Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Forcing Someone to Marry: Good or Bad?

Hello. Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Alam ko kasi kelangan ng mag-asawa ng kapatid ko at inaamin ko rin na lahat ng tao including me minsan eh ginagawan sya ng masama para lang ma-force syang mag-asawa na pero kung sa ibang tao nagwo-work yun, palagay ko parang ayaw umubra sa kapatid ko kasi mataas ang pride nya eh. Ayaw na ayaw nyang nararamdaman na tinutulak o fino-force sya ng ibang tao na magawa ang isang bagay. So sa tingin ko parang never nang makakapag-asawa ang kapatid ko kasi galit sya sa mundo at feeling nya sini-setup na lang sya palagi.

At kung makapag-asawa naman sya, tingin ko hindi rin sya magiging masaya o mas magiging terible ang buhay nya. Kasi kaya nga namin tinutulak na mag-asawa para mapaganda ang buhay nya pero sa nakikita ko ngayon, feeling ko magiging worse ang kalagayan nya kung magkakaroon sya ng sarili nyang pamilya.

Tama kaya ang hinala ko? Ano sa tingin nyo?

P.S. In fairness naman to her, gusto na nya ring mag-asawa pero ayaw nya yung ideang kami yung pipili para sa kanya. Gusto nya raw yung pili nya mismo hindi yung setup. Kaya nga tingin parang wala nang pag-asa eh. :lol:

Comments

  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Malaki na po siya kaya hayaan nyo na sya sa buhay nya. Wala naman pala siyang malaking problema. Tsktsk.

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]Cute ba sya? :rotfl:[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    *******, forcing somebody else to marry... buhay ng iba ba daw ang pakialaman... sa iyo kaya gawin? i force kang ikasal sa lalaking di mo gusto?
  • Eh kelangan na nya kasi ng kasama sa buhay eh. Parang yung song na Everytime ni Britney, yung tipong, "everytime I try to fly, I fall, without my wings I feel so small, I guess I need you baby.." or something like that LOL. Parang tingin namin hindi sya maka-asenso sa buhay nya hangga't di sya nakakapag-asawa.

    @Jam: Puwede na. Hindi naman itsurang maitapon.

    Kasi ganito ang kuwento ng kapatid ko. May ex sya na talagang minahal nya. Since nung nag-break sila, nagbago na talaga sya. Naging let's say, mature na.. yun yung magandang nangyari. Naging seryoso na sya sa mga bagay-bagay. Yun nga lang sumobra. Parang lagi na lang syang galit sa mundo. Lalo pa't madalas nyang makita yung ex nya sa fb (kasi yung ka-fb nya medyo friend ng ex nya kasi dati silang co-workers kaya minsan nagpo-post ng pix yung ka-fb nya na kasama yung ex nya pati yung current gf nya). Feeling ko (feeling ko lang ha kasi kapatid ko yun kaya alam ko ang ugali nya), parang ayaw nyang nakikitang masaya yung ex nya. Since she's suffering nga eh gusto nya mag-suffer din yung ex nya. Palagay ko makaka-move on lang yun pag nakita na nyang nagkakanda-leche-leche na ang buhay ng ex nya. I know it's sad pero that's the truth. Haayy.. naku. I know she's a good person eh kaya gusto lang namin syang makitang masaya. :(
  • ikaw yata TS yung kinikwento mo eh, D:
    ilang taon na siya?
    di pa ko sure kasi di ko alam kung ilang taon na yan, baka naman 45yrs old na yan? o baka naman 18 pa lang?
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Rookie ⭐
    TS: Wag mo muna nating isipin yung problema ng sis mo. Medyo malakas ulan ngayon. Dalhin mo sa baha. Itulak mo. Bigyan mo ng Life&Death situation. Pag nabuhay pa sha saka mo sabihing "Ate, muntik ka ng mamatay ng walang maiiwanang anak man lang. Mag-asawa ka na kaya. Second life mo na eh!."
  • lol buti na lang wala akong kapatid at pamilyang nanunulak magpakasal.

    Kung tama nga yung palagay mo ts na ang reason kung bakit ayaw pa niya mag asawa eh dahil di pa siya nakaka move on, di pa siya healed from her past relationship eh mas mali kung ipagpipilitan niyo sa taong di naman niya gusto at di pa gustong lumagay sa tahimik. I don't think so may kinalaman ang mataas na pride ng kapatid mo.

    Sino ba naman ang gustong piliting ipakasal?:hmm:
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Rookie ⭐
    lol buti na lang wala akong kapatid at pamilyang nanunulak magpakasal.

    Kung tama nga yung palagay mo ts na ang reason kung bakit ayaw pa niya mag asawa eh dahil di pa siya nakaka move on, di pa siya healed from her past relationship eh mas mali kung ipagpipilitan niyo sa taong di naman niya gusto at di pa gustong lumagay sa tahimik. I don't think so may kinalaman ang mataas na pride ng kapatid mo.

    Sino ba naman ang gustong piliting ipakasal?:hmm:
    Meron. Yung officemate kong mataba. Mataba na, mukha pang madungis. Kahit anong lait ko na walang magkakagusto sa kanya kung hahayaan nya lang hitsura nya na ganun eh wala pa din pake. Ayaw makinig. Hanggang ngayon at age 26 eh virgin pa. Naniniwala pa din na me magkakagusto sa kanya. Tapos umaasa sha na yung bagong officemate namin na chix at medyo classy eh magugustuhan sha. Suntok sa buwan.

    Kakaasar lang eh panay post ng kung anu-ano. Kadalasan puro ka-loser-an. Feeling nya ata me maiinlove sa kanya thru awa. Sa pelikula siguro meron.

    True story.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^

    Wala yan sa katrabaho ko. Parang ganyan din siya sa physical description mo. Pero pinag-aawayan ng dalawang lalake ah. Yung isa mukha pang matino at may pinag-aralan. Yung isa bungal pero dun siya nagka-anak ng dalawa. Tapos alam ko lagi sa Sogo yung matino at si miss Luya. Hindi mabuntis-buntis kasi nagpa-ligate si ate.

    Mukhang luya kasi ang daliri niya sa paa. Don't want to be bad pero ganun talaga ang tawag sa kanya ofis namin. :glee:
  • Hay naku. Sabi ko nga, kahit na hindi na sya mag-asawa basta huwag lang syang maging masungit at ayusin naman sana nya ang buhay nya nang hindi na kami nag-a-alala.
Sign In or Register to comment.