Home PEx Relationships Love - Dilemmas

Mali ba ako?

...Wala akong ibang makausap... hindi ko pwedeng sabihin sa kahit sinong malapit sa akin kasi ayaw ko sumama ang tingin nila sa asawa ko. Five years na kaming kasal. Nung bago ko siya pakasalan alam ko na may bisyo siya ang paninigarilyo at pagsasabong ng manok. Pero hindi ko tanggap yun kaya nung kinasal kami nakiusap ako sa kanya na kung pwede itigil na niya ang pagsasabong, ayaw niyang pumayag kaya nagsalubong kami isang beses isang buwan na lang siya magsasabong.

....Pumayag ako.. yan ang naging setup namin.. nung maoperahan siya sa baga.. sabi ko sa kanya tumigil na siya ng paninigarilyo.. hindi pa din tumigil.
...Sa totoo lang.. yung hanapbuhay namin ngayon eh sa mga magulang ko.. pinahiram lang sa amin... oo siya ang naghahawak noon.. at ako eh sa bahay lang nag-aalaga ng 4 naming anak..

....Hanggang ngayon.. wala kaming ipon..hanggang ngayon nakatira lang kami sa bahay ng mga magulang ko.. may kaya ang parents ko.. maayos naman ang negosyo na pinahiram nila sa amin.. kaya hindi kami nagugutom.. nag aaral sa magandang paaralan ang mga anak ko.. nakakapag bakasyon kami sa abroad...
... pero hanggang ngayon.. hinahanap ko ba na sana... itigil na niya ang pagsasabong niya at paninigarilyo.. minsan sa sabong niya nakakalimutan niya kami ng pamilya niya.. kahit oras ng kainan.. wala siya sa bahay kasi mas masaya siya kasama yung mga classmates niya sa sabong..

... Sa hanapbuhay din ng magulang ko namin kinukuha lahat ng pinang-susustento sa biyenan kong lalaki at may sakit.. okay lang sana sa akin yun at tatay ko din naman na yun kahit papaano.. kaso lang.. hindi ko talaga maatim.. na wala na nga kaming ipon.. nakukuha pa niyang mag bisyo at magsugal..
... eh kung mawala yung negosyo na pinahiram ng magulang ko.. hindi kami kakain.. kinakatwiran niya sa akin.. naghahanapbuhay naman daw siya mon-sat...kaya dapat okay lang sa akin na may bisyo siya.. at ang text pa sa akin ngayon sana daw naghanap ako ng pastor na asawa para daw walang bisyo...

.... sabi pa niya sa akin.. kung gusto ko daw makaipon.. ako daw ang magtipid.. at tipirin ko daw ang birthday ng mga anak ko... wala akong bisyo.. yung sinasabi niya eh yung tuwing linggo na lalabas kami magfamily bonding.. kakain sa labas... tipirin ko daw yun huwag ko daw pakialamanan ang bisyo niya...
.... Minalas ata ako sa pag aasawa... oo maganda ang buhay namin ngayon.. oo kumikita siya.. pero kung hindi pa pinahiram sa amin yung negosyo... hanggang ngayon pag mag birthday ang mga anak ko.. nagbibigay pa din ang parents ko ng pera sa amin para lang maging maganda ang celebration...

.... nahihiya na ako sa parents ko... until now nakaasa pa din kami sa kanila...at yung kinikita nung negosyo eh sapat lang sa pang araw araw namin.. wala na kaming naiipon... at may naipon man... pang bayad na sa utang ko yun sa parents ko nung mga manganak ako...

... pasensiya na mahaba.. wala talaga akong makausap.. mali ba na hilingin ko na tumigil na siya sa bisyo niya? Na isipin naman niya ang pamilya niya..na mahiya naman siya sa mga magulang ko?

... Gusto ko rin mag abroad.. pero maliliit pa ang mga anak ko.. ayaw ko silang iwanan...
«1

Comments

  • JUST_JT_JUST_JT_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    alam mong nagyoyosi at nagsasabong siya bago pa kayo kinasal, pinakasalan mo pa rin. ano problema mo? wala! ano problema niya? ikaw!

    mamoblema ka kapag naglalaseng o nangbababae na siya.
  • JUST_JT_ wrote: »
    alam mong nagyoyosi at nagsasabong siya bago pa kayo kinasal, pinakasalan mo pa rin. ano problema mo? wala! ano problema niya? ikaw!

    ...Pumayag lang ako sa usapan namin na isang beses isang buwan lang siya magsasabong.. pero ang ginagawa niya ngayon linggo linggo na..

    .... mali bang hangarin ko na tigilan niya ang bisyo dahil wala naman siyang pera pantustos nito?
  • sana huwag naman matutunan ng asawa mo ang tunay na lesson ng buhay sa huli na - kapag lugmok na kayo, malugi ang negosyo na pinahiram lang pala sa inyo - huwag naman po sanang mangyari.

