Home PEx Local Entertainment Showbiz - Female Celebrities
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

JANINE GUTIERREZ : Keep on Smiling Like JANINE #1 TeamJanine

Welcome to JANINE GUTIERREZ's PinoyExchange Thread # 1.
3.jpg

Personal Information:
Complete Name : Janine de Leon Gutierrez
Birth Place : Philippines
Birth Date : October 2, 1989
College : Ateneo De Manila University
Course : AB in European Studies
Height : 5'6.5"
Family : eldest daughter of Lotlot de Leon and Ramon Christopher; granddaughter of Nora Aunor and Pilita Coralles
Showbiz Career : Launched as GMA artist last June 26, 2011 and immediately called by press people as showbiz royalty.
«134567

Comments

  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Janine's Official Fan Club :
    TJFINAL.jpg

    TEAM JANINE

    List:

    1) bundleofhis - Laguna

    Feel free to add your username here! Everybody's welcome..
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Television :
    1.jpg

    2011 - present: Party Pilipinas as herself

    2012: Pepitoo Manaloto as Hannah

    2012: My Beloved as Joanne Ledesma

    2012: Makapiling Kang Muli as Lynley Valencia

    2012: Together Forever as Jasmine "Jas" Trinidad
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Follow us on Twitter!

    1-2.jpg

    Janine's official twitter account : @janinegutierrez

    2-2.jpg

    TeamJanine official twitter account : @TeamJanineG

    3-1.gif

    YOU! Yes you! Follow us on Twitter!
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Some of JANINE's Party Pilipinas Performances :
    4.jpg
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Catch JANINE on this following shows at GMA!
    12.jpg

    Always watch and support her as Janine makes her name of her own.
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    The sweetest and most contagious smile in the Philippines Showbusiness.

    9f0a0951.jpg
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Janine's Official Fan Club :

    TEAM JANINE

    List:

    1) bundleofhis - Laguna

    Feel free to add your username here! Everybody's welcome..

    2) stomata - Ms. LT is my number one idol then Janine nakita ko sya sa PP ang ganda
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    stomata wrote: »
    2) stomata - Ms. LT is my number one idol then Janine nakita ko sya sa PP ang ganda

    Hi! Wow, salamat po! I'll include you na po sa list! :D
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Janine's Official Fan Club :
    TJFINAL.jpg

    TEAM JANINE

    List:

    1) bundleofhis - Laguna
    2) stomata

    Feel free to add your username here! Everybody's welcome..
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Newcomer Janine Gutierrez thankful for her two new shows on GMA-7

    Ruel J. Mendoza
    Wednesday, June 06, 2012 @ 07:45AM


    Kasama ang newcomer na si Janine Gutierrez sa dalawang bagong programa ng Kapuso network: ang primetime series na Makapiling Kang Muli at ang Sunday afternoon series na Together Forever.

    Masaya si Janine dahil kahit wala pa siyang isang taon sa showbiz ay ang dami-dami na niyang blessings na natatanggap.




    Bukod sa dalawang TV series niya, regular din siyang napapanood sa Party Pilipinas every Sunday; at may mga endorsements na rin siya.



    “I’m happy with all the blessings coming my way po,” sabi ni Janine nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Together Forever.



    “I’m only a few months lang in the business and now I’m doing these shows na.

    “I like to thank God for all the blessings. I promise to do good in all of them.”



    PROUD PARENTS. Masaya rin siyempre ang mga magulang niyang sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon dahil napalaki nilang maayos ang kanilang panganay at nakatapos na ito ng college bago ito sumubok na mag-artista.



    Graduate ng European Studies sa Ateneo de Manila University si Janine last year.

    Kaya nabigyan siya ng blessing na pasukin din ang showbiz.



    Aniya, “I’ve always listened and obeyed my mom and dad. Sila ang nakakaalam ng nakakabuti sa akin.

    “I really finished college because promise ko ‘yan sa kanila.



    “Now they gave me this freedom to choose what I want to do and I chose to be in showbiz like them.



    “Sabi nga nila na 21-years old na raw ako, I know how to make decisions na and take care of myself.



    “Pero I still need them beside me.

    “I want to make the right decisions at gusto ko kasama sila sa mga decision-makings ko.”



    FULL SUPPORT. Sa dalawang bagong shows ni Janine, all-out daw ang suporta ng kanyang pamilya at mga kamag-anak.



    “They are really behind me 100 percent and so are grandparents, my aunts, uncles, and cousins who are also in showbiz.



