Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Mobile Spy Software - Anyone using this?

Meron ba dito naka try ng mobile spy software? Gusto ko lang mag investigate on my live-in partner. She is a heavy texter. Nagtataka lang ako everytime I secretly check her phone, old messages ang naka save sa inbox and erased lahat na sent items. Plan pa naman namin to tie a knot next year. Di ko naman gusto i-confront kasi ayaw ko ng gulo. Kaya habang maaga, gusto ko ma wala ang nasa isip ko na merong ibang kinalolokohan ang partner ko.

Meron kaya ma download na free software? Patulong naman. Thanks.
«13

Comments

  • kreukkreuk PEx Influencer ⭐⭐⭐
    not that I don't think you have a good reason to doubt, but do you have a good reason to get to that point especially she's going to marry you? ang labo lang coz it seems like you're trying to sabotage your own wedding.
  • faxtonefaxtone PEx Rookie ⭐
    kung may doubt ka sa partner mo,postpone na muna yun wedding plan ninyo.mahirap naman na pakakasalan mo siya na sa umpisa palang may duda kana.pag aralan mo muna yan mga duda mo kung may basehan talaga.
  • turatko!turatko! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mahina ka pre.. papakasalan mo na ang dami mo pang hindi alam sakanya..delikado yan...

    Baka naman may suprise sayo kaya dinedelete niya yung mga txt..
  • Nietono_no_ShanaNietono_no_Shana PEx Influencer ⭐⭐⭐
    @bouglez

    Do both yourselves a favor and don't get married.
  • jazzmine22jazzmine22 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Sa akin naman, walang masama kung mag imbestiga ka, lalo na yan at pakakasalan mo, mabuti na yung makasigurado ka bago mo tuluyan, wala pa naman divorce sa Pilipinas.

    Alam ko, merong device na kayang basahin ang laman ng sim/memory card, kahit naka delete na ang messages sa mga ito.

    Ano pa ba napapansin mo bukod sa palagi niyang pagtetext?
  • djaynitordjaynitor PEx Veteran ⭐⭐
    Hindi SPY SOFTWARE ang lunas dito kundi TRUST.

    Bottomlin: NO TRUST, NO RELATIONSHIP.

    --sent from my HTC Cha Cha
  • bouglez wrote: »
    Meron ba dito naka try ng mobile spy software? Gusto ko lang mag investigate on my live-in partner. She is a heavy texter. Nagtataka lang ako everytime I secretly check her phone, old messages ang naka save sa inbox and erased lahat na sent items. Plan pa naman namin to tie a knot next year. Di ko naman gusto i-confront kasi ayaw ko ng gulo. Kaya habang maaga, gusto ko ma wala ang nasa isip ko na merong ibang kinalolokohan ang partner ko.

    Meron kaya ma download na free software? Patulong naman. Thanks.

    maingat si gf mo TS, iba talaga pag gut feel kung tingin mong may extra curricular activities si gf wag mo muna iconsider ang kasal alamin mo kung sino yang laging tinetext nya
  • plan pa lang naman kasi we've been cohabited for 2 years and gusto ko na sana ihatid siya sa altar ng simbahan para lumagay na rin tahimik.

    napansin ko lang lately before we go to sleep, super busy sya sa celfon nya then naka lagay pa sa ilalim ng unan after use. kaya lang pang sekreto kung buksan ang celfon nya deleted ang sent at received messages. gusto ko lang ng sigurado mahirap na mapasubo. lifetime commitment kasi ang pag-aasawa kaya naniguro lang at meron pa naman time para umatras kung sakaling meron na ako proof.
  • kreukkreuk PEx Influencer ⭐⭐⭐
    it sounds like naghahanap ka rin ng rason para makaatras kung suspicious man siya. ang unfair.

    hindi niya alam.
  • di naman sa ganun kreuk. wagas ang pag-ibig ko sa kanya. ang ayaw ko lang ay niloloko ako. sana mali ang hinala ko.
  • djaynitordjaynitor PEx Veteran ⭐⭐
    "Be careful what you look for, for you may not like what you find...."

    --sent from HTC Cha Cha
  • nev3rmindnev3rmind PEx Rookie ⭐
    bouglez wrote: »
    plan pa lang naman kasi we've been cohabited for 2 years and gusto ko na sana ihatid siya sa altar ng simbahan para lumagay na rin tahimik.

    napansin ko lang lately before we go to sleep, super busy sya sa celfon nya then naka lagay pa sa ilalim ng unan after use. kaya lang pang sekreto kung buksan ang celfon nya deleted ang sent at received messages. gusto ko lang ng sigurado mahirap na mapasubo. lifetime commitment kasi ang pag-aasawa kaya naniguro lang at meron pa naman time para umatras kung sakaling meron na ako proof.

    Pag nalaman nya na chinecheck mo phone nya, ang gagawin nyan next time password protected na ang phone or the message folder itself. :eek:

    Kaya wag kang papahuli :lol:
  • jazzmine22jazzmine22 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    djaynitor wrote: »
    "Be careful what you look for, for you may not like what you find...."

