Home PEx Lifestyle Travel and Leisure

No reservation Policy ng RESORT, huwaaat?

Nag inquire ako sa Southwinds Resort in Pansol Laguna, may swimming party kasi kami, and around 30 persons kami, so we need about 2 gazebos nila, so siyempre pag ganun kailangan ng reservation diba.

So I called them up, pinapa reserve ko ang sunday, ganito naging paguusap namin nung agent sa phone:

Me: Magpapa reserve ako for 30 people, and 2 gazebos.

S: Hindi po kami nagrereserve pag weekends, kasi po madaming tao.

Me: Alam kong madaming tao, kaya nga magpapareserve ako eh, kasi need namin ng 2 gazebos na magkatabi, alangan naman magkahiwa hiwalay na lang kami?

S: punta na lang po kayo ng maaga mga 7am.

Me: Pupunta naman kami talaga ng maaga, kaso lang just to be sure na may dadatnan kami diyan, kasi diyan ko ipapadeliver yung catered foods na inorder namin.

S: Hindi po kami nag rereserve sa phone, gusto ninyo po bayaran ninyo po lahat, punta pa kayo dito ng personal.

Me: Taga manila pa ako, kaya nga sana mag pa reserve kayo, babayaran ko naman lahat, yun nga lang sa bank ninyo na lang.

S: Hindi po talaga kami nag rereserve...



Hindi ko sila maintindihan? May ganito na ba kayong karanasan sa ibang resort? Sila lang ang bukod tanging na encounter ko na babayaran mo naman, ayaw talaga :lol:

:mecry:

Comments

  • istarbaksistarbaks PEx Influencer ⭐⭐⭐
    manager ba yung nakausap mo? baka naman gwardya...
  • purpleheadd07purpleheadd07 PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hanap ka ng ibang resort kung ayaw talaga nila. otherwise punta ka ng maaga as they said.
  • istarbaks wrote: »
    manager ba yung nakausap mo? baka naman gwardya...

    hindi nga ako makapaniwala nung una din, so twice akong tumawag, last saturday, saka kanina, customer service desk talaga, at iisa ang sinabi :lol:



    Hindi ko alam kung nagpapapatawa ang may-ari ng Southwinds. :D Kung hindi lang gusto ng tita ko sa kanila, dahil super linis daw eh.


    Thank you sa inyo :)
Sign In or Register to comment.