Home PEx Lifestyle Body and Fitness

Help for everyday morning workout.

Naggym din ako 10 times lang ^^ 2 oras kasi biyahe balikan kaya tinamad ako. Advice naman po para sa magandang workout tuwing umaga.

Ganito kasi ginagawa ko siguro mga 3 buwan na, para maintain lang po yung health ko.

50 x Push up
20 x Prison Squats
50 x Crunch

3 beses ko ginagawa sa loob ng 30 minutes bago mag almusal.

Maganda naman resulta kasi medyo naripped naman katawan ko dati kasi chubby. Ngayon, gusto ko kasi parang maintense pa lalo para maging rip talaga katawan ko.

Kaya ang tanong ko po:
1. Ano masasabi nyo sa exercise na ginagawa ko tuwing umaga? Mali ba?
2. Ano magandang idagdag na workout na pwedeng gawin sa bahay?

Ang dami kasing topic dito, di ko alam kung saan ko sisingit tong tanong ko. Salamat po!

Comments

  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    ^ ano ba goal mo???

    taga saan ka ba??

    baka naman may malapit na gym sa trabaho o sa bahay mo
  • Goal ko po ay lean or rip lang po. Ayaw ko naman po ng bulky.

    Taga Cavite po ako.

    Dati kasi tuwing hapon pagtapos school ako nag gygym bago umuwi, eh tuwing tanghali na lang klase ko ngayon tinatamad naman ako mag gym tanghaling tapat pagtapos kain.
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    ^ saan ba sa cavite???

    Ano ba ang bulky sa iyo at ano ang ripped??
  • Good evening. Bilis mo naman po magreply.

    Dasmarinas, Cavite po.
    Diba ang bulky eh yung mga malalaki parang Lesnar o Slice, ang gusto ko po yung parang Pierre o Couture lang.
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    ^ Hindi ganun kadali maging ganun ka laki.. saka mga ibang ganun ka laki elikas na malaki na, lumaki pa lalo nung nag buhat at nag roids...
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    saka isa pa, kung ang habol mo na katawan ay parang GSP or Couture, parehong nagbubuhat mga yun...
  • randmcnallyrandmcnally PEx Rookie ⭐
    i guess mas mabuti na rin yan kung tinatamad ka talaga at least meron ka pa ring na-seset na time for exercise compared sa iba. Don't expect anything drastic lang. Minsan rin nasa genes lahat eh. may iba na konti lang buhatin, ripped na, may iba naman mas added na effort ang kailangan para maging ripped.
  • tama yan, mas ok na yung ganyan diba kesa naman sa wala talagang exercise na ginagawa tapos puro kain pa.

    ang mgandang gawin dyan bili ka nalang ng adjustable dumbells sa raon mura lang. ganun ginagawa ko eh sa room lang ako nag woworkout very convinient lalo na pag busy person ka. tapos mag sounds ka para ganahan ka.

    pwd mo din try jumping rope
  • i had the same problem before. i bought a kettlebell sa chris sports. downloaded videos on how to properly do the swings and viola instant workout. i had no excuse not to work out kasi the kettlebell was right there pag labas ng room ko.

    after getting motivated and saw some results ginanahan na ako to devote more time and exercise ulit.
  • @blakedaddy
    Kung sa bagay nagbubuhat talaga yung mga MMA fighter. Ayaw ko naman po mag roids o kahit anong supplement, takot ako sa side effect.

    @randmcnally
    Para ma maintain lang po ang aking health talaga, naisip ko lang na gawin sana mas matindi nang hindi pupunta sa gym.

    @AdrenalineRush
    Meron po akong 10lbs dumbbell binili ko dati, hindi ko na po ginagamit kasi dumami po ugat ko sa kamay at braso naisip ko po baka mali ang mga porma at posisyon na ginagawa ko. O normal lang po talaga na ugatin?

    @deepdiver10
    Yun nga po may dumbbell ako sa bahay, nanunod naman ako sa youtube ng mga proper forms pero kinabahan lang ako kasi talagang inugat ako pero kumorte naman po braso ko.

    Salamat po sa mga reply!
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    ^ I'm not a fan of roids either... Pero yun nga, you'll need to lift weights to build more muscle

    ano ba current height and weight mo??
  • 5'6" - 165 lbs

    Dati bago ako nagsimula mag workout tuwing umaga, nsa 175 ako.
    Binabalak ko naman talaga mag weights kaya po ako nag gym dati kaya lang normal lang po ba talaga na ugatin tong kamay ko?
  • I go to daily for walk...
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    catas wrote: »
    5'6" - 165 lbs

    Dati bago ako nagsimula mag workout tuwing umaga, nsa 175 ako.
    Binabalak ko naman talaga mag weights kaya po ako nag gym dati kaya lang normal lang po ba talaga na ugatin tong kamay ko?

    may ibang tao na likas na ugatin ang kamay
  • @alengrew
    Me too, I make sure to walk at least 1km. And more if I have time.

    @blakedaddy
    Ganun po ba? Pangit kasi tignan tapos baka sabihan pa ako kinakareer pagbubuhat kaya puro ugat kamay ko.

    Salamat sa mga nagreply! Nasagot na tong topic ko, dami pa ako sana tanong pero hanapin ko na lang sa boards.
    Salamat ulit!
  • catas wrote: »
    @alengrew
    Me too, I make sure to walk at least 1km. And more if I have time.

    @blakedaddy
    Ganun po ba? Pangit kasi tignan tapos baka sabihan pa ako kinakareer pagbubuhat kaya puro ugat kamay ko.

    Salamat sa mga nagreply! Nasagot na tong topic ko, dami pa ako sana tanong pero hanapin ko na lang sa boards.
    Salamat ulit!

    For me the presence of veins in my arms signify that my body fat and subcutaneous water is dropping low. Personal choice not to have it is fine, since I know a lot of people don't want it as well. Your second reason is off. So what if people tell you that? My friends tell me the same thing and I take it as a compliment. It means I am making a commitment to making myself better. Now tell me: What's wrong with "Pagcareer sa pagbubuhat"?
  • can u give me also set of workout sa umaga
    my goal is to flaten my tyan..lumalaki xe(nakakahiya na)
    am doing jumping jacks, crunch and push up lang tama ba ito??
  • blakedaddyblakedaddy Moderator PEx Moderator
    ^ Can you also please post your eating habits first??

    second, can you please read through the other threads? your question has been answered 1 million times already
  • @kingofkings11

    Sa amin kasi magkakatropa ako lang medyo may pakialam sa pagiging physically fit wala nakakarelate sa akin kaya kantsaw yun para sa kanila.

    Pero tama ka siguro dapat kong tignan yun asar nila sa akin as compliment. Salamat!
Sign In or Register to comment.