Angelica Panganiban Happy Kasama si John Lloyd Cruz?

images?q=tbn:ANd9GcTZgTEy_Nf6_5vBAxWEKUcv2WwGhm7U-_fOOu6xJkzRQJrZ81GB





Sinagot ni Angelica Panganiban ang issue tungkol sa kanila ni John Lloyd Cruz noong Martes sa press launched ng Pantene Shampoo kung saan naging endorser sila ni Cristine Reyes.Nagrequest ito sa mga media na bigyang privacy at hayaan siyang mag-enjoy kung anumang mayroon sila ni John Lloyd.

Kahit hindi niya diretsahang sinagot kung anumang relasyon ang namamagitan sa kanila, umamin ito na "perfect" ang stado ng kanyang puso.Ayon ni Angelica, "Perfect Monday, Tuesday, Wednesday hanggang Sunday, balik Monday. Nasa iyo naman 'yon kung paano mo papagandahin ang araw mo. So 'yun siguro ang importante sa akin ngayon".

Comments

  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Angelica Panganiban on the State of Her Heart: ‘Perfect’

    Angelica-Pantene-2.jpg

    Kapamilya actress Angelica Panganiban dropped some hints about her rumored relationship with John Lloyd Cruz during the launch of her endorsement for Pantene “Sway and Bounce” on Tuesday, August 21, 2012.

    Angelica Panganiban was asked by the entertainment press the one question she knew she can’t avoid: what’s the state of her heart? The actress replied, “Perfect!” referring to the controversial post she made on Instagram titled “perfect Sunday” last August 12. The photo featured her and rumored flame, John Lloyd Cruz.
    “Perfect Monday, Tuesday, Wednesday hanggang Sunday, balik Monday. Nasa iyo naman ‘yon kung paano mo papagandahin ang araw mo. So ‘yun siguro ang importante sa akin ngayon,” she added without spilling more details.
    Panganiban, however, appealed to the media to give her some privacy and the chance to enjoy the things that are making her happy these days.
    Last May, Angelica Panganiban broke up with boyfriend of 6 years, Derek Ramsay.
    Derek, on the other hand, is currently being linked to Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz‘ ex-flame.

    [Angelica Panganiban during the launch of Pantene's "Sway and Bounce" on Tuesday, August 21, at the SM Megamall Event Center

    Angelica-and-Cristine.jpg

    c/o starmometer
  • Diva_ritzDiva_ritz Banned by Admin PExer
    Angelica Panganiban remains mum about John Lloyd Cruz

    082212-angelicajlc_main.jpg

    Kung ano ang nakikita n’yo sa panlabas, ‘yun din ang nakikita n’yo sa loob, so hindi ko na kailangang mag-explain pa kung ano ‘yung nararamdaman ko,” ito ang kabuuan ng panayam kay Angelica Panganiban kamakailan sa kanyang shampoo endorsement, nang tanungin siya hinggil sa kontrobersyal na pagkakamabutihan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

    Matatandaang a few weeks ago ay may na-post na pictures si Angelica with John Lloyd na may title na “perfect Sunday” na pinakamalapit na pag-amin ng dalawa na maaaring may namamagitan na sa kanila.

    Sa press conference nila ni Cristine Reyes para sa Pantene Nature Care noong Martes (August 21) sa Mega Event Center sa SM Megamall, tinanong si Angelica kung gaano kasaya ang mga araw niya ngayon kumpara noong mga nakaraan. Aniya, ayaw niyang magkumpara. “Ang sa akin lang kung nararamdaman ko na paganda nang paganda ang bawat araw na meron ako, hindi ko ‘yon kailangan hingin sa ibang tao. Nararamdaman ko ‘yon sa sarili ko dahil nahanap ko kung anong gusto kong ma-achieve; ‘yung panahon sa sarili ko, maalagaan ang sarili ko, pagandahin lalo ang sarili ko. Mukha namang achieve na achieve ang kagandahan na ‘yon.”

