Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Tagal-ko-nang-single Stories

Nasa gitna ako ng early twenties at mid-twenties. Sa edad na yan, hindi pa rin ako nagkakaboyfriend. (Well, not officially I mean). Kung ilalarawan ko ang sarili ko, ako ay katamtaman lang ang tangkad, medyo maputi, ang katawan ko ay nasa gitna ng payatot at katamtaman lang na pangangatawan, tuwid ang buhok (kasi nagpaparebond ako), hindi naman ako maganda (pero kapag nag-aayos, pretty naman ako) at hindi rin naman pangit, matalino naman ako, marunong makisama sa mga tao, mukha daw akong suplada sa first impression, etsetera. In short, hindi ang itsura ko ang dahilan kung bakit wala akong boyfriend (sabi ng isa kong kaibigan at sabi ko na rin sa sarili ko).
Naku, napakahirap mabansagan na NBSB. Noong nasa college pa ako, okay lang hindi ba? Pero ngayong nakatapos na ako, ngee, nahihiya na rin ako.
Ok sige, NBSB na ako pero masaya naman ako kasi kahit papano may mga experiences na rin ako sa love. At heto sila…
*Ang mga pangalan na gagamitin ko sa mga kwento ko ay sadyang pinalitan ko para safe.
HIGH SCHOOL
May mga crush ako pero hanggang crush lang. Nanligaw, wala man lang ni isa. OK lang naman kasi sa mga panahong yun hindi man lang talaga sumagi sa isip ko na magkaboyfriend kahit na yung mga kaklase ko ay nagsisimula na magkaroon.

1ST YEAR COLLEGE (MAJOR CRUSH ALERT!)
Nag-aral ako ng college sa isang eskwelahan na malayo sa amin, nasa ibang syudad yun. Kaya lahat bago para sa akin, mga bagong classmate, bagong tirahan. “Fresh Start” kung baga.
Sa unang taon ko ng college dito ko nakilala si “Eysi”. Nakasakay kami noon ng dalawa kong kaibigan (si Marrie at si Cheeka) sa jeep pauwi galing sa skul. Nakasakay namin doon si Eysi. Kabatch din namin sya. Lagi ko na syang nakikita sa school kasi napakaactive nya sa mga activities, lagi siyang nakangiti at kamukha pa niya yung dati kong crush nung high school. Inintroduce siya sa akin ni Cheeka kasi dati pala silang schoolmates nung elementary.
Nauna nang bumaba sila Marrie at Cheeka kasi pareho sila ng babaan. Kaya ang natira doon sa jeep ay ako at si Eysi. Nakakatuwa siya, kahit first time naming magkakilala ay para bang friends na kami. Siya kasi, napakasociable nya, siya yung tipo ng tao na kahit kanino mo pasamahin ay kayang-kaya niyang gawing kaibigan. Napakafunny nya pa.
Pareho pala kami ng inuuwiang subdivision. Yehey! Kaya pati sa padyak papasok ng subdivision ay sabay kami sumakay. Nagvolunteer siyang ilibre ako ng pamasahe nung mauna akong bumaba.
Pagpasok ko sa bahay ay panay ang ngiti ko sa sarili ko na hindi ko mapigilan. Kilig kung baga! At magmula noon ay na-fall into crush na ako sa kanya. Ganoon siguro ang teenage girls noh (o baka ako lang?) na pakitaan mo lang ng konting kindness plus effective sense of humor ay magugustuhan ka na rin.
Ang crush ko sa kanya ay ibang-iba sa mga dati kong crush noon. Major crush talaga na para bang naobsess ako sa kanya. Inaalam ko ang schedule ng classes nya para alam ko kung saan ko siya pwedeng makita. Ang pinakaimportanteng oras ng schedule nya na dapat alam ko ay yung pinakaunang klase niya para pwede ko siyang makasakay sa jeep papuntang school if ever man pareho kami. Makita lang siya, sobrang saya ko na, lalo na kung nagsmile pa sa akin.
Malinaw naman sa akin noon na wala naman siyang gusto sa akin. Pero ok lang naman kasi crush ko lang naman siya at hindi ko naman talaga love (kahit hindi ko pa alam ang meaning ng love noon). Pero masaya ako kasi merong nagpapakilig everyday.
Maiba tayo, eto palang si Marrie na kaibigan ko, panay ang reklamo na bakit daw wala pa siyang boyfriend. Sa totoo lang daw gusto na niya. Lagi niya na lang yung bukang-bibig, kaya ako naman narealize ko nahawa niya na ako. Panay na din ang isip ko na ako din, parang gusto ko na rin magkaroon. (Si Eysi wag nay un, wala ako pag-asa dun, si Mr. Popular yun ako tamang wallflower lang). At yun yung malinaw na moment na nagsimula ang paghihintay ko kay “Mr. First Boyfriend”.


to be continued....

Comments

Sign In or Register to comment.