FEATURE ADJUSTMENT: The Flag button is temporarily unavailable for members. We are doing certain system adjustments as of the moment to prevent some users from abusing this feature. For reports, please message the moderators or email us at [email protected]
PEx Alert: Welcome to the new PinoyExchange. For access issues, bug reports and technical concerns, please email us at [email protected] Thank you!

MMFF2011: Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story Directed by Tikoy Aguiluz

1235713

Comments

  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Manila Standard Today, Dec. 14, 2011

    Tikoy’s dilemma
    by Isah V. Red

    Tikoy Aguiluz, we heard, is not happy about how things went with the movie Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story.

    Jeorge Estregan (Emilio R. Ejercito in real life and now Governor of Laguna province) stars in the movie with Carla Abellana.

    We heard that the producers of the movie didn’t like how the film looked, so they asked to do reshoots without Aguiluz’s knowledge nor permission. In so doing, Aguiluz thinks that it’s no longer his movie. In fact during the press do for the movie Thursday last week, Aguiluz wasn’t around. Or was he not asked to be present at the presscon, at least?

    In any case, the director is thinking of asking the Governor to just remove his name from the credits. That’s the least he could do to spare Aguiluz whatever negative criticism the film might reap when it is show on Dec. 25 at the Metro Manila Film Festival.

    Yet, when we looked at the movie’s posters in tarpaulin, we still saw Aguiluz’s name billed as director.

    Well, folks that’s local movie business for you.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Pil. Star Ngayon, Dec. 14, 2011

    Ely nakadalawa sa MMFF
    ni Nitz Miralles

    Dalawang pelikula sa 2011 MMFF na ang theme song ay si Ely Buendia ang kumanta. Isa rito’y ang La Paloma na theme song ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story na bida si Laguna Governor ER Ejercito. Napanood namin ang music video ni Ely in black and white rin at si Direk Tikoy Aguiluz mismo ang nagsabing nakatulong para mas mapaganda ang pelikula.

    Ang isa pang theme song na kinanta ni Ely ay ang theme song ng Panday 2 ni Sen. Bong Revilla at kundi kami nagkakamali’y, the same theme song ng Panday 1. Collaboration nila ang song ng ex-wife niyang si Dianne Ventura.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Journal, Dec. 14, 2011

    ni Beth Gelena


    HINDI pinoproblema ni Laguna Gov. ER Ejercito kung hindi man makapag-promote sa kanilang MMFF entry na Manila Kingpin: Asiong Salonga Story ang leading lady niya sa movie na si Carla Abellana. Kuwento ni Gov. ER, may humaharang daw kasi sa Kapuso actress at kung magpo-promote raw para sa Asiong Salonga, idedemanda umano ang aktres.

    Balita pa namin, hindi rin sasakay si Carla sa float ng Asiong Salonga sa MMFF Parade of Stars on December 24. Para hindi na humaba pa ang usapan at walang gulo, ang gobernador na lang ang mag-isang nagpo-promote ng kanilang filmfest entry kasama ang ibang stars nito tulad nina Dennis Padilla, Baron Geisler at iba pa.

    Kahit naman wala si Carla, kayang i-promote ni Gov. ER ang Asiong Salonga dahil sa trailer pa lang, makikitang super-ganda ang pelikula. Pero marami rin naman ang nanghihinayang dahil napakaganda rin ng role ni Carla sa movie. Sa tanong kay Gov. ER kung bakit si Carla ang kinuha niyang leading lady gayong magkakaproblema pala siya sa dalaga, sagot niya: “Kay Carla lang talaga bagay ang role bilang wife ko. Hindi ako nagdalawang-isip na kunin siyang leading lady dahil ang lakas din ng charisma niya sa mga kalalakihan.”

    Tanong naman kung magkano ang talent fee ng dalaga, agad na sagot nito: “Triple!” ’Yun na!
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Journal Dec. 14, 2011

    Big budget spells the big difference
    by Bong de Leon


    THE controversy about Carla Abellana may not be helping a lot to promote “Manila Kingpin: Asiong Salonga,” a film about a local Robin Hood played the second time around by Laguna Governor Jeorge Estregan.

    But its trailer shown in theaters is saying a lot about the film. No one who has seen it would say it is run of the mill, nor would it trail behind other entries to the Metro Manila Film Festival which starts on Christmas Day.

    “Asiong Salonga,” produced by Scenema Concepts International with Viva Films also boasts of a cast which would deliver topnotch performances from Phillip Salvador, Yul Servo, Baron Geisler, Joko Diaz, Perla Bautista, Valerie Concepcion, among others.

    Since the Tondo streets where the true story happened don’t look like what they used to be, the producers had to construct sets similar to the 50s authentic look. A whopping P75 million budget has been allotted to meet the standard of a good movie which is now being marketed for international exhibition. Film director Tikoy Aguiluz surely can deliver basing on his track record.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Pinoy Parazzi, Dec. 14, 2011

    ER_Ejercito-Bong_Revilla_Jr-300x300.jpg

    Sen. Bong Revilla Jr. at Gov. ER Ejercito, pinagbawalang mag-promote ng pelikula
    ni Morly Alinio

    SA LAHAT ng entry sa Metro Manila Film Festival, ang Asiong Salonga ang may pinakamalaking problemang kinakaharap. Ito ay may kinalaman sa pagpo-promote ng nasabing pelikula.

    Trivia: Si Asiong Salonga ay si Nicasio Salonga na ipinanganak sa Coral, Tondo, Manila. Malapit sa Gregorio Perfecto High School (kung saan ako nag-aral). Malapit din sa Iglesia ni Kristo, kung saan sa nasabing lugar ay kinitil din ang kanyang buhay ng nagngangalang Carlos Capistrano o mas kilala sa tawag na Totoy Golem. Si Asiong Salonga ay isinilang noong 1924 at namatay naman noong October 8, 1951.

    Ang Asiong Salonga ay unang isinapelikula ni Joseph Estrada noong 1965, nasundan ito noong 1978 na kung saan ay ang yumaong si Rudy Fernandez ang bida.

    At ngayong 2011, muling isinapelikula ang Asiong Salonga at kasama ito sa pitong entry na maglalaban sa Metro Manila Film Festival, kung saan ang mga bida ay sila Philip Salvador, Baron Geisler, Carla Abellana at Laguna Governor ER Ejercito.

    Unang nagkaproblema ang Asiong Salonga kay Philip Salvador na sumama ang loob dahil sa billing pero naayos din agad. Hindi naging malaking usapin kay Governor ER ang hinaing ni Ipe. Sumunod nito ay si Carla Abellana na hindi pinayagang mag-promote ng pelikulang Asiong Salonga ng kanyang mother studio at ni Mother Lily mismo dahil kasama ang aktres sa pelikulang Yesterday, Today Tomorrow na kalaban ng Asiong Salonga sa MMFF.

    Hindi pa nga nareresolba ang hindi pagpo-promote ni Carla, heto may bago na uling problema. Pinagbawalan diumano ng DILG na mag-live guest sa mga telebisyon para magpromote ng kani kanilang mga pelikula ang mga artistang politician na kasama sa pelikulang itatanghal sa araw ng Kapaskuhan. Dito apektado hindi lang si Gov. ER, kundi maging si Sen. Bong Revilla.

    Pero inabot man ng kung anu-anong problema ang Asiong Salonga, malaki ang paniniwala ni Gov. ER na panonoorin ng mga tao ang kanyang pelikula, dahil maganda ito at ginastusan nang husto, kung saan ay kulang sa isang daang milyong piso ang ipinuhunan dito.
  • ‘Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga’ – Movie Poster, Movie Stills, Synopsis and Full Trailer

    Pinoy action film is back! Scenema Concept International and Viva Films are proudly to present a classic action film this Christmas “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”

    Manila+Kingpin+-+The+Untold+Story+of+Asiong+Salonga.jpg

    Read More: Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Phil. Star, Dec. 15, 2011

    Asiong Rated A

    MANILA, Philippines - Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story with Jeorge ‘E.R.’ Estregan in the title role, was Rated A by the Cinema Evaluation Board (CEB). Directed by Tikoy Aguiluz, the movie with Carla Abellana as E.R.’s leading lady is an official entry in the 37th Metro Manila Film Festival. It’s presented by Viva Communications, Inc. and Scenema Concept Int’l. opening on Dec. 25.

    * * * * * *

    Phil. Star, Dec. 15, 2011

    Highlights & sidelights of this year's MMFF
    by Butch Francisco

    The December Metro Manila Film Festival (MMFF) is undeniably the most exciting showbiz event every year. Weeks before it could even start, esteemed producer Lily Monteverde was already fighting with talent manager Arnold Vegafria because without permission or notice, he lent his ward Carla Abellana to another movie company when the actress is supposed to be a Regal Films contract star. In due fairness to Mother Lily, all she wanted was to be given due respect (that she deserves) given the fact that Carla is legally hers — at least when it comes to big screen projects.

