PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

MMFF 2012: Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako

PEP.PH
Gorgy Rula
June 13, 2012

Limang producers ang pumirma ng kontrata kahapon, June 12, para sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si ME na ilalahok sa Metro Manila Film Festival 2012.

Ang limang film producers ay ang OctoArts Films, Imus Productions, APT Entertainment, M-Zet Productions, at GMA Films.

Um-attend sa contract signing sa UCC Caf? Greenhills sina Orly Ilacad ng OctoArts, ang magkapatid na Rowena Bautista-Mendiola at Andrea Bautista-Ynares ng Imus, Mr. Tony Tuviera ng APT, Vic Sotto ng M-Zet, at Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films.

JUDY ANN SANTOS. Doon na rin sa contract signing inanunsiyo ni Vic na si Judy Ann Santos ang leading lady nila ni Senator Bong Revilla sa pelikula.

Si Judy Ann siyempre ang ME sa titulo bilang Maria Esguerra ang pangalan ng karakter na gagampanan nito.

Hindi naman daw sila nahirapan na kunin ang aktres nang ipinaliwanag nila ang role na gagampanan nito sa pelikula.

Sabi ni Vic, ?Si Juday naman, hindi mo puwedeng tawaran ang kakayahan niya. She?s a Box-Office Queen, we know that.

?Sa Metro Manila Film Festival, ilang beses din kaming nagkatapat.

"And Juday is Juday?she has a very big following lalo na sa mga babae, sa mga kabataan din.

?And we made sure na ang karakter niya rito would be at par with Agimat and Enteng Kabisote.?

Ipinaliwanag na rin doon ng production designer ang set at mga costume na isusuot ng bawat karakter na gaganap sa naturang pelikula.

Sa paliwanag pa lang ng production designer ay mukhang matindi ang gagastusan ng produksyon.

Sabi naman ni Bossing Vic tungkol dito, ?Pikit-mata na lang na titirahin namin ito ni Senator Bong.

?Kasi, paano mo malagpasan yun ginawa namin noon, siyempre daanin sa production, daanin sa istorya?

?At higit sa lahat, mag-introduce ng bagong karakter na makakadagdag at makakasalamuha namin ni Agimat,? paliwanag nito.

Unang nagsama sina Bossing Vic at Senator Bong sa Si Agimat At Si Enteng Kabisote, na naging topgrosser noong Metro Manila Film Festival 2010.
«13456

Comments

  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    PEP.PH
    Rose Garcia
    July 8, 2012

    MOVIE PROJECT. Sa pelikula naman ay hindi nababakante si Sweet. Kasama siya sa Metro Manila Film Festival entry na Enteng, Agimat and Me. Bida rito sina Vic Sotto, Senator Bong Revilla, at Judy Ann Santos.

    “Okay naman na yatang sabihin, well, talagang, wow, tatanggi ka ba sa ganyan? Oo ako agad-agad!

    "Grabe ang M-Zet, miniting pa ako ni Direk Tony Reyes. Meeting? Hindi na kailangang meeting, umoo na nga ako.

    “Grabe, na-appreciate ko talaga. Akala ko lahat ng cast, yun pala ako lang. Nandoon si Direk Tony and the staff of M-Zet.

    "Isa ako sa kaibigan ni Ms. Judy Ann Santos. So yun pa lang kasi hindi pa kami nag-storycon.

    “Pero na-appreciate ko talaga na miniting pa ko, hiningi pa yung suggestion ko," lahad niya.
  • coolbabescoolbabes Member PExer
    Uy narinig niyo na ba, babalik nanaman ang Encantadia! Showing siya sa Fox Filipino! Tignan niyo 'to! https://www.facebook.com/photo.php?fbid=444612815569574&set=a.307276205969903.78256.167153669982158&type=1&theater
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Abante-Tonite
    Gorgy Rula
    July 16, 2012

    Juday, nape-pressure kina Vic at Bong

    Judy-Ann.jpg

    ...

