COMMUNITY NOTICE: Please send your reports, concerns and other inquiries to admin "pexer99". This account will handle all community functions for PinoyExchange. You can also email us at [email protected] For category related concerns, you can also send a message to one of our moderators. Check the updated list of moderators here.

Free Legal Advice Online

If you are in need of basic legal advice regarding your rights here in the Philippines then Atty. Mark Tolentino can help you.



Experienced in following:

1. Foreigner's Right Under Philippine Laws

2. Family Law (Annulment of Marriage, Legal Separation, Inheritance, Adoption and Child Support)

3. Land Titling

4. Incorporation of a Corporation

5. Notarial Services

6. Contract Titling

7. Other Legal Services


Email us at [email protected] for a faster reply..

Or pm us here or check the website below!



http://www.sulit.com.ph/index.php/view+classifieds/id/4350594/recent/1/Attorney+/+Lawyer+with+Experience+FREE+LEGAL+ADVICE+ONLINE%21

http://www.wix.com/marktolentino/lawyer#!

Thank you and I hope we can help you regarding your problems..

Comments

  • lostenhurtlostenhurt Member PExer
    Hi po,

    Yung brother ko po ay kumuha ng pera na worth 20,000 sa isa sa mga tenant namin nung naospital po si nanay nung feb.29. *** tenant po ay napagsabihan na ng maraaming beses na never magbibigay ng pera dahil po sa maraming beses na panloloko na nkuha *** upa sa bahay at ginamit lang nila sa masamang bisyo nila which is illegal drugs nga po. Wala po kaming kaalam-alam sa nangyari at nalaman lang namin nitong paguwi ko sa abroad nung namatay po ang mom ko nung 03/29.

    ***** po, ang gnawa po ng tenant namin gumawa po ng letter at nakalagay po dun na ndi sila magbabayad ng upa for 3 months if hindi maibbgay yung 20,000 ng 3 months at kapag hindi pa rin nakabayad after 3 months ay di pa rin sila magbabayad ng upa. Ang upa nila ay 7,000/month at nagcmula na silang di magbayad nung feb hanggang april katapusan po.

    May laban po ba kami dito kasi ang nakapirma po dun ay hindi ang nanay ko kundi yung brother ko, gnamit nilang reason na wala po sa sariling wisyo ang nanay ko dahil nga po sa sobra na syang mahina at ginawang collateral yung upa sa bahay hanggat di maibibigay yung 20,000.

    Patay na po ang mom ko at ang property ay hindi pa nahahati sameng magkakapatid, kaya po gusto ko sanang malamn kung may laban ba kami dito kasi po hindi po nakinabang ang nanay ko dun sa perang yun gang sa namatay sya at ako po ang nagsho-shoulder ng lahat ng bayad sa hospital bill at ginamit ko pong collateral ang lupa namin sa hospital kasi po may utang pa kaming almost 400,000 dun at yung mga upa sa bahay ang inaasahan ko pong makatulong para mabayaran po yung utang namin sa hospital..

    Sana po mapayuhan nyo ako ng dapat kong gawin..

