent sa project.pag maganda,papanoorin,pag pangit hindi.she lacks the masa appeal for me.maybe because of the image nga.
    ~toni-she has the potential of becoming a superstar.malakas siya sa tao,magkaflop man,di nakakaapekto..i would love to see toni,sarah and kim mature pa as an actress.sa tingin ko edge din nila na konti pa lang nagagawa nila.may mga bago pa silang maipapakita sa mga tao.yan eh kung merun nga.abangan na lang natin.hehe
  • bigtasabigtasa Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    For me, Angel Locsin truly reigns among her counterparts. Kung fanbase lang ang pag-uusapan, walang panama ang iba. She has solid fanbase na di siya iniiwan from the start pa lang. Kaya nga tuwing my mga poll laging nananalo si Angel. Mapa GMA 7 o ABS-CBN super sikat pa din siya at di nawawala sa limelight. Sikat na siya sa GMA pero mas sumikat pa lalo sya sa ABS-CBN. Lahat ng TV series niya ay BIG HIT. Mga movies are all BLOCKBUSTER. And she is also an AWARD-WINNING ACTRESS. And she is the 2nd Filipina to be nominated sa International EMMY's AWARD. She has also million of followers in Twitter and Facebook, tons of endorsements, magazine covers etc. She also proves to be a very versatile actress. She excel in doing drama, horror, comedy and most especially ACTION SCENES. sino ba sa mga kahenerasyon niya ang kayang mag-ACTION at manipa?..
  • joshua143redjoshua143red #TeamKenzo PExer
    I think Angel Locsin and Anne Curtis are leading the pack from their female counterparts. Anne Curtis' numerous endorsements, box office hits, and masa appeal makes her standout from the rest. Medyo hindi nga lang maganda record niya with tv shows, ratings wise. Si Angel Locsin naman has been in the limelight since Mulawin and she never faded. Kahit wala siyang tv show ngayon, she still has endorsements and pinag-uusapan pa rin siya. What makes her standout is her acting skills, high rating tv shows, action-drama genre, box office hits, and sobrang bait niya. The biggest stars in the industry are all saying na mabait siya.
  • For me the triple tier

    SARAH-ANNE-ANGEL

    although Sarah is the most consistent BOX OFFICE WISE, ENDORSEMENT WISE to add with that she is the youngest royalty of music scene in the country. Best selling artist of the decade also the biggest garner of concerts.

    From MOVIES to RECORDINGS to CONCERTS to ENDORSEMENTS

    She has it all.

    runner up would be Bea, Marian, Toni, Angelica and Kim

    Next sa kanila is Erich, Maja, sunod na din sila Kathryn and Julia.

    but for now:

    1. Sarah
    2. Anne
    3. Angel

  • MONTO GAWEMONTO GAWE Primus Inter Pares Pares PExer
    249428_263510167102661_1869073880_n.jpg

    They are perhaps THE MOST BEAUTIFUL in their generation.

    They likewise were given their chances to shine but somehow their career trajectories just didn’t take off the way they should.

    Are they proof that beauty, talent or lineage plus major network support aren’t just enough to make one a Queen?
  • tisoyti75tisoyti75 Member PExer
    Sa Rivalry noon nina Vilma at Nora, muntik ng makapasok si Alma Moreno sa kasikataan. There was a time she was named Box Office Queen, pero dahil nga sa kakulangan sa powers sa acting department, mas sumikat pa sa kanya sina Lorna T at Dina B. Then nandyan sina Sharon Cuneta at Maricel Soriano, and "3rd party" noon ay si Snooky Serna, pero sa maraming dahilan, napag iwanan din sya.

    Sa newer generation nina Claudine, Juday, ay nalaglag din si Jolina.
    Then eto na, sina Anne, Angel, Bea at Sarah..Isama na natin sina Marian, Angelika at Toni at KC. Medio maaga pa to establish a concrete rivalry, though sa ngayon eh nakakungos na sina Anne, Angel at Bea, through Box Office and Acting Department categories.
    So, time will tell kung sino sa mga ito ang matitira, kailangan eh 2 lang talaga ang Rivalry, kagaya nina ate Vi and ate Guy na siya ng pinaka makulay, pinakamahabang rivalry ever sa Philippine Cinema.

    For me, si Anne Curtis at Bea Alonzo ang pwedeng maging next Vilma, versatile, sexy, daring yet respectable and lovable. Anne sings karaoke-like and so does Vi, but they both sold millions of records. And the three of them can portray ANY roles with flying colors. Box Office and Acting Powers combined!

    Then Sarah G or Angel L ang pwedeng next Nora (though di pwede si Nora sa sexy daring roles not even to portray, let say, The Mistress), si Sarah naman , a singer too pero malayo pang maabot ang depth ng acting ni Nora. Sarah also has to make a movie outside her comfort zone na love team love team. Mahirap mahanapan ng kapalit si Nora.

    Like I've said, only time can tell for these ladies to make history....di pwede ang 10 years lang ha, kailangan talaga mas mahabang panahon pa para ma establish ang totoong rivalry sa pagiging Queen(s) ng isang artista.
  • wedding_peachwedding_peach Archer/ Patriot PEx Influencer ⭐⭐⭐
    tisoyti75 wrote: »

    ang susunod na henerasyon na ng mga pexers ang makakasagot niyan.hehehe
  • wedding_peachwedding_peach Archer/ Patriot PEx Influencer ⭐⭐⭐
    MONTO GAWE wrote: »
    https://fbcdn-sphotos-d-a.akamaihd.net/hphotos-ak-snc6/249428_263510167102661_1869073880_n.jpg

    They are perhaps THE MOST BEAUTIFUL in their generation.

    They likewise were given their chances to shine but somehow their career trajectories just didn’t take off the way they should.

    Are they proof that beauty, talent or lineage plus major network support aren’t just enough to make one a Queen?

    kristine- posible sana syang maging next vilma

    kc--hmm.di ko masabi.tingin ko kahit naabot ng nanay niya di nya kakayanin hehe

    iza--pang character actress siya.multiawarded actress parang hilda koronel
  • pan8ikipan8iki Member PExer
    MONTO GAWE wrote: »
    https://fbcdn-sphotos-d-a.akamaihd.net/hphotos-ak-snc6/249428_263510167102661_1869073880_n.jpg

    They are perhaps THE MOST BEAUTIFUL in their generation.

    They likewise were given their chances to shine but somehow their career trajectories just didn’t take off the way they should.

    Are they proof that beauty, talent or lineage plus major network support aren’t just enough to make one a Queen?

    kristine -pangako sa iyo was the first ever serye i watched.ang ganda kasi nya.:):love:

    kc - mas sikat sya nong hindi pa sya artista.wrong strategy sa pag-handle ng career nya.

    iza - ganda na galing pang umarte.one of the best actresses we have kaya lang walang huge fan base kaya hindi gaanong sikat.

  • Ang karapat dapat na maging queen ay yung mismong hindi nila fans ang nakaka acknowledge ng talents nila. Ang totoong queen ay yung kahit na hindi mo fans, napabilib mo dahil sa galing mo umarte.

    Ilan lang bila sila sa generation na yan?

    Sa past queens, bakit sila tinawag na reyna, dahil ba sa hype? Sa dami ng fans? Sa kita ng pelikula? O sa galing nila sa pag arte na ang katunayan ay yung mga best actress awards na natanggap nila?

    Makikita naman ang trend from the past para sabihin mo kung sino dapat magkaka level sa generation na to.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file