okay ba na iwan ang car sa talyer? — PinoyExchange

okay ba na iwan ang car sa talyer?

Hi,

I am a newbie when it comes to car and talyer. Nasagi car ko ng bus and nagasgas sya, nawala din yung takip ng side mirror ko sa left side. The bus driver is willing to pay for the damage/repair but it has to be in his bus company's talyer kasi sa boss nya yun at hulug hulugan nya babaydan. Pag sarili ko kasing talyer, di nya daw kaya icash. Naawa ako sa knya kasi nakita ko namang walang wala sya (5 ang anak and very honest at mabait naman pakitungo) pero di naman na pwedeng hindi ko sya pg bayarin lalo na nalaman ko lagi na syang nahuhuli. infact nung nabangga nya kami wala na yung lisensya nya kasi nahuli sya earlier that day and sya na rin ng kwento na kakakuha nya lang ng lisensya nya day before. It proves na reckless driver talaga sya.

Now my question is advisable/safe na iwan ko kotse ko sa talyer na wala akong kilala? If not, pano ko sisingilin yung driver if sakaling talyer ko ang masunod? pls any advise? thanks lot.
«1

Comments

  • vproject
    vproject Zeonic Crab
    Dont fall for the paawa effect. Sya me kasalanan dyan and dapat susunod sya kung saan mo paayos yan...
  • my_2_cents
    my_2_cents In your pocket.
    TS, talk to your insurer about the damage ... sila na ang bahala kung ano ang mainam....

    Huwag kang papaloko sa MANDURUGAS na BARUMBADONG bus driver ... COMMON SENSE lang po.... :glee:

    --
    my_2_cents
  • my_2_cents wrote: »
    TS, talk to your insurer about the damage ... sila na ang bahala kung ano ang mainam....

    Huwag kang papaloko sa MANDURUGAS na BARUMBADONG bus driver ... COMMON SENSE lang po.... :glee:

    --
    my_2_cents

    may common sense naman po ako pero as I have said di ko alam ang systema sa mga ganyan kaya nga nagtatanong. Wala akong kaalam alam, infact nung nasagi ang kotse ko, hindi ako ang nag ddrive kasi ni mag drive hindi ako marunong.

    ^^ wala pong insurance car ko, kakabili ko lang kasi 3 months ago 2nd hand. di ko nainsure.

    ^^Wala daw sya png bayad cash if talyer ko, pano ko kaya masisingil pag ganun po? Hindi ko naman mapipiga if ayaw mg bayad :(
  • my_2_cents
    my_2_cents In your pocket.
    ^Walang kang insurance; walang pambayad ang nakabangga ... sakit ng ulo nga iyan.... :glee:

    --
    my_2_cents
  • mc_316
    mc_316 SparTang
    Naku, nangyari na din sakin yan, taxi naman, binangga ako habang papalabas ako ng gate namin. Kaya nya ako nabangga, kasi nagte-text pala ang mokong, that is according to his passenger.

    Nung una, sabi nya sa talyer na lang ng kumpanya nila ipasok ang oto ko kasi huhulughulugan din daw nya sa boss nya yung babayaran. Sabi ko 2.5k lang naman participation fee ko sa insurance ko, so dun nalang ipasok, kasi pag sa talyer nila, malamang ang gawin sa oto ko eh parang taxi lang.

    So then I talked to my insurer, sabi sakin, kunin ko lang lahat ng kailangang papeles, like police report, copy ng or/cr nung nakabangga, copy ng drivers license, etc then yung insurance na bahala maningil dun sa nakabangga. So yun, buti na lang ayos yung insurance ko, hassle free. Pinaka hassle lang na nangyari aside from the "smash up" eh yung pagkuha ko ng police report at yung pagdala at pagkuha ko ng oto dun sa talyer ng insurance. ;)
  • slamm
    slamm runnin on empty
    mc_316 wrote: »

    Yeah. In cases like that it's much better to have your insurance work on your car. Baka i-kahoy pa yung car mo sa taxi company's shop.
  • doombot
    doombot destroy destroy
    wag ka papayag baka kahoyin yung auto mo. magpa quote ka sa shop na gusto tas magkasundo kayo kung saan mo gusto. hehehe
  • gonefishing6
    gonefishing6 Banned by Admin
    wag kang papayag TS, malaki kita ng bus drivers. pa pulis mo. para naman mabawasan ang mga ganyan sa kalye. sa talyer mo pagawa at pagbayarin mo sya.
  • dapat pina blotter mo agad. style ng mga driver yan kaskasero tapos pag nabangga kamot ulo, sampu anak, may sakit ang asawa, kakamatay lang ng tatay, bigla bigla may dadating na iiyak na peffect, at marami pa. dont fall for that sht.
  • Sa talyer ng bus gagawin? Nakupo, masilyang bus ang gagawin sa oto mo. Ikaw na lang magpagawa sa pipiliing talyer mo at bahala na lang kung magkano masisingil mo.

