Magkaroon naman sana ng disiplina ang mga naka motorsiklo or scooter

MrMagalang
you just won't admit it
Gud day sa lahat. I know this is an old topic but I just want to vent out my anger and frustrations sa mga tinaman ng lintik na mga small bike drivers na yan. 2 days ago I was travelling along west ave. Midnight at pauwi nako. Konti lang ang mga sasakyan sa road then all of a sudden this small motorcycle na may backrider pa went past at a tremendous speed and missing my side mirror by a hairline. Bwisit na bwisit ako at napamura ako sa galit. Napaka reckless. Then pag dating ko sa may del monte, nag crash pala yung motor at may nahagip na taxi. Its incredible na nakatayo pa yung 2 samantalang wasak yung motor nila. This is one of the many incidents I witness almost everyday by these undisciplined motorcycle riders. Speeding, beating the red light, reckless overtaking, swervin, counterflow, etc. I really hate these guys na pag sinita mo, sila pa mayabang. Diko naman nilalahat pero most of them are like that. Big bike owners are more responsible. Halata mo na educated sila magmaneho ng bike nila. All you motorcycle riders out there please observe traffic rules di porket naka motor kayo, exempted kayo sa traffic. Kungsabagay yung mga taong tinutukoy ko ay siguradong di mababasa itong thread na ito.[/I]
0
Comments
-
^TS, It is a futile exercise to gripe or rant here... pabayaan mo na lang sila... pinahan mo na lang ng side mirror
or minsan pag nag counterflow sila (kasama na kotse o jeep) wag ka umalis sa lane mo...play chicken with them *peace*... on the sekantut... magbilang ka na lang ng 5... lilipas din yan... karma karma na lang... kita mo diba mabilis karma sa kanila... let them learn the hard and painful way para tumino... yan ay akin lamang.
0 -
mas malaki drive mo, yup, pag nag-counter flow bluff mo and wag mo pagbigyan then stop ka, sure they will go back to their lane. kasi pag ikaw ang umiwas baka makaaksidente ka pa ng pedestrians or cyclist sa outer lane.
hehehe.. i know the feeling, dami nyan sa commonwealth area, favorite nila sa commonwealth ay swerving.0 -
nakow ang road condition natin dito eh ang sama na dahil sa lubak, at mga PUV drivers, nadagdagan pa talaga ng mga ganyan.
ang dami ko ng encounter sa ganyan na muntik muntik na din, minsan kakanan ako sa isang corner, may biglang mag pupumilit pang sumingit, to think na ang layo pa lang naka signal na ako.
sa pag swerve naman muntik na din ako makabanga. sa espana yung lane nila biglang huminto, lane namin tuloy pa din, biglang nag swerve sa lane ko muntik na syang maipit sa sasakyan ko at dun sa sasakyan na nasa harap nya dahil muntik na sya tumama sa front left ng sasakyan ko. buti naka preno ako agad. tapos iiling iling at kumakaway na parang nag so-sorry. malamang na realize nya na muntik na muntik na sya dun.
sa counterflow dami ding ganyan, since medyo malaki dala ko di talaga ako tumatabi. right of way ko naman yun. binibilisan ko pa para tumabi sila
sa barkada ko naman experience nya sumalubong sa 1 way yung motor, eh sakto lang yung isang sasakyan, naka hi lux sya na malapad ang gulon, wala daw nagawa yung motor di nagkasya, nalaglag sa kanal0 -
I also learned about the sales pitch of a china motorcycle. Ang sinasabi, "Sir, bili na kayo. Matipid sa gasolina. Hindi na kayo matatraffic. Walang traffic sa motor na to." What does that mean? Sumingit singit? Mag reckless? Eh sa mga bwisit na salesman na yan din pala nagsisimula ang encouragement to break the law.0
Welcome to PinoyExchange!
Forums
- 4.5K All Categories
- 27.1K PEx Sports
- 56.7K PEx Local Entertainment
- 30.4K PEx International Entertainment
- 41.7K PEx Lifestyle
- 26.8K PEx Hobbies
- 64.1K PEx News and Tech
- PEx Business and Careers
- 44.5K PEx Family and Society
- 25.3K PEx Relationships
- 13.1K PEx Chat
- 29.5K PEx Campus
- 32.3K PEx Classifieds
- 703 PEx Community