Home PEx Local Entertainment Showbiz - General
COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

ABS-CBN PexTalk263: Make A BIG SPLASH this SUMMER and TRAVEL the WORLD Freely on TV!

14344464849248

Comments

  • DIGINEWSDIGINEWS PEx Influencer ⭐⭐⭐
    xayezi wrote: »
    may ganito ba sa pinas? wala daw sa us eh :lol:

    http://www.youtube.com/v/MWDwZWCfp64&list=UUduIBr8YjlrlG842-64EE5w&index=1&feature=plcp

    never tried it here...i tried meatballs and cheese, but this is just going way tooooo far :rotflmao:

    maybe one day :glee:
    oi wala pa ata..

    PizzaHut lover kaya ako....

    Ma suggest nga sa kanila....

    ty sa info ha

    Malamang una ko yang titkman dyan pagdatin ko ...Ilang araw na lang...
  • xayezixayezi Satoshi Ketchup PEx Moderator
    DIGINEWS wrote: »
    oi wala pa ata..

    PizzaHut lover kaya ako....

    Ma suggest nga sa kanila....

    ty sa info ha

    Malamang una ko yang titkman dyan pagdatin ko ...Ilang araw na lang...

    :rotflmao::rotflmao:

    well yung meatball and cheese pa lang na try ko...
    one thing para sakin fo sho...the crust and the pizza become 2 different meals x]
  • xayezixayezi Satoshi Ketchup PEx Moderator
    grabe naman ang halikan ni jake at shain sa kaim kanina! :eek:

    parang nakakaawa tuloy si bangs :lol:

    ....clear me up kasi di ko napanood ang last 2 episodes...sila ba ni bangs at jake or fling lang? tas nung dumating si shaina naglabo labo na?

    cuz on this episode, jake chose shaina over bangs :hmm:

    astig ang next scenes...buhay middle east nga sa dubai na sharing/bed space lang si bangs :lol:*okay*
  • DIGINEWSDIGINEWS PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Pwes i list down na natin ang mga artista, o popular celebs na dating pinag uusapan pero nang umalis sa abs cbn waley na: Di na sila ramdam esp sa ibang bansa...

    1. Mark Bautista and Rachell An Go- wala nang platinum album.. wala pang matinong singging engagement
    2. Cesar Montano- para lang dumaan ang HitMan
    3. Edu Manzano- urong sulong ang hosting job... baka puro ***** na lang ang peg
    4. Aga Mulach- sayang ang acting skills nya di nya nagagamit
    5. Lorna Tolentino- wala nang alam ang mga pinoy kung buhay pa ba sya?
    6. Sharon Cuneta- dahil walang show ayun naging Nega Star sa kaka twit para lang may magawa...im sure flop ang Kakaibang Talk show (sabi)//sabagay eh si lolit at shrek lang naman ang guests.... kakaiba nga...
    7.and of course si Kuya Willie- malamang missed na sya ng mga tfc subscribers ....
    8. Claudine Barreto and Jolina Magdangal- nawala ang pagka Reyna ng Teleserye

    sino pa ba ?


    ..may humahabol.....si Derek Ramsey....*okay*
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    images?q=tbn:ANd9GcSv0OlrlWEAJrCyza9QEClPoAIzisrueZLvYoK3xAjdXm0w3vDkkWMP

    WEDNESDAY, APRIL 25, 2012

    ent_2011_al.jpg


    I forwarded to Ryan Agoncillo’s manager,


    Noel Ferrer ang sweet text sa akin ni Coco Martin para inggitin ang nag-OPM ng Red Crab lunch October pa last year, pero wah pa rin till now (baka nag-iipon pa, Albert Sunga!) at nagulat na lang ako nang tawagan niya ako to inform me na nasa Amerika pala ang lokah para sa sister niya at binyag ng pamangkin niya.


    Sosyal ha, binyag lang trip to the USA pa. Madahtung ang bruha ‘no Alberta? Sa first week of May pa raw ang balik niya ng Pilipinas. Baka hihintayin na niya roon si Ryan.


    Wedding anniversary ng malihim na mag-asawa sa Sabado, April 28 at ‘di pa raw nila matiyak kung saan sila magseselebra, rito sa Palawan o sa Amerika? Depende raw kung maaayos ang US visa nina Yohan at Lucho kaya madadala na nina Juday at Ryan ang mga anak nila sa Disneyland, USA.