    I-small claims court mo yung bus company kung less than P100,000 ang damage. Singilin mo lahat ng pwede mong singilin ultimo yung araw na nag absent ka para asikasuhin ang pagpagawa ng sasakyan mo. Hindi pwede yung walang responsibilidad ang bus company sa pinsala ng mga driver nila sa oras ng operasyon kasangkot ang bus nila.

    Pero feeling ko bobita yung TS so malamang pumayag na sa alok ng driver na ipaayos sa talyer ng bus. Naghahanap na lang yan siguro ng mag a-agree sa kanya dito sa forum na tama lang yung ginawa niya.

    Charge it to experience na lang. One less idiot driver on the road.
  • Pero feeling ko bobita yung TS so malamang pumayag na sa alok ng driver na ipaayos sa talyer ng bus. Naghahanap na lang yan siguro ng mag a-agree sa kanya dito sa forum na tama lang yung ginawa niya.

    Charge it to experience na lang. One less idiot driver on the road.

    pano mo naman nasabing bobita ako? siguro tama ka, bobo nga ako sa auto else di ako magtatanong dito. *peace*

    hindi ako pumayag na ipagawa sa talyer nila. Hindi ko na rin siningil kahit na nangako kasi sasakit lang ulo ko..kagaya nung isang araw hinihingian ko kahit 500 muna wala daw.. Hindi ko mapa-pulis kasi walang police report, umalis sya agad sa scene, di na namin napigil nung paalis sya. Hinihingi namin lisensya, Yun pala walang lisensya. Pina blotter ko na lang pero wala nmang magagwa ata yun since wala akong ebidensya. law & justice is more fun in the philippines.
  • mc_316
    mc_316 SparTang
    pinay_pay wrote: »

    I think that qualifies as a "hit & run". Dapat nagpagawa ka ng police report. Anong ebidensya pa ba ang gusto mo? Enough na yung damage na nangyari sa oto mo di ba?.. You said "namin" so may mga kasama ka, may witnesses? Bakit nyo hinayaan na maka-alis ng ganun ganun na lang? Kasi ba hassle? Wala, nabangga at na-hassle ka na eh, dapat nilubos-lubos mo na at ginawa lahat ng dapat.

    That's gross negligence on your part, so don't blame it on the law and justice here in RP. ;)
  • op op op time out! haha
  • mc_316 wrote: »

    Ah talaga? saan ba nagpapagawa ng police report? taga pasig ako. As in pupunta akong police head quarters ng pasig? Pero sa QC nagyari yung bangga. Sorry wala talaga akong idea, first time nilabas yung kotse at first time nangyari samin ganyan at hindi man nga ako ang nag ddrive. Wala akong idea sa mga dapat gawin sa ganyang situation. Pwede pa ba un na lumipas na ng ilang araw? HIndi rin naman sya ng dedeny na na nabangga ako. kaya nga willing din sya ipagawa ang kotse kaso nga ayaw ko ng talyer nila jan lang kami nagkaka problema. Gusto ko ding habulin kaso anong ilalatag ko sa police, nag tanong ako sa frend ko taga LTO wala daw akong habol kaya parang nawalan na din akong gana mg habol din lalo na hindi naman ganun kamahal yung danyo. Nag pa quote ako 2.5k lang daw, pero di pa kasali yung takip sa side mirror.

    Well, i'm not sure about the process days after the incident. Supposed to be, kung sa QC nangyari, then sa QCPD ka pupunta or kung sino may jurisdiction sa pinangyarihan. Pag may ganyang banggan, usually di inaalis sa pwesto ang mga sasakyan hanggang sa may dumating na traffic investigator. San ka ba nabangga? EDSA? Bus kamo bumangga sayo? For sure sa rota ng bus na yan may mga traffic enforcers na nakatulong dapat sa inyo. Tama yung friend mo na taga LTO, wala ka na talaga habol dun sa driver specially since wala naman sya naiwan sayo kahit kopya ng lisensya nya. Andaling umamin sa umpisa ng pagkakamali, only for them to retract at sabihin pa na ikaw pa bumangga sa kanila.

    Pinaka-habol mo na lang sana sa gastos eh kung may insurance ka, pagawa ka lang sana ng police report at sabihin mo na hit and run ka, kaso, sabi mo nga, wala ka naman insurance. Best thing you can do is to charge this to experience na lang, lesson learned ika nga.