    That is just one of the sidelights of this year’s MMFF and expect more colorful and bigger fireworks come awards night.

    [snip]

    Asiong Salonga was actually taken in at the last minute as replacement for Robin Padilla’s Mr. Wong, which supposedly had difficulty to even start shooting due to the tight schedule of lead actress Angelica Panganiban. Based on the scores of the selection committee that chooses the entries, Asiong Salonga was not even No. 8 or 9. But the festival needed another film that falls under the action genre and followed the rule of succession. Laguna Governor ER Ejercito’s Asiong Salonga was next in line. Ironically, this Tikoy Aguiluz movie is now being predicted to win Best Picture — at least, based on the impressive trailer.

    The public has to wait till the awards night if the forecast will turn out to be correct. One thing we are sure of though: Each film production will be whining and complaining again when they lose.

    [snip]
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Journal, Dec. 15, 2011

    ER awaits MTRCB's reaction on 'Asiong Salonga'
    ni Nitz Miralles

    Natutuwa si ER Ejercito sa positive feedback ng nakakapanood ng trailer ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story, mabuti raw at hindi sila nagtipid sa budget na umabot ng P75 million.

    “Forty days ang shooting namin and we got the best technical people from the director, production designer, DOP, cameramen. Lahat ay ginawa natin para makagawa ng magandang action movie at sana, pumasok kami sa top three,” sabi ni ER.

    Kinakabahan siya sa ibibigay na classification ng MTRCB dahil maraming barilan at grabe ang death scene ni Baron Geisler na binugbog, binaril, sinaksak at sinunog.

    Dalawa rin ang poster nila, isang wala siyang hawak na baril at sigarilyo dahil bawal, at isang pang-press con. purposes, may baril at sigarilyo siyang hawak.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Philippine Daily Inquirer, Dec. 15, 2011

    The Trouble with ‘Asiong’
    by Bayani San Diego Jr., Marinel R. Cruz

    What’s up with this gangster movie?

    Director Amable “Tikoy” Aguiluz VI wants his name removed from the credits of “Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story,” an entry in this month’s Metro Manila Film Festival. And female lead star Carla Abellana has been banned from promoting it.

    Aguiluz made the request to strike his name — from billboards, posters and other promotional materials, including those posted in social media — in a letter drafted by his lawyer, Angel Enrico Mira Jr., and addressed to “Asiong” producer Scenema Concepts International. Aguiluz explained that the final version of “Manila Kingpin” can no longer be described as his film.

    Added scenes

    “Additional scenes were shot without the knowledge and presence of our client,” the letter said. Aguiluz, Mira pointed out, wasn’t involved in the film’s “re-edit, re-shoot and music mixing.”

    Aguiluz is also demanding that he be allowed to make a director’s cut of the movie, which he can submit to international festivals. Mira said the movie company “disregarded the rights and prerogatives of our client to make creative decisions based on the original and agreed version of the project.”

    If their demands are not met, Mira said, Aguiluz will file “criminal and civil charges.”

    carla-abellana-300x168.jpg

    Abellana was prohibited from promoting the movie, in which she stars with Laguna Gov. ER Ejercito, because this apparently violates her “exclusive contract” with Regal Entertainment.

    This was according to Regal matriarch Lily Monteverde, who sent a statement to the Inquirer on Saturday replying to comments made by Ejercito on Friday about Abellana and the movie.

    The actress is also in the cast of the Regal drama, “Yesterday, Today and Tomorrow,” directed by Jun Lana. Both films are entries to this year’s Metro Manila Film Festival, which opens on Dec. 25.

    “Carla has an exclusive contract with Regal. It’s not true that her contract gives her an option to do movies outside of Regal,” Monteverde pointed out. “Regal and Arnold [Vegafria, Abellana’s manager] agreed that Carla will not help promote ‘Asiong’ only because she also has a film fest entry with Regal, and that this could be considered a conflict of interest.”

    Monteverde claimed that Vegafria failed to inform her about the actress’ commitment to do “Asiong,” adding that Regal was the last to know about it.

    “We were told about it only after Carla had finished shooting her scenes. When I learned about it, I told Arnold, ‘Nandiyan na ’yan, there’s nothing we can do about it. Ayusin mo ito.’”

    Monteverde said she has kept quiet about the issue “to protect Carla, a Regal baby.” But now that Ejercito has commented on it, she felt she had to “explain and clear things up.”

    During a press conference on Friday, Ejercito said Regal will file a suit against Abellana and Vegafria if the actress tries to promote “Asiong,” attend press cons., or even attempt to ride its float during the parade on Dec. 24. Ejercito said he was disappointed.

    Monteverde clarified that her move was not directed at Ejercito. “It’s just so sad that in situations such as this, Arnold doesn’t lift a finger,” she stressed. Monteverde added that she never considered filing a case against Abellana because, “I consider her family.”

    Monteverde cited the case of another Regal artist, Marian Rivera, who was allowed to join the cast of another MMFF entry, “Ang Panday 2,” a joint project of Imus Productions and GMA Films.

    BARON-ASIONG3-300x168.jpg
    SCENE from “Asiong”: (From left) Ketchup Eusebio, Baron Geisler, Dennis Padilla and Amay Bisaya

    “Marian, like Carla, is an exclusive Regal contract star. I allowed her to work with Sen. Bong Revilla because he was courteous enough to ask my permission before they began shooting the film,” Monteverde said.

    The film producer added: “I pray that things go right from hereon. I just want to be fair to myself and to the (industry) people. I also demand to be treated with respect.”

    Funny thing is, with Abellana being interviewed left and right about the issue, she is actually promoting “Asiong,” anyway.
  • cinelamourcinelamour Member ✭✭✭
    nakow. nakakabahala yung concern ni tikoy.
    tsk tsk tsk.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Journal, Dec. 16, 2011

    Another controversy hounding 'Asiong Salonga'
    ni Jun Nardo

    AYAW tantanan ng kontrobersiya ang festival entry ni Governor ER Ejercito na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, huh! Hindi pa nga namamatay ang isyu sa leading lady niyang si Carla Abellana at sa mother studio nitong Regal Films, heto’t panibagong gulo ang hatid ng reklamo ni Direk Tikoy Aguiluz.

    Isa kami sa unang nakatanggap ng text na nagsasabing hindi si Tikoy ang nagdirek ng movie. Dedma lang kami sa text na ’yon pero nang mabasa namin sa isang broadsheet kahapon na nagdi-demand ang director, through his lawyer, na tanggalin sa credits, promotions at social networking sites ang name niya, aba, totoo palang may kaguluhan, huh!

    Meron pang threat ng civil at criminal charges kapag hindi nasunod ang demands ni Tikoy sa producer, huh! Ano ba ’yan?!

    Mabuti na lang, kahit batbat ng kontrobersiya, naging konsolasyon kay Gov. ER at sa Scenema Concepts International ang “A” rating ng Cinema Evaluation Board.

    Teka, sino ang nagdirek ng huling bahagi ng movie kung hindi si Tikoy base sa demand letter niya sa producers?

    Naku, tiyak na kukuyugin ng press si Gov. ER sa premiere night ng MMFF entry niya bukas.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Pinoy Parazzi, Dec. 16, 2011

    ni John Fontanilla

    AYAW RAW problemahin ni Laguna Gov. ER Ejercito kung hindi man makapag-promote sa kanilang MMFF entry na Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story ang leading lady niya sa movie na si Carla Abellana at hindi sumakay ng kanilang float sa Parade of Stars on December 24.

    Iniintindi na lang daw ni Gov. ER kung ano man ang real score sa hindi pagpo-promote ni Carla. Sila-sila na lang daw ng ibang cast ng said movie ang magti-triple effort para i-promote ang kanilang movie na usap-usapan na sa apat na sulok ng industriya.

    Dahil sa mga nangyayari, hindi naman daw pinagsisisihan ni Gov. ER ang pagkuha kay Carla dahil bagay na bagay naman daw kasi talaga rito ang role na napunta rito bilang wife ni Asiong, bukod pa sa mahusay naman daw itong katrabaho. Ngayon na nga lang daw na promotion ng kanilang movie nagkaroon ng aberya.

    * * * * *

    Pinoy Parazzi, Dec. 16, 2011

    ni Ronnie Carrasco

    BAGAMA’T WALANG kasalanan si Laguna Governor ER Ejercito sa iringan between Mother Lily and Carla Abellana’s manager, in a way ay naiipit ang aktres in what seems like a cul de sac (a situation from which there is no escape).