    Pagkatapos ng Cinemalaya ay sisimulan na ni Juday ang filmfest entry niyang Si Agimat, si Enteng at si Me.

    Hindi maiwasang makaramdam ng pressure si Juday dahil first time niyang makakasama si Vic Sotto at muli silang magsasama ni Sen. Bong Revilla.

    Nandiyan pa ang challenge na dalawang higante sa industriya ang makakasama niya.

    Dagdag pang pressure na hinuhulaang ito ang magna-#1 sa box office.

    “Nakakapanibago nga eh,” bulalas ni Juday. “Kasi dalawang higanteng stars ang makakasama ko sa pelikula, na totoo ba ‘to? Nangyayari ba ‘to?

    “Kadalasan kasi, paisa-isa, di ba? Kung dalawa man, love story. Pero puwede naman pala.

    “Ang nakaka-pressure pa, kung hindi siya mag-number one, malamang na ako ang dahilan, eh.

    “Kasi silang dalawa, palagi naman silang number one, eh. Pagka mag-number two o number three, malamang dahil sa akin ‘yun.” Nagpasalamat si Juday na siya ang napiling leading lady dahil aware siyang si Ai Ai de las Alas dapat ang makakasama nila.

    Nagtapat siyang hindi niya kayang tapatan ang ginagawa ni Ai Ai, kaya in-adjust nila sa kanya ang script ng naturang pelikula.

    Nagpasalamat din ito kay Ryan Agoncillo dahil umatras na ang asawa niya sa pagsali sa MMFF nang tinanggap na nito ang project.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Mga Mata ni Lolita
    by Lolit Solis
    Wednesday, July 18, 2012

    BAGO MATAPOS ang buwan ay magsisimula na pala si Judy Ann Santos ng shooting sa pelikulang Si Agimat, si Enteng at si Me, kung saan siya lang ang nag-iisang leading lady nina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla.

    Excited nga si Juday dahil first time nilang magsama ni Bossing Vic at gusto naman daw niyang makasama uli si Sen. Bong.

    Bago niya tinanggap ang project na ito, tinapat na raw niya si Direk Tony Y. Reyes na hindi niya kaya ang role ni Ai-Ai delas Alas.

    Aware naman siyang si Ai-Ai talaga ang original na leading lady ng dalawa, kaya lang nagkaproblema sa Star Cinema, hindi na siya pumuwede.

    Kaya medyo natagalan dahil gusto naman niyang linawin kung ano ang role niya.

    Nu’ng ni-revise ang script, nakita naman niyang bumagay sa kanya at nakatutuwa raw ang kuwento.

    Kaya excited na siya at siyempre nandiyan ang pressure dahil nakikita namang consistent sa pagna-number one sa box-office ang pelikula nina Sen. Bong at Bossing Vic.

    Natatawa nga niyang sinabi na kung sakaling hindi ito mag-number one, malamang na siya ang dahilan.

    Hindi naman mangyayari ‘yan siyempre! Tiyak nang maganda ang kalalabasan n’yan dahil bukod sa mga supporters nina Bong at Vic, marami rin ang kay Juday. Kaya tiyak na hit na hit ‘yan!

    Natuwa nga si Juday kay Ryan Agoncillo, dahil nu’ng nalaman niyang tinanggap na ng asawa niya ang project na ito, tinanggihan na niya ang offer ng Unitel na dapat siya ang bida sa filmfest entry nila.

    Ayaw naman daw niyang kalabanin ang asawa niya.

    ...
  • adzadz Banned by Admin PExer
    nakikisawsaw na naman ang GMA Films dito para sabihing meron silang blockbuster movie this year :naughty: :rotflmao:
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Abante
    Ruel Mendoza
    July 23, 2012

    Natuwa nga ang tinanghal na FHM Sexiest 2012 na si Sam Pinto na kasama siya sa cast ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si ME na isa sa official entries ng 2012 Metro Manila Film Festival.

