Home PEx Lifestyle Visas and Immigration

san pinakmahigpit port of entry sa amerika

good day po ask ko lang po dun sa us tourist visa traveller sa amerika san palagay nyo pinaka mhigpit na PORT OF ENTRY??? ....hope u can share some experience and what they usually ask...

Comments

  • wajiro wrote: »
    good day po ask ko lang po dun sa us tourist visa traveller sa amerika san palagay nyo pinaka mhigpit na PORT OF ENTRY??? ....hope u can share some experience and what they usually ask...

    Pwede bang sumagot ang hindi tourist? =)
    I assume may tourist visa ka na.

    Kahit saang POE ay mahigpit, kahit nga sa land border crossing e.
    Ang advice ko, be consistent with what you told the consul during the interview, e.g., saan ang punta mo at kung anong pakay mo. So kung sinabi mo, for example na gusto mong dalawin ang Disneyland sa Anaheim, e di dapat ang POE mo ay sa California or Hawaii with onward travel to CA.

    Usually tanong ng immigration agent ay anong purpose ng travel, kung saan ang punta, at gaano katagal. Be realistic. Example, kung purpose mo ay mamasyal lang, tell the agent one month o kahit 3 weeks. Be honest sa pagsagot; be sincere. Gayundin kung tourist visa ka, huwag na huwag kang magdadala ng kahit anong bagay na ikahihinala nila like transcript of records, CV etc... hindi na kasi tourist ang pakay e pag ganun. Sa ibang nationalities na napansin ko na dumadalaw dito, ang mga hawak sa airports e mga tourist guides handbook :-)

    Finally make an effort to leave the U.S. a few days before the expiry of your stamp date. Seriously. Magiging mas-maayos lahat pag gawin mo ito.
  • thanks for sharing...appreciate it...
Sign In or Register to comment.