Home PEx Business and Careers The Working Filipino

Qatar Airways: Stewards|Flight Attendants|Cabin Crew

134689123

Comments

  • I just want to share with you my devotion this morning. Since alam naman ninyo na 2mos na kong nag-aantay ng clearance from QR (JUNE OD ako).

    Last communication ko with IPAMS was Sept.18. Sinubmit ko yung certification from a hematologist na normal ang elevated RDW ko and it does not signify any kind of anemia. It's been 11 days, wala pa ring response. Expired na yung medicals ko.

    I asked myself anong gagawin ko if I don't get cleared? What if QR finally decided to let me go since kahit anong ulit ng CBC, mataas pa rin ang RDW ko?

    You know, God impressed in my heart that IT DOESN'T MATTER WHETHER I GET THIS OR NOT. All these things that I worry about today are all futile. Everything on this earth are temporary- even my dreams!

    Why am I here for such a time like this, with circumstances like these? Bakit kailangan paabutin tayo ni Lord sa stage na 'to if it's really not meant for us? God will use anything to showcase His glory. Our pains. Our struggles. Our problems. What use will it be for Him if everything is perfect and smooth-sailing? Will you seek God if everything is doing great in your life?

    And so, for my 25th birthday, my only wish was to know God more- deeply and passionately that nothing on this earth can ever take away my faith on Him.. not even failing to get my dream of becoming a cabin crew!

    I stand firm and declare that You are God and You are in control. Whether I get this or not, MY FAITH IS IN YOU!
  • Dear Pexers,

    Its about time na ako naman siguro ang gumawa ng timeline at magpasalamat sa inyong lahat. Matagal na kong lurker sa Pex since 2008 pa and I can truly say na nakakapagbigay ng lakas ang forum na ito plus the valuable information na makakatulong para sa application ng lahat. Share ko na din sa inyo kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko para lang makamit ang minimithi kong pangarap. Ang maging CABIN CREW NG QATAR AIRWAYS. :)

    2007

    MARCH - MANILA ( IPAMS OFFICE) - FINAL INTERVIEW - REJECTION EMAIL
    MAY - MANILA (IPAMS OFFICE) - ASSESSMENT - ELIMINATED AFTER THE ENGLISH TEST

    2008

    APRIL - MANILA (HERITAGE HOTEL) - OPEN DAY - NO CALL
    OCTOBER - MANILA (DIAMOND HOTEL) - ASSESSMENT - ELIMINATED 2ND GROUP DISCUSSION

    2010

    JANUARY - CEBU (MARRIOT HOTEL) - FINAL INTERVIEW - NO EMAIL/NO RESPONSE FROM QR
    NOVEMBER - MANILA (DIAMOND HOTEL) - OPEN DAY - NO CALL

    2011

    MARCH - DUBAI, UAE (MARRIOT HOTEL) - OPEN DAY - NO CALL
    JULY - DOHA,QATAR ( QR TOWER) - FINAL INTERVIEW - REJECTION EMAIL
    OCTOBER - DOHA,QATAR (QR TOWER) - ASSESSMENT - ELIMINATED 2ND GROUP DISCUSSION

    2012

    JANUARY - GEORGIA ( MARRIOT HOTEL) - FINAL INTERVIEW - CONGRATS EMAIL!:)

    Kung titignan nyo ang tagal kong nag apply sa QR. Naging mapagbiro din sakin ang tadhana. Sa totoo lang QR lang ang pinangarap kong pasukan at eto lang ang inapplyan ko. Sa Qatar kasi kami nakatira ng family ko. Five years ang inintay ko, ang daming luha na din ang iniyak ko. Tinanong ang sarili bakit hindi ko makuha ang kaisa isang bagay na pangarap ko. 4 times akong nakarating sa Final Interview. Dalawang rejection email, isang walang response at eto na nga un huli. ( Plus 3 AD at 3 OD na walang call).Buti naman pumayag na si LORD dahil na rin siguro sa pangungulit ko. Hindi rin biro ang determination at perseverance na ginawa ko para dito. I even travelled para lang magbaka sakali. at eto nga ang saya saya ko lang. Hindi man ako swerte sa simula sa bandang huli naman nakatayo pa rin ako at nakangiti at masasabi kong ang galing ko lang! I made it!