    Kinumpirma rin niya na ang pagbabalita ni Boy Abunda sa The Buzz kamakailan na si John Lloyd Cruz nga ang nag-post ng pictures nila sa internet gamit ang instagram ni Angelica na may pamagat na “perfect Sunday.”

    Noong una ay naging matipid ang aktres hinggil sa isyu nila ni John Lloyd, subalit bandang huli ay nagsalita na rin siya at nakiusap na hayaan na muna siya sa kanyang personal na buhay.

    “Siguro naman obvious sa inyong lahat kung anong meron ako noon (relationship with Derek Ramsay). Hindi ko naman ‘yon itinago, hindi ko naman ‘yon ipinagdamot. Siguro may karapatan din naman akong ‘wag magsalita at piliin kong manahimik at hayaan n’yo munang ma-enjoy ko ‘yung privacy at ‘yung happiness na meron ako ngayon. In time, darating tayo d’yan. Kapag nagdesisyon ako o bumait akong magsalita at i-share sa inyo kung ano man ang nararamdaman ko, sobrang proud akong gawin ‘yon pero ngayon hayaan n’yo na lang munang nasa ganito.”

    Tinanong din ng Push.com.ph sa aktres kung paano niya nagagawang maging masaya. “Mahalin mo ang sarili mo kasi pag dun ka nagsimula, masaya ka na pala agad. ‘Yung hindi mo na kailangan ng ibang tao para ma-aappreciate ka kasi alam mo na ang hangganan mo, alam mo na ‘yung magpapasaya sa ‘yo, ano ‘yung pwedeng ibigay at ano ‘yung mga hindi pwedeng maibigay at maiiwasan mo ‘yung masaktan, ‘yung [maging] malungkot, ‘di ba?”
  • Sharp85Sharp85 #LoveOverHate PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    The Buzz reports that John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban are taking it slow

    082012-jlc-main.jpg

    http://www.push.com.ph/features/8292/the-buzz-reports-that-john-lloyd-cruz-and-angelica-panganiban-are-taking-it-slow/

    Tinalakay kahapon sa The Buzz ang diumano’y namumuong relasyon sa pagitan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na for a time now ay napapabalitang may relasyon na. Lalo namang lumakas ang paniniwala ng marami na may namamagitan na nga sa dalawa matapos i-post ang instagram picture ng dalawa na magkasama noong nakaraang linggo.

    Sa report, isang source ang nagsabing nasa getting-to-know-each-other stage pa raw umano ang dalawa. Masaya raw sila sa espesyal nilang samahan ngayon at wala raw dahilan para madaliin nila kung ano man ang meron sila. Mas nagiging maingat din daw si Angelica lalo pa’t ngayon lang daw niya nae-enjoy ang pagiging single matapos ang kanyang mahabang relasyon noon kay Derek Ramsay na tumagal din ng higit sa limang taon.

    Earlier that Sunday ay magkasama rin ang dalawa sa 27th Kadayawan Festival sa Davao with other Kapamilya stars. Gayunpaman, tumanggi umano ang dalawa na magpa-interview pero nakunan sila sa camera na laging magkadikit habang nasa parada.

    Ibinunyag din ng The Buzz host na si Boy Abunda na ayon sa isang source, si John Lloyd umano ang nag-post ng mga larawan nila noong nakaraang linggo gamit ang instagram ni Angelica.

    Sinabi naman ni Charlene Gonzales na wala namang masama kung sila na nga dahil pareho naman silang single.

    Pahayag naman ni Toni Gonzaga, naging very vocal ang dalawa noon sa kani-kanilang relasyon kaya naman ngayon ay sinisikap nilang huwag magmadali.
  • Sharp_Cordial857Sharp_Cordial857 See You Again PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Wow bagay sila!!! Ang ganda talaga ni Angelica Panganiban! Parang si Rhian Ramos!
  • McGee03McGee03 Member PExer
    Wow bagay sila!!! Ang ganda talaga ni Angelica Panganiban! Parang si Rhian Ramos!


    hehe uu nga si Rhian Ramos parang si Angelica Panganiban :bashful:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file