Home PEx Relationships Love - Stories & Experiences
Speak your mind, but mind what you post. Let's not spread disinformation and/or misinformation.

dapat bang mag duda??

May nakita kasi akong certain "friend" sa facebook ng asawa ko..

mag-ka office mate sila sa isang pharmaceutical company

nakita ko sa isang folder/album nung "friend" na ito na puro pictures ng officemates, office activities, nya na...(office mates album for short)

-ang dami nilang pictures ng asawa ko..

ang dami talaga.. iba ibang company activities, lagi silang magkatabi, sa kainan, sa kotse, sa tambay, mga 10% nung total album..

yung iba magka-akbay, yung iba, magkadikit halos ang mga mukha nila na napagkamalan na silang mag syota ng isang tao (nag tanong sa cooment).

may nag comment pa na "good chemistry, yun lang" (comment ng managaer nila)

hindi ko lahat sila kasama dahil nasa ibang bansa ako, at nasa pilipinas sila..

ayoko mag isip ng masama.. pero iba eh..
«1

Comments

  • hMmmm... somethings smells fishy.

    maraming taksil dito sa earth...
  • ground_breakground_break PEx Influencer ⭐⭐⭐
    if you think negative about things, negative ang labas... Pero better open up with your mate about this concern... so it wouldn't eat you up just keep your cool pag i-open up mo yung topic
  • i can relate to this topic..sa akin naman, mas matindi. twice na lumabas yung group ng husband ko together with his officemates and take note...nilihim niya sa akin yung paglabas na yun as in never nagpaalam na pupunta sa ganito or ganyan.nakita ko na lang yung mga pictures sa fb after 2months na yata after nung paglabas nila.

    napansin ko din na halos lahat ng picture, sila nung girl ang magkatabi..as in magkadikit lagi ang mga ulo. tapos one time, nakita ko sa text ni husband, yung password nya sa PC sa ofc, magkasama ang name nila nung girl.

    i confronted him pero may aamin ba...syempre deny to death ang drama. iba kasi yung sasabihin mong pose lang yung sa picture e.ramdam mo na may kakaiba talaga.

    tinigilan ko na ang pagtatanong sa kanya kasi ako lang din ang nai stress e. basta ako ang concern ko na lang, ibigay sa akin ang atm nya. :)

    kasi kahit na anong gawin mong pagbabantay o pagtatanong, maraming paraan para makaiwas mabuking or mahuli e.
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    Umarkila ka ng PRIVATE INVESTIGATOR para malaman mo ang katotohanan....

    -Just_JT
    And.be.ready.to.face.the.ugly.truth.
  • pareho pa silang shades... wayfarer.. ****..

    pinicturan pa nung babae yung ipod touch ng asawa ko.. ay talaga naman.. talaga naman..
  • tripl3tripl3 PEx Veteran ⭐⭐
    Kaduda-duda nga yan. Kung ako sa yo, kausapin mo isang friend mo or relative mo para mag-spy. :D
  • For me, it's best to be open with your feelings sa husband mo. Tell him that you're not comfortable with the way he is portraying himself with this woman, especially since alam nya naman na married na kayo (i-mention mo rin yung mga observations ng iba na akala nila mag-bf/gf sila). Mention it, pero not in an accusing manner. Make him realize na dapat may limitations when it comes to other women, and that he should consider your feelings about this too.
  • walang duda na nagloloko ang asawa mo! putulan mo siya para magdusa!
  • mihyuljangmihyuljang PEx Veteran ⭐⭐
    e di hurt him where it hurts. magpaganda ka rin. post your beautiful pics on fb. be sexy.
  • sometimes you need to trust your instincts... totoo un.. i believe in that.. pero the best thing to do is to ask your husband whats up with those pictures with this girl.... just be calm... but then again trust your instincts and pray.... God Bless...
  • razzer_risingrazzer_rising PEx Influencer ⭐⭐⭐
    OMG by posting a thread here I think nagduda ka na TS.
  • kaya nga tanung ko kung dapat eh... hindi ko naman sinabi na hindi ako nagdududa?? duh..
  • Dapat kang mag duda, kase me nakikita ka. Kung me usok, me apoy.
  • JUST_JTJUST_JT PEx Influencer ⭐⭐⭐
    nntndds wrote: »
    kaya nga tanung ko kung dapat eh... hindi ko naman sinabi na hindi ako nagdududa?? duh..