    Eto naman Timeline ko sa QR PROCESS..

    29 January - Open Day & Assessment in Georgia
    30 January - Final Interview
    08 March - ON HOLD Email
    03 April - Congratulatory Email (endorsed to IPAMS)
    24 April - Fit to work and submitted medicals to QR
    18 June - repeat medicals - additional info about my 4 deg dextroscoliosis and Pelvic
    Ultrasound due to CS Operation
    12 July - MEDICAL CLEARANCE ( expired na Gamca medicals ko)
    27 July - PDOS
    01 August - Fit to work - 2nd Medicals
    26 September - VISA issued - tenta DOJ - 13 October :) ( mejo nagtagal kasi ang visa ko kasi cancelled visa ako sa Doha mas matagal ma issue compared sa mga first timer pupunta sa Qatar)

    Mapapansin nyo napakatagal pa rin ng QR process ko. Test of Faith talaga nangyari skin.

    Maraming maraming salamat po sa lahat ng fellow pexers. Napakasaya ko lang kasi tinupad ni GOD yung hiling ko. Sinabi ko sa kanya dati na until 25yo mag ttry ako sa QR at imagine dadating ako sa Qatar isang araw bago ako magbirthday. Masayang masaya ko. Makakasama ko na ulit ang asawa at anak ko. Tagal ko din naghintay dito sa Pinas. Makakasama ko na din ang kapatid ko sa work. Cabin crew din siya ng Qatar Airways at seven years na siyang andun.

    Sana po nabigyan ko kayo ng konting inspiration. Hindi ibig sabihin nabigo ka ng isang beses susuko ka na. Hindi ibig sabihin hindi para sayo. Kung maniniwala lang tayo at hindi susuko lahat ng bagay possible. Kailangan lang natin ng dasal at tibay ng loob.

    " For I have plans for you declares the Lord. Plans to prosper you and not harm you. Plans to give you hope and a future."

    "Its never late to be what you might have been."
  • Hi iwillfly! buti na lang you started this thread kasi may masasandalan kaming namumroblema sa FI at Medicals at nag-aantay ng Medical Clearance. Wala pa sa QR yung medical results ko. Inaantay ko pa yung tawag nila kung paano procedure ko pagpunta ko ng lung center.
    Grabe talaga yung clinic na yun. walang puso. Hindi pa maayos makipag-usap.

    I hope maging ok. Test lang talaga siguro ni God to kung gaano ko ka-gusto ang isang bagay e hindi nya ito ibibigay basta-basta. I am so sure clear ang lungs ko. Wala akong bisyo. Ayaw nga nila ipaulit yung chest x-ray kahit bayaran ko ulit e. High-tech daw sila kaya hindi daw nagkakamali ang readings nila.

    Thank you iwillfly sa mga posts mo. Naiinspire ako lalo. Christian ka ba? (pasensya off-topic na tanong) hehe. Ganyan kasi yung small group leader ko kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa kahit andaming trials na binibigay sa akin.
  • sofia16 wrote: »
    Sana po nabigyan ko kayo ng konting inspiration. Hindi ibig sabihin nabigo ka ng isang beses susuko ka na. Hindi ibig sabihin hindi para sayo. Kung maniniwala lang tayo at hindi susuko lahat ng bagay possible. Kailangan lang natin ng dasal at tibay ng loob.

    " For I have plans for you declares the Lord. Plans to prosper you and not harm you. Plans to give you hope and a future."

    "Its never late to be what you might have been."

    Sis, I want you to know na sobra mo kong na-inspire. June OD ako. First attempt to apply as cabin crew. And waiting now for my medical clearance. Yung mga pinagdaanan ko, walang-wala compared sa ilang beses mong attempts! Grabe! I feel so blessed na marining yung kwento mo. 2 ka-batch ko aalis sa Oct.6. Every Saturday ata talaga ang flight to Doha. Masaya ko sobra that you finally made it! CONGRATULATIONS!!! Kita tayo sa Doha in a few!
  • xhnakenji wrote: »
    Hi iwillfly! buti na lang you started this thread kasi may masasandalan kaming namumroblema sa FI at Medicals at nag-aantay ng Medical Clearance. Wala pa sa QR yung medical results ko. Inaantay ko pa yung tawag nila kung paano procedure ko pagpunta ko ng lung center.
    Grabe talaga yung clinic na yun. walang puso. Hindi pa maayos makipag-usap.