    Ipinamumukha kasi ng lady producer kay Arnold Vegafria that because Carla is a Regal baby ay bawal siyang gumawa ng pelikula outside Regal Films. But Carla is cast as the leading lady of ER in Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story, na tulad ng Yesterday, Today, Tomorrow ay kalahok din sa 2011 Metro Manila Film Festival.

    In YTT, Carla is — of course — in a smorgasbord movie although she shares stellar billing with Maricel Soriano and Gabby Concepcion bilang ka-love triangle. This makes Carla’s life these days a bit too difficult, lalo’t saang float siya sasakay sa bisperas ng pagsisimula ng festival?

    YTT is an all-star cast drama, Carla’s absence if ever on the float might go unnoticed, samantalang mas mapapansin ang kanyang presensiya if she will join the Laguna governor as they coast along the dense crowd of Manila’s major thoroughfares.

    * * * * *

    Pinoy Parazzi, Dec. 16, 2011

    ni Arniel Serato

    ISANG MAGANDANG balita ang ipinarating sa amin ni Inay Jobert Sucaldito noong Martes ng gabi na ang Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story ay graded A ng Cinema Evaluation Board. Ibig sabihin nito, sakto sa panlasa ng CEB ang takbo ng istorya, ang editing, ang mga conflicts sa movie at higit sa lahat pasado sa kanilang standards ang kabuuan ng pelikula.

    Congrats kay Governor E.R. Ejercito at 100 percent tax-free ang kanyang pelikula. Wish naming tangkilikin ng mga manonood ang Asiong Salonga at kikita ito sa takilya. At sa lahat na rin ng entries sa MMFF 2011, na panoorin ng publiko bilang suporta sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Pil. Star Ngayon, Dec. 17, 2011

    Direk Tikoy galit sa pakikialam sa 'kanyang' pelikula
    ni Master Showman Kuya Germs

    Aba, ngayon lang lumalabas na hindi pala 100% ang naging trabaho ng direktor na si Tikoy Aguiluz sa Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story. Ngayon, pinatatanggal pa nito ang pangalan niya bilang direktor ng nasabing movie. Nakakuha naman ito ng “A” rating, na ang ibig sabihin ay maganda ang pagkakagawa nito?

    May kinalaman sa pagkatay sa pelikula ang naging problema. Balitang 2:40 minutes na pelikula ay ginawang 1:45 minutes ni Direk Rico Gutierrez na ikinagalit daw ni Direk Tikoy.

    Sana mag-usap na lang sila ni Gov. ER Ejercito para magkasundo sila bago man lang magsimula ang Metro Manila Film Festival. Baka makaapekto sa pelikula kung anumang isyu meron ang direktor.

    * * * * * *

    Pil. Star Ngayon, Dec. 17, 2011

    Asiong premiere night may malaking pasabog
    ni Lolit Solis

    Mahigpit ang imbitasyon ni Jobert Sucaldito para sa premiere ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story na gaganapin ngayong gabi sa SM Manila Cinema.

    Ang sabi ni Jobert sa akin, may malaking sorpresa na mangyayari sa premiere night ng pelikula ni Laguna Governor Jeorge Estregan.

    Siyempre, curious ako sa pralala ni Jobert. Magpapa-raffle ba uli si ER o mas bongga pa ang magaganap?

    Invited ako sa premiere night ng Asiong Salonga pero hindi ako pupunta dahil bukod sa malayo ang lugar, siguradong matindi ang trapik. Baka magtampo sa akin si Papa Miguel Belmonte dahil hindi ako nakarating sa PSN Christmas party noong Huwebes pero sinipot ko ang premiere night ng pelikula ni ER.

    * * * * * *

    Abante, Dec. 17, 2011

    ni Jojo Gabinete

    Ngayong gabi ang red carpet premiere sa SM Manila Cinema ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story, ang pelikula ni Laguna Governor Jeorge “ER” Estregan na Graded A ng Cinema Evaluation Board.

    Invited ni ER sa premiere ng Manila Kingpin ang mga kababayan niya sa Laguna at ang mga empleyado ng Laguna Capitol.

    Imbitado rin sa event si former President Joseph Estrada, ang tiyo ni ER na ginampanan din sa pelikula ang role ni Asiong noong 1961. Ang pagganap ni Erap bilang Asiong ang naglagay sa kanya sa superstar status.

    Hindi pa isinisilang si ER nang isapelikula ang life story ni Asiong dahil 1963 ang taon ng kanyang kapanganakan.

    * * * * * *

    Journal, Dec. 17, 2011

    ASIONG AN EXCEPTION
    by Remy Umerez

    WE were not surprised to learn that "Asiong Salonga" was graded A by the Evaluation board.

    We recall that most films that were rated A suffer poor results at the box-office. There is the initial impression that hindi ito pang-masa.

    "Asiong Salonga" is an exception though. The Graded A "Muro Ami" which starred Cesar Montano raked so much money for GMA Films several years ago. It was directed by Marilou Diaz Abaya.

    "Asiong Salonga" is directed by Tikoy Aguiluz and the only action entry which has the impact of John Woo's "Face Off." It should sit well with the male audience who normally shies away from drama offerings.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Pil. Star Ngayon, Dec. 18, 2011

    Matapos ang bantang demanda Mother Lily biglang bumait kay Carla
    ni SVA

    MANILA, Philippines - Pinayagan ni Mother Lily Monteverde si Carla Abellana na mag-attend ng premiere night ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story kagabi.

    Tumalab ang pagtsika ng bida sa Asiong na si Gov. ER Ejercito kay Mother nang magkita sila sa press con. ng Metro Manila Film Festival Executive Committee.

    Puwede na rin kaya siyang mag-promote ng movie na kauna-unahang ni-review ng Cinema Evaluation Board na nabigyan ng A?

    * * * * *

    Pil. Star Ngayon, Dec. 18, 2011

    SEEN SCENE

    Seen : Hindi gimik para sa Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story ang galit ng direktor na si Tikoy Aguiluz dahil maaaring umabot sa korte ang iringan nila ng mga producer ng pelikula. Nagagalit si Tikoy dahil sa bintang na pinakialaman ng direktor na si Rico Gutierrez ang kanyang obra.

    * * * * *

    Journal, Dec. 18, 2011

    ni Letty Celi

    TRUE na magagandang pelikula ang naglalaban-laban sa 2011 MMFF.

    Kaya hindi puwedeng wala sa eksena ang Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story ni Laguna Gov. ER Ejercito, gayundin ang Enteng Ng Ina Mo nina Vic Sotto and Ai Ai delas Alas.

    Grabe!

    Bakit ngayong 2011 pa nagsama-sama ang mga magaganda at malalaking pelikula?

    Good luck na lang sa lahat ng MMFF entries.

    At sana lahat sila kumita, huh!

    * * * * *

    Journal, Dec. 18, 2011

    ER, 'DI DAPAT MAG-ALALA
    ni Chit Ramos

    HINDI dapat mag-alala si Gov. E.R. Ejercito sakali mang pinuputakti siya ng intriga ngayon. He has the best PR man in showbiz, Jobert Sucaldito, who’ll move heaven and earth para maayos ang dapat ayusin.

    Tulad na lamang noong Christmas party na ginawa sa Zirkoh resto na mukhang paborito na ngayon ni Jobert dahil bukod sa malapit (tapat lang ng Annabel’s) at hindi kasing layo ng Silver City. Ayaw niyang magdusa ang mga inimbita.

    Bukambibig din ni Gov. E.R. ang matiyagang pag-a-acting coach sa kanya ni Phillip Salvador.

    “Dahil kay kuya Ipe, mas malalim ang pagganap ko bilang “Manila Kingpin!” Mas na-realize ko na hindi basta acting lang ang kailangan ko sa paggawa nito, kundi passion for the arts. Kailangang kalimutan muna ang pagiging gobernador ko ng Laguna at the same time, ibigay ko ang sarili kong interpretation na hindi ako ma-i-compare sa mga gumanap ng “Asiong Salonga” before na ang tinutukoy ay sina dating Pangulong Joseph “Erap” – Estrada at Rudy Fernandez.

    “When I watched the movie,” gusto kong yakapin si direk Tikoy Aguiluz dahil binibigyan niya ako ng pagkakataon na maging award winning ang project na ito, at maipagmamalaki.

    “I was able to introduce my son as the young Asiong para matikman niya ang pinagdaanan kong buhay, kahit gusto ko siyang maging abogado ng pamilya,” patuloy niya.

    * * * * *

    Journal, Dec. 18, 2011

    GRADED 'A' DESPITE DIRECTOR'S COMPLAINT
    by Mario Bautista

    AFTER the Carla Abellana issue (she’s a contract star of Regal and not allowed to do films anywhere else), looks like Gov. ER Ejercito’s “Manila Kingpin: Asiong Salonga Story” faces another controversy with Director Tikoy Aguiluz threatening to sue him if he’d not remove Tikoy’s name from the film’s billboards, posters and other promo materials. Billed as “A Tikoy Aguiluz Film,” Tikoy says additional scenes were shot without his knowledge and he’s not involved in the film’s re-editing, re-shoot and music mixing so he can no longer claim the film as his.

