Kung ikaw ay papipiliin... part 1 — PinoyExchange

Kung ikaw ay papipiliin... part 1

Sa taong mahal mo at mahal ka rin, pareho kayo ng gusto, nagkakasundo sa halos lahat ng bagay at tanging nagpapasaya sayo. Respectful. Makwento. Kwela. Pero ang downside, walang ambisyon sa buhay. Mayaman nga pero ang magulang lang naman nya. Hindi pa tapos mag aral considering mag 30 na. Ang pera nya ay galing pa rin sa magulang nya. Alam mo na kung magkatuluyan man kayo sa altar, medyo thriving ang relationship nyo kahit na pa mahal nyo isat isa. Dahil malamang later on ikaw lang ang kumikita at sya hindi.

O,

Sa taong may ambisyon sa buhay. Tapos na sa pag aaral. Gusto ka at mahal ka. Pero hindi mo pa mahanap sa sarili mong mahal mo rin. ALthough okay sya kasama as a friend. Ang downside, limitado lang ang mga bagay na nakapag sunduan nyo, okay naman kasama pero hindi masyado pantay ang mga gusto nyo sa buhay. Pero dahil eto ang madalas mo nakakasama ngayon maaring ma-fall ka eventually pero kung tutuusin ayaw mo ientertain yung feeling kase hindi mo masabing masaya ka talaga.

So san ka sa palagay mo?:rolleyes::rolleyes:

Comments

  • agonysWeeper
    agonysWeeper the servant
    -tinkerbelle- ,

    wait ko yung part II. :D
    atm, doon Sa taong may ambisyon sa buhay.

    -peterpan-
  • IwantTObreathe
    IwantTObreathe Vi veri unversum vivus vici
    yung taong mahal ko. pwede naman kami magsumikap para sa isa't-isa. maging inspirasyon sa isa't isa.. kung tingin mo, di kayo magiging stable pag nagpakasal, edi wag muna magpakasal at wag gumawa ng anak.

    isa pa hindi naman fair na sumama ako dun sa isa dahil lang alam kong magkakaron ako ng financial stability sa kanya. "maaaring ma fall" pero "maaari ding hindi". user ka pag ganon, sariling kaligayahan mo lang iniisip mo. pag di ka na-fall? sinaktan mo lang sya.


    PS.
    isa din akong diwata katulad mo
  • adiposethoughts
    adiposethoughts explore.experience.expand
    Hello?

    Bakit yan lang ang choices mo.


    Deh maghanap ka pa ng iba!!! Yung masaya ka na at may pangarap at diskarte pa sa buhay!

    Sows. No brainer.
  • Mahal mo nga, nirerespeto ka (pero walang respeto sa sarili?) , marami kayong things in common, napapasaya ka, makwento pero wala naman palang kwenta kasi ultimo siguro pambili mo ng napkin (pag nagkatuluyan kayo) at yung mga basic lang na pangangailangan eh galing pa sa bulsa ng mga magulang. Pag ganyan ang sitwasyon ang laki ng posibilidad na eventually you'll fall out of love. Pati respeto mawawala din yan. Paano yan magwowork kung ikaw lang may ambisyon na guminhawa, yung sa sariling sikap at di umaasa kung kani kanino. kawawa lang ako at yung mga magiging anak ko kung yan makatuluyan ko.

    Kung etong dalawa lang talaga ang choices LOL, dun na lang ako sa pangalawa. May mga qualities naman na posibleng makapagpabago sa nararamdaman ko. Lahat naman nagbabago eh at pwedeng matutunan. Atleast diyan sigurado akong secured ang future ko, if ever. Magkatuluyan man kami (layo na ng narating lol) di magugutom mga anak ko, baka masunod pa luho ko lol. Ganun talaga, kelangan magpaka praktikal. Manlalambot ka lang kung puro love lang kayang ibigay sayo ng partner mo. Reality INDEED sucks este bites pala.:lol:
  • What a st*pid dilemma. Bakit, itong dalawang lalake na lang ba ang natitira dito sa mundo?
  • Romanticure
    Romanticure ur knight in shining armor
    Sa taong mahal mo at mahal ka rin, pareho kayo ng gusto, nagkakasundo sa halos lahat ng bagay at tanging nagpapasaya sayo. Respectful. Makwento. Kwela. Pero ang downside, walang ambisyon sa buhay. Mayaman nga pero ang magulang lang naman nya. Hindi pa tapos mag aral considering mag 30 na. Ang pera nya ay galing pa rin sa magulang nya. Alam mo na kung magkatuluyan man kayo sa altar, medyo thriving ang relationship nyo kahit na pa mahal nyo isat isa. Dahil malamang later on ikaw lang ang kumikita at sya hindi.

