GMA Network: Luna Blanca (Jillian Ward and Mona Louise Rey)

ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
PEP Scoopbox (Feb. 23, 2012): Pagsasamahin ng GMA-7 ang child stars na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey sa soap na may working title na BFF. Katatapos lang ni Jillian ng Daldalita at si Mona naman ay napanood sa Munting Heredera.
«1345678

Comments

  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Pilipino Star Ngayon, February 24, 2012

    Jillian at Mona gagawan ng BFF
    ni Nitz Miralles

    Sa mga naghihintay ng next project ni Jillian Ward at next soap ni Mona Louise Rey na tampok sa Munting Heredera, maghintay-hintay lang daw dahil may malaking project ang GMA 7 sa dalawang bagets.

    Ang balita namin, pagsasamahin sina Jillian at Mona sa isang soap na may tentative title na BFF.

    Inaalam pa namin kung sino ang magdidirek ng BFF at kung sino ang makakasama ng dalawang bagets sa cast dahil sa second quarter pa ito at papalit sa mga tumatakbong soap ngayon. Sabi, kasama raw sa cast si Gloria Romero, paano ang Rancho na sabi’y kasama rin ang veteran actress sa cast.
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    PEP Scoopbox (March 14, 2012): 28th Star Awards for Movies Update: Best Child Performer of the Year - Jillian Ward for Aswang; New Movie Actor of the Year - Rocco Nacino for Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa; New Movie Actress of the Year - Solenn Heussaff for Temptation Island
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Abante, March 15, 2012

    Jillian, nagrereklamo kapag walang show!
    ni Alfie Lorenzo

    Ayaw nga ni Jillian Ward na nagpapahinga siya sa trabaho. Hindi ba, nagrereklamo nga ang batang ito kapag patapos na ang show niya, at umiiyak pa kapag sinasabing hind na siya bibigyan ng project.

    Kaya naman, sobrang saya ng alaga ni Joe Barrameda nu’ng ibigay sa kanya ang isang episode ng Spooky Nights sa GMA, Premonisyon.

    15-jillian-ward.jpg

    Ang Premonisyon ay kwento ni Grace (Camille Prats), isang nurse, at nanay ni Princess (Jillian Ward). Ang asawa ni Grace ay nagtatrabaho sa abroad at ang tanging kasama niya sa bahay ay ang kanyang anak.

    Madalas siyang managinip na lumalayo sa kanya ang anak na si Princess. Kaya sa mga nagdaang araw ay masyado siyang puno ng tensyon. Isang gabi sa kanyang rounds, nakakakita siya ng black figure na pumasok sa papagaling nang pasyente. At kinaumagahan, namatay ang pasyenteng ito.

    Nakita ulit niya ang black figure sa daan habang ito ay papalapit sa isang bata. At ulit, namatay ang batang ito. Naisip niya na ang black figure ay si kamatayan. Nag-off siya sa trabaho para makapahinga, at dinala niya si Princess sa playground. Ito ay nahulog sa slide, at dinala niya sa ospital.

    Nang nasa ospital na, nakita ulit niya ang black figure, papunta sa kanyang anak. Binuhat niya ang anak at nagmamadaling itinakbo papunta sa kanilang bahay. At doon nakita na naman niya ang black figure na sinusundan ang anak niya.

    Ang totoo pala, hindi ang bata ang sinusundan ni kamatayan kundi si Grace mismo. Si Grace ang namatay! At sa lamay, nakita ng anak niyang si Princess si kamatayan na lumapit sa kanyang lola.
  • etxeteraetxetera Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Mas match ang aura ni Jillian at Nesreen for dramedy si Mona mas bagay sa heavy drama
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Abante, March 16, 2012

    ni Jojo Gabinete

    “Nominated po ako,” ang sagot ni Jillian Ward nang pansinin namin ang maliit na tiara na nakapatong sa kanyang ulo nang magkita kami sa Meralco Theater.

    Nominated si Jillian sa best child performer category dahil sa performance niya sa Aswang ng Regal Entertainment Inc. Pinatunayan ni Jillian na karapat-dapat siya sa award na napanalunan dahil tinatawag pa lamang ang kanyang pangalan bilang winner, iyak na siya nang iyak.

    Hanggang sa pag-akyat sa stage at pag-deliver ng acceptance speech, iyak at hikbi ang ginawa ni Jillian kaya hindi masyadong naintindihan ng audience ang kanyang mga sinabi.
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    burntout wrote: »
    Updates lang ulit.

    Rancho Paradsio changed title to Makapiling kang Muli. Added in the cast are Rio Locsin, Gloria Romero, TJ Trinidad.

    Cancelled na yung Alden Koreanovela so is BFF though may project lined up for Jillian/Mona Louise/Pepay from My Beloved.

    Tweets for My Sweets.. John Lapus to be replaced by Roderick Paulate.

    Yung serye ba ng mga bata (Jillian, Mona & Pepay) ang papalit sa Alice Bungisngis? :confused:
  • laloka258laloka258 Labyah Mwah! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Cancelled na nga ipopi. :glee:
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Pil. Star Ngayon, April 26, 2012

    Jillian at Mona mas gustong mag-ipad kesa magtsikahan
    ni Nitz Miralles

    Tuloy pa pala ang pagsasama nina Jillian Ward at Mona Louise Rey, pero hindi na sa BFF. Luna Blanca na ang title ng soap na pagbibidahan ng dalawa sa direction ni Dominic Zapata at siyang ipapalit sa Biritera.

    Suplada ng mga bagets at pang-primetime ang soap, sabagay, nag-primetime na rin si Mona sa Munting Heredera, gayundin si Jillian sa Jillian: Namamasko Po at guesting sa Biritera.

