ABS-CBN's Judy Ann Santos, Kim Chiu, Xian Lim teleserye

Juday, Xian, at Kim magsasama sa bagong teleserye ng Dos

Posted by Online Balita on Feb 24th, 2012 // 1 Comment
[Translate]
6

Ni Ador V. Saluta

KATATAPOS lang ng matagumpay niyang programang Pinoy Junior Masterchef, Masterchef pero isang soap opera na agad ang pinaghahandaan ni Judy Ann Santos.

Ayon sa spy namin sa Dos, selyado na ang usapan ni Juday at ng ABSCBN management para sa kanyang next project. At ang ibinulong sa amin na makakasama ng young superstar ang isa sa hottest loveteam ng bansa, sina Kim Chiu at Xian Lim.

Siguradong nakarating na rin ito sa KimXi (fans nina Kim at Xian), at tinitiyak ng dalawang young stars na magugustuha at tatangkilikin din ng televiewers ang programa ng kanilang idolo gaya ng naging pagtanggap sa successful na My Binondo Girl.

Samantala, wala raw masyadong pressure kay Juday ang gagampanan niyang role sa bagong teleserye dahil hindi ito kagaya ng mga dati niyang soap na heavy drama.

Ayon sa aming informant, matutuwa at maaaliw ang fans nina Juday, Xian, at Kim.

Hindi kasi ito straight-drama dahil hinaluan ito ng pampakilig at comedy na aayon sa taste ng kabataang viewers

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file