    ***


    Nagtatanong naman ang mga fans ni Juday kung bakit wala raw siya sa summer ID ng ABS-CBN.

    Salamat na lang at wala sila ni Ryan doon. It’s a waste of time kasi pag pinagbigyan na naman ang mga talent coordinators.


    Kasi the last time they shot for such ID ay dinala pa sila sa Subic Bay pero maiksi naman ang pinakita sa kanila at minsan lang, samantalang ang diyosa ng Dos ay tatlong beses ipinakita ang mahabang exposure as if siya na lang ang pag-asa ng network at mistulang supporting lang ang mga iba pang artistang kasama sa shoot.


    It is as if the shot as merely for him!


    “Kunsabagay po wala rin naman sina Kris Aquino at Boy Abunda sa shoot,” pakunsuwelo ng nagtanong sa amin.


    Busy rin siguro ang dalawa sa ibang pagkakakitaan kesa sila pa ang ma-exploit. :rolleyes:
  • xayezi wrote: »
    may ganito ba sa pinas? wala daw sa us eh :lol:

    http://www.youtube.com/v/MWDwZWCfp64&list=UUduIBr8YjlrlG842-64EE5w&index=1&feature=plcp

    never tried it here...i tried meatballs and cheese, but this is just going way tooooo far :rotflmao:

    maybe one day :glee:

    :rotflmao::rotflmao::rotflmao::rotflmao:
  • DIGINEWSDIGINEWS PEx Influencer ⭐⭐⭐
    List down din natin ang mga Prodigal Stars na bumalik dahil ang career ay malapit nang lumaylay na baka mas sumikat pa si Cantupay kung di pa babalik sa abs cbn:

    1. Richard Gomez- naging Kapuso tapos Kapatid...waley ang career kaya bumalik sa mother studio nya para bumalik ang career nya. Malamang magkakaroon uli yan ng bagong Bench Commercial. ABangan

    2.Gabby Concepcion- isa pang palipat lipat pero mukhang allergic sa Kapuso dahil ayaw nya doon....

    3.Christopher De Leon- ngek naging bopols sa Kapuso,,,pero nakabawi naman sa Dahil sa Pagibig at sa Kung Akoy Iiwan mo...

    4.Sandy Andolong- mas naging actress


    Sino pa ba?
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    images?q=tbn:ANd9GcSv0OlrlWEAJrCyza9QEClPoAIzisrueZLvYoK3xAjdXm0w3vDkkWMP

    WEDNESDAY, APRIL 25, 2012
    Derek, sinibak na ng Star Cinema sa Bea movie!

    ent_2011_jn.jpg

    Binuweltahan na ng Star Cinema si Derek Ramsay:goon: nang sibakin ang aktor sa sinimulang pelikula nila ni Bea Alonzo.


    Ang pagsipa sa kanya ay pinangambahan na ni Derek matapos siyang tumalon sa Kapatid Network nitong Abril.


    Eh, keber ba ng Star Cinema kung nakagastos na ng milyones sa ilang araw na shooting ni Derek sa movie, ‘di ba?


    Nagagawa nga nilang mag-reshoot nang reshoot sa ilan nilang nakaraang movie para lang lumabas na matino ang pelikulang ipalalabas, huh!


    Pati nga sa mga teleserye ng Dos, basta hindi nagustuhan ng higher executives ang initial episode na tineyp, sa basurahan ang lagpak nito!


    Ganyan ang nangyari sa series ni Gretchen Barretto na Alta, huh!


    Eh, si Derek, palibhasa edukado at may breeding, tinanggap nang walang halong pait at asim sa pahayag.


    He knew it coming, kumbaga. Tutal naman, nariyan ang gagawing movie sa Viva at may naka-line up pa siya sa Regal Entertainment, huh!


    Dagsa naman ang kapalit ng nawalang movie sa kanya.


    After all, Derek is not 2011’s Box-office King for nothing, huh!

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]25-derek-ramsay-path1.jpg

    ***


    Grabe naman ang feedback sa trailer ng The Road ng GMA Films nang ilabas ito sa iTunes, huh!


    Kinabog nito ang trailer ng The Avengers na nasa number 2 spot samantalang number 1 ang local horror flick na nagsimula nu’ng 5:00 PM LA time (April 23) o 8:00 AM Manila (April 24). :rolleyes:


    Simula kasi sa May 11 (May 12 sa bansa), ipalalabas ito sa US at sa selected theaters naman sa Singapore sa May 15.


