Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

bakit galit na galit sa akin ang anak ko?

pilit niyang binabalik ang nakalipas na ginawa ko? kesyo pinalo ko siya nung bata. pilit niyang binabalik yung

kinulung ko siya sa bodega at pinaglakad sa daan ng naka-panty lang samantalang isang beses ko lang ginawa yon? pati

yung tinatakot ko siya ng itak pag ayaw tumahimik? e nagalos lang naman siya noon. nakaka-trauma ba yon? ang arte

niya!ang dami pa niyang sinasabi na hinihiya ko daw siya kahit saan basta may ginawa siyang hindi maganda. hindi ko

na maalala!

napaka-tigas na ulong bata ewan kanino nagmana kaya kahit na maliit pa lang dinidiseplina na namin. ang hirap

suwayin kaya sinasampal ko kapag ayaw tumigil. ang akin lang, ang ingay niya at napaka-walang modo kaya at ang

sampal at hambalus lang ang nakakapagpatigil sa kanya!

kahit na trenta anyos na hindi pa rin nagtino. walang modo sa kapatid, nagawa pang mag-sungit kaya nung kinompronta

ng ate, sabi ba naman "lubayan mo ko" napaka-bastos di ba? kaya pinagpapalo ng walis at pinaghahagis sa kanya ang

mga plato at kutsara at sinira ang mga gamit niya, buti naman pati yung xbox dahil adik na adik siya don. napaka-

sarcastic pa ng batang to kaya hinila ng ate sa staircase, palabas sa pinto. nakuha pa kasing lumaban at magsisigaw.

nagsumbong pa sa tanod. para sa akin kahit patayin siya ng ate niya, wag siya magsumbong!

para sa akin napaka-justified ng reason ng ate kung bakit sinaktan ang kapatid, napaka-sama ng isa kong anak para

magsumbong sa kinaUUkolan. talagang sinasaktan namin yan kapag sumusobra ang bunganga. biruin mong 3 years old pa

lang yan kung ano-ano na ang alam sabihin? di namin alam kung saan nakukuha, mababait naman kami sa bahay, mataas

ang pinag-aralan (PhD holder here) at maka-Diyos.

napaka-walang modo talaga. kahit na paulit-ulit kong sinasabi na muntik na ko mamatay nung pinanganak ko siya at

lahat ng sakripisyo na ginawa namin sa kanya ganito ang igaganti sa amin? talagang kinukwenta ko bawat oras para

maalala niya. bakit kaya lumaki na siraulo ang anak ko, napakabuti ko namang ina binibili ko lahat ng gusto niya.

napakaarteng bata, sinasabi niya na wala akong emotional support sa kanya. may sinasabi pa siyang mental well being.

ang talino di ba? hindi ko na responsibilidad yon... problema niya yon ang dami naman niyang hinihingi sa akin. di

pa sapat ang pinagluluto ko siya araw araw at binibigyan ng pera.

ngayong nag-graduate ng college at na-adik sa internet, kung ano ano ang alam sabihin sa amin. kesyo mali ang

ginagawa ko, hindi ko siya kinikilala dahil bata siya. totoo naman! puro kalokohan ang alam sabihin! nagmamagaling!

Comments

  • luka_hunterluka_hunter PEx Veteran ⭐⭐
    All the answers to your questions can be found in your statements. Yes, there is such a thing called trauma. And for a kid, a traumatic or a humiliating experience in front of a crowd, specially kung walang explanation afterwards kung bakit nangyari yun, can be so damaging on their emotional well-being. Kahit pa isa or dalawang beses lamang ito naganap sa buhay nya. It seems sa mga statements mo na lagi rin syang nasasaktan at napapagalitan. Even scared the kid with a knife? I thought you're a PhD holder?! Ang mga anak, mas fulfilling sa kanila yung maramdaman nilang mahalaga sila kesa tambakan mo ng mamahaling laruan. Minsan, try to sit back and reflect kung ano ba talaga ang naging dahilan at lumayo ang loob ng anak mo sayo. Di masamang tumanggap ng pagkakamali kahit sabi mo nga'y mataas ang pinag-aralan mo. You should know better.
  • JobyBryant24JobyBryant24 PEx Rookie ⭐
    sweetheart, balik ka na dun sa Mental, Please lang. :(
    kulit ampotek. andito pala yung "asawa ni candelaria" eh. no wonder kung me lilitaw na account with "anak ni candelaria" name... :rotflmao:
  • di ko na tinapos basahin yung post.,ang masasabi ko lang is

    walang masamang dumisiplina sa sariling anak,. walang magulang ang gtustong mapasama ang kanilang anak.,

    PErO!

    ms.ts., di mo rin masisisi ang anak mo., why? ikaw ang gumawa ng ugali niya ngayon.,

    na trauma siya sa mga ginawa mo noong bata pa siya,. being too harmful to your children cannot do anything good to them in the future., siguro sayo lang siya may takot dahil sa mga ginagawa mo.,

    pero tandaan mo ang anak mo lumalaki at nagkakaroon ng isip,. matututo siyang lumaban at magkaroon ng hinanakit sayo dahil sa mga ginawa mo.,

    ang gusto ng mga anak ay ang suporta, pang unawa , pagmamahal at kalinga ng mga magulang., at hindi yung pananakal at pagmamalupit sa kanila.,

    masyadong madaming hinanakit ang anak mo dahil sa mga ginawa mo., di mo rin siya masisisi.,

    advice ko lang., wag mo na lang sabayan ang galit niya sayo instead,. bumawi ka na lang sa kanya., iparamdam mo kung gaano mo siya kamahala,kahalaga and kaimportante siya sayo., treat her like a kid kahit matanda na siya,. kahit galit yan sayo isa lang hinihintay niya mula sayo kundi ang malaki mong sorry.,

    :)
  • T.S. u really don't sound like you're a good mother at all.lahat ng sinasabe mo ay dinidisiplina mo ang anak mo by humiliating, threatening and harming your kid. where's the good in that? how can you correct a wrong thing by doing another wrong??

    And now you're here proclaiming that you're the good guy but based on what is in your statement makes me think otherwise.:grrr:

    ang katol di hinihithit. pasaway!:bop:
  • sarcasm people.. sometimes people really cant recognize it even if it bites them in the Gluteus maximus
Sign In or Register to comment.