Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
Discuss your bets and predictions on who will be the next Miss Universe. 👑

Bakit laging naka suot ng ID ang mga taga SGV kahit saan?

Ako lang ba ang nkakapansin neto? Pasensya na mga kapatid kase matagal na naming napapansin magkaka tropa to. Yung tipong palabas pa lang sila ng bahay eh nakasuot na yung ID nila.

Masyado akong binabagabag ng katanungang ito, kaya nga gumawa na ako ng altnick ko :rotflmao:


Kung may taga SGV & CO. dito pasagot naman po. Salamat. :)
«1345

Comments

  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hindi lang SGV, lahat naman ata na required ang ID.

    i remember nung bago yung policy dito sa Ateneo na kailangan isuot lagi ang ID may mga nagpuna din hehe.

    kailangan masanay ka kasi na suot suot lagi ang ID otherwise madali nila makalimutan at mahirapang makapasok sa areas nila.
  • E diba pwede naman mag suot ng ID pag malapit ka na sa school o pinagttrabahuan mo? Whick is yun ang common na ginagawa ng estudyante o empleyado.

    Hindi ako ingit sa SGV ha..curious lang talaga ako kase lagi ko talaga silang nakikitang ganun araw araw, baka naman kase related sa work nila na pagiging auditor.
  • bakt ts wala ka bang id? gawan kita gusto mo? :lol:
  • Meron pero di ko sinusuot kahit saan.:lol:
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nung grade school ka hindi ba pinapasuot ng nanay mo yung id mo kahit sa bahay ka pa lang? kasama kasi yan sa uniform kailangan hindi makalimutan. :D

    anyway, baka kailangan mo magtrabaho sa ganyang companies para maintindihan mo din hehe.
  • purps masydong matatalino ang mga nasa SGV, di kaya ng utak ko dun. ;)
  • minsan delikado din pag lagi suot ang id lalo na pag nasa public place ka, prone ka sa hold-up. :(
  • Papichulo168Papichulo168 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Halos lahat yata ng call center employees ganito na ang gawi ilang taon na. Pero mga taga SGV pinuntirya ni TS. Gaano ba kalaki ID ng mga taga SGV at pansin na pansin mo yata?
  • kensamorkensamor PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Halos lahat yata ng call center employees ganito na ang gawi ilang taon na. Pero mga taga SGV pinuntirya ni TS. Gaano ba kalaki ID ng mga taga SGV at pansin na pansin mo yata?

    Baka singlaki ng placards ng mga nagra-rally sa kalye.:lol: Stiff neck ang uwi nyan.
  • gooseberrygooseberry 🐯 Tiger Squad🥈
    Baka naman may lanyard-envy si TS.

    :glee:
  • usually kasi nasa field sila kaya kailangan naka id lagi para ma identify
  • Papichulo168Papichulo168 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Para malaman na de-kampanilyang accountant sila. Alangan naman isabit nila yung laminated diploma sa leeg nila?
  • kitakitskitakits PEx Rookie ⭐
    san ka ba nagwowork TS? CPA ka din ba kaya mo napapansin ang mga tga SGV? hehe
  • pampaalis ng stress yun. yung may makasalubong ka na kahit di mo kilala pero ramdam mo yung bilib nila sa yo :D
  • Sa ayala ako nag ttrabaho... pero sa las pinas palang may nakakasabay na akong taga SGV (naka ID na agad sila nasa tricycle palang), kahit minsan pag galing naman ako samin sa QC ganun din ang nakikita ko.

    Maiintindihan ko pa yung mga taga call center kase baka sa sobrang puyat nila eh nakakalimutan na nila tangalin ID nila (pati nga mug ng starbaks di na tinatangal sa kamay nila eh:lol:).

    Sana masagot na talaga itong katanungan kong to. (nakakahiya kase magtanung mismo dun sa taga SGV)
  • gooseberrygooseberry 🐯 Tiger Squad🥈
    Ano mapapala mo sa hiya- hiya? Trabaho ba naming sagutin ang mga tanong mo sa buhay eh kung abot-kamay mo na ang sagot? Kami ang pine-perwisyo mo sa kabugnutan mo sa buhay.
  • kitakitskitakits PEx Rookie ⭐
    post ka dun sa pinoy accountancy TS, dami mga tga SGV dun. :)
  • Sige Kitakits try ko itanung dun.

    @Gooseberry sorry napeperwisyo ka pala sa pagbabasa ng post ko.:rotflmao:
  • Papichulo168Papichulo168 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pagawa ka ng ID ng Malabanan-Belen Pozo Negro Excavator. Pag may nakita kang taga SGV ilabas mo rin yung ID mo.
  • TTJTTJ PExer
    gooseberry wrote: »
    Ano mapapala mo sa hiya- hiya? Trabaho ba naming sagutin ang mga tanong mo sa buhay eh kung abot-kamay mo na ang sagot? Kami ang pine-perwisyo mo sa kabugnutan mo sa buhay.
    Pagawa ka ng ID ng Malabanan-Belen Pozo Negro Excavator. Pag may nakita kang taga SGV ilabas mo rin yung ID mo.

    :rotflmao:
Sign In or Register to comment.