    --sent from HTC Cha Cha

    LOL, eh di magpasalamat si TS, nakita niya ang totoo bago niya pinakasalan. :D

    Hindi ka naman magdududa ng walang kaduda duda hindi ba?

    Remember, walang divorce ang Pilipinas :naughty:
  • djaynitordjaynitor PEx Veteran ⭐⭐
    jazzmine22 wrote: »
    LOL, eh di magpasalamat si TS, nakita niya ang totoo bago niya pinakasalan. :D

    Hindi ka naman magdududa ng walang kaduda duda hindi ba?

    Remember, walang divorce ang Pilipinas :naughty:

    Kung may duda ako sa pakakasalan ko, kakausapin ko siya.

    "Nagdududa ako sa madalas mong pag-te-text. Sino ba ang ka-text mo?"

    Abangan ko ang sagot niya. Bahala siya magkumbinsi sa akin. Kundi ako kumbinsido ... sorry ... the wedding is off.

    Pero hindi na ako maghahalukay.

    --sent from my HTC Cha Cha
  • jazzmine22jazzmine22 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ masyado ka naman naive sa tanda mong yan JT, hindi lahat ng tao nagsasabi ng totoo, kaya may mga naloloko eh, kasi may mga signs na, "nagpabola" pa.
  • djaynitor wrote: »

    agree ako sa sinabi mo, ganyan din ang gagawin ko, isang mahinahon at maayos na paraan para malaman ang katotohanan, kase kung gagawa ka ng action sa gf mo na hindi mo alam, parang pinakita mo na din na wala kang trust sa kaniya, so para ma maintain pa din ang trust sa isat isa mas ok na kausapin mo na sya ng direkta at tanungin kung sino ba yung ka text nya at bakit tinatago pa nya.

    kesa naman tamang hinala ka tapos bigla mo pinilit alamin kung sino ka text nya tapos malalaman mo na lang bigla na wedding planner pala yung ka text nya at gusto ka lang pala nya i surprise, e d tameme ka ngayon at sirang sira ka kase tamang hinala ka
  • kleenexlambotkleenexlambot PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TS kung ako sa yo, try ko basahin a few more times. Minsan kasi nakakalimutan mag delete ng message baka matyempuhan mo.

    Nakakapagduda naman na sa ilalim ng unan tinatago ang CP.
  • jazzmine22 wrote: »
    ^ masyado ka naman naive sa tanda mong yan JT, hindi lahat ng tao nagsasabi ng totoo, kaya may mga naloloko eh, kasi may mga signs na, "nagpabola" pa.

    tama ka hindi lahat ng tao ay nagsasabi ng totoo, at tama rin na hindi lahat ng tao ay sinungaling, kaya nga aalamin mo kung ano ba talaga ang nangyayari, madaming paraan para malaman yun, merong mahirap, at meron din yung mahinahon lang.
  • jazzmine22jazzmine22 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ we don't know kung hindi pa ba naitanong ni TS sa GF niya in a nice way yan, or it's either ayaw niyang itanong kasi alam niya ang magiging repercussion, pwedeng maging defensive yung GF niya, or pwede din na makahalatang nagdududa na si TS kaya lalong magiging maingat, so pwedeng TS is playing safe, para hindi makahalata, so hindi pa mag ingat, ganun.

    Ang sinasabi ko lang dito, kaya nagdududa si TS, kasi may kaduda duda, hindi lang siya tamang paranoid.

    Nasabi ni TS, tinatago ang cell sa unan, malamang hindi dating ganyan ang GF niya, lately na lang. At lately din naging heavy texter.

    Change... Hmm, pwedeng maganda, pwedeng hindi ang kalabasan.

    Sa akin lang, wala akong nakikitang masama kung mag investigate si TS ng palihim, yes, tama kayo, you should trust your partner, eh paano nga kung nagdududa ka na, and you want peace of mind, masama bang alamin ang totoo?

    trust your partner.. dapat ba matapos lang doon yun? Verify mo kung pwede ngang pagkatiwalaan ang partner mo, lalo na at pakakasalan mo.

    Hindi pwedeng blind trust sa pagpapakasal, kaya tayo binigyan ng intuition at sentido kumon ng Diyos, para gamitin.
  • jazzmine22jazzmine22 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Nagligawan, kinilala ang bawat isa, nung nakilala mo na, there's trust.

    Kaso sa takbo ng relasyon ninyo, may napansin kang nagiiba, nag iba sa gawi ng dati, so anong gagawin mo?

    -tanungin mo, sumagot ang partner mo, dalawa pa ang dating sayo niyan, parang nagsisinungaling, o parang nagsasabi ng totoo.

    Ngayon paano mo malalaman ang totoo, aasa ka kung ano ang sasabihin ng partner mo? Doon ko pinapasok yung, hindi lahat ng tao nagsasabi ng totoo.

    Papasok din yung sinasabi mong, hindi lahat ng tao nagsisinungaling, o so sa paanong paraan mo malalaman ang totoo nga?

    Through verification, investigate on your own. Masama ba yun?

    Ang gusto ni JT eh basta ang dating sa kanya eh nagsisinungaling, kahit wala ka pang proof, hiwalayan mo na.

    LOL
Sign In or Register to comment.