    Si Sam nga ang naging leading lady ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa unang Si Agimat at si Enteng Kabisote movie noong 2010.

    “Hindi ko nga ini-expect that I will still be a part of the movie.

    Kasi I know na si Judy Ann Santos na ang magiging leading lady nila.

    But I received a call from my manager at sinabing magkakaroon kami ng story conference for that movie nga.

    Kaya I am happy because may movie ulit ako this coming Christmas,” sabi pa ni Sam.
  • JunreyCioJunreyCio Thee Wrecker PExer
    when will this end???

    every MMFF nalang ba talaga may Enteng at Agimat!!?? tsk.. :bop:
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    PEP.PH
    Ruben Marasigan
    July 25, 2012

    SWEET AT THE MOVIES. Ang nabanggit na pelikula, na entry sa Metro Manila Film Festival 2012, ay pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla, Vic Sotto, at Judy Ann Santos.

    Ano ang role niya sa pelikula?

    “Sa side ako ni Juday. Mga environmentalist kami sa story ng pelikula.

    “Hindi pa kami nag-i-story conference. But so far, iyon ang alam ko—isa ako sa mga friends ni Juday sa side niya.

    ...
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    post from JAS thread...

    c/o Nong thanks :love:

    first shooting day of si enteng si agimat at si ako...

    abangan sa MMFF...


    388006_506969782653912_191856692_n.jpg
  • Aya_AlexaAya_Alexa Vision of Perfection ✭✭✭
    JunreyCio wrote: »
    when will this end???

    every MMFF nalang ba talaga may Enteng at Agimat!!?? tsk.. :bop:

    sasabayan daw nila ang SR&R. :lol:
  • stomatastomata RenztersPage ✭✭✭
    BOOM: Nagsimula nang mag-shooting ang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) na Si Agimat, si Enteng, at si ME nung isang araw lang at kumpleto ang mga bida na sina Sen. Bong Revilla, Jr., Vic Sotto, at Judy Ann Santos.

    Excited sila sa project na ito dahil very positive raw ang feedback ng mga tao sa pelikulang ito.

    Sabi ni Bossing Vic, alam niyang maganda ang kalalabasan ng naturang pelikula dahil inulan sila sa first day of shooting nito.

    Tuwang-tuwa nga si Sen. Bong dahil nung kinukunan ang exterior shots nila, maganda ang panahon. Nung nasa loob na sila ng bahay at pawang interior shots ang mga eksena ay saka umulan kaya malamig na panahon at hindi sila gaanong nainitan sa set.

    Kasali rin dun sa shooting ang sikat na duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola, Rudy Rodriguez, Aiza Seguerra, at ang bagong Little Ms. Philippines na si Ryzza Mae Dizon.

    Iniiwasan ni Bossing Vic na pag-usapan pa rin ang tungkol sa kanyang love life. Basta masaya siya at laging inspired.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Abante-Tonite
    Gorgy Rula
    July 30, 2012

    juday-bong.jpg

    NAGSIMULA nang mag-shooting ang MMFF entry nina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos na Si Agimat, si Enteng at si ME kamakalawa.

    Masaya ang atmosphere sa shooting na mukhang excited ang lahat sa malaking pelikulang ito.

    Sabi nga ni Juday, “Tatanggi ka pa ba sa project na ‘to? May Sen. Bong na, may Vic Sotto. Parang teka… Tama bang tanggihan pa ‘to” natatawang pahayag ng aktres.

    Isang engkantada na masarap magluto ang role rito ni Juday. Sabi nga ni Bossing Vic, masarap ang kumbinasyon nila sa pelikulang ito.

    Inupuan nila kung paano ayusin ang takbo ng kuwento para tugma ang pagsali ni Juday sa pelikulang ito.