    “Like in Makapiling Kang Muli, I am working po with my dad and my cousins Richard and Rocky [Gutierrez].



    “In Together Forever naman, I am working with my Tita Jackie [Lou Blanco].

    "Kaya po, surrounded ako ng mga taong mahal ko.”



    LOVE TRIANGLE. Sa Together Forever, ipapareha si Janine kay Enzo Pineda, pero magkakaroon ng isang love triangle involving Steven Silva.



    Biniro namin si Janine kung nagpaalam na siya sa mga babaeng nali-link kina Enzo at Steven na sina Louise delos Reyes and Diva Montelaba, respectively.



    Sabi naman ng dalaga, “Ay, kasama ko po sina Louise and Diva every Sunday sa Party Pilipinas.

    “Magkakasama po kami sa iisang dressing room at alam nila na I will be doing a show with Enzo and Steven.



    “Okey nga raw po sa kanila. They will support the show kasi magkakaibigan kaming lahat.”



    So, walang mabubuong selos between her and the girls of Enzo and Steven?



    “Wala naman po. Both Louise and Diva are my friends. They know na trabaho lang po ito.

    “I-update ko nga raw po sila kapag nagte-taping na kami nina Enzo at Steven!” natatawang sabi ni Janine.



    ADMIRERS. Isa si Janine sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon, kaya imposibleng sabihin na walang nanliligaw dito ngayon.



    “Gano’n po ba?” tawa na naman niya.



    “May mga nagpaparamdam po, pero hindi naman po ako serious sa ganyan pa.

    “I want to work on my career. I want to be at my best first sa trabaho ko.



    “My mom advises me to be careful and choose what’s right. Tama naman siya.

    "I’m taking my time and I don’t want to jump into something na baka magsisi lang ako.”



    Isa sa mga pangarap ni Janine ay mapuntahan ang maraming bansa dahil sa kursong natapos niya.



    “My dream to travel is still there. Hindi po iyon mawawala.



    “Someday, I will be able to do that. With all the blessings po, makaka-save ako and I will be able to travel by my own.



    “As of now, dito muna ako because of the projects I’m doing.

    “Kapag okey na po ang lahat, then doon na ako magplano para sa pag-travel ko,” sabi niya.
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Janine Gutierrez on acting with dad Ramon Christopher: “Natatawa po ako."

    Rose Garcia
    Thursday, June 14, 2012 @ 09:56AM


    Bukod sa kauna-unahan niyang primetime series na Makapiling Kang Muli, isa pang bagong show ang dumating kay Janine Gutierrez.

    Ito ay ang bagong youth-oriented show ng GMA-7 na Together Forever na papalit sa Tween Hearts tuwing Linggo ng hapon.




    Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa first taping day ng kanyang bagong show noong Linggo, June 10, sa Sienna College sa Taytay, Rizal.

    BIG PRESSURE? First time niya sa isang youth-oriented show?



    “Opo. Nakakatuwa nga po, kasi I really wanted to be a part of something like this. Yung lahat [halos] kaedad mo.

    "At saka, sinasabi nga po nila na excited sila dito kasi yung mga ganitong show yung tumatatak—yung mga Tween Hearts at Click.



    “Kaya hinahangad nga po naming lahat na galingan po. Pinag-usapan po namin.”



    Alam naman ni Janine na ang papalitan nilang show, ang Tween Hearts, ay matagal ang inabot sa ere.



    Sabi niya, “Siyempre, gusto po namin na talagang galingan at gandahan po ang show.

    “Yung Tween Hearts po kasi, maraming naka-relate kaya pumatok.

    "Basta gusto rin po sana namin na maging ganoon kami. Tumagal po kami at saka tumatak.”

    BEAUTY QUEEN. Kung sa totoong buhay ay marami ang nag-uudyok sa kanyang sumali sa isang beauty contest, pero ayaw niya, dito sa Together Forever, ay isa raw siyang beauty queen bilang si Jasmin Trinidad.

    Natatawang sabi niya, “Beauty queen po, pero humble!”

    Baka naman nilalapit talaga siya na maging beauty queen ‘tulad sa role niya ngayon?

    Sa height, beauty, at maging sa talino, puwedeng-puwede kasi siyang ipanlaban.



    Pero natatawang sabi ni Janine, “Oo nga po! Pero at least dito po, mata-try ko kung ano ang feeling.”



    Maging ang mommy ni Janine na si Lotlot de Leon ay sinasabing talagang ayaw raw sumali ng anak sa beauty contest.