    I hope maging ok. Test lang talaga siguro ni God to kung gaano ko ka-gusto ang isang bagay e hindi nya ito ibibigay basta-basta. I am so sure clear ang lungs ko. Wala akong bisyo. Ayaw nga nila ipaulit yung chest x-ray kahit bayaran ko ulit e. High-tech daw sila kaya hindi daw nagkakamali ang readings nila.

    Thank you iwillfly sa mga posts mo. Naiinspire ako lalo. Christian ka ba? (pasensya off-topic na tanong) hehe. Ganyan kasi yung small group leader ko kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa kahit andaming trials na binibigay sa akin.

    Nakakapagtaka bakit ayaw nila ipaulit yung test? It doesn't make any sense. Di bale. If it's impossible to man, it is possible with God! Lahat ng injustice mae-expose din 'yan! Kaya just do what is right. God is our strength and refuge!

    Pag nakuha mo na yung clearance and join date mo sis,it will be a wonderful testimony. God is cooking something.. for His greater glory! :)
  • sofia16

    sis.. super nakaka inspire pinagdaanan mo...

    ask ko lang sana sis. ilang weeks ka bago nakareceive ng rejection email??
    and yung second final interview mo, bakit di ka nagfollow up??
  • iwillfly wrote: »
    Sis, I want you to know na sobra mo kong na-inspire. June OD ako. First attempt to apply as cabin crew. And waiting now for my medical clearance. Yung mga pinagdaanan ko, walang-wala compared sa ilang beses mong attempts! Grabe! I feel so blessed na marining yung kwento mo. 2 ka-batch ko aalis sa Oct.6. Every Saturday ata talaga ang flight to Doha. Masaya ko sobra that you finally made it! CONGRATULATIONS!!! Kita tayo sa Doha in a few!

    Hi sis, super thanks! Masayang masaya talaga ko. There came a point in my life na gusto ko na sumuko. Pero sabi ko sa sarili ko, isang araw magtatagumpay din ako. Sabi ko, Nagagawa kong makapasok sa FI ibig sabihin may potential ako. Madami kayong 1st attempt lang pasok na agad. And YOU are all so blessed! Ako first attempt ko akala ko tuloy tuloy na pero nareject. Hanggang ilang ulit pa pinaramdam skin ang rejection. Hanggang sa manhid na ko. But u know what i realized, GOD has a perfect plan for me. HE has indeed a great plan for all of us.

    Alam mo ba, i was able to go inside QR Cabincrew Recruitment in Doha and chatted with few of them before. And when they first saw me akala nila Cabin Crew ako, i told them i was not. pero I will keep on trying. Dream ko kasi makapasok sa QR. Nagulat sila na 3 Final Interviews hindi ako nakapasa. They told me to contemplate what was wrong regarding my application. And yun nga when i tried again i made sure everything will be perfect. I even gave up my job in Qatar because I learned in the end that my working visa was not transferable so I cannot shift jobs.

    I also am using ID tickets (rebate tickets) c/o my sister na QR crew din tapos dati sa airport naiintimidate ako kapag akala nila cabin crew ko which i used to say dati compliment ba ito o insult sa akin kasi hindi ako makapasok. Many have thought maybe other airline is meant for me. But i kept on believing kaya ko makapasok sa Qatar Airways! Now, I am so happy. We are all settled in Doha. My husband and child nandun. Sister ko, lots of friends and relatives. Hindi ko kailangan mexperience ma homesick because DOHA is my second home. Ang saya lang di ba? Need lang magtiis sa company accomodation until payagan ako makapaglive out.

    GOD just want me to take time. He wants me to settle everything. Because in the long run he will really give whats best.

    So mga sis.. wag tayong susuko! Madapa man tayo. Tayo lang ng Tayo. Giving up is never an option when you really want to reach your dream! See you all in Doha! :)
  • elapotjing wrote: »
    sofia16

    sis.. super nakaka inspire pinagdaanan mo...

    ask ko lang sana sis. ilang weeks ka bago nakareceive ng rejection email??
    and yung second final interview mo, bakit di ka nagfollow up??