    Mag-open ka kaya ng sarili mong savings account? wag mo na lang ipaalam sa mister mo para may mabubunot ka pagdating ng araw. Mahirap kasi kung gnyan ng gnyan mister mo darating ang time na mawawala ang lahat sa inyo. Kawawa naman mga anak niyo.

    kausapin mo ng masinsinan, bigyan mo ng ultimatum, pag di nagbago iwanan mo na, papiliin mo manok nya or kayo ng pamilya nya? - wag naman sana umabot sa hiwalayan :)

    Goodluck TS..
  • JUST_JT_JUST_JT_ PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ...Pumayag lang ako sa usapan namin na isang beses isang buwan lang siya magsasabong.. pero ang ginagawa niya ngayon linggo linggo na..

    .... mali bang hangarin ko na tigilan niya ang bisyo dahil wala naman siyang pera pantustos nito?

    ok seriously, you can try kausapin siya na tumigil na siya sa mga bisyo niya pero dont nag him. mahirap kaya baguhin ang isang tao na may matagal nang bisyo. good luck
  • siguro dapat bumukod na kayo. kaya hindi natatakot yung asawa mo dahil alam niyang may sasalo sa inyo (yung mga magulang mo), kung sakaling magkaubos-ubos ang ipon. alam mo TS, nakakarelate ako sa problema mo kasi yung nanay ko din ganyan ang inabot sa tatay ko. adik sa kung anong sugal noon ang tatay ko. lagi niyang naiisip kapag nagkakapera siya na mas malaki mapapalunan niya sa sugal, pero sa bandang huli nagkakautang-utang pa. nakatira naman kami sa apartment ng tiyahin ko at yung mga kapatid ng tatay ko minsan nagbibigay noon nang pampaaral ko kaya kampante siya. merong time na hiningian niya ako pangtaya ng lotto. wala siyang trabaho, ako naman kaka-resign ko lang sa work ko at naghahanap ng bagong work. tiniis ko talaga. kahit ngayon hindi ko naaabutan ng pera. kung may hingin man siya, binibili ko na lang para hindi niya maipang-sugal. awa naman ngayon ay nagbago. wala pa ding trabaho pero di naman masyadong perwisyo.

    mahirap yang sitwasyon na 'yan. addiction na kasi. masisira talaga ang pagsasama niyo kung hindi magsisimula ang pagbabago sa kanya. sa part mo naman, wala kang choice kung hindi i-cut yung mga bagay na nag-eenable sa mister mo.
  • miss pag pray mo po ang husband mo, and try mu sundin *** mga unang tips ***.. it will help you a lot! and as what i've said. pag pray moh pu sya.. God is good, sya na bhala sa husband mu :)
  • Gingersniff, ang masasugest ko lang po, Mag-abroad ka!, yun nga lang, masaya ka bang iiwanan mga anak mo sa sugarol na asawa mo?
  • keoboikeoboi PEx Veteran ⭐⭐
    medyo mahirap ng pigilan yang addiction na yan, agree ako doon sa nag sabi mag open ka ng ibang savings account, hanap ka ng side line para may ibang source of income kayo for future use...

    as for the husband try setting a certain amount na pwede niyang gamitin pang bisyo, though I doubt papayag siya at least you can keep tabs kung magkano nagagastos niya everytime
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    sana daw naghanap ako ng pastor na asawa para daw walang bisyo..

    sa ganitong pangangatwiran, mukhang malabo na give up niya ang bisyo niya. siguro hangga't hindi nalulugi ang negosyo ninyo hindi siya magbabago.

    masyadong risky yung suggestion na mag abroad at baka lumala lang siya, mapapalayo ka pa sa mga anak.. kaya lang, mukhang yun lang ang chance na makagpatabi ng pera na hiwalay..

    in case dumating ang point na wala na talaga pag asa.. humantong man ito sa hiwalayan (sana huwag), at least.. meron kang pondo.

    mahirap ito ngayon, parang pang ho-hostage ginagawa niya eh.. take it or leave it ang dating.

    kung mababaon kayo sa utang.. hindi pa rin 'yan assurance na magbabago na siya. oo, titigil dahil wala na maipang-sugal.. papano kung maka angat kayo ulit, eh 'di balik ulit siya? :lol:
  • Actually, challenge mo yan Gingersniff na baguhin ang pagkatao ng asawa mo.
  • Ako? nagyoyosi ako before, but, Deal namin ng partner ko break-up once na makita niya pa akong magyosi, I respect her, so tumigil ako, its already 2years na walang Yosi sakin. Yun nga lang, may Pumalit na bisyo, bisyo namin sa gabi. :lol:
  • elhyelhy PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Wag mong suplayan ng datong panabong
  • Nietono_no_ShanaNietono_no_Shana PEx Influencer ⭐⭐⭐
    @Gingersniff

    Just a question, how much is your family's average monthly income? How much your husband spends on his vice and how much do you spend on running the household (food, electricity, outing, etc.)? And what is the family business?