    Thank you po..
  • stowe217stowe217 Member PExer
    Hello Attorney,

    Kelangan ko po ng advice nyo kung ano ang dapat kong gawin sa situation ko. Nagwowork ako sa isang Offshore Insurance Company, based in Australia as a Customer Service Officer, Underwriter. Processing ng insurance ang ginagawa namin. Since last March 2015, my attendance has not been satisfactory due to my illness. Stress dahil sa personal matters and even at work. Nagrequest ako ng Leave of Absence or LOA kahit Unpaid kasi nakakaramdam na nga ako ng kakaiba sa health ko. Hindi ako pinayagan kahit ilang days lang ang hiningi ko. I was threatened by my immediate supervisor na kapag hindi daw ako pumasok eh bibigyan ako ng memo or corrective action sa bawat araw na mawawala ako. So, without a choice, pumasok pa din ako kahit masama ang pakiramdam ko. After 2-3 days, napaabsent ulit ako, Nadiagnose po ako na may hypertension. Naubos ko na ang lahat ng mga leave credits ko na pwedeng ipagamit ng company, Sick Leaves, Emergency Leaves and even Vacation Leaves.Up to the point na lagi na po akong unpaid sa mga absences ko. Pero lahat po ng absences ko, ay supported ng mga medical documents. This went on until recently, last week ng May, 2015, nagadvice ang cardiologist ko na mag undergo sa Coronary Angiogram. Pinayagan ako ng company mag leave. So nung May 28th, nakaschedule ako for confinement, pero pumasok pa din ako ng halfday dahil para di magulo yung maiiwan kong work. On that same day, mineeting po ako, along with my 2 other colleagues. Ililipat daw po kami sa another campaign, pero magtitake na kami ng calls. Ito yung original account na ibinigay sa akin, nungn nagapply ako sa company. Pero after 6 weeks ng training, nilipat din kami kasi may isang process na di maapprove ng Australian government kaya sumobra ang mga tao nila, at ayun nga po, nalipat kami dito sa process ng Underwriting. Almost 2 years na po ang nakakaraan. So nung May 28th nga po, sinabihan kami na ililipat kami ng campaign. Nakiusap ako sa kameeting naming Director and Operations Manager, na baka pwedeng ireconsider ang decision nila, given the circumstances. Sabi nila magadvise lang agad ako sa result. Naconfine ako hanggang May 30 para sa procedure, na ang resulta, Coronary Artery Disease, na may single vessel na nakikitaan ng bara sa puso. Advice pa ng cardiologist, mag undergo ako sa Angioplasty para agapan ang sakit ko. Nagadvice din ng less stress, dieting, at kung ano pang kelangan para mapabuti ako. Pinadala ko agad ang medical certificates and results sa mga boss, kasama na ang HR at Company Doctor at inulit ko ang appeal ko na wag na akong ilagay sa magtitake ng calls, dahil sobrang stressful po doon. Wala pong sumagot sa email ko, pero nung nagtext ako sa supervisor ko, final decision na daw *** paglipat namin.

    Ang gusto ko pong malaman kung may right po ba akong ipaglaban na iprioritize ko din ang kalagayan ko, na ang pagkakaroon po ng heart ailment ay hindi dapat iignore at humihingi ako ng consideration sa opisina. Ano ang dapat kong gawin, or may grounds po ba ako para idemanda ang mga taong involved dito? Ang sinabi nila, sobra na din daw kasi sa tao ang account namin kaya kami ililipat at yung paglilipatan eh kailangang kailangan ng tao. Pero napag alaman ko, kaming tatlo lang ang talagang ittrain at idadagdag sa account na yun, at ngayon, naghhire sila ng tatlo, bilang kapalit namin sa iiwanang account. Hindi ko po makita kasi ang consideration at justice dito sa kabila ng pagkakasakit ko.

    I hope you can help me on this. Please email me your reply at [email protected].

    Thank you,

    Henry
  • jbernedo10jbernedo10 Member PExer
    hello po.. itatanong ko lang po sana kung pwede po ba ma-amend ng seller yung contract to sell ng lupa kahit na po hindi payag ang buyer at pareho na po sila may pirma sa contract? Nagkamali po kasi ang seller ng computation ng total sqm na sukat ng lupa na binebenta sa buyer. Pati po kasi yung right of way namin sa isang side ng lote namin ay naisama. kasi po yung lupang pinili at nabili po namin ay corner lot along the main road at nakasaad po sa title ng lupa namin na merong road on the north-west and south-west ng lupa namin. kaya lang po ay sakim po sa lupa ang kapitbahay namin dahil po nakapangasawa ng amerikano at biglang naging milyonarya at binibili nya po ang lahat ng lote sa block 7 and block 8, at ang lote at bahay ko na lang po sa block 8 ang hindi nya nabili sa amin sapagkat di naman po namin pinagbibili. kaya yung lapad na 5 meters na road po sa pagitan ng block 7 & 8 ay pag-aari nya na raw po at kanya nang babakuran kahit wala pa naman po syang deed of absolute sale at meron pa lang na contract to sell. yung lapad na 6 meters sa main road na nasa tabi po ng bahay namin, dun lang daw po kami may right of way samantalang corner lot nga po ang pinili namin dahil gusto namin na may access kami sa road, space, air at natural light on both sides of our lot. yung karapatan lang po naman namin sa 2 roads ang nais namin. Nung nakausap ko po ang seller, ipapa-amend nya daw po yung contract to sell.ang pangamba ko po ay paano kung di pumayag ang buyer? anu po ang dapat kong gawin para maibalik yung karapatan ko sa isa pang kalsada, at sinu po ang dapat managot, sapagkat pinili po namin ay corner lot at corner lot po ang ibinenta sa amin tapos biglang hindi na po magiging corner lot ang lupa dahil pati po kalsada sa harap ng bahay namin ay nagkamaling ibenta?maraming salamat po in advance sa inyong tulong..God bless..
  • jhanebetitojhanebetito Member PExer
    ask k *** po *** po s akin po b mappnta ang anak kng 8months kng mkikipghiwalAy po me s live in partner k for10 yrs.hnd n po tlaa *** msaya at d ngkakasundo...ntatakot po kc me ilayo nia anak ko,, balak k po kc mg abroad at s parents k po ipaalaga anak ko kc nkikita ko po s kinakasama ko n hnd mgiging maayos ang bata s knya kc kakaiba po ugali nia
  • Good Day ATTY:

