Home PEx Local Entertainment Showbiz - Movies

MR.WONG Starring ROBIN PADILLA with ALJUR ABRENICA and KYLIE PADILLA

Metro Manila Film Festival movie ni Binoe.. :)

First Movie ng KYLJUR!!

Comments

  • 316350_177595902318511_128162563928512_384403_594583366_n.jpg

    MOVIE WITH ROBIN AND ALJUR. Ilang beses na nagkaharap na naman daw sina Aljur at ang ama niyang si Robin. The last time was during the sory conference daw ng pelikulang Mr. Wong sa Regal Films kung saan magkakasama silang tatlo.
    "Wala naman kaming [sila ni Aljur] ginagawang masama, e. At never naman silang [Aljur and Robin] hindi naging okey."



    -pep.ph
  • 306313_173788959365872_128162563928512_372679_1582779245_n.jpg

    Inseparable Aljur and Kylie

    SUPER-SWEET sina AljurAbrenica at Kylie Padilla sa fans day-*****-album promo tour ni Aljur sa Trinoma Activity Center last Friday. Pumunta daw si Kylie para suportahan si Aljur pero nagpaunlak siyang kumanta. Ikinakilig nang husto ng fans ang duet nila dahil punung-puno raw ng feelings ang pagkanta nila ng Please Be Careful with My Heart.

    Nang tanungin ng fans si Kylie kung ano ang pinagusto niyang parte ng katawan ni Aljur, sagot ni Kylie, ang mata raw ng aktor.

    Hindi nga mapaghiwalay ang dalawa dahil kung nasaan ang isa, andoon din daw ang isa. Tulad nu’ng rumampa si Aljur sa Cosmo Top 10 Single Men sa World Trade Center noong Sept. 15, present din ang dalaga ni Robin Padilla.

    “Andoon ako kay Aljur para sumuporta sa kanya. Pang-opening number si Aljur at hindi siya kasama sa Top 10 Single Men. Bale guest lang siya,” say ni Kylie.

    Paliwanag naman ni Aljur, pinapunta lang daw siya ng Century Tuna Hotdog para i-represent ang company at hindi siya kasama sa Top 10 Single Men.

    Nagulat din si Kylie sa ginawang pagto-topless ni Aljur kasi naman, kitang-kita ang abs ng hunk actor na pinapantasya ng mga kababaihan at bading.

    Pero mas na-shock daw si Kylie kaya nagtakip siya ng mga mata sa ginawang paghuhubad ng Top 10. First time daw kasi niyang pumunta sa ganitong affair.

    Halos everyday din na magkasama sina Aljur at Kylie dahil may movie sila kasama si Robin Padilla, entitled Mr. Wong, na co-produce ni Robin at ng Regal Films.

    Bukod sa Mr. Wong, si Aljur din ang bida sa Valentine’s Day movie offering ng GMA Films at makakasa-ma niya sina Rhian Ramos at Bela Padilla.

    Bukod dito, papasok na rin sa Aljur sa Amaya anytime this week.

    “Excited ako rito dahil si Marian ang partner ko. Alam mo naman kapag Marian ang project, laging patok,” nakangiting sabi ni Aljur.

    May naka-schedule ding concert ang Kapuso actor sa abroad . Dadalhin si Aljur ng Pinoy TV sa Japan sa Sept. 23-25, then on Oct. 28, nasa Los Angeles siya at sa Oct. 29, sa San Francisco. Ma-lapit na ring i-release ang third album niya na produced ng GMA Records. Kasama rito ang revival song na kapag kinakanta ni Aljur talagang tinitilian siya -- ang Hindi Ko Kaya -- na dating hit song ni Richard Reynoso.
Sign In or Register to comment.