Home PEx Business and Careers Call Centers and Call Center Jobs

Ang Pag-apply ni nognog sa Call Center

August 12, 2011

9:30 AM

Stream Shaw

Objective: Applying for a sales associate (chat support)

Exactly 9:30AM ako dumating sa stream. Inasikaso ako ng receptionist kuno na mukang OJT lang. Sabi niya hindi daw available yung chat support, sabi ko naman bakit nakapost sa jobstreet? Hindi siya nakasagot...tapos sabi niya available lang daw CSR and TSR... naasar ako pero sinabi ko na lang na "Ok, I'll just go for CSR position." nandun na ko eh kaya nag apply na lang ako for CSR. Ang tagal ko naghintay.. natapos na ang detective conan, slam dunk, at gma box office ba yun.. pelikula pa ni eddie garcia..panahon pa ng kopong kopong.. ilang galon na rin ang naihi ko.. ang tagal talaga.. 12 ng tanghali tinawag name ko at iba pa para sa exam.. sa awa ng Diyos pasado naman.. madali lang kaya.. 2 bading pa yung exam admin.. wala lang share ko lang..

2:10 PM Initial interview.. *** interviewer ko parang inaantok.. ito yung tinanong sa akin,.,

"Tell me more something about yourself"
"What are the things that you can improve on yourself?"
"If you can turn back the time, what event would you like to go back and why?"

nasagot ko lahat yan.. confident pa ko.. pero sinabi sa akin..
"I like to offer you our English Training *churva* 2 weeks daw.. hello? 2 weeks pero walang allowance??? taga alabang pa ko ah.. no way..
i declined.. parang siya pa ang galit.. batukan ko sya eh.. :grrr:

mga 3 onwards lumabas na ko ng stream.. kumain ng siopao sa mini stop.. at pag lingon ko......... BRADY.....
«13456753

Comments

  • so what happened with brady? share ka naman..
  • BRADY..............

    Yun pala yung malaking banner..

    CUSTOMER SERVICE
    BACK OFFICE POSITIONS
    SALES

    Nung nakita ko yung back office pumalakpak tenga ko.. hehe.. maliit na office lang siya.. pagpasok ko cleavage ng receptionist nakita ko.. kasalanan ko ba? may mata ako eh.. ang laki kasi.. pero hindi ko naman pinahalata.. haha.. sabi ko available pa yung back office position? (in english) sabi nya oo available pa daw.. nag fill up nanaman ako ng form.. sulat walang katapusan na referral.. nag imbento na lang ako ng name at contact number haha.. then after 20 minutes interview.. ang gusto ng interviewer ibigay sa akin *** sales position sabi ko ayoko.. sabi ko "i want the back office position.." sabi ba naman.. "but based on your qualification, you are fit on the sales position.." pagpalitan daw ba.. "oo" na lang ako.. then online exam.. dun ako bumagsak.. d daw umabot score ko.. sabi niya " Just wait for my call for the retake of the exam.. sabi ko "no need to call me.. i want the back office position not the sales position.." taray di ba?? pero ok lang bagsak naman eh..
  • When your confident does it really imply that your good with grammar. They are offering you a great offer stream will give you 300 per day while training your grammar. What a stupid decision from an impatient stupid man. And you even failed brady's the online exam LOL. I mean its the basics. goodluck with your jobhunting, wait i really mean it GOODLUCK :D lol!
  • JOHN CLEMENTS.........

    Alam ko na 'toh eh.. pero sabi ng friend ko puntahan ko daw baka daw sakali may iendorse sa akin na call center na may easy account.. punta naman ako...

    Pawisan ako nang makarating sa LKG TOWER.. ang cute ng labrador nasa tapat ng entrance.. wala lang..share ko lang.. pag akyat ko sa 11B floor tinanong ko si kuya "I'm looking for ****.. sabi ni kuya
    "ay nasa baba sa B1.." kaasar... malay ko ba na dalawa office nyo.. baba naman ako...pagdating sa B1.. nawala galit ko.. ang ganda ng receptionist.. singkit..tama lang ang katawan.. hapit ang palda.. wow.. puti ng binti.. wala lang share ko lang.. after 30 minutes ininterview ako ng lalake..parang bading na matanda.. and may kasama ako 3 applicants.. 2 lalake at 1 babae.. medyo naaaawa lang ako sa 1 lalake kasi hindi yata marunong mag english.. tinatanong ng interviewer... "where you from?" di makasagot.. sa sobrang awa ko parang gusto ko ako na lang sumagot.. yung babae ganun din.. medyo may pagka bisaya pa.. yung isa naman ok pa.. syempre we passed the initial interview.. then we took the exam.. akala ko bagsak ako kasi may computations which i really dont like parang..

    in 1 hour how many kilometers churva churva.,..
    ayoko ng ganyan.. computations.. pero nakapasa naman kahit yung iba walang sagot haha.. then typing exam.. 98% 45 wpm... haha..
    yabang.. ako na.. haha..

    then final interview.. kainis.. sitel ang bngay sa akin.. sa pasig.. layoooo... hindi ko alam kung pupunta ako... baka hindi na...

    next stop... Alorica......
  • imbokkkk wrote: »
    When your confident does it really imply that your good with grammar. They are offering you a great offer stream will give you 300 per day while training your grammar. What a stupid decision from an impatient stupid man. And you even failed brady's the online exam LOL. I mean its the basics. goodluck with your jobhunting, wait i really mean it GOODLUCK :D lol!