    Bago ang showing, magkakaroon din ng red carpet premiere ang movie sa US na dadaluhan ng ilang bida sa Yam Laranas movie gaya nina Rhian Ramos, Alden Richards, Marvin Agustin, Lexi Fernandez at iba pa.[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    images?q=tbn:ANd9GcSv0OlrlWEAJrCyza9QEClPoAIzisrueZLvYoK3xAjdXm0w3vDkkWMP

    Sam Milby, wala pa ring career sa Hollywood!
    Sam, pamasak-butas kay Derek!
    :rolleyes:
    RUEL MENDOZA
    WEDNESDAY, APRIL 25, 2012

    Balita ngang si Sam Milby ang papalit kay Derek Ramsay sa pelikulang nasimulan na nitong i-shoot sa Star Cinema with Bea Alonzo. Pinalitan nga si Derek kahit na naka-five shooting days na ito para sa naturang pelikula dahil sa pagpirma nito ng exclusive contract sa TV5.


    Tinanggap nga raw agad ni Sam ang project since may gagawin din daw siyang bagong series sa ABS-CBN 2.


    Wala pa nga raw nangyayari sa hinangad na Hollywood dream ni Sam at kailangan na niyang magtrabaho para kumita. Malaki na raw ang nagagastos niya sa kanyang stay sa New York City and so far ay wala pa siyang nagiging trabaho roon.


    May mga nagsasabi na kay Sam na huwag na niyang iwan ang career niya rito dahil mahihirapan lang siya sa kanyang nais na magkaroon ng acting career sa Amerika. Hindi nga raw siya magiging priority roon dahil sa rami ng mga Kano na gustong pasukin ang acting.


    Kung mabigyan man siya ng trabaho, malamang na walk-in scene lamang or isama siya sa crowd scene. Masuwerte na siya kung mabigyan siya ng dialogue sa eksena.

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]25-sam-milby-path1.jpg


    Ilang mga artista na rin natin ang sumubok na magkaroon ng career sa Hollywood at hindi sila naging successful tulad nina Tetchie Agbayani (na puro supporting roles lang ang nakuha), Giselle Toengi (na walang naging project doon kaya after 10 years ay umuwi na lang dito para i-revive ang career niya), Cesar Montano (na hindi natuloy ang mga projects), Antoinette Taus (na walang balita unless si Dingdong Dantes ang itanong pa rin sa kanya).


    Suwerte lang ang mga tulad ni Lea Salonga na nakilala dahil sa Miss Saigon sa West End in London and Broadway kaya siya nagkaroon ng mga projects sa Disney at Broadway. At maging si Charice na tinulungan ni Oprah Winfrey kaya ito nabigyan ng malalaking projects tulad nang paglabas niya sa Glee at mga shows sa mga malalaking musical venues.


    May mga Filipino-Americans naman doon na tulad nina Lou Diamond Philips (La Bamba), Vanessa Hudgens (High School Musical) Dante Basco (Take The Lead), Paolo Montalban (Cinderella), at Reggie Lee (The Dark Knight Rises) na sunud-sunod ang trabaho dahil ang bentahe sa kanila ay mga Americans sila. Nalalaman na lang na may dugo silang Pinoy kapag nai-interview na sila.[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • carlo_andrewcarlo_andrew PEx Veteran ⭐⭐
    I see. Nag topbill na ba ng GMA Telebabad serye si Jennylyn ever?

    :wave: paapak lang

    palurk mga kapams :D

    Anyway, yung I love new york with Mark Herras/Jolina/ Marvin andun din si Jennylyn.

    And host din naman sha nang Protege.

    Regarding her career, siguro dahil nung nabuntis sha, actually silang 2 ni Mark herras nahirapang makabalik, the good thing is Jennylyn is really talented, at medyo nakabalik naman, good thing that she got that role as Rosario.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    header-%20tonite.jpg

    APRIL 25, 2012 WEDNESDAY
    Piolo, mapaglaro sa mga babae

    showbiz_alfie1.jpg

    SUKO sa langit ang damage control ng Magic Kingdom kay Piolo Pascual na kabi-kabila ang magazine covers.

    Sukat ba namang pati na ‘yung cover ni Juday sa Metro magazine ay sinabayan pa ng separate cover ni Piolo under Juday’s cover !