    He demands that he be allowed to make a director’s cut of the movie that he intends to submit to international film festivals. If his demands aren’t met, his lawyers say they will file criminal and civil charges. The wonder of it all is that the film got an A rating no less from the Cinema Evaluation Board even if Tikoy claims that many changes were made in the final cut without his creative approval. We heard Gov. ER himself directed the new scenes in the movie.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Phil. Entertainment Portal, Dec. 18, 2011

    Governor ER Ejercito rejects Tikoy Aguiluz's request to remove his name as director of Manila Kingpin
    by Rey Pumaloy

    http://www.pep.ph/news/32312/Governor-ER-Ejercito-rejects-Tikoy-Aguiluz's-request-to-remove-his-name-as-director-ofManila-Kingpin-
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    Abante, Dec. 19, 2011

    ni Jojo Gabinete

    Ang absence ng direktor na si Tikoy Aguiluz sa red carpet premiere ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story sa dalawang sinehan ng SM Mall Cinema noong Sabado ang pagpapatunay ng kanyang pagtatampo sa mga producer ng pelikula.

    Kung dumalo si Direk Tikoy sa premiere night ng filmfest movie ni Laguna Governor Jeorge “ER” Estregan, narinig niya sana ang mga papuri at malakas na palakpakan ng manonood sa pelikula na Graded A ng Cinema Evaluation Board.

    In black-and-white ang Manila Kingpin kaya ramdam na ramdam ng moviegoers ang dekada ‘50, ang panahon na namayagpag sa Tondo ang kapangyarihan ni Asiong Salonga.

    Habang pinapanood namin ang pelikula, ang karakter ni Asiong at hindi si ER ang aming nakikita dahil nabigyan niya ng justice ang papel na ginampanan.

    Nakatatandang kapatid ni Asiong ang role ni Phillip Salvador sa Manila Kingpin. Wala rin si Phillip sa red carpet premiere pero kung pinanood niya ang pelikula, mararamdaman niya ang pagpapahalaga na ibinigay sa kanyang mga eksena.

    Mahusay si Phillip sa Manila Kingpin at outstanding din ang performance niya bilang Lizardo sa Panday 2 kaya ang sarili ang kanyang kalaban sa best supporting actor category sa awards night ng 37th Metro Manila Film Festival.

    Nagustuhan namin ang ending ng Manila Kingpin dahil sa magandang execution at sa paggamit sa haunting instrumental version ng Mad World, isa sa mga kanta na aming paborito. May karapatan si Tikoy na magtampo kung totoo ang kanyang paratang na may nakialam sa kanyang trabaho pero kung maririnig niya ang mga papuri ng mga tao sa pelikula, tiyak na matutuwa siya.

    * * * * * *

    Abante, Dec. 19, 2011

    Kampeon si ER
    ni Alfie Lorenzo

    Ibang klase talaga kung mag-share ng blessings niya itong si Laguna Governor ER Ejercito na kasama palagi ang misis niyang si Maita na mayor naman ng Pagsanjan para mag-share din ng blessings niya!

    Tinalbugan lahat ni ER ang mga producers na aking nakilala sa pagbibigay nila ng biyaya in my more than 50 years in showbiz. Si ER lang ang bukod-tangi na sobra ang pagpapahalaga na ibinibigay sa movie press. Sobra-sobra kung magpa-raffle si ER.

    Sa ngalan ng pelikula ni ER na Asiong Salonga, na entry sa MMFF this December 25 opening day, pangalawang beses ng nagpa-raffle ng sobra-sobra si ER ng tig-25 microwave, 25 washing machine, 25 refrigerators, 25 TV sets, cash raffle prizes of 5 thousand, 10 and 20 thousand plus hundreds of sacks of rice. Walang umuwing luhaan, imbitado at maging gatecrashers lang!

    Bago naipalabas itong MMFF entry ni ER ay mistulang true to life ni Asiong ang mga problemang sinuong ng bida tulad ng pagbabawal sa leading lady ni ER na mag-promote nitong movie, tampo ni Mother Lily sa manager ng bidang babae na hindi ipinagpaalam kay Mother Lily ang pagtanggap sa movie na ito kaya nagdalawa ang entries ng anak ni PJ Abellana. Ang angal ni Phillip Salvador tungkol sa billing niya at ang banta ng direktor na pagdedemanda dahil pinakialaman daw ang obra niya at hiling kay ER na tanggalin na ang pangalan niya sa lahat ng layouts ng movie!

    Pero alam naman nating pag mistulang dumaraan sa butas ng karayom ang kahirapan ay may ginhawa namang makakamtan sa bandang huli. Sana nga ay maging magaan sa takilya ang Asiong Salonga nang mabawasan naman ang lahat ng paghihirap na dinanas ng mabait na aktor/producer at makabawi naman sa mga dumating na mga problema sa buhay!

    If only for ER’s generosity in sharing his blessings to the less fortunate, we wish him well and nothing but da best! Good luck ER at sana hindi ka madala sa mga problemang karaniwan ng dinaranas ng sinumang movie producer!

    * * * * * *

    Abante, Dec. 19, 2011

    Erap at Nora, nabulilyaso ang pagtatagpo!
    ni Jun Nardo

    Malaki talaga ang puso ni Mother Lily dahil sa pagpayag niyang padaluhin si Carla Abellana sa premiere night ng movie na Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story na pinagbibidahan ni Governor ER/Jeorge Estregan na ginanap nu’ng Sabado sa SM Manila.

    Aminado ang Regal producer na nasaktan siya sa paggawa ng movie ni Carla nang hindi sila magpaalam ng manager niyang si Arnold Vegafria. Eh, nasa cast din ng family drama na Yesterday Today Tomorrow na entry ng Regal at malaki rin ang role ng young actress, conflict of interest ang rason ni Mother sa hindi niya pagpayag na mag-promote ng action flick si Carla.

    Sayang nga lang at hindi naman nakadalo si Carla sa premiere. Ayon sa manager niya, may taping at hosting si Carla last Saturday kaya absent siya. Eh, bukod kay Gov. ER at iba pang cast ng movie, dumalo rin si Nora Aunor sa okasyon bilang suporta kay Gov. ER na kapareha niya sa movie nilang The Emilio Aguinaldo Story.

    Hindi rin dumating ang dating Presidente Erap Estrada na nabalitang darating. Malaking balita sana ang nangyari dahil hindi puwedeng hindi sila magkita ni Ate Guy na nakasamaan niya ng loob.

    * * * * * *

    Abante, Dec. 19, 2011

    Gov. ER, ipauubaya sa abugado ang problema kay Direk Tikoy
    ni Rey Pumaloy

    Tinotoo ni direk Tikoy Aguiluz ang balitang hindi niya sisiputin ang premiere night ng dinirek niyang pelikula na Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story na pinagbibidahan ni Gov. ER Ejercito. Sayang dahil hindi tuloy niya narinig ang magagandang feedback ng mga tao sa kanyang movie.

    Anyway, ang hindi pagsipot ni direk Tikoy ay may kinalaman sa pagri-re-edit ng kanyang pelikula. Sa interview namin kay Gov. ER, kasama ang mga producers ng pelikula, napagdesisyunan nilang isailalim uli sa pangalawang editing ang movie para maging 1 hour and 45 minutes lang ang tatakbuhin nito.

    Ayon kay Gov. ER, masyadong mahaba ang unang edited version ng movie kaya hindi ito nagustuhan ng mga producers. Nadoble pa ang gastos nila sa editing dahil nag-hire pa sila ng bagong set of editors na mga bata at magagaling.

    Nagtagumpay naman ang bagong edited version ng movie dahil mas lumabas ang Hollywood look at action element ng pelikula. Ilan sa mga gusto namin ay ang eksenang bumabaril sa ulanan si Gov. ER bilang Asiong at ang second to the last ng ending ng movie kung saan nakikipagbarilan nang harap-harapan si Phillip Salvador.

    Maraming eksena sa pelikula na ikaka-proud ng mga Pinoy dahil kaya pala ng mga local film makers na gumawa ng matinong black and white action movie. Sabi nga ni Gov. ER, maging sina Boss Vic del Rosario at Mother Lily ay nagsabing karapatan ng sinumang producer na ipabago ang editing ng kanilang mga pelikula. Kinumpirma ni Gov. ER na masama ang loob sa kanya ni direk Tikoy.

    Tinatawagan daw niya ang direktor para papuntahin sa premiere night, pero hindi na nito sinasagot ang mga tawag niya.