    “Maraming putahe as usual. Alam mo naman si Sen. Bong na hindi ‘yan papayag ng ganu’n-ganu’n lang. Kailangan, nandu’n ang quality, ang entertainment values, family values, mga importanteng ingredients para mapaganda ang pelikula.

    “Parang panata na kasi ‘to, eh. Hindi kumpleto ang buhay namin kung hindi kami makakasali sa film festival,” pahayag ni Bossing Vic.

    Sa kalagitnaan ng interbyuhan namin ay bumuhos ang malakas na ulan, at parang tuwang-tuwa si Bossing dahil tiyak na magandang blessings daw ito sa kanila.

    Sabi niya, tuwing nagpi-first day daw sila sa pelikula nilang pang-MMFF ay inuulan sila, kaya suwerte ang hatid nito.

    Natuwa rin si Sen. Bong dahil parang nakiayon ang panahon sa kanila.

    “Ang init kanina nu’ng kinunan ang exterior shots namin. Ngayong interiors na, saka umulan kaya lumamig dito,” kuwento ni Sen. Bong.

    Ayaw na ni Bossing Vic na isipin pa na ang pelikula nila ang mag-number one sa box-office.

    “Ang gusto lang talaga namin, ang makapaghatid ng kasiyahan sa mga manonood. Kung puwede lang mag-number one ang lahat, eh. Ayaw na namin magpa-pressure, ” pakli nito.

    Mukhang mas malaki ito at mas kuwela dahil bukod sa kanila, matindi rin ang support dito nina Jose Manalo at Wally Bayola na pinahaba ang role para makadagdag ng saya sa pelikula.

    Lagare ng shooting ang sikat na duo dahil tinatapos din nila ang pelikula nilang Sa ‘Yo ang Pritil, Akin ang Bangkusay.

    Nandu’n din sa shooting sina Aiza Seguerra, Sam Pinto, Gwen Zamora, Ruby Rodriguez at ang bagong Little Ms. Philippines na si Ryza.
  • stomatastomata RenztersPage ✭✭✭
    Sa unang araw ng shooting
    Pelikula nina Bong Revilla Jr., Vic Sotto at Judy Ann Santos, inulan na ng blessings

    Monday, July 30, 2012, 10:23
    Mga Mata ni Lolita
    571 views
    Add a comment


    NAGSIMULA NA palang mag-shooting ang Si Agimat, Si Enteng at si ME nu’ng kamakalawa lang.

    Kumpleto ang tatlong bida na sina Sen. Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos na sabi nga niya, sino ba naman ang tatanggi sa project na ito kahit alam naman niyang ipinalit siya kay Ai-Ai delas Alas.

    Matagal daw nilang pinag-usapan kung ano ang gagawin sa role ni Judy Ann, dahil aminado naman ang aktres na hindi niya kaya ang mga ginagawa ni Ai-Ai.

    Kaya ibang-iba itong role na ginampanan niya na bumagay naman in fairness, ha!

    Kuwento sa akin ng taga-Startalk na nag-cover nito, ang saya raw ng first day niya.

    Nu’ng kinunan ang exterior shots nila, maganda ang panahon. Pagkatapos nu’ng nasa loob ng bahay na sila, saka lang umulan kaya lumamig ang panahon, at hindi sila gaanong nainitan sa interior shots nila.

    Sabi nga ni Bossing Vic, ganu’n daw talaga ‘pag first day of shooting ng mga pelikula nila, umuulan na parang inulan na talaga ng blessings.

    Kasama rin nila roon sina Jose at Wallly, sina Ruby Rodriguez at Aiza Seguerra, at pati ang cute na winner ng Little Ms. Philippines na si Ryza.

    Tuwang-tuwa pa sila na nagpa-cater doon si Mr. Tony Tuviera kaya ang sasarap daw ng mga pagkain.

    Puring-puri ni Sen. Bong si Bossing Vic dahil talagang tinupad nito ang pangako niyang magsama sila uli sa pang-filmfest na pelikula.

