Home PEx Hobbies Books and Literature

Book suggestion for organizing thoughts

Meron ganito bang libro? parang self help ata yan..

Ngayon ko lang kasi napansin na sabog sabog ako magsalita at magsulat, everytime na nagkwekwento ko hindi ko sya maikwento ng maayos, in order, tapos yung mga word na ginagamit ko, hindi tugma sa idea o naiisip ko. Kahit nga pagnanood ako ng movie tapos pag ikweikwento ko na hindi ko alam kung saan magsisimula, laging ang sinabi ko paghindi ko maexplain mabuti "basta ganun"

Tapos kung mageexplain ako ng isang bagay laging kung saan saan napupunta.. imbis na magfocus ako sa topic kung ano-ano nasasabi ko pero hindi ako madaldal..


Pagmagtetext nga ako o rereply ng comment sa facebook inaabot ako ng 1-2 hours para lang ayusin yung sasabihin ko. 2-3 sentences lang yun ha. :mecry:

Hindi ko alam yung problema na to noon, Nakapansin nitong una yung mama, hindi ko pinansin nung una, tapos pangalawa yung kapatid ko, ang ginawa nya kaya ko napansin, ginaya nya ko sa pageexplain ko,

Sabog-sabog na explanation
Paulit-ulit ( yung talagang paulit-ulit)
Maling choices ng words
Naiintindihan ko pero hindi ko masabi o maexplain ng maiitindihan ng ibang tao. ( Alam mo yung naiitindihan mo sya sa isip mo, nakikita mo sya, nasasalita mo sa isip, pero pagsasabihin mo na para explain mo sa ibang tao hindi mo magawa?)

Tapos nun unti unti ko ng napansin, ngayon kada magsasalita ako parang hirap na hirap akong ibuka yung bibig ko, parang nabubulol ako, tapos ang bilis ko pala magsalita.

Everytime na mag magtetext sakin at mag-eemail hirap na hirap ako sa pagpili ng words ko, minsan pagnaayos ko na nag-aalangan pa rin ako baka mali o sabog sabog.


Kung hindi nyo naintindihan yung sinabi ko

Eto naiexplain nyang mabuti yung problema ko

http://www.innerzine.com/organizing/how-to-organize-thoughts




Sana may makatulong sakin, o maisuggest na libro para dito..

Salamat ng marami.

Comments

Sign In or Register to comment.