Home PEx Campus University of Santo Tomas
Reminder: You never know what someone is going through, so be kind.

Clinging on to LIFE. (Grade conscious)

Hello fello Thomasians. I am currently a Psych Student and may problema ako sa isa kong subject (zoology). Hindi naman sa sinisisi ko yung prof na hindi magaling magturo pero kinakabahan na ako nang sobra kasi malapit na yung prelims tapos 3/4 quizzes ko baksak! Sinusubukan ko mag-aral nang mabuti lalo na sa subject na to pero wala talaga. Alam mo yung feeling na minamahal mo yung isang tao (subject) kaso ako hindi minamahal ng zoology. May pag-asa pa ba ako makapasa sa SEM/Prelims. Pag nakakuha ba ako nang mataas sa prelims exams kaya pa ba mahugot yung grade ko? At medyo nag aaddapt pa lang kasi ako sa college and naninibago pa sa mga bagay-bagay. SALAMAT NANG MARAMI MGA TOMASINO! :D

Comments

  • ^ first, alamin mo kung ikaw lang ba ang bagsak sa section niyo. Ang possibility kasi pag marami kayong bagsak, bababaan ang passing rate. Try to get a high score as possible. And alamin mo ang posisyon mo sa klase kung ikaw ba ay nasa below average ang ranking or nasa average ka pa lang. Basta give all your best and pray hard. Tandaan mo hindi ka nag iisa, and part yan ng pag aadapt. Basta galingan mong mabuti.
  • areskins wrote: »
    May pag-asa pa ba ako makapasa sa SEM/Prelims. Pag nakakuha ba ako nang mataas sa prelims exams kaya pa ba mahugot yung grade ko?

    Hi areskins! May zoology pala sa psych? Anyway, yup kaya pa hugutin yan basta siguraduhin mong mataas ka sa prelim exams & quizzes hanggang finals. 70% ang passing usually kaya gawin mong 80% ang target mo. Though hindi ako psych,galing din ako ng science kaya medyo alam ko yung sistema. Goodluck!
    henesy wrote: »
    ^ first, alamin mo kung ikaw lang ba ang bagsak sa section niyo. Ang possibility kasi pag marami kayong bagsak, bababaan ang passing rate.

    True!
  • survivorangelosurvivorangelo 🐯 Tiger Squad🥈
    if sa tingin mo tagilid ka sa prelims. super bumawi ka sa midterms and finals...

    think positive lang and aral mabuti. focus!
  • May experience ba kayong ganito or may kakilala kayong dumaan sa ganito? Salamat sa mga advice at words of encouragements!
  • if sa tingin mo tagilid ka sa prelims. super bumawi ka sa midterms and finals...

    think positive lang and aral mabuti. focus!

    AFAIK, walang midterms sa UST. Or sa Eng'g lang 'yun? :D
  • ExApparatusExApparatus PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ISSHARE KO NA PATI GRADE KO. Para lang sayo T.S. :D Psychology Major din ako. :D

    Well my preliminary grade for Zoology Lab was 43/100. Yea, you got that right. Forty-three over One Hundred. Ahihihi. Some of my blockmates were even lower. AFAIR, isa lang umabot sa passing grade ng PG (prelim grade).

    Usually, sa Finals period ka babawi kasi Anatomy na ng Palaka yun. I believe the Preliminary Period covers histology and the likes. Sa Finals madali nalang. I perfected OIA quiz (specialty ko lang talaga mag memorize), Nervous System and Brain Extraction sa huli (dapat lang magaling ka dito, PSYCH ka), Muscular at Skeletal System = I owned them all. Kasi nga madali lang. :D (Or ako lang nadalian.)

    At the end of the semester, I got 2.25 :D

    --

    For ZooLec, kaya niyo na yan. Minimal lang bumagsak samin sa Lec, mga 5. Sa Lab naman, mga 8 or 10? :glee:
  • ExApparatusExApparatus PEx Influencer ⭐⭐⭐
    First year palang naman ikaw kaya gets, maiintindihan kayo ng mga professors niyo. :D

    Btw, for the College of Science passing rates:
    Minor (unrelated to your course) - 60%

    Others (Language, Social Sciences) - 65%

    Major (Part of your majors curriculum) - 70%

    Bawi bawi ka sa Recitation and Long Quizzes. :D It helps!
  • Tiwala lang! Kinausap ko yung prof ko kasi hihingi sana ako ng special project then she's kind enough na sabihin na "Sige ipeperfect ko isa mong quiz pag perfect attendance ka bago mag prelims". Syempre hindi lang ako yung mabibigyan. Maraming salamat!! And BTW ang weird nga kasi ang taas ng mga nakukuha ko naman sa Zoology Lab! THANK YOU SA INYONG LAHAT!!
  • iba na pala grading system sa science. during my time 65% lahat passing grade. :).
  • i'm a 4th year commerce student and naalala ko yung maraming expriences ko rin na tagilid ako noong prelims
    first time kong naranasan yan ay sa subject na PGC (philippine constitution) that's first year second semester
    lahat ng quizzes ko nung prelims bagsak
    but I passed that subject

    pero sabi mo may prelim exams pa naman kaya NEVER LOSE HOPE
    remember prelim exams is a big chunk of your prelim grade so it may carry you up to a passing grade

    pinaka naalala ko rin yung super tagilid ako sa isang subject dati (name of the subject is OR 2 and I took it last sem)
    prelim grade ko sa subject na yun is 54, transmuted na yun

    so passing the subject for the semester depends on two things In my opinion
    1. how hard you worked for prelims and harder in the finals
    2. kung gaano kabait at maawain ang prof mo
  • ExApparatusExApparatus PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Actually. Its really a great help kung malaki na ang naipundar mo for Preliminary Period. Pero yun nga, Finals is the way! Just show to your professors your willingness to pass and to learn through perfect attendance. Maaawa din yun. *okay*
  • gesamtkunstwerkgesamtkunstwerk PEx Veteran ⭐⭐
    prelims lang yan! bawi bawi. Im from ENGG, sa engg mahigpit ang competition syempre self study rin talaga. Mas ok kung alamin mo *** median ng class nyo, kase sa ENGG mostly pag terror prof *** median lang ang ipapasa.
  • survivorangelosurvivorangelo 🐯 Tiger Squad🥈
    I had 1.75 on one of my subj sa GS. Goodbye latin honors na ba ako?

    haaay
  • I know what you mean na mahal mo yung subject pero ikaw parang hindi mahal. :lol:

    Sa amin sa eng'g, kapag nahihirapan ka sa isang subject dapat nagsosolve ka araw araw. Hanggang sa masanay ka na. Kung nahihirapan ka pa rin talaga kahit nag-aaral ka na ng mabuti, it's better if you ask for your classmates' help. Meron kasing mga tao na mas mabilis siguro makaintindi.
Sign In or Register to comment.