Kymco LX115 or Honda Beat or Yamaha Mio sporty
halcyone1
Member
So which is the best? Magkano ba ang kymco?
0
Comments
-
ako type na type ko yung kymco Like! = )0
-
Honda Beat nalang!0
-
kung gusto mo maging unique, kunin mo yung kymco
kung gusto mo maging bago and moderate availability of parts (but kaunti set-up), go for the honda
kung gusto mo mainstream and mag-customize, mag-yamaha mio ka na lang.
eto pa pala...
why not go for the classic look (since scooter rin lang ang choices mo) and go for a yamaha fino?0 -
Maganda talaga ang fino, kaya lang takot ako at mainit sa mata ng magnanakaw. Yung mio, bakit sikat na sikat at nagkalat sa kalye. Sabi malakas daw ito sa gasolina. Ipinagmamalaki naman ng honda beat yung preno nya at sabi mas matipid sa gas. Maganda ang kymco pero taka ako bihira ako makakita. Alin sa mga ito ang pinakamadali ang handling at magaan?0
-
Maganda talaga ang fino, kaya lang takot ako at mainit sa mata ng magnanakaw. Yung mio, bakit sikat na sikat at nagkalat sa kalye. Sabi malakas daw ito sa gasolina. Ipinagmamalaki naman ng honda beat yung preno nya at sabi mas matipid sa gas. Maganda ang kymco pero taka ako bihira ako makakita. Alin sa mga ito ang pinakamadali ang handling at magaan?
forumer ka ba ng MCP? hehehehe
kesyo fino, mio, beat, or yung kymco-- kahit yamaha dio or kahit anong scooter ay mainit talaga yan sa mga magnanakaw.
yung mio nagkalat sa kalye dahil nauna eto sa beat. naging sikat na kasi eh plus yung marketing ng yamaha (bamboo pa endorser).
malakas sa gasolina? depende na yan sa engine size and sa pag-scooter mo/riding habit. personally, i have a hawk-II 150 scooter. maayos naman ang takbo and ang gas consumption nya since hindi naman ako stop-go-stop-go rider. hindi rin ako ang paspas at accelerate ng accelerate.
alin ang magaan and pinakamadali ang handling? hindi ko masasagot yan dahil kanya-kanya ang opinion about that subject.
ang pinakafactor (para sa tatlo na scooter) sa pagpili ay:- price
- parts availability
- service availability
- porma
imagine mo na lang.. nagmomotor ka tapos biglang nasiraan ka like flat tire or maluwang ang belt mo. kung dadalhin mo sa mekaniko, sa tingin mo ba may parts siya? kaya nya ba ayusin?
I'd go for the yamaha mio/fino since maraming parts na para dito and familiar na ang mga mekaniko sa maintenance and repair ng scooter.
in fact.. mag-fino ka na lang para todo porma ka.
oo nga pala, para saan mo gagamitin ang scooter? home to work lang? ano expected distance mo? daily mo ba gagamitin?0 -
kung classic Kymco LIKE pa din! = ) Vespa look!
yun yung mga bagong fleet ng yellow cab! pinalit sa vespa.
kung resing resing naman Kymco Super 8!0 -
^50 cc lang ang vespa look ng kymco (kymco sento)0
-
125 cc ang Kymco Like.. = )
parang super 8 lang pero classic yung katawan. parang mio na ginawang fino. pero ang cheap tignan ng fino kung itabi sa Like..0 -
^^kunware nagmomotor ka na nga tapos biglang nasira ang scooter mo (kymco like). malayo ka dealer mo, and definitely malayo ka sa bahay mo.
kahit sinong mekaniko ba kaya buksan ang kymco? how about parts? is it interchangeable with other brands?
yan ang number 1 na iniisip ko kapag bibili ng motor or scooter.
kung ang gy6 na scooter ang hirap ng parts...0 -
ikaw na mismo sa sarili mo ang mag practice na umayos ng motor mo.. tsaka kung brandnew mo kukunin yan, wala ka dapat ika-kaba na baka masira or what so ever..
btw, my vote goes to KYMCO Like
may MIO ako - okay ang handling, okay naman sa fuel consumption.. madami ngang available na after market parts, halos lahat ng mekaniko kaya ito kalikutin at i troubleshoot..
