Home PEx Relationships Love - Dilemmas
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

naniniwala ba kayo sa "SUKOB"

Guys naniniwala ba kayo sa kasabihan na bawal magpakasal na magkasunod ang magkapatid sa loob ng iisang taon???? Nakaplan na kasi kaming magpakasal ng fiance ko, alam na ng lahat, pero etong kapatid ko gusto na rin magpakasal dahil aalis ang boyfriend niya papuntang ibang bansa, ayaw naman niya ipagpaliban pa at baka tumanda siyang dalaga daw... Sabi ni mommy hindi daw totoo, wag daw ako maniniwala, kaso natatakot ako.. Baka isa sa amin ang malasin...

May faith ako sa god, kaso di ko maalis ang di mag isip.... Naloloka na ako.

Comments

  • paregoricparegoric Tanned by Adm¡n PEx Rookie ⭐
    hindi. pero takot ako na ikasal ng magkasunod sa aking kapatid sa loob ng isang taon.
  • jazzmine22jazzmine22 Non-Member PExer
    AFAIK, kaya sinasabi nilang malas yan, kasi siyempre pag magkasabay na nagpakasal ang magkapatid sa iisang taon, mauubos ang resources ng pamilya, kasi noong araw diba, ipagpapatay ng mga kalabaw, ng mga baboy etc.

    Kumbaga, kung ikinasal ang isa, palipasin naman para makapagipon ang pamilya, hindi mabaon sa utang.

    Pero sa pamahiin, wala naman akong nakikitang masama diyan.

    May pinsan ako na 3 mos. after mamatay mommy nila, kinasal sila ng misis niya yun din kasi ang bilin ng mommy ituloy ang kasal, sukob din yun diba, pero until now, masaya naman ang pagsasama nila.

    So kung pareho naman may ipon ang mga magpapakasal, eh di go, ang ikasasaya o ikamamalas ng isang pagsasama eh hindi dahil sa lumabag sila sa pamahiin, kundi nasa mag asawa yan, at yung faith nila.

    Madami nga diyan mga minalas sa mga napangasawa, minalas sa career etc, pero hindi naman sukob.
  • skimmmy02skimmmy02 Member PExer
    jazzmine22 wrote: »

    sabagay may point ka diyan, mga matatanda kasi nuon, daming supertition...sabi ng ng sis ko, nasa mag asawa yan, (ewan ko kung sinasabi niya lang yan sa akin *** di ako mgtampo, dahil ako una ngsabi sa pamilya and then after a month mgpapakasal din siya.. )
  • jazzmine22jazzmine22 Non-Member PExer
    ^ huwag ka ng magtampo sa kapatid mo, yan ang malas, ang away sa pamilya.

    Isang beses lang kayong ikakasal ng kapatid mo, and sana puro happy memories ang babalikan ninyo sa araw na yun. :)
  • noitanigaminoitanigami paybacktime PExer
    hindi. kasi naman old saying lang yan. uso lang yan nung panahon ng mga lola/lolo nyo. xD
  • m_annem_anne Natasha Shadowsong PExer
    ts nanoud ka siguro ng sukod na pelikula hehhehe kaya ganyan medyo paranoid hehhehe:rotflmao:
  • TTJTTJ Web Shooter PExer
    naniniwala ako sa SUKOB. naniniwala akong matutulungan ako nitong di mabasa pag umuulan at wala akong payong.
  • kleenexlambotkleenexlambot Love YourSelf PEx Influencer ⭐⭐⭐
    may kakilala ako dahil sobrang naniwala sa sukob, nag away sila magkapatid, hindi umatend ng kasal nung isa yung isa.

    kung gusto mo ng peace of mind dahil mukhang naniniwala ka, punta ka don sa mga chinese marami silang solusyon sa mga ganyang bagay.
  • doslaosdoslaos Member PExer
    skimmmy02 wrote: »
    Guys naniniwala ba kayo sa kasabihan na bawal magpakasal na magkasunod ang magkapatid sa loob ng iisang taon???? Nakaplan na kasi kaming magpakasal ng fiance ko, alam na ng lahat, pero etong kapatid ko gusto na rin magpakasal dahil aalis ang boyfriend niya papuntang ibang bansa, ayaw naman niya ipagpaliban pa at baka tumanda siyang dalaga daw... Sabi ni mommy hindi daw totoo, wag daw ako maniniwala, kaso natatakot ako.. Baka isa sa amin ang malasin...

    May faith ako sa god, kaso di ko maalis ang di mag isip.... Naloloka na ako.