    Coupled with kabi-kabilang trabaho raw ni Piolo kaya super-busy siya with taping for Dahil sa Pag-ibig, ‘yung Every Breath You Take movie nila ni Angelica Panganiban na super ang laplapan nila!

    Sino raw kaya ang nai-imagine ni Piolo na kahalikan niya habang babad ang labi niya kay Angelica?
    Si D?

    Tinatambakan daw siya ng trabaho para ‘di lumipat sa TV5. Ha? Eh wala namang offer ang TV5 sa kanya, ah?!

    Kita n’yo ba ‘yung laplapan nila ng beloved sister ni Ara Mina sa mouth-to-mouth resuscitation nila?

    Text sa akin ng isang dating fanatic ni Piolo from California, “Talagang mapaglaro po ‘yang si Piolo sa mga babae. Ang tawag po namin diyan ay playgirl!”

    Hindi pa kaya nakakahalata ang Magic Kingdom sa pagbaba ng kasikatan ni Piolo at the age of 36 now?

    Hindi po. Kaya pati writer ng Dahil sa Pag-ibig ay nalito na rin at nakalimutang pari pala ang role ni Piolo sa teleserye.

    Sukat ba namang bigyan pa ng swimming scene si Piolo with matching date sa utol ni Ara Mina na bigla ring dumausdos ang kasikatan dahil sa pang-aaway sa ate niya!

    Hayun at may laplapan pa nga! Ngasab kung ngasab!

    Aha, kaya pala kayo nag-pari, ha, Fr. Sonny Ramirez, Fr. Sol, Fr. Jerry Orbos dahil allowed kayong makipag-date, mag-swimming at makipaglaplapan pa nang husto?

    Kung doon sa laplapan ni Piolo at utol na pasaway ni Ara Mina nakapokus ang kaelya-elyang eksena, ‘yung eksena naman ni Jericho Rosales ay walang ginawa sa buong gabi kundi ang umiyak sa puntod ng ama niya at magbanta sa pumatay sa ama niya!

    Uhum, pampahaba na naman ng serye, huh?! :rolleyes:

    ***

    From Wilson Tieng of Solar Films:

    :director: “Solar News is in need of newscaster. Should be fluent in English, between 21-30 years of age. Must be very good-looking, preferably male but open for female also.

    “Contact #0918-901-3722 or 0917-583-7484. Ask for Shirley Kuan. Good luck, guys & gals!”
  • xayezixayezi Satoshi Ketchup PEx Moderator
    hmmm...

    dunno why, but i don't see myself getting hooked to Princess and I..

    o baka dahil sa signal kahapon that was just bad...parang ang dami ko nang na miss :glee:
  • DIGINEWSDIGINEWS PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Bye Bye

    Mamaya uli
  • xayezixayezi Satoshi Ketchup PEx Moderator
    paalam kuya digi! :wave:
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    header-%20tonite.jpg

    APRIL 25, 2012 WEDNESDAY
    ‘Milagro’ ni Arron, binuking ni Vice Ganda

    showbiz_allan.jpg

    TAWANG-TAWA kami sa pambubuking ni Vice Ganda sa bagets actor na si Arron Villaflor sa Gandang Gabi Vice nu’ng Linggo.

    Kabilang sa guests ni Vice that night ang magkaibigang Arron at Robi Domingo na magkasama dati sa grupong Giggerboys na binuo ni Mr. M. para sa ASAP.

    Dahil napag-usapan ang Giggerboys ay may ikinuwento si Vice na naughty chika about Arron.

    Nu’ng una ay panay ang lapit ng bagets kay Vice, para pigilan ang sasabihin nito. Kulang na lang ang makiusap si Arron na huwag nang ituloy ni Vice ang kuwento, pero hindi nagpaawat ang bading.

    Pambubuking ni Vice, nu’ng panahon na active pa ang Giggerboys at nagsu-show ang mga ito abroad, minsan ay nahuli si Arron ng mga kasamahan nito na may ginagawang ‘milagro’ sa loob ng hotel room nito.

    Hindi direktang binanggit ni Vice kung anong kapilyuhan ang ginagawa ng Kapamilya young actor, pero obviously ay nahuli itong ‘nagbabatibot’ kaya nag-blush ang bagets sa pambubuking na ‘yon ni Vice.

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]Arron.jpg

    21-anyos na si Arron, pero nu’ng time ng Giggerboys ay teenager pa lang ito kaya sabi nga ay may ‘raging hormones’ pa.

