Dilemma: Consult an IM only or go to cardio?

froshie1froshie1 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
May hypertension kasi ako and iyong cardiologist ko medyo malayo compared sa Internal Medicine (IM only no sub-specialization) na doctor na malapit sa area ko. Iyong IM doctor ko ok naman sya, and iyon nga ang tagal ko na kasing hindi na vivisit iyong Cardio ko so sa kanya ako nagpapa consult ng nararamdaman ko. Mayron ng 3 weeks or almost a month ng elevated ang highblood pressure ko (naglalaro from 128/87 to 140/90). This week approx average niya ay nasa 139/89 so almost 140/90. Ang ginawa ng IM doc ko since noong nagstart ako sa kanya pinalitan niya iyong meds ko na dati ay Metoprolol 50mg (neobloc) and 2.5mg Felodipine (Plendil) kasi at that time inuubo ako ng sobra and sabi niya iyong Neobloc nagcaucause ng ubo. Ang pinalit niya ay Lozartan Potassium (Cozaar) 50mg and then he raised it to 100mg this week kasi nga mataas almost always ang aking bp this week.

Ang tanong ko ganito...

1.) Iyong doctor ko kasi panatag naman ako sa kanyang skills at naipapaliwanag naman niya sa akin ng maayos iyong nangyayari sa akin.. Pero parang hindi nakikinig lately iyong katawan ko sa gamot, at ang paliwanag niya ay give it time for the body to adjust.. So ganun po ba talaga ang adjustment ng body na almost a month na almost always medyo elevated ang bp ko.. Sometimes pag weekends di naman mga nasa 127/82 siya.

2.) Pag hypertension po ba kailangan ba na cardio ang titingin or an IM will do? (when I say IM, I'm referring to doctors whose specializations are IM only walang sub-specialization under the IM umbrella e.g. cardiology)

3.) Ano ba ang ginagawa ng IM? Sila ba ang parang pediatrician ng mga adults?

Comments

  • bleudsky_mdbleudsky_md MD, DPAFP PExer
    froshie1 wrote: »

    What do you mean by "hindi nakikinig iyong katawan mo sa gamot"? Mayroon ka bang ibang nararamdaman o napapansin sa katawan mo? And gaano kataas ang BP mo araw-araw? Baka naman kaya hindi rin bumaba ay dahil hindi pa rin tama ang lifestyle mo (like kumakain ka pa rin ng matataba, maalat na pagkain, o kaya stressed ka sa work o may iniisip, laging puyat, hindi nag-e-exercise, o baka naman in-accurate yung sphygmomanometer mo especially kung digital ang gamit mo).
    froshie1 wrote: »
    2.) Pag hypertension po ba kailangan ba na cardio ang titingin or an IM will do? (when I say IM, I'm referring to doctors whose specializations are IM only walang sub-specialization under the IM umbrella e.g. cardiology)

    any of them will do.
    froshie1 wrote: »
    3.) Ano ba ang ginagawa ng IM? Sila ba ang parang pediatrician ng mga adults?

    If you want to put it that way, yes. They can handle/manage any case concerning the adults. They chose not to go into subspecialization.
  • froshie1froshie1 Member PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Thank you mga docs!

    Yesterday, stressed out lang ako siguro... Noong nakatulog na ako bumaba na ang bp ko ng 130/90, kinuhaan ako ng asawa ko pagkagising ko.. And yeah, before I was using a digital bp monitor.

    About sa lifestyle, nageexercise ako.. Mababa ang LDL ko at ang HDL ko mataas nasa 1.6. Blood sugar is normal, ECG is normal.

    And thank you din mga docs sa sinabi niyo na ang management ng hypertension ay hindi lang sa cardiologist alone hehehe. I was under the impression na only cardiologists are the only solution when it comes to hypertension hehehe. And as I said panatag ako sa IM ko.. It's just that noong nagka hypertension ako 7 years ago eh ang laging tumitingin sa akin ay ang cardiologist.

    Usually pag pagd ang bp ko nasa 127/85 to 135/90 up to 140/90... Ang tanong there are times na 140/90 ako and papasok pa lang ako ng office.. Kailangan bang maging concerned ako doon>? like dapat bang pansinin ko sya in such a way na i-absent ko na lang? Sometimes sa pakiramdam ko kaya ko naman pumasok pero minsan natatakot ako kasi alam kong hypertension na ang 140/90 or any values na malapit doon.
  • bleudsky_mdbleudsky_md MD, DPAFP PExer
    ^ having a BP of 140/90 on certain times should be of primary concern because that's high. but you do NOT have to use it as an excuse to avoid work or be absent from work. you're just probably anxious, or stressed, or just simply tired, or have the urge to urinate, or haven't taken your medications, etc.

    continue taking your medications on a DAILY basis, religiously. seek regular follow-up or consultations with your Internist. good luck!
  • NeoDynNeoDyn proud-to-be-real PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Tutal it's all about BP ang thread,kaya dito na ako magpost.

    Last 2007 nagkasakit ako ng leukemia at matagal-tagal din ang gamutan dito but nakaligtas ako dun..Mga dumaang panahon,mababa pa rin ang BP ko kaya panay pa rin ang inom ng gamot...Pero last month nastroke ako at ang BP ko ay inabot ng 220 over 120,mabuting mabilis ang mga emergency docs dito kaya sa loob pa lang ng ambulance,nilagyan na ako ng ecg at transfusion para bumaba ang bp ko..4 days akong nacomatose at after nun ipinasok ako sa magnetic resonance tomography,at dun nakita na may namumuong dugo sa ulo ko at nabablock ang blood circulation kaya yung left side ko ang bp ay sobra taas at ang right side ay normal lang..Kaya ang ginawa sa akin ay may binutas sa may batok ko at dun sinaksakan ng salt solution saka binomba patungo sa ugat ng ulo ko para matunaw yung dugo at dumaloy ng ayos..after nun,inilipat ako sa rehab para matrain ang buong katawan ko at lalo na ang mga legs ko dahil hindi ko mailakad pa...after two weeks sa rehab ibinalik ako sa asklepion clinic at duon ginamitan ako ng nuclear medicine at naging okay na ako pero di pa rin makalakad.Sabi ng doc,kailangan ko ng practice para makabalik ang lakas ng legs ko.
    Ang naging findings ng docs sa aking sakit ay Morbus Fabry,genetic disease na wala ng lunas pa at kahit anong oras ay aatake ulit yun na walang warning.
    Wala akong alam kung bakit meron ako nun?
    Hindi kaya na namana ko sa father ko yun na nastroke din pero sya naman ay talagang may hypertension?

    O kaya yung brother ko na may epileptic na sakit?

    May idea kaya kayo kung bakit na gaya kong anaemic ay magkakaroon ng bp na sobra taas?

    Wala na bang pag-asa ang genetic disease?

Leave a Comment

BoldItalicStrikethroughOrdered listUnordered list
Emoji
Image
Align leftAlign centerAlign rightToggle HTML viewToggle full pageToggle lights
Drop image/file