COMMUNITY NOTICE: If you are having trouble in your account access, please do send us a message at [email protected] for assistance.

Gusto ko lang makuha ang opinion ninyo sa picture na to

spiffy22spiffy22 It's so fluffffeeeeh! PExer
x2_768e2c2

Mali ba o Tama?
«13

Comments

  • my_2_centsmy_2_cents In your pocket. PExer
    Paano kung binata o dalaga ka? Hindi ka na maaaring mag-communion dahil hindi ka kasal????????????

    Isa ito sa mga dahilan kung bakit marami nang umaalis sa Simbahang Katoliko ... marami akong kilalang Pinoy na dating Katolikong lumipat na sa ibang Christian Ministry.

    --
    my_2_cents
  • pangasarpangasar You had me at meat tornado. PExer
    Bakit nagiging masyadong mapagmataas ang simbahang katoliko ngayon? Hmmmmmm.....

    DIYOS na ba iyang mga iyan?
  • whattheheywhatthehey Curves for daysss PExer
    my_2_cents wrote: »
    Paano kung binata o dalaga ka? Hindi ka na maaaring mag-communion dahil hindi ka kasal????????????

    Isa ito sa mga dahilan kung bakit marami nang umaalis sa Simbahang Katoliko ... marami akong kilalang Pinoy na dating Katolikong lumipat na sa ibang Christian Ministry.

    --
    my_2_cents

    Grabe na talaga ang Catholic church. Yun lang masasabe ko.
  • original_gigolooriginal_gigolo Member PExer
    "...if you are not married in the church"

    This may refer to those live-in couples without the benefit of the sacrament of matrimony..so I guess ito and tinatarget nila to show na hindi sila approve sa ganitong set-up. But of course, subject pa rin ito sa ibang interpretations dahil ambiguous yung words na ginamit.

    Isa pa, may political color ito para ipakita yung stance ng church na anti RH Bill na mainit na issue ngayon..timing says it all

    anyway, as far as I know, hindi pinapagbawal sa Roman Catholic teachings (anong religion ba ito TS?) ang pag take ng communion pag naki live-in ka dahil masyado itong "gray area". Ang naalala ko lang dapat clean conscience ka at mas maganda na nakapag repent ka before mag communion

    yun lang hehehe serious masyado e :D
  • hardylainehardylaine Pakboy ng Lagro PEx Influencer ⭐⭐⭐
    eh di wag kayo mag-communion.. tinapay na walang lasa lang naman kasi yun.. :lol:

    kung ayaw ng pari, lipat sa ibang religion.. catholic lang ba religion sa mundo? :lol:
  • whattheheywhatthehey Curves for daysss PExer
    Sakin lang, sa picture na yan kasi nagkakaroon na ng discrimination.

    Eh sa bible, welcome na welcome ang mag anak ng diyos pag lumalapit sa kanya, kahit anong kasalanan at kahit gano kaduming tao ka. so bakit kelangan mag impose ng ganyang kaartehan ang simbahan? wala lang parang ang cruel naman nila. Na imbis sila ang mag initiate ng kapatawaran at pagbabalik loob sa mga nagkakasala eh parang lalo nilang pinapalayo ang mga tao sa simbahan.

    whatever nalang.
  • hardylainehardylaine Pakboy ng Lagro PEx Influencer ⭐⭐⭐
    whatthehey wrote: »

    ok lang yan.. hindi naman kasi sila totoo eh.. :lol:
  • DragoneiDragonei kissed by a rose PExer
    The whole RC practice is based on a huge hypocrisy. Sabi protect the sanctity of life and peace, pero nananakot naman sila ng bloody war at civil discrimination pag naisabatas RH bill. Pati mga miyembro nila hihikayatin daw na huwag magbayad buwis. Vow of poverty daw, pero sa probinsya namin, magregalo ka sa pari ng fundador, mapapahiya ka lang. Kasi kaugalian na dun magregalo ng chivas regal o mamahaling stateside na alak sa pari. Not to mention, SUV hihingiin na birthday gift sa presidente And now this? Akala ko ba mismong si Jesus kumain kasama ng mga makakasalanan.

