Home PEx Family and Society Buhay Pinoy

Magsisimba daw pero makikipagkuwentuhan lang pala sa Simbahan.

Sunday ngayon at kagagaling ko ulit sa simbahan.:):)
Napapansin ko kasi ang dami ko nakikita mga tao na imbes na makinig e nakikipagkuwentuhan lang sa simbahan.Yun iba nga hindi na pumapasok ng simbahan.Nasa kalsada sila nakikipagkuwentuhan at pag matapos na ang misa,uuwi na din sila at akala na yata nila nakapagsimba na sila ng ganun.:D:D
«1

Comments

  • Papichulo168Papichulo168 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Yung iba, imbes na makinig sa Misa, binabantayan kilos ng ibang nagsisimba.
  • Yun iba naghahanap ng magaganda.Patingin tingin.:rolleyes::lol:
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    its not only ... nakikipagkwentuhan ...






    ... nakiki-sulyap:lol:
  • kung maari nga lang sa harap ka naka-upo para makapag-focus at kung kung pede huwag malate.
  • MorriganAenslandMorriganAensland PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ..nakakinis yung mga ganun, kwentuhan ng kwentuhan, nagpunta lang ng simbahan para magkwentuhan hindi para magsimba..

    ..karamihan sa mga napansin teenagers, kainis lang..

    ..yung iba naman wagas kung magtext anu ba yan.. tsk tsk tsk

    :bat:
  • senchesenche PEx Veteran ⭐⭐
    Marami ding ginagawang dating place ang simbahan. ang daming lovers around na hindi naman nakikinig talaga. di date lang eh.
  • F-A SoldierF-A Soldier PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Meron po bang AC sa simbahan na yan? :mconfused:
  • yung iba pumupunta ng simbahan para makapagbreakfast pag communion.
  • Lumang issue na to...Pabayaan mo TS pag nagkasakit ng malubha yang mga yan sigurado seseryoso na sa pagsimba yang mga yan.
  • worst yung mga akala mong mag aattend talaga ng mass, ang gagara pa ng suot..

    yun pala may hinihintay lang..using the church just to kill the time..tapos sa kalagitnaan ng mass eh walk out na!
  • Nagsimba ako nung VDay, paglabas ko may ka-date na ako.. Hehe..
    Pero seryoso ako sa misa ha..
  • Maraming ganitong type ng attacks sa simbahan na pasimple kala mo galing sa christians din o atheists pero sa totoo stealth jihad na pala. Di nila magawa ang nagagawa nila sa Kenya like kailan lang church bombings ang daming namatay at naputulan ng body parts. Pag dumami sila magiging ganun na. Beware of stealth jihad. www.Citizenwarrior.com
  • nikkilovenikkilove PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hynaku, hanggang dito sa states, ginagawa ng ilang pinoy yan, nagkwe kwentuhan habang may misa,

    yan ang ma late, yan ang di bawalin ang mga anak na nagtatakbuhan at naghaharutan,

    nakakahiya talaga, obvious pa naman yung pagka pilipino nila. halata.

    yung mga puti kahit bata nakaupo lang, disiplinado.

    kahit mga mexicano at itim.

    expect pag may naguusap or may magulong pamilya or magkakaibigan sa simbahan, pinoy yan.

    :bah:.
  • mykel97 wrote: »
    Sunday ngayon at kagagaling ko ulit sa simbahan.:):)
    Napapansin ko kasi ang dami ko nakikita mga tao na imbes na makinig e nakikipagkuwentuhan lang sa simbahan.Yun iba nga hindi na pumapasok ng simbahan.Nasa kalsada sila nakikipagkuwentuhan at pag matapos na ang misa,uuwi na din sila at akala na yata nila nakapagsimba na sila ng ganun.:D:D

    Likas sa kabataan ang makipag-interact sa kanilang barkada. Ang problema nasa programa ng simbahan - hindi naaayon sa pangangailangan ng mga kabataan.

    Sa simbahan namin mayroong Youth Mass tuwing Linggo 6:30 ng gabi. Sa misang ito mayroong Youth Choir kung saan tumutugtog at umaawit ang mga kabataan. Kumpleto ng instrumento ang choir - drums, bass guitar, acoustic guitar, piano at electric organ. Maganda rin ang vocal harmonies ng choir - talagang ini-ensayo nila ang mga awitin nila. Pop ang arrangement ng mga awitin kaya sinumang dumalo ay hindi aantukin.

    Pagkalipas ng misa, may youth interaction pa sa Church hall kung saan lubusan ang kuwentuhan at barkadahan ng mga kabataan. Pinamumunuan ito ng isang Youth Minister na bahagi ng nagpapatakbo ng simbahan namin.

    Sa ganitong paraan ginaganahan magsimba ang mga kabataan. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng kabataan ang tunay na layunin ng pagsisimba.

    Hindi ako kasapi ng XXX-for-Christ pero palagay ko hindi nalalayo ang patakbo nila sa mga sinaysay kong programa.

    Pero kung ang isang simbahan ay "simba-dasal-uwi" lang ang gawain, talagang magiging kuwentuhan lang ang iiral sa mga kabataan.

    Pasalamat tayo at dumadalo pa ang mga kabataan sa simbahan. E kung tuluyan na silang hindi dadalo, e di mababawasan ang kasapi ng simbahan, hindi ba?

    Ang kabataan kailangan ng PAG-UNAWA at hindi PAG-BATIKOS. Wika nga sa Inggles, "it's the Christian way."