    Eh teka, sabi mo hindi ikaw yung nagdrive? So sino ang nagdrive? 1st time nilabas yung kotse? Err, what do you mean? Bago ba yung kotse? Baka gusto mo ilatag muna ng husto yung buong kwento para mas matulungan ka ng mga tao dito sa PEx. ;)
  • ^^ Ganito yun. Kakabili ko lang ng kotse nung December 2011. SInce hindi naman ako marunong mag drive di ko sya nailalabas.Pag nilalabas ko sya, nag hihire ako ng driver. Last friday, Yung nagddrive eh bf ng bestfriend ko so 3 kami magkakasama(ako, bf ng bestfrend ko at yung best friend ko). Ewan k ba't nya pinayagan umalis, di rin nya daw din alam na dapat hindi paalisin. Kasi first time nya din pala nabangga. Yes, sa edsa kami nasagi, mejo minutes lang kami sa scene walang dumating na MMDA or police. Umalis sya agad nung hinihingi namin ang licensya pero tumigil sa unahan(where walang traffic at tao). Pinasunod kami. Dun sya bumaba ulit at binigay ang ticket kasi wala daw yung licensya nya kasi nakuha earlier that day kasi nahuli daw sya, thus the ticket. basically, nakuha ko lang is Full Name nya, license number at saan sya nag ttrabaho. Napunatahan na din namin yung bus company(ang layoooo- lampas pang SM nova) na pumayag na sasagutin yung repair with condition sa talyer nga nila. Ayun po so far ang istorya. thanks.
  • mc_316
    mc_316 SparTang
    ^ Patay tayo dyan... charge to experience na nga lang talaga, hassle na pumunta ka sa malayo para sa oto mo, dagdag gastos pa sa gas, tapos baka babuyin lang nila trabaho dun. Paayos mo na lang yan on your own since kamo mura lang paquote mo sa pag ayos, and since kamo di ka marunong mag drive, better enroll in a reputable driving school na din, they will teach you not only on how to drive, but also on what to do in cases like these.
  • pinay_pay wrote: »
    ^^ Ganito yun. Kakabili ko lang ng kotse nung December 2011. SInce hindi naman ako marunong mag drive di ko sya nailalabas.Pag nilalabas ko sya, nag hihire ako ng driver. Last friday, Yung nagddrive eh bf ng bestfriend ko so 3 kami magkakasama(ako, bf ng bestfrend ko at yung best friend ko). Ewan k ba't nya pinayagan umalis, di rin nya daw din alam na dapat hindi paalisin. Kasi first time nya din pala nabangga. Yes, sa edsa kami nasagi, mejo minutes lang kami sa scene walang dumating na MMDA or police. Umalis sya agad nung hinihingi namin ang licensya pero tumigil sa unahan(where walang traffic at tao). Pinasunod kami. Dun sya bumaba ulit at binigay ang ticket kasi wala daw yung licensya nya kasi nakuha earlier that day kasi nahuli daw sya, thus the ticket. basically, nakuha ko lang is Full Name nya, license number at saan sya nag ttrabaho. Napunatahan na din namin yung bus company(ang layoooo- lampas pang SM nova) na pumayag na sasagutin yung repair with condition sa talyer nga nila. Ayun po so far ang istorya. thanks.

    Tatlo kayo sa sasakyan wala man lang ni isa sa inyo na nakaisip kumuha ng mga pictures sa dalawang sasakyan gamit ang mga cellphone camera niyo?

    May camera ba mga cellphone niyo?

    May cellphone ba kayo?

    May isip ba kayo?

    pinay_pay wrote: »
    law & justice is more fun in the philippines.

    Sinisi pa ang law and justice in the Philippines.
  • mc_316
    mc_316 SparTang
    ^ Baka daw kasi sagasaan sila nung bus Papi. :glee: *peace*
  • Tatlo kayo sa sasakyan wala man lang ni isa sa inyo na nakaisip kumuha ng mga pictures sa dalawang sasakyan gamit ang mga cellphone camera niyo?

    May camera ba mga cellphone niyo?

    May cellphone ba kayo?

    May isip ba kayo?

    Sinisi pa ang law and justice in the Philippines.

    oo na ikaw na ang matalino at alam ang gagawin..kakasabi ko lang lahat namin first time nabangga kaya di namin alam na ganyan pala systema. OO na hindi na inabot ng mga isip namin kasi nagpanic lang naman kami at nagmamadaling hinabol yung bus okay?

    hindi naman nakakatulong sagot mo. Alam ko na nga na *****@ na hindi nakunan eh tapos na bat mo pinagpipilitan. Ang tinatanong ko eh yung solution sa ngayon or ano ba pwedeng gawin pa, hindi yung anong dapat kong ginawa nung ngyari pa lang kasi malinaw na nasagot na at nasermonan na ako ng lahat ng nakausap ko okay?*peace*

    it's all clear to me na mali ako at charge to experience na lang. Hindi ko rin sinisisi ang l&j sa pinas, sinabi ko lang more fun kasi pahirapan at wala daw patutunguhan if walang police report kahit sinabi ko na obvious naman na may ngyaring bangaan sa itsura ng kotse ko na pwede yun ang pgbasehan saka aminado naman yung driver na kasalanan nya kasi f not bakit nya ibibigay license no nya sakin.
Sign In or Register to comment.