    Dagdag ni Vice, nang mahuli si Arron ng mga kagrupo nito na hawak ang remote control ng TV, ang pinapanood nito ay Petrang Kabayo. :lol:

    Biro lang ‘yon dahil tiyak na ‘adult movie’ ang napagtripang panoorin ng bagets sa kanyang hotel room nu’ng mga oras na ‘yon.

    Hirit pa ni Vice, walang masama kung in-exercise man ni Arron ang kamay at braso nito dahil ‘yung iba nga ay hindi magawang itaas ang kanilang braso.

    Si Arron daw ay isang healthy teenage boy kaya normal lang ‘yon.

    Kahit hiyang-hiya ay ang cute-cute ni Arron. Parang lalong lumakas ang appeal niya sa mga beki dahil sa naughty kuwento na ‘yon ni Vice.

    Dahil sa guesting niyang ‘yon sa GGV ay nag-trending siya sa Twitter worldwide, mali nga lang ang spelling ng name niya (‘Aaron Villaflor’ ang nasa trending topic imbes na ARRON). :no:

    Ang original members ng Giggerboys bukod kina Arron at Robi ay sina Enchong Dee, Sam Concepcion, Dino Imperial, Chris Gutierrez at ang namayapang young actor na si AJ Perez.

    Runner-up ni Erich Gonzales si Arron sa Season 2 ng Star Circle Teen Quest. Huli siyang napanood sa mga Kapamilya shows na Maria la del Barrio, Good Vibes at Mara Clara. Medyo pa-mature na rin ang roles ngayon ni Arron at pa-hunk na ang kanyang katawan.

    Panauhin din that night ni Vice sina Gretchen Barretto at Slater Young. As expected ay nag-trending din sina Greta, Slater at Robi kasama ng iba pang GGV-related topics.

    Record-breaking daw sa dami ang TT (trending topics) na nanggaling sa GGV sa episode na ‘yon -- 14! :bop:
    Sa Linggo ay maggi-guest si Ruffa Gutierrez sa Gandang Gabi Vice, ayon sa kanyang tweet.

    vice.jpg[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    header-%20tonite.jpg

    Zac Efron, dyume-Gerald ang dating
    Napansin mo, Sarah?!

    Ni ALLAN DIONES
    APRIL 25, 2012 WEDNESDAY

    zac.jpg

    NANONOOD kami ng The Lucky One nang mag-BBM sa amin ang isang multi-awarded gay director.

    Nag-tweet kasi kami na pinanonood namin ang movie ni Zac Efron kaya biglang nag-BBM si direk.

    Sabi sa amin ng premyadong direktor, gusto niyang maging ‘***** donor’ si Zac Efron. Natawa lang kami sa flirty message ni direk.

    Hindi kami nagtatakang elya-elya si direk kay Zac dahil napaka-yummy nito.

    Na-watch na ni direk ang The Lucky One at siya ang nagsabi sa amin na malaki ang pagkakahawig ni Gerald Anderson kay Zac sa pelikula.

    Nu’ng una ay medyo hindi pa kami convinced dahil sobrang pretty boy ni Zac, pero pagtagal-tagal ay napansin naming parang tama ang kanyang observation. May mga eksena si Zac na dyume-Gerald ang itsura nito.

    Isang US marine ang role ni Zac na si Sgt. Logan Thibault sa nasabing film adaptation ng nobela ni Nicholas Sparks.

    In fairness ay keri ni Zac ang maging sundalo, na pati buhok niya ay military cut at kadalasan mukha siyang marumi, hindi ‘yung usual glamour boy.

    Si Gerald ay nakaganap na rin bilang sundalo sa teleseryeng Tayong Dalawa. Bagay sa kanya ang maging militar at napansin ang mahusay niyang pagganap sa nasabing teleserye.

    Gaya ni Gerald ay nagsimula rin si Zac sa teeny bopper roles (sa High School Musical) bago nabigyan ng mature roles.

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]Sa The Lucky One ay may mature love scenes na si Zac sa leading lady niyang si Taylor Schilling.

    May eksenang pinasok ni Taylor si Zac sa shower, binuksan ang zipper ng pantalon nito at nagpa-chorva sa guwapong binata. Makailang beses silang nagtalik at meron pang dinukot ni Taylor ang puwet ni Zac sa ilalim ng suot nitong black boxer briefs.

    Maging sa edad ay hindi nagkakalayo sina Zac at Gerald. 24-anyos ang Hollywood heartthrob at 23-anyos ang Kapamilya hottie.