    Kaya nga minsan tinanong ko sarili ko eh. Para kanino pa ba ako nananatili sa relihiyon? Para sa dyos? O para sa pari. Ang alam ko kalooban dyos dapat paglingkuran, hindi ang [email protected] ng simbahang katoliko at ng mga pari at obispo.
  • _BANSHEE__BANSHEE_ ✡Irish Fairy✡ PExer
    Pati ba dyan, may shortage pa rin kaya kung anu-ano na lang sinasabi? Hay naku. Ang masasabi ko lang, go on. Carry lang yan. Ask for forgiveness na lang later. Patatawarin ka rin naman eh. I mean, really no pun intended. Kaya nga na-post ko rito minsan na confused talaga ako sa mga ganyan. Kaya kahit anong rules ang ginagawa nila, para ano pa't susundin mo kung puwede ka namang humingi ng tawad at patatawarin ka rin naman? Basta gawin mo raw ng sincere. May shortage lang sila ng cookies kaya ganyan. Sorry po. Ano na nga ba tawag dun sa tinapay?
  • xBigoteAtBalbasxxBigoteAtBalbasx I only believe in science. PExer
    akala ko mabait si papa jesus? di pala welcome lahat sa kanyang tahanang :glee:
  • DragoneiDragonei kissed by a rose PExer
    pangasar wrote: »
    Bakit nagiging masyadong mapagmataas ang simbahang katoliko ngayon? Hmmmmmm.....

    DIYOS na ba iyang mga iyan?

    Close to it. Magandang propesyon ang pagpapari. Buhay hari ka dyan eh. Unang una, kahit shrine lang ang hawak mo, may sangkatutak ka dyang alalay, at yung iba magtratrabaho pa ng libre para sayo. Di mo kelangan maglabas ng sarili mong pera sa kahit na ano dahil bubuhos donasyon sayo, lalo na ng mga big time na pulitiko. Ang mga regalong tinatangap mo, mahina na ang stateside na alak. Tapos jet setter ka pa kung may liturgical studies ka. Higit sa lahat, lahat ng tao mula maglulupa hangang sa mga alkalde, gobernador, senador, at presidente pa luluhod sa harap mo. San ka pa?
  • spiffy22spiffy22 It's so fluffffeeeeh! PExer
    "...if you are not married in the church"

    This may refer to those live-in couples without the benefit of the sacrament of matrimony..so I guess ito and tinatarget nila to show na hindi sila approve sa ganitong set-up. But of course, subject pa rin ito sa ibang interpretations dahil ambiguous yung words na ginamit.

    Isa pa, may political color ito para ipakita yung stance ng church na anti RH Bill na mainit na issue ngayon..timing says it all

    anyway, as far as I know, hindi pinapagbawal sa Roman Catholic teachings (anong religion ba ito TS?) ang pag take ng communion pag naki live-in ka dahil masyado itong "gray area". Ang naalala ko lang dapat clean conscience ka at mas maganda na nakapag repent ka before mag communion

    yun lang hehehe serious masyado e :D

    Taken inside a Catholic Church.

    And their policies keeps getting crazier and crazier. According to this link: http://www.stdominicparish.com/receiving_holy_communion.htm

    Divorced Catholics who are not remarried and are otherwise in the state of grace may receive communion.

    Catholics who were divorced, had their marriage annulled, and are remarried in the Church may receive communion.

    Catholics who are married only once yet married outside the Church should not receive communion until they have had their marriage validated by the Church.

    Sa kahit Civil wedding bawal pa rin.
  • DragoneiDragonei kissed by a rose PExer
    akala ko mabait si papa jesus? di pala welcome lahat sa kanyang tahanang :glee:

    Iba naman ang pari at iba naman si papa jesus eh.
  • hardylainehardylaine Pakboy ng Lagro PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Dragonei wrote: »
    Close to it. Magandang propesyon ang pagpapari. Buhay hari ka dyan eh. Unang una, kahit shrine lang ang hawak mo, may sangkatutak ka dyang alalay, at yung iba magtratrabaho pa ng libre para sayo. Di mo kelangan maglabas ng sarili mong pera sa kahit na ano dahil bubuhos donasyon sayo, lalo na ng mga big time na pulitiko. Ang mga regalong tinatangap mo, mahina na ang stateside na alak. Tapos jet setter ka pa kung may liturgical studies ka. Higit sa lahat, lahat ng tao mula maglulupa hangang sa mga alkalde, gobernador, senador, at presidente pa luluhod sa harap mo. San ka pa?