    Hi sis elapotjing,

    Yung rejection emails usually on the first 2 weeks from tha date of FI un sinisend ng QR. Yung FI ko dati sa CEBU heart breaking un. Kasi 17 kami nun na nag FI sa Cebu tapos nalaman ko yung 16 nakatanggap ng congrats email at for medicals na. Nakabalik na ko ng Qatar nun kasi dun ako nagwowork. Tumawag ako nun kay Ms. Rocel, she said mag intay lang daw ng email dahil mag eemail ang QR kung ok ka at hanggang walang rejection email. Nag email naman ako nun sa QR pero ang email add sa handouts that time eh [email protected] lang. Sabi ng RO ko dun dw magfollow up. Wala silang binigay na personal email.Wala naman nagreply sa akin. Thrice ako nag email. The following interview na inatenddan ko sabi sa akin definitely daw ON HOLD ako. Sana daw tumawag ako sa QR since Doha resident ako malamang hindi nila ko papadaanin ng IPAMS since declared ko sa Application Form na Present Address ko is QATAR. So ayun hindi na ako nangulit. And isa pa un sa natutunan ko. Matuto makulit sa QR. Now kasi nagbibigay na sila ng personal emails where to communicate. Dati hindi. Yung First FI ko naman kasalanan ko un sabi sa akin ni Ms. Kaye, palitan ko picture ko. Hindi ko pinalitan. Feeling ko ok na. Hindi pa kasi uso nun 2007 *** iiimail *** picture. hehe.. Yung 3rd FI ko naman chubby ako nun so i felt pangit talaga ako sa picture at isa pa hindi transferable visa ko. After that, I realized all my flaws at ayun tuloy tuloy na!
  • ah ganun ba sis...

    parang yun ata ang email add na pinagsesendan ng applications.. possible na di nila nakita email mo or what ..
    yeah now, may binigay na email add.. [email protected].. i don`t think personal email ito sis sa batch namin.. sa iba siguro na batch nagbigay ng personal emails..
    ah.. ngayon marami ring pinapaulit na pics daw sis..

    super blessed ka na sis at nakamtan mo na ang pangarap mo..
    sobrang inspiring story mo..
  • elapotjing wrote: »
    ah ganun ba sis...

    salamat sis! yaan mo malapit na din yang sayo. intay intay lang dahil ang dami nilang applicants na kinuha dito sa manila di ba? i know how it feels to wait. kaya naiintindihan kita. I hope and pray na sana matanggap mo na congrats email mo soon.
  • Congrats sofia, see you all here in doha. *okay*
  • MrKupido wrote: »
    Congrats sofia, see you all here in doha. *okay*

    Thank you po MrKupido!
  • sofia16 wrote: »
    salamat sis! yaan mo malapit na din yang sayo. intay intay lang dahil ang dami nilang applicants na kinuha dito sa manila di ba? i know how it feels to wait. kaya naiintindihan kita. I hope and pray na sana matanggap mo na congrats email mo soon.

    Actually, based kay EvitaLopez na aalis na sa Oct.6, ka-batch ko sya (June OD), meron daw 16 na paalis na pa-Doha kaya sila na-delay. Sept.15 ang Join Date nila pero eto.. Oct.6 na.
  • Sis may tanong ako kapag nag-repeat medicals dahil expired na ang GAMCAA:

    Same clinic or ia-assign ulit randomly ng IPAMS?
    Uulitin mo ba LAHAT as in lahat pati yung thoracic spine (na hindi naman nagbabago) at yun Audiogram sa Manila Hearing Aid?
  • iwillfly wrote: »
    Sis may tanong ako kapag nag-repeat medicals dahil expired na ang GAMCAA:

    Same clinic or ia-assign ulit randomly ng IPAMS?
    Uulitin mo ba LAHAT as in lahat pati yung thoracic spine (na hindi naman nagbabago) at yun Audiogram sa Manila Hearing Aid?

    hi sis, random ulit. and u can only schedule your medicals after finishing the 3rd month of your first medical from the date of release. phase 1 & 2 na lang yung gagawin mo. hindi na kasama *** thoracic, audio at ishihara. in my case, first medicals ko was in American Outpatient Clinic sa Intramuros. *** secong sa L and R Medical Clinic sa Makati.

