Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

ATTN: Anyone. Please hear me out...

Actually, this is more of an emphatic type of listening for you guys kasi I just really need to tell someone my dilemma. I'm going to die if I keep this inside any longer. Although I will really appreciate it if you guys can give me some advice :) So I want to thank everyone in advance.


Kasi there's this girl in my class. Itong girl na 'to siguro ang pinakamataray na babae sa lahat. Ang tahitahimik pa and super cold. Parang palaging may problema. Yung mga katropa ko nga na lalaki, hindi siya kilala nung sinabi ko sa kanila kung sino yung gusto ko sa class, and take note lumipas na ang isang year noon, ahaha.


Dati kasama ko siya mag hang-out during our first year in college, alongside with her only probably close friend na girl that time kasi nanggaling sila from the same school. Nagkatuluyan kasi yung close friend niya and yung close friend ko rin, so us 4 ended up as our small gang.


Then dito nagsimula nagkagulo ang lahat. I ended up falling for her and I confessed, although text nga lang kasi she always want to get home early after class kaya I didn't get the chance to say it in front of her. But her only reaction that time was almost like "k" sa text. So ayun, busted. Tinanong niya pa nga ako kung nasaktan niya daw ba ako, ahaha wth... Pero still, nag-usap pa rin kami sa text. 'Yun nga ata pinakamahaba namen na pag-uusap.


Pero after that, everything changed.Our line of communication stopped, umiwas siya sa akin every time we crossed paths, she shifted her head away every time I was talking to her. Every lunch kasi nagsasabay kaming 4. Pero siya, nauna na agad. Eh since palaging niyang kasama yung close friend niya AND since sila nung friend ko, I was left out. That was the most painful part. Kasi nagkawatak yung group namen dahil sa pagconfess ko. Buti nalang I found a new circle of friends, and sila yung mga katropa kong lalaki I mentioned earlier.


Ganun ba talaga ang mga girls na pag may nagtapat na guy sa kanila na they don't find attractive to, maiilang na sila sa kaniya? Ang dami tuloy umikot sa isip ko noon. Siguro kasi I look more like of a 16-17 year old, even though I'm about to turn 19. Even my friends say so. I'm not the type of guy kasi na girls would fall into if they're looking for those with nice arms or tight abdomens. Pero facially gifted naman ako... I think (ahaha, chos). You could also say na nice-guy type ako. Even the last girl that I tried courting told me "You're too sweet, kaya I can't be with you." *sigh* nice guys will always finish last I guess.


So anyway, I tried to forget about her. At the end of the second semester of our 1st year, nagkatext ulit kami. Tinanong ko kung naiilang pa rin ba siya sa akin. She said hindi na raw. I was thankful for that kasi finally napanatag na rin loob ko. I promised to myself na kakalimutan ko nalang siya so I didn't responded to any of her texts anymore.


That ended horribly for my 1st year in college. I'll post the continuation nalang tomorrow, kasi it's kinda late na as of now. Again, thanks for listening to my story...

Comments

  • TAYO nalang:lol:
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Atupagin mo muna ang pag-aaral saka ka na KUMERENGKENG kung may pampalamon ka na sa sarili mo.... :glee:

    -Just_JT
    Sinasayang.mo.lang.ang.pangtustos.ng.magulang.mo. :bungi:
  • gotta lick itgotta lick it PEx Influencer ⭐⭐⭐
    wala na bang ibang babae sa kabilang classroom




    manligaw ka sa ibang babae at ipakita mo sa girl na ... "youre over her."
  • I don't think its good na manligaw agad ng iba just to show you are over her. Ang mabuti pa kuya ay mag-aral ka na lang ng mabuti. Engage in sports para mas lalong lumawak ang circle of friends mo. Get yourself busy. :)
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Tama mag-aral ka muna ng mabuti imbes na kumerengkeng. Saka iwas-iwasan gumamit ng mga pambading na expression tulad ng "chos".
  • toji8toji8 PEx Veteran ⭐⭐
    ilang beses nang nasagot ang mga ganitong problema sa pex ah.
  • dylandarkk8dylandarkk8 PEx Rookie ⭐
    focus on studies first, when you achieve your goal saka ka maghanap ng babaeng para sa iyo. Well if you cross path with that girl along your way, learn to prioritize and dont be bummed when they reject you. rejection is normal, move on and find someone better. ;)
Sign In or Register to comment.