    tooomoooohhh.... :lol:
  • kensamorkensamor Beneath the towering pines PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hardylaine wrote: »
    eh di wag kayo mag-communion.. tinapay na walang lasa lang naman kasi yun.. :lol:

    kung ayaw ng pari, lipat sa ibang religion.. catholic lang ba religion sa mundo? :lol:

    Hindi naman ganun lang yon. Lord's Supper or Communion is a sacred sacrament for Christians. It represents the blood and flesh of Jesus that saved the Christians from their sins. HOWEVER, iba-iba rin kasi ang doctrines ng mga sekta kung sino ang pwede at hindi pwedeng mag partake. Sa iba like the Reformed churches, hindi ka allowed kung hindi ka professing member. Sa mga Protestants/Evangelical, invited lahat. Di ko alam ang doctrine ng Catholic church, baka naman nasa doctrines nila yon kaya me karapatan silang magbawal. Kung sa palagay nyo kasi mali ang ginagawa nila, either sabihin nyo sa kanila or find another church.
  • xBigoteAtBalbasxxBigoteAtBalbasx I only believe in science. PExer
    Dragonei wrote: »
    Iba naman ang pari at iba naman si papa jesus eh.

    Then papa jesus should send these priests to hell because papa Jesus is not represented well by the pari :rotflmao:
  • hardylainehardylaine Pakboy ng Lagro PEx Influencer ⭐⭐⭐
    kensamor wrote: »
    Hindi naman ganun lang yon. Lord's Supper or Communion is a sacred sacrament for Christians. It represents the blood and flesh of Jesus that saved the Christians from their sins. HOWEVER, iba-iba rin kasi ang doctrines ng mga sekta kung sino ang pwede at hindi pwedeng mag partake. Sa iba like the Reformed churches, hindi ka allowed kung hindi ka professing member. Sa mga Protestants/Evangelical, invited lahat. Di ko alam ang doctrine ng Catholic church, baka naman nasa doctrines nila yon kaya me karapatan silang magbawal. Kung sa palagay nyo kasi mali ang ginagawa nila, either sabihin nyo sa kanila or find another church.

    papaputol ko kamay ko kung nasa doctrines ng katoliko na bawal mag communion ang hindi kasal... :lol:
    hahahaha....

    anti-christ nga kumakain ng ostya eh pati na din alak, yung hindi lang kasal, bawal na??? isang malaking kagaguhan yan.. :lol:
  • xBigoteAtBalbasxxBigoteAtBalbasx I only believe in science. PExer
    ^ pards mga hindi raw nagpakasal sa simbahan he he
  • DragoneiDragonei kissed by a rose PExer
    Then papa jesus should send these priests to hell because papa Jesus is not represented well by the pari :rotflmao:

    Well di ko na sya pakikialaman sa bagay na yan. Kaya nga siya dyos eh.

    OnT

    Advise ko kasi sa mga theist, huwag dun sa ritual at form kayo magfocus. Alalahanin natin na sa huli dyos ang dapat sambahin hindi ang mga pari na yan. I am willing to practice the teaching of christ (i.e. clothing the naked, feeding the hungry, etc.). But I refuse to participate in politics of the Phil RCC and their bullsh!t. If that means giving up religion, so be it. You can still have faith and believe in the true teachings of christ kahit di ka lumuhod sa harap ng pari.
  • kensamorkensamor Beneath the towering pines PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hardylaine wrote: »
    papaputol ko kamay ko kung nasa doctrines ng katoliko na bawal mag communion ang hindi kasal... :lol:
    hahahaha....

    anti-christ nga kumakain ng ostya eh pati na din alak, yung hindi lang kasal, bawal na??? isang malaking kagaguhan yan.. :lol:

    Di ka naman galit nyan? I'm just giving them the benefit of the doubt, you know? Kaya nga sabi ko BAKA, kasi di naman ako Catholic at di ko alam kung ano ang doctrines nila. Eh tutal 100% sure ka naman pala na wala sa doctrines nila yon eh di mas maganda siguro na ipa-explain sa pari kung saan ba nila nakuha ang idea na bawal mag-communion ang hindi kasal sa Catholic church. Kasi kung mali sila, dapat nila i-correct yung kanilang policy regarding communion.

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file