    Wait sis, kasi binago daw nila eh. 2mos nlng ngayon ang expiry date ng GAMCAA Medical.. for example, yung akin released JULY 23, you mean to say, OCT.23 pa 'ko pwede magpa-medical? Or 2mos lang, since binago nila? Pakilinaw sis.. Salamat ng marami..

    Nagre-ready na ko..kasi nung Sept.23 pa nag-expire medical ko. Anytime soon na maka-receive ako ng CLEARANCE from QR, I'm sure uulit din ako ng Medical. Thanks sofia16!
  • hello po! wow im so glad nakita ko tong forums grabe nakaka inspire **** stories dito. im waiting for fi results sep 18 fi ko its been 11 days and halos hindi talaga ako mapakale and yet mas matindi pa pala *** hintayan pag nag medicals nako0o0o0. *** mga ka batch ko naka receive ng emails today pina pa email *** photos ng scars nila. sakin passport ko lang *** pina email pero wala pang congratulatory email.. nakuuuuu
  • iwillfly wrote: »
    Wait sis, kasi binago daw nila eh. 2mos nlng ngayon ang expiry date ng GAMCAA Medical.. for example, yung akin released JULY 23, you mean to say, OCT.23 pa 'ko pwede magpa-medical? Or 2mos lang, since binago nila? Pakilinaw sis.. Salamat ng marami..

    Nagre-ready na ko..kasi nung Sept.23 pa nag-expire medical ko. Anytime soon na maka-receive ako ng CLEARANCE from QR, I'm sure uulit din ako ng Medical. Thanks sofia16!

    hi sis, kausap ko si Ms. Rocel nun 26 September. Pinaliwanag nya sa akin un. Ang Qatar Embassy kasi tinatanggap nila *** Medicals natin 2 months from the date of release. So example sa akin Aug 1 released fit to work medicals ko. Maeexpire yung medicals ko ng Oct 1. Buti umabot ako for visa stamping. Pero sa system ng GAMCA ang medicals natin ay valid until the 3rd month and hindi maiischedule for another medicals until matapos un.

    Kung ikaw July 23 ka na fit to work. Bago mag September 23 dapat maipasok ang passport and visa mo sa Qatar Embassy for visa stamping. So dahil naexpire na *** 2 months maschedule ka lang ulit for another clinic after October 23. So sa Oct 24 ka pa ulit ipapatawag ni Ms Rocel.

    I know a lot of candidates na nacleared na ng Qr tapos may visa na din pero naghintay ng less than a month para maschedule *** repeat medicals para sa visa stamping. Problema talaga ito ng mga hinihingan ng Qr ng additional reports. Naabutan ng expiration at need maghintay.

    Ako nga sis, Oct 1 maeexpire medicals ko. Dumating doj at visa ko nun 26 Sep lang. Hinabol ng IPAMS sa Qatar Embassy para sa visa stamping yung passport ko nitong 27 September. Sabi ni Ms. Rocel sa Oct 3 daw malalaman kung na visa stamp ako. Although naihabol hindi nya ko maiassure na ok since inabot ako ng expiration pero nakapasok na sa Embassy. 5 working days kasi *** processing. Pero sana ok na. Para makaalis na ko sa 13 Oct.
  • hello sep 18 am po ako na fi ka din ba @elajpotjing

    THANKS A LOT sofia16. Ayan, now we know what to expect. So kahit pala mareceive ko ang clearance at visa ko anytime soon, hindi pa rin ako makakapagpa-medical ulit. I have to wait till Oct.24. :hmm: Haaaaaaaaaaaay. That's okay..

    So papa-medical ako sa Oct.24, tas FIT TO WORK na yun agad.. then Visa Sticker 5days wait.. Hahaha!

    NOVEMBER 3 JOIN DATE!!!!! Yun ang earliest that I can think of.. 1st Saturday ng Nov ako aalis kung wala ng aberya pa.. haaaaaaaay!

    Sige lang.. ITODO NA NATIN!!!!!!:bop:
Sign In or Register to comment.