    “Talagang hindi ko po hilig talaga. Dito [pag-aartista] na lang po,” sabi rin ni Janine.

    BENEDICT CAMPOS. Mukhang ang tambalan nina Janine at Benedict Campos ang isa sa mga ipinu-push ngayon ng Kapuso network. Sila ang magkatambal sa Makapiling Kang Muli at Together Forever.

    Ano ang masasabi ni Janine dito?

    “Okay naman po, kasi parang masaya na meron akong nakakausap dito about sa kabilang show rin.

    “Nagkakatanungan kung may taping ba, ano [na] nangyari sa mga kinukunan nila, nakakatuwa po.”



    Okay raw kay Janine na si Benedict ang ipinapareha sa kanya.



    “Okay po siya sa akin,” sambit ng dalaga.



    “We have a lot of things in common. Meron kaming common friends.

    “Kilala niya ang mga kaibigan ko. ‘Tapos taga-La Salle po siya, ako taga-Ateneo.

    “Yung mga ganoong maliliit na ano lang po, parang madaling makasundo.”

    ACTING WITH HER DADDY. Sa Makapiling Kang Muli ay unang pagkakataon daw na magkasama sila ng kanyang ama na si Ramon Christopher.


    Kuwento ni Janine, “Natatawa po ako. Kasi ang role po niya do’n, parang masama, goons, naka-cowboy hat.

    "Parang natatawa po ako kapag tinitingnan ko siya.”

    Mabuti at hindi sila inaabot ng ilang takes ng daddy niya dahil natatawa siya?



    “Hindi po kasi, siyempre po, dapat professional. Sinasanay ko na lang po sarili ko.

    “Natatawa po kasi ako kay Papa. Kasi po, di ba minsan, rehearsal, ‘tapos maghihintay po ng 'Action!' si Papa, nagme-make face sa akin, kaya nakakatuwa po.”
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    Janine Gutierrez on possible reconciliation of parents Lotlot de Leon and Ramon Christopher: “I wish. Pero tanggap na rin po namin na malabo pong mangyari.”

    Rose Garcia
    Friday, June 01, 2012 @ 08:35AM


    Sa bagong primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli, gumaganap na kapatid si Janine Gutierrez ng kanyang real-life uncle na si Richard Gutierrez.

    Ang Makapiling Kang Muli din ang maglulunsad kay Janine sa kauna-unahan niyang soap opera simula nang pumirma siya bilang isang Kapuso star.




    Masaya si Janine nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Makapiling Kang Muli noong Martes ng gabi, May 29, sa GMA-7.

    Aniya, “Nakakatuwa nga po kasi I’ve been looking forward to it. Nakakatuwa po at more pa, kasi kasama ko si Richard.

    “'Tapos, si Direk Ricky Davao. Si Papa [Ramon Christopher], nandiyan din po.



    “So, it’s very saya po sa taping. Kumportable. Natuwa po ako na sinama nila ako dito.



    “It was easy to adjust in taping 'tapos alaga po nila ako. Yun po.”



    NEW LOVETEAM. Pero noong pumirma siya ng kontrata sa GMA-7, may naging expectation ba na lead role siya unang ilulunsad?



    “Siguro po, kahit sino naman pong bagong artista, magiging suwerte kung pagsabak agad, bida agad.

    “Pero I’m thankful naman po sa mga ibinibigay ng network sa akin,” sabi ni Janine.



    Si Benedict Campos daw ang naririnig niyang tila ipapareha sa kanya dito sa Makapiling Kang Muli.



    Personally, gusto ba niyang makilala rin na may ka-loveteam?



    “Hmmm, dito po or in general? Hindi ko pa rin po alam kasi hindi ko pa po nae-experience so I don’t know which is better.

    “Pero I guess, bahala na po.”



    Sa mga nakikita niyang mga loveteams, nae-excite ba siya?



    “Nakaka-excite din po kasi never pa akong nagkaka-loveteam.”



    May naging realization ba sa kanya na ganito pala ang showbiz?



    “Marami po kasing feeling na yung pag-aartista, puro glamor lang. Yung puro pagpapaganda, pero mahirap din po siyang trabaho.

    “I knew that naman kasi sila Mama [Lotlot de Leon] at sila Papa [Monching], nakita ko rin naman na nagpupuyat yun when I was growing up.



    “At saka yung schedule po, di ba, kakaiba? Hindi siya regular.

    “Parang ngayong nandito po ako, mas lalo kong na-realize na it’s hard work.

    “Kailangan pagbutihin mo pong talaga ang mga opportunities na ibinibigay sa ‘yo kasi doon ka po mapapansin at saka doon ka rin gagaling.”