Honda beat - nakapag try lang ako.. halos parehas sila ng handling ng mio amore/sporty.. mas malakas ito kung stock to stock form ng engine.. madami dami ding aftermarket parts, pero mas madami ang mio..
KYMCO Like - Brusko ang dating sakin, wala ako nito pero na try ko sya.. kung malaking tao ka, bagay na bagay sa iyo itong motor na ito at 125cc with GIVI Box pa at malaki ang Ubox nya.. bagay na bagay ding pang commute, yun nga lang. medyo mabigat sya, at mataas, may kahirapan pag maliit ka kagaya kong 5'4 lang ang height at isa pa, mahirap i siksik sa traffic gawa ng masyadong malaki ang kaha nya.. well, ***** naman, madali lang buksan yan.. step by step naman ang pag bukas ng motor.. mula sa labas, papaloob.. isa pa, mahal ang mga aftermarket parts nya like, wind screen at mahirap makakita.. madali lang din mag hanap ng parts nya kasi, parehas lang sila ng Super8.. HTH
@revelations - Forumer ka ng MCP bro?
ito pala picture ng KYMCO LIKE.. 80k ata brandnew nito..0 -
^^waaah.. 80K ang kymco like?
ang mahal!!! kaunti na lang (add 12k?) pwede ka na bumili ng suzuki raider.
oh well.. hindi na nga ako updated sa mga prices ng motor. minemaintain ko na lang ang 2005 xrm-J ko :P
OT: yup, MCP forumer rin ako.0 -
ikaw na mismo sa sarili mo ang mag practice na umayos ng motor mo.. tsaka kung brandnew mo kukunin yan, wala ka dapat ika-kaba na baka masira or what so ever..
btw, my vote goes to KYMCO Like
may MIO ako - okay ang handling, okay naman sa fuel consumption.. madami ngang available na after market parts, halos lahat ng mekaniko kaya ito kalikutin at i troubleshoot..
Honda beat - nakapag try lang ako.. halos parehas sila ng handling ng mio amore/sporty.. mas malakas ito kung stock to stock form ng engine.. madami dami ding aftermarket parts, pero mas madami ang mio..
KYMCO Like - Brusko ang dating sakin, wala ako nito pero na try ko sya.. kung malaking tao ka, bagay na bagay sa iyo itong motor na ito at 125cc with GIVI Box pa at malaki ang Ubox nya.. bagay na bagay ding pang commute, yun nga lang. medyo mabigat sya, at mataas, may kahirapan pag maliit ka kagaya kong 5'4 lang ang height at isa pa, mahirap i siksik sa traffic gawa ng masyadong malaki ang kaha nya.. well, ***** naman, madali lang buksan yan.. step by step naman ang pag bukas ng motor.. mula sa labas, papaloob.. isa pa, mahal ang mga aftermarket parts nya like, wind screen at mahirap makakita.. madali lang din mag hanap ng parts nya kasi, parehas lang sila ng Super8.. HTH
^thanks po sa review!0 -
tsaka naman! motor lang naman yan hindi naman yan exotic na auto! kahit sino kaya ayusin yan..
Tsaka brandnew naman bibilhin e..
Thank you sa pag post ng pic ng Like!
Like na Like ko talaga yan! hehehhehe.. nakaka inlove itsura. Dati type na type ko mio fino nung makita ko to, haayy... nagmukang cheap talaga sa mata ko fino. Plastiky masyado mpa panels..
Ito may may chrome accents, naka mags, may color match Givi box.. = )
Dito samin sa makati nasa 70k++ yan.. mataas na yung 75k.0 -
what happend to mcp? sllight ot0
Welcome to PinoyExchange!
Forums
- 4.5K All Categories
- 27K PEx Sports
- 56.7K PEx Local Entertainment
- 30.4K PEx International Entertainment
- 41.7K PEx Lifestyle
- 26.8K PEx Hobbies
- 64.1K PEx News and Tech
- PEx Business and Careers
- 44.5K PEx Family and Society
- 25.3K PEx Relationships
- 13.1K PEx Chat
- 29.5K PEx Campus
- 32.3K PEx Classifieds
- 703 PEx Community
In this Discussion
- Revelations 5 posts
- pilyo_bolero 5 posts
- halcyone1 2 posts
- chungky 1 post
- jpd74 1 post
- boogiemeow 1 post