Home PEx Relationships Love - Dilemmas

mahal ko siya pero pagod na ko

Nagbreak kami ng long-term gf ko summer last year.

May problema kasi ako sa work at sa family ko. Masyado ako naaapektuhan ng problema na yan to the point na naging unhappy na ako sa buhay ko. During that time, siya na lang ang kahit papano e nakakapagpasaya sakin. Yun bang siya na lang ang dahilan kung bakit bumabangon pa ako sa umaga. Habang sinusubukan kong hanapin ulit yung happiness sa buhay ko, medyo supportive naman siya. Pero hindi ko napansin na unti-unti siyang nagbabago. Nagiging demanding, clingy, laging galit, tapos kinukulit ako ng mga plano ko sa future. Hindi ko siya laging napapagbigyan dahil sa work at family nga, at hindi ko rin naiisip pa ang future dahil yung present nga hindi ko masolusyunan e. Nakipaghiwalay siya akin. Hindi ko sineryoso yung pakikipagbreak nya na yun, kasi mahilig siya dun e. Pero iba that time kasi sinoli nya yung mga gamit ko sa bahay nila. Tapos hiningi rin niya lahat ng gamit nya sakin.

Halos magunaw mundo ko nung nagbreak kami. Matagal akong umiyak at nalasing hanggang sa nagkasakit na ko sa atay. Pero nagdesisyon ako na tama na. Kaya binuhos ko na lang yung sarili ko sa trabaho at nagreconnect sa mga dati kong kaibigang di ko na nakasama habang kami pa. Sa sobrang hectic na ng schedule ko ngayon halos hindi ko na siya naiisip.

Pero ngayon, nagpaparamdam siya ulit. Sinabi ko na sa kanya na ayoko na kasi nasaktan talaga ako at pagod na ako. Tapos umiiyak siya, nagmamakaawa na balikan ko daw siya. Minsan naman pag di siya umiiyak, pinapaalala niya bigla yung mga nakaraan namin. Tapos kung ano ano ang biglang naiisip na dahilan para mapilitan ako makipagkita sa kanya. Ewan ko parang hindi na ako komportable sa kanya e. Parang naaawa na lang ako minsan e.

Mahal ko pa ata siya pero pagod na talaga ako e. Ano bang gagawin ko sa kanya?
«134

Comments

  • TipipayTipipay PEx Veteran ⭐⭐
    Oh my, TS your story sounds familiar. hahaha, very familiar. parang ganyan din kasi situation ko. :lol:

    hmmm, kung mahal mo pa siya, why dont you give your relationship a chance? baka naman kasi mag-work out pa between the 2 of you, pero kung hindi na well that's the end of it.

    The most important thing in a relationship is communication. so talk with her, tell her what you really feel. tell her everything.

    *for my part, i moved on. and now im happy, but sometimes naiisip ko pa din siya. pero im working on it.

    i wish you luck TS!
  • :lol: akala ko BF ni tipipay si TS.
  • blue_tracerblue_tracer PEx Influencer ⭐⭐⭐
    akala ko rin. parang pinagbiyak lang na moonay yung threads nila eh. hehehe :hiya:
  • pag pagod na... tigil na.
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Kung saan ka masaya suportahan taka... :love:
  • ok,sabihin mo,pwede naman na siguro ang 2 rounds gabi-gabi.
  • ayan nagtext na naman siya. magdinner daw kami mamaya.

    sa tingin ko mahal ko pa naman siyaa, pero kasi ayaw ko na masaktan ulit. at kahit masaya naman ako pag kasama ko siya, hindi ko pa rin maiwasang maalala na pag naisip nya bigla pwede na naman nya ako iwanan.

    may mga araw gusto bigyan ng chance, may mga araw din na ayoko na. Worth it kaya?

    @Tipipay, na-curious ako sa thread mo. baka nga ako yung ex mo ah!
  • JameauxJameaux PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^

    Meet na kayo ni Tipipay. Use the PM button. :love:
  • revhardrevhard PEx Veteran ⭐⭐
    Wag mo pilitin kung ayaw mo. Mas ok nang hindi kayo kesa kayo nga, napipilitan ka lang naman.
  • usually ang gusto talaga sabihin pag ganyan.. " mahal ko sya pero gusto ko naman makatikim ng iba" :lol:
  • TipipayTipipay PEx Veteran ⭐⭐
    @Tipipay, na-curious ako sa thread mo. baka nga ako yung ex mo ah!

    haha, baka nga! :rotflmao:

    :naughty::naughty:
  • :lol: nyahahaha!
  • Hi there,

    From a girl's point of view, minsan kase nakikipagbreak ang girl to threaten you guys and check if kakagat kayo. If you do, tingin namin you don't love us much. Saka more often than not, it's our way of making 'papansin' sa guy. So based on your kwento, I think she just wants to get your attention, kase sabi mo nga you're too pre-occupied sa work and family. Kaya nakikipag-break siya, nagpapaamo lang yun maybe.

