Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences

Di ko s'ya maintindihan. >.<

Well, meron akong special someone at alam naman namin na may gusto kami sa isa't isa pero di pa talaga kami so parang ako ay nasa panliligaw stage. Ang gulo di ba?

So eto yung mas lalong di ko maintindihan kasi parang a week akong di nakipag communicate dahil sa naging super busy sa school at sinabi ko sa kanya yun tapos after nung almost a week nagkaron din ng time tapos sabi nya na galit daw sya nung mga time na yun dahil di daw ako namamansin sa Facebook kesyo online naman daw ako ba't di daw ako namamansin at kung anu ano pa.

Bakit ganun? Kakasabi ko lang sa kanya na magiging super busy talaga sa acads tapos ganun pa hirit nya? Di ko na sya tinanong at kinulit pa about dun dahil baka lalong magalit. Ano ba talaga, nagpapaepek lang or ***** lang talaga sya? Hahaha!

Sorry dahil medyo naguguluhan talaga ako pero yun talaga eh, first time ko kasi tamaan ng ganito. XD

Comments

  • hindi pa man,may attitude na si girl:lol:

    well,yaan mo muna palamig ng ulo si girl,pag nagsubside na yung "tantrums" then maybe you can start explaining....again:lol:

    goodluck!
  • naguguluhan din ako sayo TS, super busy pero naka online sa facebook?
  • no matter how busy you are... dapat magparamdam ka naman kay girl. kahit simpleng hi lang. maiinis talaga yun. 1 week hindi nagpaparamdam pero nanliligaw ka? sino ba naman hindi maiinis non.
  • hiranohirano PEx Rookie ⭐
    About po dun sa nakaonline sa Facebook, yung group po kasi namin sa geog 1 ay may group dun so lahat ng mga infos para dun sa aming map making dun namin pinag uusapan.
  • inviinvi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Bad trip siya kasi feeling niya hindi mo siya sineseryoso. Kung talagang busy ka, kahit hindi naman kayo magtelebabad pero ano ba naman yung kamustahin mo lang through call/text kung buhay pa siya diba? Masyadong matagal yung inabot ng isang linggo.
  • razzer_risingrazzer_rising PEx Influencer ⭐⭐⭐
    hindi pa man,may attitude na si girl:lol:

    well,yaan mo muna palamig ng ulo si girl,pag nagsubside na yung "tantrums" then maybe you can start explaining....again:lol:

    goodluck!

    tama. hindi pa sila, feeling bf na :glee: geez TS isang malaking goodluck hopefully hindi isang boteng ipapalo mo sa ulo mo yung girl once na maging kayo na. :lol:
  • hiranohirano PEx Rookie ⭐
    invi wrote: »
    Bad trip siya kasi feeling niya hindi mo siya sineseryoso. Kung talagang busy ka, kahit hindi naman kayo magtelebabad pero ano ba naman yung kamustahin mo lang through call/text kung buhay pa siya diba? Masyadong matagal yung inabot ng isang linggo.

    Siguro nga yun yung pagkakamali ko na hindi man lang ako nangamusta or whatsoever. Naguluhan lang ako kasi nasabi ko naman sa kanya yung reason nag sorry pa ako after, todo explain din ako. Hanggang ngayon medyo galit pa rin sya. Ang epic talaga. Di ko alam kung malulungkot ako or matatawa eh. XD
  • hirano wrote: »
    Siguro nga yun yung pagkakamali ko na hindi man lang ako nangamusta or whatsoever. Naguluhan lang ako kasi nasabi ko naman sa kanya yung reason nag sorry pa ako after, todo explain din ako. Hanggang ngayon medyo galit pa rin sya. Ang epic talaga. Di ko alam kung malulungkot ako or matatawa eh. XD

    awww...sorry ts ah,para kasi sa akin mas nakakatawa:rotflmao:

    kung marunong umintindi yang hilaw mong gf,a simple hi or a single text wouldn't be such a big deal.

    hanap ka na lang iba,yung hindi immature,ikaw din sige ka:lol:
  • inviinvi PEx Influencer ⭐⭐⭐
    ^ barelythere is right. Kung pagkatapos ng paglulupasay mo eh wala pa rin, eh di manligaw ka na ng iba. Magsasawa ka rin kaka-sorry sa kanya. At baka maging issue pa yan in the future.

    Pero sa totoo lang, for me matagal talaga ang isang linggo na wala kayong communication. Ni anino mo hindi niya naramdaman? Magdududa talaga yan. Ang tanong lang, nag-reach out ba siya sayo in that one week na hindi mo siya kino-contact? Problema lang parang masyado yata siyang galit. Bakit kaya?
  • hiranohirano PEx Rookie ⭐
    Di kami madalas magkita kasi nakadorm ako tapos magkaiba pa kami school. Nung 1 week na yun andun naman yung anino ng FB account ko eh. Galit daw sya kasi parang ayaw ko daw sya kausap (siguro dahil kahit online ako sa fb di ko siya chinachat?) yun yung sole reason na sinabi nya sakin nun. Ang gulo talaga eh. Parang walang kwenta yung pagsabi ko sa kanya na reason before.
  • hmmm...I think understandable lang na mejo magtampo ang girl in a situation like that... :) considering nililigawan mo nga **.. pero OA naman un kung super galit sya...hehe..dapat she would understand din..

    pero me mali ka rin kasi eh..hehe..sobrang tagal nga ng 1 week..
    sana kahit 'good morning' man lang or 'good nyt', nagtext ka...
    at least maisip naman niang kahit super busy ka, naiisip mu pa rin **..nadis-appoint lang ** ***** ksi nag-eexpect **... ;)
Sign In or Register to comment.