    P.S.
    No offense meant but IMHO the reason you want to go abroad is that you want to escape (even temporarily) your situation. Going abroad is not the silver bullet that will solve all your financial problems, for every one (1) OFW successful story, there are more people who fails or just makes ends meet.
  • honey4evrhoney4evr PEx Influencer ⭐⭐⭐
    my father is just like your husband. it came to a point then that my mom was really at wits end at naubos na pasensya so she made my father choose between us and his vices. my father left us to sustain his vices.

    though it was really hard for my mom then because me and my siblings were really young, she toughened herself and raised our family alone. my mom isn't educated (just finished grade 6) and so, she ended up just working as a sewer and then did house works for other people and when she had little money saved, started to sell kakanin in manila. it was really difficult for all of us, esp. for me coz i needed to mature faster than my age in order to help her keep the family afloat and straight up. but with God's help, we made it through.

    i observed that although mom was really having a hard time raising us alone because she's poor and hadn't much help from anyone at all, she looked and felt better and had peace of mind when my papa left. as for my father, years passed and before i gave birth to my daughter, i looked for him para naman mabuo family namin because i was thinking, he must have learned already. we found him living on the streets of libertad and just getting by through the graces of those tindera na tinutulungan nyang magbuhat ng paninda. he looked awful. kulang na lang maging taong grasa sya. he was on the lowest of low.

    anyways, that's my story. if you think that keeping up with your husband is going to be better for you and your kids, then go on and put up a straight face. but consider your future and your kids' future. weigh in the pros and cons of having a husband of his like. would he be a good father kung walang tulong galing ng may kayang parents mo? it's obvious that he's not a good husband dahil wala syang respeto sayo at sa mga parents mo so hindi na kelangang itanong yan.

    kung tipong affected na ang mga anak nyo dahil you always end up having fights with him because of his vices, please, maawa ka sa sarili mo lalo na sa mga anak mo. dapat hiwalayan mo na yan before pa lalong lumala yung sitwasyon nyo. let him learn on his own.

    ako, hindi na ako galit sa papa ko as a person but i really abhor his not being a good father to me and my siblings and a good husband to my mom. it's been almost 2 decades ago and the memories of hardships still linger but no regrets coz those stuffs made us stronger persons. i've forgiven him sa mga pagkukulang nya sa amin but my mom cannot come to terms with forgiving him yet and i understand. there's 4 of us whom she had to raise alone. ikaw, mas ok pa kalagayan mo kasi may-kaya parents mo. my mom had to really work day and night in order to give us a decent life. i tell you, my mom's story can easily be a tear-jerker for maala-ala mo kaya but yours shouldn't be the same.
  • balbolskibalbolski PEx Influencer ⭐⭐⭐
    some things can't be change...

    hanap ka pa iba paraan para mapatigil yan. iprito mo yun manok :lol:

    dikit mo itong pic sa kwarto nyo images?q=tbn:ANd9GcR8Xw1Fx8ksQsLX4h3A4akRnk1X9KUBjzQseHyHW8E-6ZTM31Q1_g:lol:
  • Looks like your husband is a sabong addict. My tito's family was broken by it; it went to the point that he would look for money around the house, and threaten my tita if she didn't give him money. Kawawa mga cousins ko.

    My dad was addicted to it too; fortunately, my mom kept him on monthly "allowance", and he didn't ask for more than that (unlike my tito). I remember challenging my dad that we should tally the money he lost and won...after 3 months, it was obvious he was losing a lot more. It didn't stop him from going to the cockpit, but he stuck on his "allowance".

    I hope you hold the money in your family, so that you can budget and save. If you are not, then perhaps split the family income between you and your husband, then give him responsibility for his share (electricity, water, kids allowance, phonebills, etc.) while for your share, you can get the groceries, sunday lunches,savings etc.

    I don't know if there's a "cure" - my tito and dad never stopped going to the cockpit until they passed away - classmates nga naman. But it can definitely be controlled - I consider my dad to be the best dad he could be. I don't know about my tito...my cousins grew up without him.
  • softysofty PEx Veteran ⭐⭐
    A big part of being in love is making choices together that are best for the both of you.

    keep the line of communication Open and whatever you need or wish your hubby will do,make it more as a request rather than demand.we really CAN'T change people,we only hope they will realized it themselves;by that change is possible.