    Pero sabi raw ni Bong, meron pa raw siyang sorpresang project na dapat abangan
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Bong Revilla: Lani won't run for Senate
    ABS-CBNnews.com
    Posted at 07/30/2012 2:22 PM | Updated as of 07/30/2012 2:22 PM

    MANILA, Philippines -- Amid speculations that Cavite Rep. Lani Mercado will run for Senate in 2013 elections, her husband, Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., said there is no such plans.

    "No, she's not running for senator," Revilla stressed in an interview during the first day of shooting for his film "Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako," with Vic Sotto and Judy Ann Santos.

    Revilla, however, refused to comment when asked if he will be running for vice president in 2016.

    "Hantayin natin 'yung tamang panahon, masyadong maaga pa para pag-usapan 'yan," Revilla said.

    The senator said right now, he's focused on finishing the movie, which is an official entry to this year's Metro Manila Film Festival.

    "Ang importante itong pelikula na pinagsasamahan namin ni Vic and Judai at mga kasama namin, all-star cast , pinaghahandaan namin at regalo namin sa inyo ngayong Pasko," he said.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Judai joins Vic Sotto, Bong Revilla for MMFF entry
    ABS-CBNnews.com
    Posted at 07/30/2012 2:29 PM | Updated as of 07/31/2012 8:30 AM

    MANILA, Philippines -- Cameras have started to roll for the all-star movie pairing of Judy Ann Santos, Vic Sotto and Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.

    Santos is part of the Metro Manila Film Festival entry, "Si Agimat, si Enteng Kabisote at Ako," with Prince of Comedy Sotto reprising his role as Enteng Kabisote and Revilla again as Panday.

    Santos plays a fairy in the movie.

    "Tagapangalaga ako ng kalikasan, kumbaga green goddess. Eventually magiging kasama nila Enteng at Agimat. Kailangan nila ang tulong ko sa pagharap sa challenges dito sa pelikula," Santos shared.

    "Haliparot na fairy ako dito kaya 'yung eksena ko dito gustong-gusto kong katabi si Enteng at si Senador, 'yun isa akong harot na fairy," she added.

    According to Santos this will be her first time to work with Sotto and her second with Revilla after "Minsan Ko Lang Sasabihin" in 2000.

    "Si Senator nakasama ko na siya sa isang movie ako ang leading lady niya. Si Bossing ngayon ko lang makakasama kasi normally bumibisita lang ako sa 'Eat Bulaga,' hi and hello, pero ngayon lang 'yung talagang kasama ako sa trabaho," she said.

    For his part, Revilla said he is excited to work again with Santos and Sotto.

    Sotto and Revilla first teamed up, essaying the same roles, in the hit movie "Si Agimat at si Enteng Kabisote" in 2010.

    "Kung maalala mo noong 2010 noong nagsama kami ni Enteng sinabi namin na after a year saka kami magsasama ulit. So ito 'yung panahon na 'yon, kayo ito we are back," Revilla said.

    Revilla promised moviegoers that they will definitely love their newest film, especially the story and special effects.

    Sotto also assured the film's quality and entertainment value.

    "Sinisiguro namin ni Agimat, kung nasarapan sila sa unang pagtatambal namin ni Agimat, ito mas masasarapan sila kasi mas nadagdagan kami ng isang chef si Judy Ann," Sotto said.

    Sotto also admitted that his life wouldn't be complete without doing a MMFF entry.