    TS:isa lang nmn ang dilima dyan..isa lang din ang solosyon dapat isa sa iyo ang magparaya at mag give way..alam mo na alam ko kung igkabubuti ng panganay mong kapatid dapat ikaw ang magparaya..puede nmn kayo magpakasal for the folowing year...gaya sa akin last November 11, 2011 ikinasal ang kuya sa petsang 11-11-11 sya namn ang favorite kong date kung saan kami balak magpakasal .kaso gusto rin ng kuya yon kaya hayan kusa akong nagparaya kahit masakit para naman kaligayahan ng kuya ko..last May 31,2012 ikinasal din ako sa simbahan at may regalo sa akin ang kuya ko...isang mamahaling kwentas bilang pagtanaw sa akin na utang na loob na ako daw ang naggave way sa kasal namin...kailangan mo din ikunsolta sa fiance mo ang mga dahilan na siya namn ang ginawa ko.

    about pamahiin di ako naniwala pero dapat lang bigyan natin respeto ang matatandang pamahiin.
    ...:)
  • quinonequinone Member PEx Rookie ⭐
    naniniwala ba kayo sa "SUKOB"

    HINDI! kung gusto mo sabay pa kayo ng kapatid mo para tipid.
  • nntnddsnntndds Member PExer
    hindi naman.. magkasunod kinasal tita ko at tito ko... 30 years ago.. buhay pa naman lahat kami ngayun except sa lolo ko na 5 years ago kinasal
  • tontontonton Let's stop and talk awhile. PExer
    skimmmy02 wrote: »
    Guys naniniwala ba kayo sa kasabihan na bawal magpakasal na magkasunod ang magkapatid sa loob ng iisang taon???? Nakaplan na kasi kaming magpakasal ng fiance ko, alam na ng lahat, pero etong kapatid ko gusto na rin magpakasal dahil aalis ang boyfriend niya papuntang ibang bansa, ayaw naman niya ipagpaliban pa at baka tumanda siyang dalaga daw... Sabi ni mommy hindi daw totoo, wag daw ako maniniwala, kaso natatakot ako.. Baka isa sa amin ang malasin...

    May faith ako sa god, kaso di ko maalis ang di mag isip.... Naloloka na ako.

    Bawal talaga ate!! Totoo yan!!
  • kensuikensui Minimized PEx Rookie ⭐
    Totoo yan. Pag parehong pangit ang bride at groom,Sukob yan :eek: :lol:

    seriously,kalokohan yang sukob sukob na yan.katulad lang din yan ng ibang pamahiin,walang scientific basis,logic, or kahit biblical explanation man lang :)
  • infinite_trialinfinite_trial ♥ Drayer PExer
    either magastos o syempre ayaw magkatalbugan ng event kaya sinabing malas yan
  • typewritertypewriter Member PExer
    Hindi totoo. Kasi yung dalawa kong tita sabay kinasal,:naughty: [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]ayun pareho nang hiwalay sa asawa. Okay, Wrong example. :rotflmao:[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]

    Pero payo ko sayo pagbigyan mo ate mo (kung tuloy na tuloy na siya tipong me budget at listahan na). Dahil:
    either magastos o syempre ayaw magkatalbugan ng event kaya sinabing malas yan
    may kakilala ako dahil sobrang naniwala sa sukob, nag away sila magkapatid, hindi umatend ng kasal nung isa yung isa.

    Kung "idea" niya pa lang yun dahil natatakot siya tapos yung boyfriend niya eh hindi alam na ikakasal na siya at me budget at listahan ka na mauna ka na. Ipaintindi mo sa ate mo na wala pa pala siyang kasiguraduhan na ikakasal kaya mauuna ka na. Pero malamang mangyari parin eto:
    may kakilala ako dahil sobrang naniwala sa sukob, nag away sila magkapatid, hindi umatend ng kasal nung isa yung isa.

    Baka kasi nagpanic yung ate mo kasi malamang marami siya maririnig na "ay naunahan pa yung ate" kung mauuna kang ikasal.
  • edp3430edp3430 Member PExer
    Totoo yan. Alam ng mga matatanda at nakita nila sa matagal na panahon yun epekto ng sukob. Malas yan. Hindi naman aabot sa atin kung hindi nakita ng matatanda ang kamalasan ma nakita nila dahil sa sukob. Sa mga chinese naniniwala din sila sa sukob. Lalo na kung mas bata ang kapatid ang pumilit na magpakasal at nag sukob sa mas nakatandang kapatid.. mamalasin habang buhay yun mas bata. Hindi kasabihan ito. Nakita ng mga mga ninono natin ang epekto. Kaya pinagsasabihan mga kabataan.
  • edp3430 wrote: »

    Kung susundin ang katuwiran mo e di MALAS NA MALAS ang DOUBLE WEDDING? Paano na?
  • Hello, magpapakasal kmi kse ngayon ng bf ko this coming Dec. 2019 tapos nagulat ako na ikksal din daw ang pinsan ko ng December 2019. 
    Pero magkaiba nmn ng date.

    Sinsabi nila n masama. Pero magpinsan naman e. Pls answer.
  • coccomomoacoccomomoa PEx Veteran ⭐⭐
    TTJ said:
    naniniwala ako sa SUKOB. naniniwala akong matutulungan ako nitong di mabasa pag umuulan at wala akong payong.

    Natawa ako dito promise :) 
  • coccomomoacoccomomoa PEx Veteran ⭐⭐
    Akiira06 said:7
    Hello, magpapakasal kmi kse ngayon ng bf ko this coming Dec. 2019 tapos nagulat ako na ikksal din daw ang pinsan ko ng December 2019. 
    Pero magkaiba nmn ng date.

    Sinsabi nila n masama. Pero magpinsan naman e. Pls answer.
    Magkapatid lang ang alam ko.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file