Mga Kwentog Batibot, Ang Tambayan nang Silangan

Mga Samu't saring kwento sa tambayan nang Silangan, o kahit ano pang masaya o malungkot na alaala mo sa tatlong sulok ng ating Pamantasan, ibahagi nyo mga kaibigan.


(Photo c/o UE Batibot FB Page)


(Photo c/o UE Batibot FB Page)
Comments
Pagupo sa corridor ng SFC
Pagtulog sa library
Pagpapahangin sa admission sa tapat ng malaking fan sabay makipagtitigan kay lualhati
Pagkain ng pisong hotdog sa Gastam
Pag-abang sa mga dumadaang taga-CEU sa Gastam haha
Pag-pupu sa Grad school CR sa 7th floor! haha
Pagpasok sa maling classroom sa SFC, magkakamuka kasi angmga classrooms haha
Pagtakas para manuod ng UAAP Games!
Pumila ng madaling araw para makabili ng UPPER A tix haha
Pagbili ng Japanese Cake sa canteen
Pagdaydream habang nakatingin sa sfc quadrangle
Panunuod ng practice ng warriors
Aral-aralan sa Rizal Hall
Pakikipag-asaran sa mukha ng mga guards lalo na si Tomboy haha
Ang mga Pinlan Boys!
Si Mam Bibiana, haha!
Pag tambay sa UE archives (ang sarap kasi mag basa ng mga lumang articles)
Pag kain sa Gastambide/Hepalane.
Pag papahangin sa malaking electric fan sa may admission
Pag tambay sa canteen/hallway ng POD-CIT(Noong IT pa ako)
Pag takbo sa hallway ng CAS para hindi ma-late sa isa kong subj. na nasa Dalupan building pa
Pag inom sa drinking fountain na nasa Hallway ng CCSS.
Pag tambay sa playground.
- Pumalakpak sa mga taong malalakas ang loob na dumaan sa gitna ng SFC quadrangle.
- Mag-foodtrip sa Lepanto Hepalane. (Miss ko na yung calamares tsaka yung turon at banana-cue dun sa Ale sa tabi ng feu gym)
- Mag-carinderia tour around Lepanto at Gastambide
- Mag-review at mag-text sa library.
- Manood ng movies sa 3rd floor library while waiting for sundo. Hehe
- Mag-internet cafe tour around Lepanto
- Pumila sa 5th floor library para lang sulitin ang free internet. (Nag-exceed pa ko dyan! hehe sulit na sulit sakin ang internet fee)
- Makipag-away sa tomboy na guard! Tsk
- Kulitan blues sa EV room
btw madami nakakarelate kay tibo na security guard ah . :rotflmao:
Alin ba ang batibot yung sa playground o sa CAS?
Haha. Oo sya nga. Infairness paborito ako nun. Haha. Tanda pa naya ako, nameet ko pa sya last time sa UE.
Si Sir Sy ang hilig nun mag pa-essay. Pag babae mataas grades lols.
Lintek na guard yan. Nung bago pa lang sya, 3rd year/4th year talaga ako, naging instant celebrity yan dahil sa dami ng naka-away nya na estudyante.
Nung mageenroll ulit ako, ayaw pa ako papasukin. Pinaescortan pa ako ng 2 guard lols.
Never din ako tumambay sa Batibot.
Ang Batibot kasi ang symbolism na nang mga taga-CAS. Isa na to sa pinakasikat na landmark sa UE nung panahon namin.
Sa CBA naman, either Rizal Hall lang and Admission's Office ang tambayan.
Pero University-wide(Manila Campus), Batibot ang simbolismo ng lahat ng tambayan sa UE.
Kakamiss nga manood ng mga pacute na naglalakad sa SFC Quadrangle.
Kakamiss yun yung "Hearty MEal". Nagtataka talaga ako dun, bakit ganun yung sarsa ng mga luto nila. Malapot na makintab. Yun pala may harina. Haha. Tapos yung libreng sabaw nila.
Yes, ang EV, 2nd batch yata kami nun. Daming memories hehe.
Bihira lang ako pumunta sa 3rd floor Library, pero masarap nga dun ang gaganda ng couch eh.
Yes, ubusin yung allocated hours para sa internet mo. Haha. Nung nauso ang FS, akyat palagi dun. Ang lamig pa. Sarap. Pag ubos na ang oras, punta sa Bill's Gate. Dun ako natuto mag FS. Halos araw araw mag-mirc.
Magbilyar sa Gastam. Hindi kasi ako mahilig sa Yes.
Ang makipaghabulan sa mga K.E. Lolols.
yung library napupuno pag may exams. Hirap kumuha ng pwesto. Hehe
Tambay din ako ng Bill's Gate dati. Instant EB. Haha. Kaway kaway lang.
Yang YES and JACA never ako nakapunta dyan! Corny ko ndi ako taga-Ubelt! Haha
Ang dami ko din naka-EB sa Ubelt eh haha.
"Saan ka ba?Sa 2nd floor o sa 1st floor?" haha sabay out di mo type lols.
Nasa may Lepanto yan sa may gilid medyo malapit sa Mcdo. Pero ndi yung sa likod ng Mcdo ha.
Ewan ko lang kung nag-eexist pa rin sila ngayon.
Kaya dapat 11am punta ka na dun hehe