    O,

    Sa taong may ambisyon sa buhay. Tapos na sa pag aaral. Gusto ka at mahal ka. Pero hindi mo pa mahanap sa sarili mong mahal mo rin. ALthough okay sya kasama as a friend. Ang downside, limitado lang ang mga bagay na nakapag sunduan nyo, okay naman kasama pero hindi masyado pantay ang mga gusto nyo sa buhay. Pero dahil eto ang madalas mo nakakasama ngayon maaring ma-fall ka eventually pero kung tutuusin ayaw mo ientertain yung feeling kase hindi mo masabing masaya ka talaga.

    So san ka sa palagay mo?:rolleyes::rolleyes:

    Ate dun ako sa pangalawa. Hindi nakakabusog ang pagmamahal kung walang sakripisyo. Wala namang mararating ang taong walang ambisyon ultimo sya di nya masusustentuhan sarili nya.

    Sa pangalawa kung magkasama kayo lagi at magkausap, may chance na matutunan mo syang mahalin, makikilala mo sya kung ioopen up mo lang ang loob mo sa kanya at kasama ka sa plano nya.
  • May naalala tuloy akong song dahil sa topic title :rotflmao:

    OT: Tama si adipose, bakit limited lang sa dalawang type? :bop:

    But for the sake of following the topic, I'd choose #2 if I'm a girl. It's easier to develop and nurture love than taking care of a BIG BABY who continues to suck his mommy's chest. *peace*
  • limited choices.

    di pala siya buffet.

    dun na lang sa #2.

    para pede ko maging #1

    :D
  • If choosing between the 2 is a must then choose the one that feels better to you. If both feel uneasy to you then it's smart not to choose but wait for the right one.
  • My choice would be, the one i love but who is a graduate of 4year course and has a diploma in school, because I also graduate from a 4year course and have my diploma. It is okay for me, if he is applying for a job, it is fact, that applying for a job these days are the same as tedious in preparing for your thesis with no classmates, just yourself. Even you are qualified for a certain post and the hr, finds another candidate, your means of employment are determined by the hr personnel. They may hire you or choose another applicant with the same qualities as yours. Some are lucky, because opportunities comes to them without applying or they have back-ups.
  • Hello?

    Bakit yan lang ang choices mo.


    Deh maghanap ka pa ng iba!!! Yung masaya ka na at may pangarap at diskarte pa sa buhay!

    Sows. No brainer.

    honga naman :)

    Remember why would you wanna be in a relationship? would you rather be in a bad one than to be alone???

    The more you find out about who YOU are, the better your choices will be on who you select to become involved with.
  • djaynitor
    djaynitor Cheap Executive Orderly
    Piliin ko na lang magpasagasa sa pison.... :mecry:

    --
    Spread the laughter:
    http://jtisms.blogspot.com.au/
  • date them both then make your choice... boyfriend lang naman pinag pipilian mo hindi asawa.

    magsi sisi ka rin na lang kahit ano piliin mo eh di todo mo na.
  • Kung di ka happy with either of the two, eh di wag na lang. Do you really need to make a choice between the two?
  • i think mas magiging masaya ka pag nagmamahalan kayong dalawa.
  • Hello?

    Bakit yan lang ang choices mo.


    Deh maghanap ka pa ng iba!!! Yung masaya ka na at may pangarap at diskarte pa sa buhay!

    Sows. No brainer.

    I would have to agree with this. The 2 choices posted above are have too many downsides.

    BUT...
    If i were to choose between the 2, with the assumption that it's for a long term relation, I would have to go for #1.
    1. at least I get along with the person
    2. I can use the persons assets and multiply them with my skill.

    why?
    1. It will be no effort living with him.
    2. because (as a guy), I already expect the girls to be much less competent than me anyway and they have 99.9% chance, not to make 1% as much money as I do even as some top executive. Unless she's a business owner. So, being in the girls place, she should be the one competent to fill in. Although watch the resentment build. The same way many guys resent their less competent female partners. Of course, the expectation of competency is higher on the guy, so even more resentment.

    In the end, it will just be more effort to hang with someone you don't really jive with. No matter how much you love the person.

    Also, ambition is good if the person is competent. MAYBE he will prosper.

    the other person is already in a state of prosperity, while the chances of getting poorer are decent, somebody (TS?) is left with the responsibility of stopping it from happening. (with her competency?)
Sign In or Register to comment.