Home PEx Family and Society Buhay Pinoy
Discuss your bets and predictions on who will be the next Miss Universe. 👑

mahaderang kapitbahay

di ko alam kung saan ipopost to so i created a thread for this :hiya:

pinapagawa ni mama yung gate ng bahay namin tapos itong si kapitbahay biglang nagtatalak na wala na daw siyang madadaanan eh wala namang nabago sa wideness ng dinadaanan nila. todo talak siya while im posting this tapos nagiging personal na ang attacks niya,gusto ko na talaga siyang patulan pero di ko magawa dahil sina mama ang kawawa kapag ginawa ko yun. pulis ang mister nitong kapitbahay namin at andun siya habang nagtatalak ang misis niya,wala man lang siyang ginawang action para patigilin.

pwede ko ba itong isumbong sa human rights?

kung may ganitong kapitbahay kayo pls share your stories and actions taken para matigil sila. thanks

~BB
«13456

Comments

  • sa palagay ko e inggit lang yang kapitbahay nyo kasi may pang-pagawa kayo ng gate.

    wag mo na patulan, mukang wala namang sense ang tinatalak nya. wag nyong sabayan ang galit nya para hindi lumala ang problema nya, pag nahimasmasan yan mahihiya sya sa pinaggagagawa nya.
  • di ko pa naman siya pinapatulan pero gustong gusto ko nang puntahan sa bahay nila at sabunutan,yung mama ko kase tumataas ang bp sa mga ginagawa niyang talak na pasigaw pati pamangkin ko isinali kase bastardo daw. :angry:
  • ah iba na yun kung pati personal na buhay eh itatalak nya. ang hirap ng may ganyang kapitbahay, inggitera na eskandalosa pa. pa-baranggay mo!
  • hermeowninihermeownini PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ganon naman si aleng kapetbahay. ugaleng skwaters? :(
  • every week yata may reklamo sa barangay ang babaeng 'to pero wala namang nangyayari. kapag ang mama ko lang ang naiiwan dito binabato pa nila ang bahay.
  • goat1230goat1230 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    dun ka sa baranggay magreklamo, seriously...

    isama mo na pati ang measurements ng luma at bagong gate nyo. and stick to that topic.

    ang asawang pulis hindi dapat mangealam dito.


    EDIT: suki na pala ng baranggay edi ipaabot na sa pulisya/korte.. source na sya nang pagkasira ng peace and order sa neighborhood nyo ba..
  • kensuikensui PEx Rookie ⭐
    Pag tumalak uli, magpatugtog ka na lang malakas na music para di niyo marinig.mapeperwisyo lang kayo pag pinatulan niyo pa :)

    Maganda sana kung magagawa mong pag-awayin ang magasawa na yun .....
  • NilsNils PEx Influencer ⭐⭐⭐
    magsimula ka ng tsismis na may babae yung asawang pulis para sya ang talakan ng kapitbahay nyong mahadera... :rotflmao:
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    at sa umaga ginagawa ang pagtatalak na iyan? naku ayoko ng ganyan. :bop:
  • bakit wala syang madadaanan?..singlin mo ng entrance fee pag ginamit gate nyo..:D
  • pinatulan ko na talaga,ang tatapang nila at pinuntahan talaga kami sa bahay,i told them na pwede namang pag usapan kesa magtalak siya dun sa bahay nila. nairecord ko ang pagtatalak niya kasama ang anak niya at mister na pulis (na naka uniporme pa) sana pwede ito sa human rights.
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    isumbong mo sa Lupong Tagapamayapa jan sa barangay niyo? meron ba kayo niyan? sa amin kasi member ang nanay ko kaya minsan nalalaman namin sino yung mga nag aaway sa kapitbahay. :glee:
  • purps,madami nang reklamo sa isang 'to na impeach na nga ito sa kabilang barangay sa dami ng kaaway eh. nakakainis lang kase personal na bagay ang sinisigaw niya. bastardo daw ang pamangkin ko,feeling mayaman daw kami etcetera..di siya makausap ng matino tapos siya itong palaging nagsasabi na kami ang di makausap ng matino :lol:
  • isa lang ang solusyon diyan!

    Face to Face!

    Naghahanap lang yan ng way para lumabas sa TV!
  • Yung na-record mong pagtatalak nila ilagay mo sa CD at iplay mo ng paulit-ulit na malakas na ang speaker ay nakatapat sa kanila. Gawin mo ito pag-aalis kayo ng bahay. Pakabitan mo na rin ng cctv na nakatututok sa kanila para makuhanan ng ebidensya kapag may ginawa silang kalokohan.
  • Vit@min_C[email protected]_C PEx Influencer ⭐⭐⭐
    picture po, tapos post mo dito, pag fiestahan natin. :glee:

    baka naman inggit lang?anu bang materyales na ginamit nyo sa gate(since wala namang nabago sa wideness)?

    jealous lang yan, kaka uwi lang kasi nung anak nung may ari from cebu, tapos mag lelechon pa kayo. lalo kayong pag iinitan. :lol:
  • ^nainggit dahil sa lechon? :lol:

    semento lang naman ang materials nito at bakal eh,nothing special.tsaka yung wideness di naman nabago. nag aamok na siya sa bahay nila. :lol: pinablotter na rin namin. di lang naman kami ang kaaway nila eh.
  • Vit@min_C[email protected]_C PEx Influencer ⭐⭐⭐
    beach_babe wrote: »
    ^nainggit dahil sa lechon? :lol:

    semento lang naman ang materials nito at bakal eh,nothing special.tsaka yung wideness di naman nabago. nag aamok na siya sa bahay nila. :lol: pinablotter na rin namin. di lang naman kami ang kaaway nila eh.


    --
    seriously, ang hirap niyan, yung hindi mo kasundo ang kapit-bahay mo. kasi sila yung madalas at araw-araw mong makikita, pag gising mo pa lang.hindi ko ata kayang sigaw-sigawan ang nanay ko sa harapan ko.kahit pulis asawa nun, sasabuyan ko sila ng calamansi juice,orange juice sa mata! :lol:

    lagyan nyo nalang ng bakod,tapos magpakain kayo ng 'sosyal'. paamoy mo sa kanila ang lechong baka,baboy,manok. :lol:
  • ah okey :lol:

    di ko kinaya ang paninigaw niya kay mama kanina kaya sinagot sagot ko na siya kanina,ako na ngayon ang kaaway niya.. sarap niyang ipakagat sa aso. :lol:
  • Papichulo168Papichulo168 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    beach_babe wrote: »
    pinatulan ko na talaga,ang tatapang nila at pinuntahan talaga kami sa bahay,i told them na pwede namang pag usapan kesa magtalak siya dun sa bahay nila. nairecord ko ang pagtatalak niya kasama ang anak niya at mister na pulis (na naka uniporme pa) sana pwede ito sa human rights.

    OA mo naman. Tinalakan lang kayo Human Rights na? Ipa-post mo siya dito para malaman din namin side niya.
Sign In or Register to comment.