    Bilib si Gov. ER sa visuals ni direk Tikoy, pero hindi sa editing. Pranka ang sinasabi ng actor-public servant na may ibang mga taong dapat humawak ng editing. Pero ibinibigay ni Gov. ER kay direk Tikoy ang tagumpay ng Manila Kingpin.

    Gusto pa rin daw ni Gov. ER na ipagpatuloy ni direk Tikoy ang pagdidirek nito ng ng pelikulang El Presidente, na pinagbibidahan nila ni Nora Aunor.

    Kung tatalikuran daw ni direk Tikoy ang shooting ng El Presidente, ito raw ang mawawalan at hindi siya. Malaki raw ang talent fee ni direk Tikoy sa Manila Kingpin at sa El Presidente.

    Walang galit si Gov. ER kay direk Tikoy dahil naniniwala siyang tama lang ang desisyon ng kanyang mga producers na ipa-edit ulit ang pelikula at gawin itong 1 hour and 45 minutes, kumpara sa higit sa dalawang oras na takbo ng movie na siyang in-edit ni direk Tikoy.

    Kung totoo ang balitang magdidemanda si direk Tikoy, ang kani-kanilang mga abugado na lang daw ang magharap.

    * * * * * *

    show5s.jpg

    Pil. Star Ngayon, Dec. 19, 2011

    ni Sol Gorgonio

    PIK: Punung-puno ang Cinema 3 at 6 ng SM Manila na pinagdausan ng premiere night ng Manila Kingpin: Asiong Salonga Story nung isang gabi.

    Ayon kay Gov. Jeorge “ER” Ejercito, nangako ang tiyuhin niyang dating si Pangulong Joseph “Erap” Estrada na darating bilang suporta sa kanya.

    Dumating din si Nora Aunor na all out din ang suporta kay Gov. ER dahil leading lady niya ito sa susunod niyang pelikulang El Presidente.

    Kaya nag-abang ang media sa pagdating ni Pres. Erap para makunan ang pagkikita nila ni Nora. Pero hindi naman ito nakarating at hindi na rin sumagot ang Superstar kung ano ang mararamdaman nito kung sakaling magkita sila ng dating pangulo.

    First time sanang pagkikita ’yun pagkatapos nung nangyaring pagtalikod ni Nora kay Pres. Erap nang bumaba ito ng Malacañang.

    * * * * * *

    show7.jpg

    Pil. Star Ngayon, Dec. 19, 2011

    ER nagsawa sa kahahalik kay Carla
    ni Veronica Samio

    Hindi naman naging all-male cast ang dumating sa red carpet premiere ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story. Dahil expected na ng lahat ang patuloy na ’di pagsuporta ng pinakabidang babae sa pelikula na si Carla Abellana. Tinanggap na rin ng buong produksiyon ang absence nito. Hindi rin nakita ang nagrereklamong sina Phillip Salvador na maganda ang role bilang nakatatandang kapatid ni Asiong Salonga at unang-una ang pangalan sa credits ng pelikula at ang direktor nito na may isyu rin at ipinatatanggal ang kanyang pangalan sa pelikula sa kadahilanang hindi pa malinaw sa lahat.

    Ang hindi inaasahan at ikinagulat ng napakaraming dumalo sa unang pagpapalabas sa sinehan ng ika-apat pagsasa-pelikula ng buhay ng isang hari ng Tondo ay ang pagdating ng Superstar ng pelikulang Pilipino na si Nora Aunor. Dumating ang nagbabalik-bayang aktres nang nakapasok na ng sinehan ang buong cast ng pelikula sa pangunguna ni Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito, Yul Servo, Dennis Padilla, Baron Geisler, Ping Medina, Ketchup Eusebio, Gerald Ejercito, John Regala, Amay Bisaya, Jaycee Parker, Archie Adamos, Ronnie Lazaro, Joko Diaz, at marami pang iba.

    Dumalo rin at nakasama ng gobernador at bida sa pelikula ang kanyang maybahay na si Maita Ejercito, mayora ng lalawigan ng Pagsanjan.

    Ang ganda naman pala ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story. Kung sino man ang nagdirek nito, si Direk Tikoy Aguiluz man na siyang bumuo ng pelikula o iba man na siyang nagtapos nito na marahil ay ugat ng galit niya.

    I came to watch the film na tanggap ng hindi ko ito magugustuhan. Unang-una na hindi ako mahilig sa mga gangster movies, kahit katulad pa ito ng The Untouchables at The Godfather. Pero laking gulat ko, nagustuhan ko ito! May lambot ang kuwento na aakit maging sa mga babaeng manonood. Maganda yung mga nakakikiliting eksena nina ER at Carla na gumaganap na mag-asawa.

    Maganda rin ang cinematography, parang larawan ang mga eksena. Nakakahawa yung saya ng theme song na Hari ng Tundo na ginawa at inawit ni Gloc 9, pero nakakadala ng emosyon yung lumang kantang La Paloma na si Ely Buendia ang kumanta, sa isang masayang eksena bago ang malungkot na finale.

    Sa acting ng mga artista, wala kang itatapon, lahat napaarte at nabigyan ng direktor ng kanya-kanyang moment. Kahit marami sa kanila ang gumaganap na kontrabida, iba-iba ang atakeng ginawa nila Baron, John, Ronnie, Joko, Archie, at Roldan Aquino sa kani-kanilang role. Sinabihan ko nga si Amay Bisaya makatapos ang pelikula na dapat ay magpasalamat siya sa produksiyon dahil pinakamagandang role ang na-assign sa kanya sa pelikula.

    Akala ko rin ayaw ko ng black and white movies, pero hindi ko napansin ang kawalan ng kulay ng pelikula bukod sa itim at puti, nabuhos ang pansin ko sa kagandahan ng mga eksenang namalas ko.

    Nagsawa si ER ng kahahalik kay Carla pero walang makitang kalaswaan sa mga eksena nila bilang mag-asawa. Instead, what the audience saw was one man’s love for his wife, yes, mag-asawa sila dahil may wedding scene sila.

    Maganda ang kuwento ng pag-ibig ng dalawa kahit pa may mga ibang babaeng nagbigay ng dibersiyon kay Asiong tulad nina Valerie Concepcion at Jaycee Parker.

    Ang Asiong Salonga pa lamang ang Metro Manila Film Festival entry na napanood ko.

    * * * * * *

    Pil. Star Ngayon, Dec. 19, 2011

    SEEN SCENE

    SCENE: Hindi dumating si dating Pangulong Joseph Estrada sa premiere night ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story. Hindi nangyari ang inaasahan na pagkikita nila ni Nora Aunor. Nagkaroon ng iringan ang dalawa nang talikuran ni Nora si Erap noong 2001 at nakiisa siya sa People Power EDSA Dos.

    SEEN: Si Nora Aunor sa premiere night ng Asiong Salonga Story. Kinilabutan si Nora sa magagandang eksena at theme song ng pelikula ni Laguna Governor Jeorge Estregan. Si Nora ang katambal ni Jeorge sa El Presidente, ang film bio ni General Emilio Aguinaldo.

    SCENE: Ayaw sagutin ng direktor na si Rico Gutierrez ang isyu na galit sa kanya si Tikoy Aguiluz dahil nakialam siya sa editing ng The Asiong Salonga Story.

    Hindi mahilig sa kontrobersiya at intriga si Rico.

    SEEN: Nagpakitang-gilas si Baron Geisler sa mga eksena niya sa Asiong Salonga Story ngunit mas mahaba ang role ni Amay Bisaya kesa sa kanya.

    * * * * * *

    Pil. Star Ngayon, Dec. 19, 2011

    Asiong screening dinagsa ng mga gaka
    ni Lolit Solis

    Ngayon ang press preview ng Panday 2 at panonoorin ko ito bilang suporta kay Sen. Bong Revilla, Jr..

    Sa totoo lang, magkasabay ang press preview ng Panday 2 at ang Christmas party ng Startalk staff kaya lagare ang beauty ko.

    Sasaglit ako sa Christmas party ng Startalk dahil ako ang naghanap ng venue at mula rito, didiretso ako sa press preview ng Panday 2.

    Magbabantay ako sa press preview para hindi ito dagsain ng mga gaka at hindi maulit ang nangyari sa premiere night ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story.

    Dinumog ng mga gaka ang premiere ng Asiong Salonga at napa-smile na lang ang mga organizers na very friendly. Mas marami pa yata ang mga gaka sa premiere night ng Asiong kesa sa invited press people.

    * * * * * *

    Journal, Dec. 19, 2011

    DIRECTOR SNUBS PREMIERE NIGHT
    by Bong de Leon

    WE hardly can believe the the huge crowd who watched the premiere night of "Manila Kingpin (the Asiong Salonga Story)" at SM Manila 3. Jeorge 'ER' Ejercito is perfect for the role, as he lets go his rage in the movie.