    SHOWBIZ INTRIGUES. Sa mga mararanasan niyang intriga, ano ang mga payong ibinibigay ng mga magulang niya?



    “Naku, sana hindi po!” natatawa niyang sabi.



    “Pero noong bago pa lang po akong mag-umpisa, yun na rin po ang warning sa akin.

    “At saka na-experience ko rin naman po noong maghiwalay sila kasi dati, bigla na lang may darating sa bahay.

    “Talagang na-experience ko na maraming nag-aakala. Kung makapagtanong akala mo alam na nila ang sagot.



    “Siguro okay na rin po na na-experience ko yun dati. At least ngayon po, I know what to expect.

    “Basta they always remind lang na kailangan mag-isip nang mabuti bago sumagot.

    “Kung hindi mo alam ang sasabihin, huwag na lang magsabi ng kung anu-ano.



    “It’s hard po, minsan natu-twist po ang words mo, di ba? So, kailangan po maingat.”

    PART WAYS. Matagal na ring hiwalay ang mga magulang ni Janine. At bilang panganay, kumusta na sila?



    “Ano pa lang po ako noon, 13, magha-high school pa lang po ako noon. Matagal na rin po, ‘no?

    “Minsan, hindi ko nga po naiisip na ganoon na katagal. Pero ayun, at first, it was very hard po.

    “Kasi, noong bata ako, ang daming nagsasabi sa akin na, ‘Ang galing ng parents mo. Kahit bata sila nagpakasal, sila pa rin.'

    "So, in my head, 'Ay, ang galing nga nila. Hindi na sila maghihiwalay.' Kaya nagulat din po ako.”




    Pero ayon kay Janine, hindi naman naging mahirap para sa kanilang magkakapatid ang sitwasyon noong maghiwalay ang mga magulang nila.



    “They made us easier for us noong maghiwalay sila.

    "Kinausap naman po nila ako nang maayos at ini-explain naman po nilang lahat.

    “So, naka-adjust naman po kami. At saka, okay naman po sila ngayon.

    “Kapag may event po—Christmas, birthday—lahat po magkakasama.



    “At least, nagpapasalamat po ako. Kahit naghiwalay sila, parang pamilya pa rin po.”

    Bilang anak, may wish pa rin ba siyang magkabalikan ang Mama at Papa niya?



    “Kahit naman pong sinong anak ng naghiwalay, gusto pa rin po na magkabalikan sila.

    “I wish. Pero tanggap na rin po namin na malabo pong mangyari.”



    So far, sa pagkakaalam niya, parehong single ang mga magulang niya ngayon.



    “Wala pa naman po akong alam. Pero kung may ipapakilala man po sila, ready na rin naman po ako.

    “Matagal na rin naman po silang hiwalay at siyempre, I want them to find their own happiness po.

    “Ayoko rin naman po na tumanda sila na… if they want someone to be with, I’ll be happy for them.

    “Pero kung ayaw po nila, okay lang din po. Sila na po ang bahala.

    “Ganoon talaga, e."
  • bundleofhisbundleofhis Nicnic PExer
    KakaGV lang talaga yung ngiti ni Janine :) sobraaaang pretty nya!
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Janine Gutierrez, bagong endorser ng My|Phone
    (Maria Ana Esternon)


    t-23-JANINE.jpg

    March 7 2012, pormal na ipinakilala ng My|Phone ang kanilang newest endorser na si Janine Gutierrez sa Sweet Bella sa Global City Taguig.


    Ang My|Phone ang isa sa pinakamalaking endorsement na ipinagmamalaki ng dalaga kahit baguhan palang ito sa industriya ng show business.


    Si Janine, 22, ay panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.


    “I’m happy and honored to be part of the My|Phone family. My|Phone they really exemplify that it’s not just a brand but ito yung may puso, a Pinoy phone. Proud akong i-endorse ang My|Phone dahil nae-exemplify nila ang characteristics ng Pinoy na madasalin, masayahin, makabayan na makikita sa applications ng phone na ito na hindi ninyo pagsasawaan,” ayon kay Janine.


    Ang My|Phone ay ang kauna-unahang Filipino mobile phone brand na may dual SIM mobility.


    Para sa iba pang detalye, magsadya sa www.myphone.com.ph.
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
  • stomatastomata RenztersPage PEx Influencer ⭐⭐⭐
    f98dc1809.jpg



    :love::love::love:14ec0e8ca.jpg:love::love:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file