    Natanong na namin si Jillian kung okey sa kanyang makasama si Mona at “oo” agad ang sagot. Ganun din ang sagot ni Mona, pero hindi namin ini-expect na magtsitsikahan ang dalawa sa taping dahil busy sila sa kani-kanyang iPad.

    Ang hinihintay na lang ni Mona ay ang promise ni direk Maryo J. delos Reyes na isasama siya sa gagawin nitong pelikula.

    Si Jillian, ilang pelikula na ang nagawa at ang latest ay The Mommy Returns ng Regal Entertainment.
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    PEP Scoopbox (April 30, 2012): Sa May 2 na ang story conference ng Luna Blanca ng GMA-7 na tatampukan nina Jillian Ward at Mona Louise Rey. Ito ang sinasabing papalit sa Biritera. Sa May 4 naman ang scheduled first taping day ng soap na ididirek ni Dominic Zapata. Sa May rin ang airing nito.
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Journal, May 2, 2012

    ni Nitz Miralles

    Kundi nabago, this Wednesday ang story con. ng Luna Blanca. Sa May 4 naman sisimulan ni Direk Dominic Zapata ang taping dahil May na raw ang airing nito. Ang Luna Blanca raw ang papalit sa Biritera at kabilang sa cast sina Jillian Ward at Mona Louise Rey, pero sa first part lang ng soap.

    Papasok si Barbie Forteza at iba pang tweens ng GMA-7 at after ng story nila, may isa pang batch ng cast ang papasok. Matagal daw tatakbo ang soap at marami sa talents ng network ang mabibigyan ng trabaho.
  • laloka258laloka258 Labyah Mwah! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    blueskyjet wrote: »

    bianca king ‏ @bianca_king
    @mona_910 Di pa ako kasama tomorrow babygirl. Ako yata Ikaw pag laki mo. Ask mo na lang tomorrow kasi Di ako sure :)



    ===========

    Mona Louise Rey ❤❤❤ ‏ @mona_910
    I'm #excited for tomorrow :) OMG I can't wait, I don't think I can sleep later!!!!!!



    16h

    Mona Louise Rey ❤❤❤ ‏ @mona_910
    @bianca_king I'm so excited to see you tomorrow, godbless and pagpray ko po kay papa Jesus to shower you with more projects and blessings :)




    22 Apr

    Mona Louise Rey ❤❤❤ ‏ @mona_910
    RT @itsmeusoncarla Hi Again Mona :"> :))) "end of May po ang next show ko. ABANGAN ninyo ako sa primetime (: (:"


    ======

    30 Apr

    love marie ongpauco ‏ @heart021485
    After legacy ill be going on a little trip with my mentor in life to see what else is there for me and will be refreshed by the time...


    love marie ongpauco ‏ @heart021485
    I get back to start my new soap and movie:) love you @Heartworld and love peace to everyone else:)



    30 Apr

    love marie ongpauco ‏ @heart021485
    I'm thankful to have my family and friends to lift me up when the whole world seems to be putting me down...

    ==========


    i think Luna Blanca has 3 phases. first would be the child stars, Mona Louise and Jillian; second would be tweens Barbie and Bea and third would be adult stars, Heart and Bianca... pero, abangan na lang kung magkatotoo nga kutob ko. ;)


    idinagdag ko na rin ang emo tweets ni heart... ala lang, type lang. :lol:


    Camille Prats ‏ @CamillePrats
    Near GMA for the storycon and pictorial excited to see the people i'll be working with. *okay*
  • laloka258laloka258 Labyah Mwah! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    May teaser na.

    Napanood niyo ba:?:
  • lady_sujinilady_sujini Mistress of the Phoenix PEx Rookie ⭐
    laloka258 wrote: »
    May teaser na.

    Napanood niyo ba:?:

    oo yung may pinakitang buwan.. akala ko luna mystika part 2. :bop::lol:

    so magiging mahaba pala tong tv series na to. ano kaya magiging story nito? :hmm:
  • Lebron25Lebron25 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ?size=l
  • ipopiipopi Member PEx Expert ⭐⭐⭐⭐
    Chika Minute: Jillian Ward at Mona Louise Ray, magsasama sa isang show

    [video]http://www.youtube.com/v/iOyuCxn4Tx0[/video]
  • lady_sujinilady_sujini Mistress of the Phoenix PEx Rookie ⭐
    CelebrityScoop: Abangan sina Camille Prats, Jillian Ward, at Mona Louise Rey sa nakakapanabik na teleseryeng "Luna Blanca" sa GMA Telebabad!

    536339_397793673585644_207216119310068_1248419_1915725032_n.jpg
    c/o
    Always Proud to be Kapuso! (Official)
  • cayziere123cayziere123 I'm Min Joon! PExer
    Wow! I miss Mona aka Jennifer at tsaka si Sandra. ^^


    Galing ha! sina MAF, Gloria Romero and Robert Arevalo andun sa MKM while sina Camille and Mona naman dito. :D
  • shellphoneshellphone Member PExer
    ipopi wrote: »
    Chika Minute: Jillian Ward at Mona Louise Ray, magsasama sa isang show

    http://www.youtube.com/v/iOyuCxn4Tx0

    kaloka talaga si Jillian at 1:55 pwede Math:rotflmao:
  • cayziere123cayziere123 I'm Min Joon! PExer
    Ano bang genre nito? may halong fantasy ba ito? :hmm:
  • laloka258laloka258 Labyah Mwah! PEx Influencer ⭐⭐⭐
    KuyaMADZ wrote: »

    blue, ang galing mo basta maganda ang story ng luna blanca
    ang peg niya the hours nila nicole , julianne, meryl.


    *okay* *okay* *okay* *okay* *okay*

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file