    --sent from my HTC Cha-Cha
  • Papichulo168Papichulo168 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nikkilove wrote: »
    hynaku, hanggang dito sa states, ginagawa ng ilang pinoy yan, nagkwe kwentuhan habang may misa,

    yan ang ma late, yan ang di bawalin ang mga anak na nagtatakbuhan at naghaharutan,

    nakakahiya talaga, obvious pa naman yung pagka pilipino nila. halata.

    yung mga puti kahit bata nakaupo lang, disiplinado.

    kahit mga mexicano at itim.

    expect pag may naguusap or may magulong pamilya or magkakaibigan sa simbahan, pinoy yan.

    :bah:.


    In other words, kasama ka doon sa magugulo?
  • caffeine_kittiecaffeine_kittie PEx Veteran ⭐⭐
    andami nga ganyan dito. may lugar naman para sa kwentuhan. 1 hour lang na tatahimik di pa nila magawa.
    kaya mas masarap magsimba ng 5am *okay*
    kahit puro matatanda kasama mo, wala namang magugulo (kasi natutulog) :lol:
  • scottstorchscottstorch PEx Rookie ⭐
    nikkilove wrote: »
    hynaku, hanggang dito sa states, ginagawa ng ilang pinoy yan, nagkwe kwentuhan habang may misa,

    yan ang ma late, yan ang di bawalin ang mga anak na nagtatakbuhan at naghaharutan,

    nakakahiya talaga, obvious pa naman yung pagka pilipino nila. halata.

    yung mga puti kahit bata nakaupo lang, disiplinado.

    kahit mga mexicano at itim.

    expect pag may naguusap or may magulong pamilya or magkakaibigan sa simbahan, pinoy yan.

    :bah:.

    Siguro depende sa simbahan or community. Iba kasi napansun ko nung bumisita ako sa Carson Cali na karamaihan ng mga nagsisimba ay Pinoy. Displinado at taimtim na nagdadasal ang lahat. Sa Greenhills din wala kang makikitang pasaway, aircon pa.
  • arygorypsarygoryps PEx Rookie ⭐
    irrelevant na siguro sa panahon ngayon ang simbahan

    sa Europe kung saan nangagaling ang katolisismo..lagi na sarado ang simbahan kasi wala ng nag sisimba

    lalo na sa Spain
    > ZERO churchgoers!

    sorry if I have offended anyone here
  • djaynitor wrote: »
    Likas sa kabataan ang makipag-interact sa kanilang barkada. Ang problema nasa programa ng simbahan - hindi naaayon sa pangangailangan ng mga kabataan.

    Sa simbahan namin mayroong Youth Mass tuwing Linggo 6:30 ng gabi. Sa misang ito mayroong Youth Choir kung saan tumutugtog at umaawit ang mga kabataan. Kumpleto ng instrumento ang choir - drums, bass guitar, acoustic guitar, piano at electric organ. Maganda rin ang vocal harmonies ng choir - talagang ini-ensayo nila ang mga awitin nila. Pop ang arrangement ng mga awitin kaya sinumang dumalo ay hindi aantukin.

    Pagkalipas ng misa, may youth interaction pa sa Church hall kung saan lubusan ang kuwentuhan at barkadahan ng mga kabataan. Pinamumunuan ito ng isang Youth Minister na bahagi ng nagpapatakbo ng simbahan namin.

    Sa ganitong paraan ginaganahan magsimba ang mga kabataan. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng kabataan ang tunay na layunin ng pagsisimba.

    Hindi ako kasapi ng XXX-for-Christ pero palagay ko hindi nalalayo ang patakbo nila sa mga sinaysay kong programa.

    Pero kung ang isang simbahan ay "simba-dasal-uwi" lang ang gawain, talagang magiging kuwentuhan lang ang iiral sa mga kabataan.

    Pasalamat tayo at dumadalo pa ang mga kabataan sa simbahan. E kung tuluyan na silang hindi dadalo, e di mababawasan ang kasapi ng simbahan, hindi ba?

    Ang kabataan kailangan ng PAG-UNAWA at hindi PAG-BATIKOS. Wika nga sa Inggles, "it's the Christian way."

    --sent from my HTC Cha-Cha

    ayyy anu to? pagjojowa na "you should meet halfway?"

    kung ganyan ganyan din lang na magsisimba kang naayon sa kagustuhan mo eh nagsimba ka pa!!! nkklka

    alam mo kung bukal talaga sa loob mo yung pagsimba, iwan mo lahat ng human nature mo sa labas ng simbahan. isang oras nga lang yan dami pang arte! again nagsimba ka pa!

    at pasalamat tayo na nagsisimba pa ang kabataan?? haller??? at ang simbahan pa talaga ang magppasalamat??? naririnig mo ba sarili mo? nkkloka!:love:
  • bjornpetty wrote: »
    at pasalamat tayo na nagsisimba pa ang kabataan?? haller??? at ang simbahan pa talaga ang magppasalamat??? naririnig mo ba sarili mo? nkkloka!:love:

    Oo dapat magpasalamat dahil kapag hindi na nagsimba ang kabataan, balang araw wala nang magsisimba. At kapag wala nang nagsisimba - tulad ng nangyayari sa maraming lugar sa Europa - mawawala na ang simbahan.

    Tama ba o mali?

    --sent from my HTC Cha-Cha
Sign In or Register to comment.