Home PEx Campus University of the Philippines
Join our PEx Olympics Quiz Night and win GCash prizes! 🏅

Anong laman ng bag niyo sa first day ng klase?

Anong mga bagay ang dapat nasa bag ng isang isko/iska sa unang araw ng pasukan?
«13

Comments

  • crzcncrzcn PExer
    Papel at ballpen lang! :naughty:
  • c113c113 PExer
    ^tama.
    Ako, Siguro kalimutan ko nang lahat huwag lang ang ballpen, papel, at form 5.
  • ^

    Ballpen, notebook, papel (yellow pad), "papeles" in a brown envelope, form 5.

    P.S. At usually nanghihingi sila ng 3x5 index card with 1x1 ID pic on the 2nd day.
    P.P.S. I can sense that someone's excited for the 1st day. Tama yan! *okay*
  • c113c113 PExer
    Halata ba?
  • Ballpen, papel, form 5, ID, tsaka questioning skills. haha
  • up_joch wrote: »
    Ballpen, papel, form 5, ID, tsaka questioning skills. haha

    Probably, you mean "temporary ID" kasi wala pa atang ID ng 1st day. Magdala ka rin ng self-confidence para hindi halatang freshie ka. Not that upperclassmen bully freshies, pero awkward ang feeling na tinitignan ka kasi para kang bagong salta. Head turner talaga ang mga freshies. ;)

    A little story: Meron akong mapa nung 1st day of classes tapos feeling ko tinitignan ako ng mga tao.
  • crzcncrzcn PExer
    Ako rin may mapa dati! Pero nakatago lang sa bag. Kahit sa jeep sinusulyapan ko lang pero di ko nilalabas. Nakakahiya! hihihi
  • c113c113 PExer
    Nagdownload na lang ako mapa sa cellphone para hindi masyadong halata 'pag naliligaw na.
  • Probably, you mean "temporary ID" kasi wala pa atang ID ng 1st day. Magdala ka rin ng self-confidence para hindi halatang freshie ka. Not that upperclassmen bully freshies, pero awkward ang feeling na tinitignan ka kasi para kang bagong salta. Head turner talaga ang mga freshies. ;)

    A little story: Meron akong mapa nung 1st day of classes tapos feeling ko tinitignan ako ng mga tao.

    Temporary ID? Hindi ba considered as permanent ID 'yung ID ko nung previous semesters?
  • up_joch wrote: »
    Temporary ID? Hindi ba considered as permanent ID 'yung ID ko nung previous semesters?

    I'm assuming freshies itong mga nagtatanong. *okay*
  • I'm assuming freshies itong mga nagtatanong. *okay*

    Ohh, okay. :)
    .......
  • Walang bag. Folded Form 5 sa wallet + ordinaryong cellphone where I save prof's notes AFTER the class.

    Sinasadya ko minsan na walang pen & papel. Mukha kang irresponsible/user sa una pero conversation starter ko sya minsan sa seatmates. Tapos examine mo reaction nya kung friendly or not.
  • c113c113 PExer
    ^Pwede ngang magumpisa ng makipagkilala ang panghihingi ng papel.
  • ^Good idea!
  • ugersugers PEx Veteran ⭐⭐
    ^ alam na pag ganyan. malakas! :)
  • Woo! Magawa nga yan sa first day. Hindi ako magdadala ng papel para pwede mag get to know habang nanghihinge ng papel. XD
  • nung freshie ako, ang mga dala ko lang e papel, ballpen, form 5, pamasahe, bimpo tsaka tubig (inihanda ko na kasi ang sarili ko na panay lakad ang gagawin ko para makabisado kung saan mga klase ko kaya kelangan ng tubig at bimpo). :D
  • cellphone, pen, form 5 at isang A4 sheet lang dala ko pag first day. :)
  • curiousercuriouser PEx Influencer ⭐⭐⭐
    laman ng bag ko dati?

    hmm. notebooks, ballpen, calculator, mga highlighter, extra sheets of paper, org materials, extra shirt
  • KirkegaardKirkegaard PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Form 5 - siyempre para alam ko yung room saka oras ng klase. Weeks into the sem nga tinitignan ko pa rin yung form 5, di ko kasi masaulo yung sched until mga one month na. :lol:

    Pen, Organizer, Phone, ID, Wallet.
Sign In or Register to comment.