    Situation.  Amount ng naging utang is (100000 PHP mahigit)

         Nagusap kami ng aking kapitbahay na sila ay magpapalabas ng pera at ako ang mag fund sa kanila. Sila ang nag set ng Interest at terms ng payment.  Ang usapan naman ay labas na ako kung kanino nila ilalabas ang pera bastat sila lang kausap ko. kung hindi makahulog ang binigyan nila sila ang magbabayad sa akin at labas din ako kung magkano ang iinteres na ilalagay nila.  That was Jamuary 2017 nung mag start, by august 2017 di na sila nag huhulog sa akin dahil nag stop ako ng pag bigay ng fund, napansin ko kasi na naghuhulog sila ng 1000 then kukuha ng 2000 same day at minsan naman ay 2000 hulog 4000 kukunin or more. Ang nangyari nung hindi ko n sila nireleasan totally hindi n sila makapagbigay sa akin. At same month August 2017, itinigil ko rin ang pag iinteres nila ibalik lang ang pera sa akin. from then nagbago bago na ang usapan papano sila mag babayad sa akin, lahat ng pinag usapan namin ay palyado sila at di makabigay.

    Umabot na rin ako sa PAO at hinihingan naman ako ng Certificate to File Action from BRGY Captain.  Ayaw naman magbigay ng kapitan kasi lalabas na raw sa authority nya which confirmed by DILG na hangang halagang 200PHP lang ang pwedeng pakialaman ni Kapiran.

    So para lang mabawasan n ang abala at gastos ko sa kapapabalik balik sa PAO pumayag ako sa usapang magbibigya sila sa akin ng payment daily na 60 PHP, Pag nakarelease sila sa kanilang SME Loan (Card) magbibigay sila ng malaki at pag maganda ang byahe ng tricycle ay mag dadagdag n lang sa hulog sa akin. That was March 2018, Ngayon January 2019 ni minsan hindi sila nag dagdag ng hulog not even once.  Natangal sila sa Card pero may naginform sa akin na member pa din sila ng card sa ibang brgy. n nga lang, member din sila ng isa pang SME dito sa BRG namin. Same thing not even once nagbigay sila ng malaki.  Sa daily na 60 PHP wala kahit isang buwan ang kumpleto ang hulog.

    Kaya nag desisyon ako na gawing 100 PHP man lang ang hulog nila daily para naman may pang dagdag ako sa pagkain ko.  Pero sila pa ang galit and now galing na din daw sila sa PAO at itinatanggi na nila na ang halagang dapat nilang bayaran sa akin ay 100000 mahigit pa at wala pa naman daw sa kalahati ang nakuha nila. Pero May list ako sa computer ko ng nakuha nila, ang invested pa lang naming mag asawa in total is 77200 exact value.  Wala naman kaming naging interest dun dahil pag nakakaipon n ng kaunti kinukuha na ulit nila at irerelease daw nila, kaya ang inabot in total ng nakuha nila ay 133000. 

    Sa kabibigay nila ng 60 php at ung mga naunang ibinigay nila from August 2017 - January 2019 ay nasa 101000 n lang ang natitira.

    Available evidence:

          Index card na pinirmahan nila at excel computation na ginagawa ko dati everytime na maghuhulog sila.

    Anu po ba ang pwede kong ifile na kaso sa kanila at may pagasa po ba na mabalik pa sa akin ang amount na kinuha nila?

    Thanks 

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file