    There is so much controversy about this movie. The latest we heard is director Tikoy Aguiluz's complaint about how it was edited not to his liking. In fact, direk Tikoy was nowhere in sight during the premiere night to hear the applause and cheers from the audience in a number of scenes. We are just wondering why Tikoy should complain when it came out as a truly world-class movie. But still, we respect the artist in him.

    Some people say it might spring a big surprise in the MMFF. The movie is so big in production values as it captures the Manila '50s.

    Every stars had their shining moments, especially Carla Abellana. Even other actors really shone in their scenes, no matter how big or small from Jaycee Parker, Valerie Concepcion, John Regala, Joko Diaz, Roi Vinzon, Roldan Aquino, Amay Bisaya, Ketchup Eusebio, Yul Servo, Baron Geisler and Gerald Ejercito. Sabi nga, kung talagang mahilig ka sa pelikula, you miss half of your life if you won't watch this movie.

    * * * * * *

    Journal, Dec. 19, 2011

    Direk Tikoy to sue Manila Kingpin producers
    by Noel Asiñas

    IBANG klaseng Gobernador ang mapapanood sa pelikulang Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story.

    Hindi si Laguna Gov. ER Ejercito ang napanood namin sa Manila Kingpin kundi isang tunay na mabagsik na gangster, pero mapagmahal na anak, kapatid at kaibigan at may puso sa mahihirap.

    Grabe ang emosyong na-feel namin sa karakter na Asiong Salonga ni Gov. ER sa panonood namin sa premiere night nito sa SM Manila kamakalawa ng gabi. Pinag-aralan daw talaga kasi ni ER nang husto ang character ni Asiong. Kaya naman sa shooting ng said movie, hindi ang gobernador ang nasa harap ng kamera sa bawat eksena kundi si Asiong Salonga mismo na mabagsik sa mga kaaway, pero may pusong marunong magmahal kahit sa kaibigan na siya mismong nagwakas sa madugo niyang buhay.

    Sa isang interview namin kay Gov. ER natanong namin siya kung hindi ba niya nadala sa bahay at sa pagiging gobernador ang ugali ni Asiong.

    Aniya: “Sa totoo lang, mistula nga akong na-possess ng kaluluwa ni Asiong Salonga. Pero ‘yun naman ay kapag humaharap lang ako sa kamera sa shooting namin. Feeling ko ring hindi na ako si ER Ejercito kundi si Asiong na mismo. Kaya sa bawat pagtatapos ng aming shooting, nagdarasal akong umalis na sa katawan ko ang kaluluwa ni Asiong. Pero, pinasasalamatan ko rin siya (kaluluwa ni Asiong) dahil alam kong gusto lang niyang maging makatotohanan ang pagganap ko bilang siya.”

    * * *

    BY the way, naibalita ni Gov. ER Ejercito na inimbitahan niya si Carla Abellana na dumalo sa premiere night ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story. Pero, 'di raw nakarating dahil may taping ang actress nang gabing ‘yun.

    “Nag-usap na kami ni Mother Lily at okey na ang lahat. Kaya puwede nang mag-promote si Carla ng movie namin. Naging adviser ko pa nga sa movie si Mother Lily para sa tamang editing ng film. Tulad ni Boss Vic (del Rosario), pareho sila ni Mother Lily na nagpayo sa akin na paikliin ko ang movie para mas maging mabilis at hindi mainip ang viewers. Kaya ang Manila Kingpin ay tatakbo lang ng one hour and 54 minutes.”

    Ito yung dahilan kung bakit balitang nagalit and direktor ng Manila Kingpin na si Tikoy Aguiluz nang iksian ang naturang pelikula. Magdedemanda pa nga raw si Direk Tikoy kapag inilagay ang name niya sa credits at maging sa billboards at lobby display ng Manila Kingpin.

    Anuman ang kahahantungan ng gusot na ito sa pagitan ng producers ng Manila Kingpin at ni Direk Tikoy Aguiluz, malalaman natin bago sumapit ang araw ng festival.

    * * * * * *

    Journal, Dec. 19, 2011

    ‘Asiong’ helped by ER’s editing interference
    by Vinia Vivar

    All praises ang lahat ng movie press na nanood ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story na pinagbibidahan ni Laguna Governor ER Ejercito sa ginanap na red-carpet premiere night last Saturday sa SM Manila.

    Halos lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing malaki ang laban ni ER bilang best actor at ang pelikula naman ay malaki ang tsansang manalong best picture ganundin si Tikoy Aguiluz sa best director category.

    ’Yun nga lang, may problema ngayon sina Direk Tikoy at ER dahil sa reklamo ng direktor na pinakialaman ang kanyang trabaho at aniya sa kanyang latest interview, hindi raw niya trabaho ang pelikula na nabigyan pa mandin ng A grade ng Cinema Evaluation Board.

    Dahil dito ay nagde-demand si Tikoy na tanggalin na sa credits ng movie ang pangalan niya bilang direktor.

    Sa cast party dinner ng movie after the screening ay hiningan namin ng reaksyon tungkol dito si ER.

    Deretsahan naman niyang sinabi na hindi raw talaga nila nagustuhan ang unang editing dahil masyadong mabagal ang pacing.

    “Binayaran namin yung unang editor, nag-imbita ako ng napakaraming kaibigan para panoorin, hindi kami natuwa sa editings, so we had to get a new set of editors, mga bata, magagaling – sina Jayson Cahapay and company.

    “We got four good editors na bata pa, ni-re-edit ang buong pelikula kaya doble gastos kami sa editing and music, doble gastos kami.”

    Ang bagay na ito raw ay sinabi naman niya kay Direk Tikoy.

    “Sabi ko sa kanya, ‘Direk, hindi ako natuwa du’n sa unang editing, pati yung producers, hindi natuwa, yung mga kamag-anak ko nung pinanood nila, hindi nila nagustuhan yung unang editing, so we have to get a new set of editors.’”

    Paano tinanggap ni Direk Tikoy ang sinabi niya?

    “Well, sumama ang loob niya. Pero prerogative ng producers ’yun. It’s the producers’ decision at kahit si Boss Vic (del Rosario of Viva Films), nakausap ko, nakausap ko rin si Mother Lily (Monteverde of Regal Films), sinasabi nila, ang mga producers ang may last say sa pelikula, kung ano ang gusto nilang gawin sa editing, sa music, so dapat respetohin ni Direk Tikoy ang desisyon ng producers na hindi maganda ang unang editing at mas maganda yung editing na ginawa ngayon, mas mabilis.”

    Ito nga raw new edited version ang napanood ng Cinema Evaluation Board kung saan ay nabigyan sila ng A grade.

    “Kaya gumanda ang pelikula dahil sa editing. Pero I credit the visuals to Direk Tikoy. Magaling si Direk Tikoy sa mga visuals, napakaganda, pati cinematography, maganda. Pero yung editing, trabaho ng iba ’yan. Kailangang kumuha tayo ng espesyalista, kaya kumuha kami ni Tito Jessie Ejercito ko ng magagaling.”

    Kung hindi raw na-re-edit ang pelikula, malamang ay hindi raw ito nabigyan ng A dahil sobrang bagal daw ng unang editing.

    Tungkol naman sa request ni Direk Tikoy na tanggalin ang pangalan niya sa credit, ani ER ay hindi nila ito magagawa.

    “Ang tinanggap na budget dito ni Direk Tikoy, doble ng budget niya sa Viva Films. May advance rin siya sa El Presidente (next movie ni ER na si Tikoy din ang direktor), kaya hindi pwedeng tanggalin ang pangalan niya.”

    Matatandaang may threat si Direk Tikoy na magdedemanda siya kapag hindi tinanggal ang pangalan niya, ano ang masasabi ni ER dito?

    “Eh ’di pagalingan kami ng abogado,” pahayag ni Gov.

    Tinatawagan daw niya si Direk Tikoy para imbitahin sa premiere night pero hindi raw siya sinasagot.

    “Ayaw sumagot, suplado,” nangingiti niyang sabi. “Pero ganu’n naman talaga ang magagaling na direktor, suplado! Lahat ng magagaling na direktor, may ano, eh, may ego-trip, ’di ba?”

    When asked kung ano na ang mangyayari sa next movie niyang El Presidente na ididirihe ni Tikoy, aniya ay ito pa rin naman daw ang gusto niyang magdirek nito.

    “Magaling naman si Direk Tikoy, gusto ko, siya pa rin.”

    Paano kung ayaw ni direk na gawin?

    “Eh alam n’yo, matagal nang walang kumukuha kay Direk Tikoy. Ako na lang ang nagtitiwala sa kanya, actually. Lahat halos nakaaway na niya. Pati nga si Congresswoman Imee Marcos dati, nakatrabaho niya, sinasabi ni Imee, ‘you got Tikoy? I like him, he’s a good director, ang daming problemang ibinigay niyan sa akin noong araw.’ Sabi ko, lahat naman ng nakasama niya, puro problema, ibinigay niya,” natatawa niyang sabi.

