Home PEx Campus

Architecture student for transferee here, but got rejected 'coz of grades. HELP!

Patulong lang po sana. Kasi po last year, isa po akong freshman architecture student sa Bulacan State University. Kaya lang po before matapos yung 1st semester is nag stop po ako, for small reason lang talaga, hindi naman po sa pagmamalaki pero hindi naman po dahil sa hindi ako marunong, or dahil medyo mahina sa academics, because of certain reasons lang po talaga. Kaya yung nasa Certification of Grade ko po is karamihan eh 5.00, UD (Unofficially Dropped), at INC po ang grades ko, mga 3 lang siguro yung may grade ako. And after I computed my grades, nalaman ko na my GWA was 4.19 something ata. Then pumunta po ako sa FEU para mag apply as transferee. Nag take po ako ng FEU-CAT and nakapasa naman po ako. Kaya lang sa last interview eh naungkat na kung bakit ganun daw yung grades ko. Kaya ayon, hindi po ako pwedeng mag enroll sa FEU. Eh ang problem ko po is hindi pa po ako nakakahanap ng school na papasukan. Mid-May na at malapit na mag pasukan kaya nangangamba ako kasi ayokong hindi mag-aral. Nadala na ako kasi last year up to now is halos 8 months na akong tengga and tambay sa bahay. I am from Sta. Maria, Bulacan nga po pala. Kung mas malapit lang po sana mas okay, pero okay lang po kung sa manila basta may sakayan po. Tyaka sana po yung walang grade requirement para makapasok po ako. Sana po makapag suggest kayo and sana matulungan po ninyo ako. :mecry: Thank you! :(
Sign In or Register to comment.