Inquiry about Airport Taxis
in Buhay Pinoy
Hi!, isa po akong OFW from Middle East. Pauwi na ako this week sa atin sa Pilipinas after 1 year, uuwi lang akong mag-isa, saka ayoko din magpasundo, baka akalain ng mga kamag-anak ko eh may dala akong sako sakong pera.
Ask ko lang about sa airport taxi services, kung safe ba? First time ko kasing uuwi, at wala talaga akong idea, isang luggage bag lang ang dala ko so hindi na required yung mag-aarkila pa ng sasakyan ang nanay ko para lang sunduin ako.
Hindi magaganda yung nababasa kong reaksyons from the internet about airport taxis. Baka naman may idea kayo???
Ask ko lang about sa airport taxi services, kung safe ba? First time ko kasing uuwi, at wala talaga akong idea, isang luggage bag lang ang dala ko so hindi na required yung mag-aarkila pa ng sasakyan ang nanay ko para lang sunduin ako.
Hindi magaganda yung nababasa kong reaksyons from the internet about airport taxis. Baka naman may idea kayo???

Comments
mas mahal naman kasi yun fixed rate.
maghanda ka na lang ng tip. ingat!
if i were you since isang luggage bag lang ang dala mo, maglakad ka na lang ng ilang metro from the airport basta labas ka within airport vicinity then hail a taxi from there. Regular rate ang charging sayo at least
meron naman yung white taxis na mabibigla ka na lang at papakita sa yo yung taripa nila in US DOLLARS! haha
pwede ring dun ka sumakay sa departure area. pwede kang mag abang dun ng mga taxi na may hinatid sa airport.
meron ding shuttle from airprot to mrt. siyempre, may oras lang to. teka, ano munang terminal mo and san destination?
edit: antipolo ka pala. i think if di naman gabi o madaling araw dating mo e okay lang mag commute since konti lang naman pala dala mo.
Haba lang kasi talaga ng pila sa Yellow Taxi stand, e.
kung nagtitipid ka talaga pwede ka mag yellow cab hanggang Edsa Central tapos maghanap ka na lang ng FX dun pauwi sa inyo.
Ganun din ginawa rin sa sa office mate ko na taga Binangonan naman pero siya na-uto nung driver...:bop:
I suggest that you take airport taxi. Here, you will be given a receipt. Your transaction will be logged. Airport taxis are registered so you can have them checked-out in case you left something or if you were harassed or anything.
If I were you, I won't take chances on taxis outside the regulation of the airport taxi. I had a bad experience using one. I could not run after this stup!d driver because I was not able to get his plate number (he got away very fast). I didn't have enough peso that time. He said that he could give me change if I paid him in dollars. Bye bye $100.
Since then, I always take airport taxis. I feel safe.
Nasa sa iyo na kung magbibigay ka ng tip sa driver.
gano kalaki ang bag mo? baka pede sa bus yan, may bus sa labas ng airport. nga lang baka ma jackpotan ka sa bus lalo na kung gabi.
Di yan airport taxi 'no? Fixed rate kasi sila eh. So kung Antipolo ka, nasa matrix nila kung magkano yun. Then isusulat nila sa receipt na yun lang ang kailangan mong bayaran. You will not be forced by the driver to pay more than that. You can file a complaint against him kasi. pero siyempre magmamakaawa sila sa iyo.
Hassle lang sa MRT dahil siksikan... and I don't think they allow big luggages inside...
hassle din dahil kailangan nilang buksan ang luggage mo for inspection, that is if they allow it.
may nakasabayan kasi ako sa pila sa mrt na di pinapasok eh. ang laki kasi ng luggage.
depende siguro sa sekyu.