    Kung sakali raw na ayaw pa rin talaga nito, ani ER, “kung ayaw niya, siya ang mawawalan, hindi ako.”

    Sa huli ay muling nilinaw ni ER na bilib na bilib daw siya sa husay ni Direk Tikoy at ang napanood naman daw sa movie ay direksyon pa rin nito. “Pero yung editing at music, hindi niya linya ’yun kaya huwag na niyang pakialaman ’yun.”

    Samantala, hindi nakarating ang dating presidente na si Joseph Estrada, na tiyuhin ni ER, sa premiere night. Hinihintay ng lahat ang pagdating niya at ang muling pagkikita nila ni Superstar Nora Aunor pagkatapos ng mahabang panahon ng hindi nila pagkakaintindihan.

    Dumating si Ate Guy pero wala si Erap kaya may mga nagsasabing baka sinadayang hindi makarating ng da-ting Pangulo dahil hindi pa siya handang makipag-ayos sa Superstar.

    * * * * * *

    Journal, Dec. 19, 2011

    Erap, Carla absent in ‘Asiong’ premiere
    by Jun Nardo

    HINDI nakadalo si dating Presidente Erap sa premiere night ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na pinagbibidahan ng pamangkin niyang si Laguna Governor ER (Jeorge Estregan) Ejercito. Gayundin ang leading lady ni ER na si Carla Abellana na pinayagan na ni Mother Lily na tumulong sa promotions, at Phillip Salvador na pang-award pa naman ang performance.

    Pero present ang Superstar na si Nora Aunor na dati niyang girlfriend at nakasamaan ng loob, huh! Eh, alam naman nating lahat na isa si Gov. ER sa nagtiwala kay Ate Guy nang bumalik siya ng bansa.

    Magkasama sila sa historical movie na The Emilio Aguinaldo Story na matutuloy kahit nagkasamaan ng loob sila ni Direk Tikoy Aguiluz na no show rin sa preem!

    Nandu’n din ang misis ni Gov. ER na Pansanjan, Laguna Mayor Maita Ejercito pati na ang ibang cast ng movie gaya nila Baron Geisler, Yul Servo, Dennis Padilla, John Regala, Ping Medina, Ketchup Eusebio, Amay Bisaya at iba pa.

    Ang daming sumuporta sa filmfest entry ni Gov. Ejercito na todo palakpak sa mga action scenes at acting niya sa movie. Hanggang sa kainan sa isang food chain ng SM Manila, nakasunod ang mga tao pati na gatecrashers, huh!

    Anyway, ramdam na ramdam namin ang hirap ni Gov. ER sa buong pelikula. Grabe ang kanyang torture scenes, bugbugan scenes at action routines. In fairness, bongga dahil mula pa sa Thailand ang action director na nabasa namin sa credits! Malakas din ang laban niya bilang best actor at pang-best picture din ang kabuuan ng movie.

    Matino ang pagkakagawa ng movie. Mabilis ang editing at ito yata ang bahagi ng movie na ikinagalit ni Direk Tikoy. Eh, nang makita namin sa premiere ang writer-director na si Joven Tan na involved sa production, sagot niya sa aming tanong, “Mahabang istorya!” saka ngumiti.

    Kasi naman, sa kapal ng tao, hindi kami makalapit kay Gov. ER. Bukod sa personal bodyguards, pinalibutan pa siya ng mga sikyu ng mall, huh!

    Sa hirap, effort, dugo at pawis na pinuhunan sa Asiong Salonga ni Governor ER, harinawang tumipak ito sa takilya upang magtuluy-tuloy ang adhikain niyang buhayin ang action movies!

    * * * * * *

    Abante, Dec. 19, 2011

    ni Gorgy Rula

    Successful ang premiere night ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story kamakalawa sa Cinema 3 at 6 ng SM Manila.

    Dumating ang cast ng naturang pelikula maliban kina Carla Abellana at Phillip Salvador.

    Suportado si Gov. Jeorge ER Ejercito ng iba pang co-actors niya at ng kanyang pamilya at mga kaibigan, pati ang mga taga-Laguna.

    Dumating si Nora Aunor bilang suporta kay Gov. ER na katambal niya sa susunod nitong pelikulang El Presidente.

    Ayon kay Gov. ER, darating si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada dahil nangako itong susuportahan siya.

    Kaya naghintay kami para makunan ang pagkikita sana nila ni Nora, pero hindi ito nakarating.

    Hindi kami nasagot ni Nora nang tinanong namin kung ano ang magiging reaksyon niya sakaling magkita sila roon ni Pres. Erap.

    Nilinaw na rin ni Gov. ER ang intrigang galit sa kanya si direk Tikoy Aguiluz na wala rin doon sa premiere night.

    Nasa ibang bansa raw si direk Tikoy kaya hindi ito nakarating sa premiere night.

    Okay na raw sila at wala raw silang problema ng kanyang direktor. Nakausap na raw ni direk Tikoy ang producer nila, kaya naayos na raw iyun.

    Si direk Tikoy pa rin daw ang gusto niyang magdirek ng El Presidente pagkatapos nitong Kingpin.

    Malaki rin ang pasasalamat ni Gov. ER dahil pinayagan na raw ni Mother Lily si Carla na i-promote ang kanilang pelikula. Hindi lang daw siya tiyak kung makakasama ito sa kanilang karosa sa parada.

    Ang manager ni Carla na si Arnold Vegafria ang dumating sa premiere night dahil nasa Tanduay event pa raw ang kanyang alaga.

    * * * * * *

    carla.jpg

    Abante, Dec. 19, 2011

    Manager ni Carla, dumalo sa premiere ng ‘Kingpin’
    ni Jun Lalin

    GINANAP noong isang gabi sa SM Manila ang premiere ng Manila Kingpin: the Asiong Salonga Story na pinagbibidahan ni Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito.

    Noong una ay napabalitang darating doon si former Pres. Joseph Estrada bilang suporta sa pamangkin, pero walang Erap na dumating sa premiere night.

    Dumating naman doon ang superstar na si Nora Aunor.

    Sayang at wala si Erap. Magandang pagkakataon sana ‘yon na magkita sila ni Mama Guy.

    Dinumog ang premiere night ng Kingpin, kaya masaya si Gov. ER.

    Wala rin sa premiere night ang leading lady ng pelikula na si Carla Abellana, pero nandoon ang manager nito na si Arnold Vegafria.

    Sabi ni Arnold, may ibang commitment si Carla, kaya wala ito sa natu*rang event.

    Nakausap ko kahapon ang publicist ng pelikula na si Jobert Sucaldito at napag-usapan namin ang latest issue sa Kingpin na galit ang direktor nilang si Tikoy Aguiluz dahil nag-re-shoot ang ibang direktor at ni-re-edit ang pelikula.

    Ang balita, pinatatanggal ni Tikoy ang pangalan niya sa lahat ng credits ng pelikula.

    Ayon kay Jobert, maglalabas ng official statement si Ms. Mylene Enriquez (producer ng Cinema Concept na nagprodyus ng Kingpin) kaugnay sa intrigang ito.

    Sa kabila ng mga intriga sa Kingpin ay marami ang pumuri sa ganda ng pelikula at patunay rito ang “A” rating na nakuha nila mula sa Cinema Evaluation Board.
  • cinelamourcinelamour Member ✭✭✭
    From the website, a letter describing the situation and what is being demanded. If you agree--if you believe in artistic freedom, and the right of the director to be final arbitrator as to the status of his work--then please sign the petition.

    We want Tikoy Aguiluz's Asiong Salonga!

    Greetings,

    This concerns the upcoming film Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, starring Jorge 'E.R.' Ejercito, directed by Tikoy Aguiluz. Months before it had been announced that Aguiluz was to direct this film, which would be produced by and star the aforementioned actor.

    The news was greeted with excitement. It would have been the first Aguiluz movie in eight years, and was seen not just as the first major work of a major Filipino talent, but a return of the action film genre, and of the historical period film to mainstream Philippine cinema. It was to be entered in the Metro Manila Film Festival, and even that was seen as a return to the MMFF of years past, where prestigious films were not only screened but also competed in the festival.

    Then on December 14 this article co-written by Bayani San Diego, Jr. and Marinel Cruz appeared:

    The trouble with Asiong

    The article outlined what was in effect a request by Mr. Aguiluz to have his name removed from the film's credits, his reason being that additional scenes were added without his consent, and that the final edit and music mix were not his. The film in its final form, he believes, is not his film.

    These are serious accusations. There appears to have been a breakdown of communications between director and producer, to the extent that the producer has withdrawn control of the film from the director, and has altered the film substantially in ways that the director has not approved of.

