COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at pex[email protected] for assistance. Please update your email address.

Thanks,
pexer99

ABSCBN PexTalk 280: There's Always Something GREAT About Being A KAPAMILYA!

1254255256257258260»

Comments

  • kabarkadakabarkada Member PExer
    xayezi wrote: »
    di ko na ililipat ang channel after kaim XD

    sana itinodo na nila yung pagdagdag sa primetime...pati sana yung aryana...:lol::lol:

    na miss ko lang si mamang pokie at bianky...:lol::lol:


    *paw* :lily:
  • 3pqlang3pqlang Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kabarkada wrote: »
    tama....:)

    extension ata ng SONA nya yung sa anniversary ng TV Patrol e... nawala tuloy respeto ko sa kanya...:lol::lol:

    totoo naman na kahit sa administrasyon nya hirap pa din patunayan yung sinasabing "magandang ekonomiya" gaya ng mga pagpapahirap nila sa mga karaniwang empleyado na sinisingil ng kung ano ano pati pala PhlHealth nirereklamo yan ng mga kababayan natin dito sa ME....:bop::bop:

    #SONA mode. :lol::bop:


    *paw* :lily:

    sa pinagtatrabahoan ko nga dati, ang meal subsidy na P33/day, kukunan pa ng tax iyon dati naman sa panahon ni arroyo wala.. putek lang..
  • kabarkadakabarkada Member PExer
    3pqlang wrote: »
    sa pinagtatrabahoan ko nga dati, ang meal subsidy na P33/day, kukunan pa ng tax iyon dati naman sa panahon ni arroyo wala.. putek lang..

    dapat kase sa gobyerno naten...ibinabalik sa mga totoong taxpayers yung sinasabi nilang serbisyo... e bulok pa din...:grrr::grrr:

    gaya nung pati helmet stickers na ini implement nila... :bop::bop:

    ang karaniwang tao bibili yan at bibili ng murang helmet kung hindi yan mino-monitor ng gobyerno... dapat yung mga nagbebenta pa lang yan ang sinasampolan nila...:bop:

    sonahin kaya nila ang divisoria baka magulat sila sa dame ng peke...:lol::lol:


    *paw* :lily:
  • sistah_yoonasistah_yoona MS. UZBEKISTAN! PExer
    haller kafams vonggang tafosh na fala hang threadlalu kea fashok na sha vangah hang faglifat sha vagong manzion if you like :D

    ABS-CBN Pextalk 281: The MEDIA STORM ENGULFING The NATION With QUALITY TV PHENOMENON!
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    images?q=tbn:ANd9GcTDpEuoF52Baarwilm-F18s_4J3Lf8DfsYf9lpgF9dGLpQfOhzFJw&t=1

    JULY 31, 2012 TUESDAY
    PIOLO, MAHAL NI BORGY

    showbiz_allan.jpg

    EXCITED na si Georgina Wilson na rumampa sa Bench Universe: The 2012 Underwear and Denim Show sa MOA Arena sa Setyembre 13 & 14.

    Mas na-excite pa si George dahil makakasama niya sa biggest fashion event ng Bench ang nobyo niyang si Borgy Manotoc na kagaya niya ay Bench Body endorser din.

    “Yes, I’m very excited to do a show with him. Kasi, he was one of the first faces of Bench.

    “So, parang magandang cycle na 25 years ng Bench and he’ll be modeling for the show,” masayang bulalas ni Georgina nang makausap namin siya last time nang mag-judge siya ng go-see para sa Bench Universe.

    Anong mga aabangan sa Bench underwear show this year?

    “We’re talking about it nga, eh. I wanna know who’s gonna show their butt like Jake (Cuenca)! Ha! Ha! Ha! Ha!

    “And paano ita-top ‘yon. ‘Yun ang question ko, ‘di ba?

    “I think I’ve watched the past four Bench shows. So, I’m very excited to see what this one’s gonna bring. And new venue, so pasabog talaga.

    “And two nights. So, two days straight din kaming hindi kakain,” natatawang sey ng magandang Fil-Brit model.

    Eh kung i-request ng fans na si Borgy ang magpakita ng butt sa Bench Universe?

    “Ay, we’ll ask the lola first! Itanong natin sa lola. Ha! Ha! Ha!” tumatawang sagot ni Georgina, na ang tinutukoy ay si Madame Imelda Marcos na lola ni Borgy.

    Eh kung sabihin sa kanya ni Borgy na bahala siyang mag-decide kung magpapakita ito ng puwet o hindi?

    “I’m very liberal naman pero huwag naman ‘yung puwet. Hindi ko kaya… Ha! Ha! Ha!”

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]BORGY.jpg

    Ani George, ‘yung isang glossy magazine pictorial nila na kita ang puwet ni Borgy ay Photoshopped lang. Meron daw itong suot nu’ng pictorial, pero matapos madyikin ng computer ay lumitaw ang butt nito.

    Maganda ang kinalabasan ng pagpo-Photoshop kaya natuwa sila ni Borgy.

    So, keri ‘yon ni Borgy na mag-ala Jake Cuenca at Wendell Ramos. Titili ba siya ‘pag nagpakita ng puwet ang hunky boyfriend niya?

    “Yes, probably. For sure! Ha! Ha! Ha!

    “But he’s too conservative in that way. Siguro underwear, kaya niya pero puwet, hindi ko alam. Tanungin natin ‘yung mom niya.