    Isa pang pagkakatulad nila, kahit si Zac ay all-American pretty boy ang dating ay hindi ito natsitsismis na bading.

    Sa Kapamilya actors, si Gerald ang isa sa mangilan-ngilan na hindi pinagdududahan ang pagkalalaki at siguradong hindi bading.

    Si direk ang nagsabi sa amin na dapat ay mabigyan din ng mga ganu’ng klaseng role si Gerald at hindi ‘yung puro pa-cute na teen flicks lang.

    Aniya, marami pang puwedeng ipakita si Gerald pagdating sa pag-arte, lalo na ngayong pinuri ang kakaibang performance nito sa teleseryeng Budoy.

    Naniniwala kaming darating ang panahon na mabibigyan din ng mature movie roles si Gerald. Tulad ni Zac ay hindi naman puwedeng forever na lang siyang pa-wholesome at pa-tweetums.

    Ang alam namin ay napanood na ni Sarah Geronimo ang The Lucky One. Hindi lang namin sure kung napansin din niya ang similarities ng kanyang ‘Babe’ na si Gege sa bidang si Zac.

    Siguradong kikiligin si Sarah ‘pag narinig niyang pwedeng tawagin si Gerald na ‘Zac Efron of the Philippines’! Ha! Ha! Ha![/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    header-%20tonite.jpg

    APRIL 25, 2012 WEDNESDAY
    Kit, offensive

    KIT.jpg

    Sina Claire, Kit, Mariz at Vince ang teen housemates na nominadong mapalabas sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4.

    Sabi-sabi, masyadong emosyonal at GAHAMAN sa atensyon si Claire. DEDMA si Mariz sa mga kasama.

    Si Vince ay inireklamong TAMAD, samantalang OFFENSIVE si Kit (na nakatanggap ng pinakamaraming puntos mula sa kapwa housemates).

    Para mag-vote to save, i-text ang BB (space) NAME OF HOUSEMATE at i-send sa 2331 para sa Globe, Sun Cellular, at TM subscribers, at 231 para sa Smart at Talk N’ Text subscribers.

    Dapat ay hindi hihigit sa 30 ang boto sa bawat SIM card.
  • PaPi2010PaPi2010 Member PEx Icon 🎖️🎖️🎖️
    logo_PSN.gif

    Sentimyento ni Christian walang nangyari, dyowang SingaporeAn FM DJ na!

    Salve-Asis.jpg SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) Updated April 25, 2012

    Guest DJ kahapon sa isang FM station ang girlfriend ni Christian Bautista na si Carla Dunareanu at nanggaling mismo sa kanya na susubukan niya ang pagiging DJ.

    May ilang Tagalog words na siyang alam sabihin at mukhang seryoso siyang magka-career dito sa ating bansa.

    Nagkakilala sina Christian at Carla sa The Kitchen Musical na kinunan sa Singapore.

    Matagal-tagal na rin siya sa bansa dahil nang magkaroon ng album launching si Christian ay present na siya. Eh more than a month na ‘yun.

    Anyway, ano na nga bang nangyari sa sinabi noon ni Christian na lilipat siya ng TV5? Parang after niyang maglabas ng sentimyento sa ABS-CBN na hindi siya nabibigyan ng trabaho ay wala namang nangyari dahil nasa ASAP pa rin naman siya at walang nababalitang may gagawin siyang teleserye or something. :rolleyes:
  • xayezixayezi Satoshi Ketchup PEx Moderator
    :bawl:

    tumblr_m2qb7pCgPM1rs93wio1_r1_400.jpg

    Version ni Juris ng Kahit Isang Saglit kanina sa #WH :bawl:

    USE. THIS. OFTEEEEEEEEEEENNNNNNNNN!!!!!!!
  • xayezixayezi Satoshi Ketchup PEx Moderator
    with emily finding out soon na buhay talaga ang anak niya...at soon malalaman na anak niya si daniel..

    at since extended hanggang last quarter...

    ano ang susunod na mangyayari sa #WH?

    #Kidnappan
    #KidneyTransplant
    #Amnesia
    #Kambal
    #Kapatid
    #ExLover
    #Baliwan
    #sindikato
    #Isla
    #ForestHideout
    #CourtroomScene
    #PrisonScene
    #Daniel/KaterinaFairytaleWedding/Honeymoon
    #Bomb/TNT

    :glee:
Sign In or Register to comment.