    The film in effect has been changed in ways that the producer has seen fit; without the director's consent, however, we have to assume that the producer has changed the film to make it more commercially viable, or--being the lead actor as well--to make his role more substantial, his character more appealing. We also have to assume that, without the director's consent, these changes were not applied to improve the film's artistry, or its cinematic values.

    We have to assume this because historically speaking, a producer's interference in a film has often resulted in less than happy results. Erich Von Stroheim's Greed (1924) was cut to about a fourth of its running time, and consensus opinion was that this was a great loss; Orson Welles' The Magnificent Ambersons (1942) lost its original ending, which was considerably shortened and re-cut, and most film historians believe that the altered ending is far weaker than the original.

    This applies as well to Filipino film history. Pressure was put on Lino Brocka to change the ending of his masterpiece Insiang (1976), to better conform to censorship laws, and to conform to former First Lady Imelda Marcos' adage that films must reflect “the true, the good, the beautiful” (Brocka was said to have changed the ending, but in a way that he believed would remain faithful to the film's themes). Bernal was pressured to change the name of his masterpiece Manila by Night to City After Dark; his ending too was altered to make the film more palatable to Filipino censors.

    Mario O'Hara seems to be the patron saint of interfered-with filmmakers. He was fired from the production of Mga Bilanggong Birhen (The Captive Virgins, 1977); the producer gave the film to another filmmaker, and the result is an incoherent mess. The producer had hardcore pornographic footage inserted into his Bed Sins (1985) without his consent. His Sindak (Fear, 1999) was taken away from him, extra scenes inserted, the final edit changed.

    Some might argue that interference from the producer is not quite the same as from the government; both have different interests, of course, not to mention differing stakes. The point is, it's all interference. It's the taking over of a work by people who have not lived with the work day in and day out, for weeks or even months at a time, deciding the final form of something they often only have a few days to look at and familiarize themselves, and the results have almost never come out well. As Erich von Stroheim said of the editor that butchered his film Greed: "The only thing he had on his mind was his hat."

    The ultimate loser in all this is the average Filipino viewer. Time and time again he is told that he is stupid, and will not understand more intellectual, or complex forms of storytelling. Time and time again he is told that the violence is too intense, or the sex too explicit, or the film too dark or slow for him to appreciate, or understand, or resist; if he sees it, he might be tempted to kill someone or rape someone else, or kill himself out of despair. What few people seem to realize is that the Filipino viewer is perfectly capable of deciding for himself what he wants and does not want to see.

    Aguiluz has asked of his producers that he be allowed to screen his edit of his film to festivals overseas; this is nice for festival viewers overseas, but what about us, the Filipino viewers?

    We have had enough. We the Filipino viewers--we the viewers of the world as well--have had enough. We have waited patiently for and have been long excited to see this film of Mr. Aguiluz, Mr. Ejercito and their collaborators. We ask of the producers that they release the film in the form Mr. Aguiluz originally envisioned, and trust in his overall love and passion for filmmaking and for this film that it is already in the best form it will ever be, and any additional alteration would be both wasteful and beside the point.

    We believe the Filipino people have long been hungry for a quality mainstream Filipino film, one that tells a well-made, well-written popular story, and we believe Mr. Aguiluz--with the help of Mr. Ejercito and everyone else involved--has done it. It is there, unaltered, already ready to be fed into the projector. We want to see that film, as decided by the artist best qualified to make that decision. We ask that you give us that film.

    (Again, if you agree with any of this, or if you believe in the rights of an artist to express himself freely, please sign the petition!)

    Critic After Dark
  • cinelamourcinelamour Member ✭✭✭
    Update on the Asiong Salonga controversy:

    (If you're coming to this only now, please read the petition letter for a summary of the situation and if you agree, please sign the petition)

    An article dealing with Governor Ejercito's reaction to Tikoy Aguiluz's request.

    Some reactions off the top of my head.

    "Hindi, basta ako, ang comment ko Direk Tikoy, magaling si Direk Tikoy.



    Pero dagdag niya rin, "Pero yung editing and music, hindi niya linya yun.

    "Huwag niyang pakialaman yung area na yun sa movie."

    (For me, my comment on Director Tikoy, he's great.

    Then he added: "When it comes to editing and music, that's not his line.

    "He shouldn't interfere with those areas of the movie").

    Difficult to respond because I haven't seen the film, but we're talking here of Tikoy Aguiluz and his long time collaborator and editor Mirana Medina. She has edited his films since his first feature, Boatman in 1984 and as far as I can see they have never varied their editing style or philosophy when it comes to pacing, rhythm, shot length. And I can say, having seen almost everything they have done, that theirs is some of the crispest, most no-nonsense editing in Philippine cinema.

    Aguiluz's practice is to bring in Medina not just at production stage, but pre-production stage, and they plan out the editing almost from the point when they work out the script.

    This has several advantages: Aguiluz knows what's essential to telling the story, what to leave out or fight to keep when money's short, or when things go wrong. He (and Medina) know the bare minimum needed to tell the story properly, even when they're missing several days' footage, or when the production is chaotic. That preliminary edit they share in their heads is their lifeline, to keep things clear, to recognize when they don't have a film and need to shoot some more, and what can be improvised when things don't work out.

    So when Aguiluz says that his film's damaged because a few scenes were added (see this article for an explanation of the changes), my impulse is to believe him. He knows the film's structure, along with his editor; they've lived with this structure for the whole time, from the writing through pre-production, through the shoot, to post-production. To add or detract from a Tikoy Aguiluz film is like, in effect, slicing away or stitching on various appendages to a beautiful woman's face--the result is hideous, no matter what you think of the original visage. You do serious damage to what is essentially a finished product.

    In a later article Ejercito declares that he found the pacing too slow, and he hired younger editors (he repeats the word "younger" at least twice) to (presumably) pick up the pacing. To this I reply: but at what cost to the storytelling? Are we to have Bourne Identity style editing when the story is set in the '50s? Will the audience marvel at the 'faster pacing' or laugh their heads off at the inappropriateness of the faster cuts? Does Governor Ejercito consider the Filipino people to still be cinematically and visually illiterate--that they wouldn't know good or appropriate editing when they see it? I don't declare--haven't seen the final product--I only ask.

    Boatman, Bagong Bayani (The Last Wish), Segurista (Dead Sure), Tatsulok (Triangle), Biyaheng Langit (Paradise Express) for all their flaws have all been excellently edited, fast-paced films; the actions scenes are exciting to behold and never self-indulgent. Based on Aguiluz's filmmaking record, I frankly can't see where this is coming from.

    Any filmmaker will tell you this; the idea of anyone adding to or cutting from their film can have them shuddering. I've already mentioned Mario O'Hara as having experienced this several times, but everyone from legendary Mike De Leon to maverick Celso Ad. Castillo to the late Ishmael Bernal to Lino Brocka himself has suffered interference, and all to a man will say they don't like it (Brocka has said so frankly in many interviews). It smacks of second-guessing, of mistrust. It suggests the producer has no confidence in his decision to hire the filmmaker in the first place.

    (Again, if you agree with any of this or if you believe in artistic freedom in general, please consider signing the petition)


    Critic After Dark
  • cinelamourcinelamour Member ✭✭✭
    this is getting crazy.

    sa poster, kredito pa rin si medina. ngunit siya ay pinalitan ni jason cahapay. whose film credits include ligalig.

    ngayon. naalala ko ang ligalig at ni-connect ko sa trailer. my goodness. wag sanang magmukhang ligalig ang pelikula na ito.
  • ipopiipopi Member ✭✭✭✭
    cinelamour wrote: »
    this is getting crazy.

    sa poster, kredito pa rin si medina. ngunit siya ay pinalitan ni jason cahapay. whose film credits include ligalig.

    ngayon. naalala ko ang ligalig at ni-connect ko sa trailer. my goodness. wag sanang magmukhang ligalig ang pelikula na ito.

    Pareho naman silang may point eh. :hmm: Puwede 'tong maayos, hindi na dalhin sa court. :rolleyes: Kung ang gusto ni direk Tikoy eh magkaro'n ng director's cut, sige - ibigay na nila. Tutal ang ipapakita naman sa madla rito ay yung producer's cut. Yung kay direk Tikoy ang ipapakita sa film festivals abroad.

    Personally, hindi ko rin matatagalan ang isang period action film kung tatakbo siya ng 2 hours and 30 minutes sa sinehan. :bop:

    Dapat maging masaya na ang lahat. Maganda ang feedback sa movie ng mga nakapanood noong premiere showing at naka-grade A pa sa CEB. *okay* Kung 'di maganda ang ginawa ng mga taong kinuha ni Gov. ER, dapat 'di mapupuri ang scoring at editing noong pelikula. :shrug:

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file