    “Ang dami nating kailangang pagpaalaman. Ha! Ha! Ha!” hirit ulit ni George, na ang tinutukoy naman ay ang madir ni Borgy na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

    Eh siya, kaya niya bang mas maging daring pa?

    “Ang daring ko na last time. O sige, nipple tassel na lang. Very Burlesque! Ha! Ha! Ha!”

    Ah talaga, kaya niya ‘yon?

    “Hindi, hello!! Pakunyari lang akong hindi conservative pero conservative talaga ako.

    “Pero I’m excited. Kasi, I wanna see what the designers come up with this year. And I’ve never been to MOA Arena yet.

    “Ang laki raw, so nakakanerbiyos. Nakaka-stress,” napapangiting pakli ng mestisang dalaga.

    More or less 10 years na raw si George with the Bench family. Nagsimula siya bilang image model ng Kashieca (na sister company ng Bench) at isa ito sa pinakauna niyang billboard.

    Magkakaroon din si Georgina ng sarili niyang Bench perfume na ilu-launch soon. Oh My George ang pangalan ng kanyang EDT.

    Ipinakita niya sa amin ang ilang kuha sa pictorial niya ng nasabing pabango at nakyutan kami dahil very playful ito.

    Fruity ang scent ng Oh My George na siya mismo ang nag-design ng bote, packaging at maging ng campaign at photoshoot.

    One year in the making daw ito dahil concept niya lahat para may personal touch. May Deo Spray din ang Oh My George bukod sa Eau de Toilette.

    Paano kung siya ang tanungin ng Bench big boss na si Ben Chan kung sino ang gusto niyang makitang rumampa nang naka-underwear lang sa Bench Universe, sinong pipiliin niya?

    “Kailangan underwear? Ako, I love Piolo (Pascual). And pati si Borgy, mahal niya rin si Piolo.

    Naguguwapuhan talaga siya kay Piolo.

    “Sana, mag-underwear siya (sa show). Kahit hindi na puwet, happy na ako sa underwear. Ha! Ha! Ha!
    “I love him. He’s really cute. Magandang lalaki talaga!”

    Bakit ba kasi hindi pa siya tuluyang mag-showbiz? Aside from hosting, dapat mag-try na rin siya ng acting.

    “Tingnan natin sa 2013. Lahat posible, alam mo ‘yan.

    “Si Borgy, ayaw niya talaga. Pero let’s see, baka I can convince him. If I do it, baka pumayag siya.”
    Movie with Piolo, gusto niya ba?

    “Why not? Ha! Ha! Ha! Kung maganda ang script and bagay naman, why not? I’m always interested,” matamis ang ngiting sambit ni Georgina Wilson. [/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
    piolo.jpg
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Ricardo-F-Lo.jpg FUNFARE By Ricardo F. Lo The Philippine Star Updated July 31, 2012

    Congratulations to Sarah Geronimo (photo) for being named Most Favorite Singer by Filipino kids in Cartoon Network’s New Generations Survey 2012. Sarah beat other Filipino artists including Charice and foreign artists like Justin Bieber, Bruno Mars and Taylor Swift.

    ent1d200.jpg
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    Lolit-Solis.jpg TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) Updated July 31, 2012

    Gerald wala na talagang pag-asa, Sarah napaiyak sa rebelasyon ni Mommy Divine

    Umiyak uli ang aking favorite na si Sarah Geronimo sa Sarah G. Live! noong Linggo. Tumulo ang luha ni Sarah sa live guesting ng kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine.

    Nilinaw ni Sarah na hindi totoo ang mga tsismis na ang Mommy Divine niya ang nagsabi kay Gerald Anderson na huminto ito sa panliligaw sa kanya. Absuwelto na si Divine kaya nag-iimbestiga ang fans sa tunay na dahilan ng pagkakaudlot ng panliligaw ni Gerald kay Sarah.

    Ang sey ni Divine, nagiging firm siya sa mga desisyon niya kapag ang kapakanan ng kanyang mga anak ang involved. Simple lang ang request ni Divine sa mga nagbabalak na ligawan ang kanyang 24-year-old daughter, ang ligawan ito sa kanilang bahay, hindi sa labas o sa pamamagitan ng mga text message.

    Napaiyak si Sarah sa dialogue ng kanyang mga magulang at para tumulo ang luha niya, posibleng may pinagdaraanan siya.

    show1y.jpg

    Direk gumawa ng history sa Cinemalaya dahil kina Juday at Iza

    Parang nanalo rin ang pakiramdam ni Joey Reyes dahil mga best actress at best supporting actress ng Cinemalaya Independent Film Festival ang apat na aktres na mga bida ng Mga Mumunting Lihim, sina Judy Ann Santos, Janice de Belen, Agot Isidro, at Iza Calzado.

    Si Joey ang writer at director ng Mga Mumunting Lihim. Hindi man niya napanalunan ang best director trophy, winner na maituturing si Joey dahil sa mga acting award ng kanyang mga artista. Sa madaling salita, gumawa ng history ang cast at director ng Mga Mumunting Lihim.

    Marami ang na-curious kaya type nilang mapanood sa mga sinehan ang pelikula na dedicated ni Joey sa kanyang departed friends, sina Don Escudero at Khryss Adalia. Gustong makita ng mga curious ang sikreto ng double victory sa Cinemalaya nina Juday, Iza, Agot, at Janice.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file