    (& Just a quick words for all Single ladies : I've definitely learned that with guys, it's either take it or leave it. They don’t change for anyone, and if you hate something about them in the beginning, don't ignore it because it's still going to be there in the end.)
  • baklitabaklita PEx Veteran ⭐⭐

    gingersniff, diretsahan na... mas maigi kung ikaw mismo ang magdala ng pamilya...
    mag-open ka ng account na di niya alam. dito mo i-save ang pera para sa iyong
    kinabukasan. siguraduhin mo may mase-save ka para sa pangangailan ng iyong
    pamilya. ikaw dapat humawak ng pera.

    tungkol sa iyong asawa na may bisyo. dumistansya ka at paalalahanin siya kung may
    pagkakataong makinig sa iyo, pero huwag mo na igiit sa kanya. ika nga, eh, you are
    on the losing battle dahil di na siya magbabago. kung may pagbabago nasa kanya na
    ang desisyon at aksyon.

    siguraduhin din na never mo pabayaan ang hawak mong negosyo dahil diyan nakasalalay
    ang pang-araw-araw na gastusin ng iyong pamilya. moreover, learn to say no sa iyong
    asawa lalo pag ang pera hihingiin o gagamitan niya ay sa sabong o paninigarilyo. kung
    magbigay ka, eh, limitahan mo.

    ang punto ko ay matuto ka maging independent girl. kaya mo yan dahil mas responsible
    ka at dapat matuto pa maging responsible lalo na sa gastusin at pag-save ng pera. lumaban ka! laban!

    sige i-treat mo ako kahit kape lang... I-use na ang araw ko. now na!

    aihihihi!!!

    baklits



  • adiposethoughtsadiposethoughts PEx Veteran ⭐⭐
    ...Pumayag lang ako sa usapan namin na isang beses isang buwan lang siya magsasabong.. pero ang ginagawa niya ngayon linggo linggo na..

    .... mali bang hangarin ko na tigilan niya ang bisyo dahil wala naman siyang pera pantustos nito?

    Una sa lahat. Andun na yung pag-oo mo. Inoohan mo yan eh. Wala kang magagawa. Kompromiso yan eh.

    Hello. Kung ayaw mo deh sana pinutol mo at hindi tinabas mo lang.

    Ayaw mo ng sabungero, deh sana tinanggihan mo ang kasal. Namfuta. Nandadamay pa kayo ng mga inosenteng bata sa mga kalokohan ninyo. Di niyo kayang magpakita ng magandang halimbawa tapos ngayon may kapal pa kayo ng mukha na makita ng mga anak niyo yan?


    Letcheng buhay to.


    Ikaw ate, wag mong ipapamukha sa asawa mo na wala siyang pera. Dahil sa totoo lang, siya ang naghahanap ng pera at nagpapaandar ng negosyo ng magulang mo. Alam mo ba ang ibig sabihin non? SIYA ANG NAGPAPASOK NG PERA SA PAMAMAHAY NINYO AT HINDI ANG MAGULANG MO.

    Ewan ko lang but I have a feeling na kapag kasama mo ang asawa mo at nakikita mo siya you have that feeling of resentment within you. Gusto mo siyang controlin. Andun yung feeling of frustration and control.

    Andun yung feeling ng pagpapamukha.

    Walang happiness.

    Kaya siguro ang butihin mong mister... ayun takbo na lang sa manok niya.

    Buti pa ang manok niya naiintindihan siya.
  • adiposethoughtsadiposethoughts PEx Veteran ⭐⭐
    And of course... Magipon ka. Tama si baklita mag-separate ka na ng banko liban sa meron kayo ngayon.

    Tas paalalahanan mo ang asawa mo.

    "Honey, bibigyan na lang kita ng allowance sa pagsasabong mo ha. Para controlado natin ang pera.

    Ngayon, kung ayaw mo ng allowance kasi ikaw kamo ang nagtratrabaho para sa amin ng anak mo. Eh ok lang naman, ipagbabalot na kita ng damit at bukas ang pinto. Pwede ka nang lumayas.

    Kaya kong paikutin ang business ng magulang ko ng wala ka.

    Magkano lang naman ang katulong, hindi ba? 2k? 3k?

    Mas mura ang magyaya na lang ako kesa itolerate ko ang pagwawaldas mo ng pera ko. Alalahanin mo, conjugal property na yan. Sating dalawa yan, hindi lang sayo. May say ako kung papano mo ginagamit ang kinikita mo.

    Tapos sige... go ka lang dyan sa pagyoyosi mo. Hindi kita pipigilan. Pero magkaintindihan tayo. Pag ikaw nagkasakit pang muli at nahihirapan huminga. Wala akong ilalabas na pera ni isang singkong duling sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?

    Hahayaan na lang kita mamatay. Tutal dun din naman ang patutunguhan mo eh.

    Wag na tayong magsayang ng pera. Tama na ang oras mo. Para sa mga bata naman."
Sign In or Register to comment.