    300 ka jan.. wala siya sinabi na may babayaran kami for training!!! :grrr: suntukin ko kilikili mo eh!!! *peace*
  • the misadventure ba yan nognog? Yes, as far as I know paid yung english training nila pero one of my friends told me na hindi na daw paid yun.. idk... lugi ka yata nognog... alabang ka eh talo pamasahe LOL
  • Pare bugok ka. Wag ka na umasa sa callcenter pare marameng bakante sa jollibee at mcdo. Makaasta ka akala mo marunong ka magenglish choosy ka pang bugok ka. Pusta limandaan di mo kaya ikwento yang mga kajejemonan mo sa english
  • chilax imbokkk ^_^

    hayaan mo na siya, share lang yan ng experience niya.
  • where is alorica? ^_^

    [CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]SET 4 PIECE 5
    TheLastHope-5.jpg[/CROUCHING-TIGER-DISAPPEARING-SPOILER]
  • avaya024avaya024 PEx Rookie ⭐
    300 ka jan.. wala siya sinabi na may babayaran kami for training!!! :grrr: suntukin ko kilikili mo eh!!! *peace*

    hahahahha!!!! maybe what imbokkkk meant was....you will be paid 300 pesos during your english/grammar training...
  • Haha, nakakaaliw naman tong thread na to.

    As far as I know wala talagang allowance ang offer na free training for English basics/grammar.. kasi in the first place, the company is doing you a favor by means of free training probably because nakitaan ka ng potential.

    intay mode muna ko sa next kabanata, yung Alorica.. haha
  • rubberr_duckyrubberr_ducky PEx Influencer ⭐⭐⭐
    where is alorica? ^_^

    Meron sa Ortigas (along Emeral Ave.) at may isa pa rawsila dun sa Eastwood. :)
  • more more nognog.. :lol: nakakaaliw eh!
  • cool parang nagbabasa lang ako ng tabloid at funny comics hahaha naaliw ako dito ah
  • imbokkkk wrote: »
    When your confident does it really imply that your good with grammar. They are offering you a great offer stream will give you 300 per day while training your grammar. What a stupid decision from an impatient stupid man. And you even failed brady's the online exam LOL. I mean its the basics. goodluck with your jobhunting, wait i really mean it GOODLUCK :D lol!


    OMG! Somebody call the grammar police and teach imbokkkk good writing skills :rotflmao:

    ***
    When your confident does it really imply that your good with grammar. They are offering you a great offer stream will give you 300 per day while training your grammar. What a stupid decision from an impatient stupid man. And you even failed brady's the online exam LOL. I mean its the basics. goodluck with your jobhunting, wait i really mean it GOODLUCK :D lol!
    ***

    129141364999391149.jpg
  • yang stream na yan paasa yan eh. kunwari ipapasa ka pero di ka naman tatawagan.
  • jamie_07jamie_07 PEx Veteran ⭐⭐
    @pingguerrero14

    what was the exact words po ba na sinabi sa yo ng recruiting ng stream? as far as i know, yung line na "we'll call you if you pass" is very usual sa mga companies, not only in stream, pag di pumasa.

    as for the training in stream naman referred by TS, i underwent that training before. if i'm not mistaken, the training they were offering you is for LPET. in that training, they will help polish your english speaking skills. they might have seen potential in you, but you still need some polishing - this could be related to accent, grammar, etc. before, they were giving an allowance of 150 per day, last i heard it was already 300, not sure if that allowance has been removed though. point is, the company will be training you for free whether you get hired or not. if you attend their training and were not hired, then you could at least use that training in applying to other companies. not sure if they'll allow it, but you could have probably requested to undergo the training in alabang since it's nearer your place.
  • @ pingguerrero14

    I applied at Stream a year ago.. they said they will call me soon for job offer. After 2 weeks they called me for Job offer, unfortunately I was enrolled already at that time. Maybe they said you were shortlisted? And that they will call you should their needs arise.
  • i'll wait for your alorica application lol

    anyway, its okay may mga grammar lapses ka what important is you keep on trying. apply lang ng apply. ganyan talaga.

    Proud ako sa mga applicants na masisipag kesa sa naman dun sa mga applicants na magaling nga mag english super yabang naman, insecure lang yan sayo nognog hehehehehee goodluck, mate!
Sign In or Register to comment.