    "Parang di kumpleto ang buhay namin kapag di kasama sa festival, parang panata na," he said.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Abante
    August 3, 2012

    Nagsimula na ang shooting ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako, ang pelikula nina Bong, Vic Sotto at Judy Ann Santos na official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival. Kinukunan sa Ilocos Norte ang mga eksena ng pelikula at ipinagmamalaki ni Bong ang magandang location na mapapanood sa unang pagkakataon sa wide screen.
  • adrian29adrian29 Member PExer
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Vic Sotto, Bong Revilla Jr., Judy Ann Santos start shooting their 2012 MMFF entry Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako

    Rommel Gonzales
    Sunday, August 05, 2012 @ 08:51PM

    Nagsimula na ang shooting ng isang pelikulang kalahok sa 2012 Metro Manila Film Festival, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako.

    Sa unang pagkakataon ay magsasama-sama sa iisang proyekto sina Vic Sotto, Judy Ann Santos, at Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.

    Ipinalabas kahapon, August 4, sa StarTalk TX ang taped interviews sa mga artista ng pelikula.

    “Ang saya-saya ng first day ng shooting, iba!” sabi ni Bong.

    Dagdag nito, “Kada pelikula na ginagawa natin, kailangang nasu-surpass natin yung ginawa natin. So, this time, talagang dalawang taon na pinaghandaan namin ni Vic itong pelikulang ito para ihandog sa mga tao, lalung-lalo na sa mga bata, sa buong pamilya this Christmas.”

    Sabi naman ni Bossing Vic sa pareho ring taped interview, “Kung nasarapan sila sa unang pagtatambal namin ni Agimat, eto, mas masasarapan sila.

    “Kasi nagsama na kami ng isang magaling na chef, si Judy Ann.

    “Alam mo naman si Senator Bong, hindi papayag ng ganun-ganun lang.

    “Kailangang nandun yung quality, andun yung entertainment value, at yung mga family values na importanteng ingredient sa aming mga pelikula.”

    Bagamat ito ang unang beses na makakasama ng dalawang aktor si Juday, tiwala ang mga ito na wala nang gaanong adjustment ang kakailanganin.

    “Si Juday naman kasi is a very versatile actress. Nakagawa na rin naman siya ng mga comedy before and that’s one of her forte,” pagpuri ni Vic, na masasabing pinakatanyag na komedyanteng nagtratrabaho sa showbiz ngayon.
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    PEP ALERTS

    Inamin ni Judy Ann Santos na malaki ang pressure na naramdaman niya ngayon dala ng pelikulang pagsasamahan nila nina Senator Bong Revilla at Bosing Vic Sotto. Pareho raw kasing nag-No. 1 ang mga pelikula nina Vic at Bong sa mga nagdaang MMFF. Harot na fairy raw ang role niya sa si Si Enteng, si Agimat, at si Ako. "Ako" kasi ang pangalan ng role ni Juday sa pelikula.

    about 3 hours ago
  • crystalblastcrystalblast Member PExer
    Sam, Alden enjoy working with Judy Ann

    GMA-7 stars Sam Pinto and Alden Richards are excited with their Metro Manila Film Festival (MMFF) entry with Senator Bong Revilla Jr., Vic Sotto and Judy Ann Santos-Agoncillo.

    Although the two have already worked with Bong and Vic in the past Panday series, it was Sam and Alden's first time to share the big screen with the young superstar Judy Ann.

    Sam said she was very nervous on her first shooting day because her first scene was with the actress.

    "Sobrang kinakabahan talaga ako nun. I just met her and she's really, really nice and super down to earth," she said.

    Alden, on the other hand, has only good words for Judy Ann.

    "Very mabait. Wala talagang ere, hindi mo siya makikitaan ng yabang. She's very down to earth. I can see why she's [been] working that long in this industry," he said.

    When asked how he would describe his working relationship with Bong and Vic, Alden shared that the two veteran actors would give him advice on acting stuff and they never changed their warmth to young actors like him.

    "Naka-trabaho ko na si Sen. Bong sa 'Panday' before and wala paring nagbago sa treatment. Si Sen yung humanap talaga sa akin para maging part ng movie na yun," he said.

    "Si Bosing naman, makikita mo talaga na he's very masa. Very approachable."
«13456

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file