    If you do really love her, gaya ng sinasabi mo why don't you give it a try? Pero if you really are tired, just let her go - for good. Habang pinapaasa mo kase siya, lalo lang siya masasaktan. But make sure na yung decision mo will make you happy and no regrets in the end - baka kase when you realized na mahal mo pala talaga siya, eh she's gone na.....for good
  • ^ nakakapikon din yung naghahamon ng break up kahit di naman seryoso. tao rin naman kami,nasasaktan at naaapektuhan pag nakikipaghiwalay sa gf. naks.
  • Mejo naguguluhan na rin talaga ako e. Natuloy yung dinner namin. Parang normal lang siya kahapon. Hindi nangulit or nagmakaawa. Natuwa naman ako na kasama siya. Pero at the same time nasasaktan din. Kapag naiisip kong bigyan ng chance bigla kong naaalala yung trauma/pain e.

    Iniwan nya ko nung panahong alam niyang siya na lang ang nagbibigay saysay sa buhay ko. Tapos nakipagsolian pa ng gamit.
    Tapos ngayong nakakarecover na ko bigla siyang babalik. Bakit siya bumabalik?

    @iska, bakit naman kasi kailangang gawin nyong leverage yung relationship? Para naman kasing hindi nyo pinapahalagahan e. Tama si @TTJ, nasasaktan talaga kami. Sinusubukan naming ibigay lahat ng gusto nyo, kaya pag naghahamon kayong ganyan, ibibigay namin kahit masakit dahil yan ang gusto nyo.
  • TTJ wrote: »
    usually ang gusto talaga sabihin pag ganyan.. " mahal ko sya pero gusto ko naman makatikim ng iba" :lol:

    Haha, sana nga ganyan tol. Kasi marami pinapakilala sakin na mas sexy at willing kesa sa kanya :naughty:
  • rokrokrokrok PEx Veteran ⭐⭐
    Kung hindi mo na mahal at awa na lang nararamdaman mo wag ka ng makipagbalikan, panindigan mo na lahat, importante kasing mahal mo siya kung hindi sa hiwalayan lang rin kayo mauuwi, masasaktan ka, masasaktan din siya.
  • TipipayTipipay PEx Veteran ⭐⭐
    sometimes, guys are so insensitive! on the other hand, girls are quite sensitive. :)
  • ubermenschubermensch PEx Influencer ⭐⭐⭐
    TTJ wrote: »
    ^ nakakapikon din yung naghahamon ng break up kahit di naman seryoso. tao rin naman kami,nasasaktan at naaapektuhan pag nakikipaghiwalay sa gf. naks.

    right! what's with the games they play anyway? games, fukcing games.
    Mejo naguguluhan na rin talaga ako e. Natuloy yung dinner namin. Parang normal lang siya kahapon. Hindi nangulit or nagmakaawa. Natuwa naman ako na kasama siya. Pero at the same time nasasaktan din. Kapag naiisip kong bigyan ng chance bigla kong naaalala yung trauma/pain e.

    Iniwan nya ko nung panahong alam niyang siya na lang ang nagbibigay saysay sa buhay ko. Tapos nakipagsolian pa ng gamit.
    Tapos ngayong nakakarecover na ko bigla siyang babalik. Bakit siya bumabalik?

    @iska, bakit naman kasi kailangang gawin nyong leverage yung relationship? Para naman kasing hindi nyo pinapahalagahan e. Tama si @TTJ, nasasaktan talaga kami. Sinusubukan naming ibigay lahat ng gusto nyo, kaya pag naghahamon kayong ganyan, ibibigay namin kahit masakit dahil yan ang gusto nyo.

    I think the most you should give her right now is your friendship. Nothing more. You can't go back to being a couple right after what happened. Maybe someday, but now's too soon. And no pressure.
  • mrs.tezukamrs.tezuka PEx Veteran ⭐⭐
    Nagkasakit ka sa atay? :whatthe: Anong inom ba ginawa mo?
    Kung pagod ka na, tama na. Baka pag binalikan mo pa siya... Isa lang ang atay mo. :dizzy:
Sign In or Register to comment.