    Kung nangangaliwa nga ang asawa mo, MAHINA SIYA. Bakit magpapakita pa siya ng mga photos sa FB na pagdududahan siya? :glee:

    Kung ako talaga sa iyo kukuha ako ng PI para imbistagahan. Iyan ang magandang paraan para makakuha ka ng katibayan.

    -Just_JT
    Until.then.you.will.just.be.Stevie.WONDER. :bungi:
  • UPDATE GUYS..

    HI guys..

    tumawag yung asawa ko kahapun.. :)

    HIM: Hi, ma.. kmusta ka? anung ginagawa mo??

    ME: hi pa, eto kakagising ko lang.. wala lang nakahiga..

    HIM: kamusta kayu ni baby?? miss na miss ko na kayu..

    ME: oks lang naman.. nagiipin nanaman ata si baby or ayaw nya lang yun bago nyang milk, kaya di nya nauubus.. pero hyper parin naman sya... masaya naman siya.. hehe

    HIM: ahh..... edi buti.. try mo nalang ulitin mo nalang dati nyang gatas, ma, sana makauwi na kayu agad.. dadalin ko kayung tagaytaty...

    ME: yaan mo.. 3 weeks nalang oh.. malapit na.. naayus mo na ba yung sa party nya??

    HIM: oo syempre... hehe.. solve na.. wag mo na isipin un..

    ME: okay... excited nko..

    HIM: ma, I love you..

    ME: ....

    HIM: sabi ko, I love you

    ME: pa, mag 2 days nko malungkoit..

    HIM: may problema ba ma? sabihin mo sakin..

    ME: kasi may nakita ako sa fb mo.. may babae dun.. grabe naman makadikit sayu..

    HIM: ah.. alam ko kung sinu sinasabi mo ah.. si ______ no??? nagseselos ka dun?
    wahahahahahahahahaahhahahaha.. GRABE ka naman ma... wahahahaha... ma naman.. yung yung lagi ko kinukwent sayu na feeling close.. na maitim na kamukha ni tetchi agbayani.. ma naman.. (tumawa na nang tumawa) ma, mabait yon.. pero malabo pa sa sabaw ng pusit nyang kinakatakut mo.. bukod sa kamukha sya ni tetchie, ma, mahal na mahal ko kayu ni baby.. hindi ko gagawin sanyu yun.. (tawa parin siya).. ma, naman kung magseselos ka dun naman sa magandang babae,



    ME: tado ka ah?? lol hehe

    HIM: oh wag ka magalala.. hindi ko parin yun agagwin.. sinasabi ko lang.. hehe
  • mihyuljangmihyuljang PEx Veteran ⭐⭐
    psywar ba. inunahan ka lang ng asawa mo.
  • mihyuljang wrote: »
    psywar ba. inunahan ka lang ng asawa mo.


    lol naisip ko rin un eh.. pero naikwekwento naman nya talaga yun eh.. haha..hindi ko lang masyado pinapansin.. hehe... dahil ewan ko ba..

    and kilala ko naman siya pag nag sisinungaling eh...:)


    sa five years namin naging mag syota before the marriage, and 2 years na kaming kasal...

    once pa lang naman siya nag loko nung mag syota palang kami (cool off naman kami nun eh).. nung nahuli ko siya.. amin naman siya agad.. though sabi nya, bigyan ko muna siya ng time na kalimutan din yung sakit..

    di nya kasi matanggap na nag kita kami ng ex ko (pramis wala ako ginawang masama)

    pero until now, nagsisisi ako na nasaktan ko siya.. dahil wala naman siyang ginagawa para masaktan ng ganun..
  • mihyuljangmihyuljang PEx Veteran ⭐⭐
    it's your call. E bakit nagdududa ka pa e you are defending him? I am confuse with women like this, nagrereklamo tapos tinatanggap din na man. I mean you know. All i can say is wag magpakasigurado. Have you watched a film with halley berry on it, tapos napatay nya ang asawa nya? The lesson there is, you will never know a person even if he is your husband.
    Dont be too complacent. Walang usok kung walang apoy sa loob.
  • mihyuljang wrote: »
    it's your call. E bakit nagdududa ka pa e you are defending him? I am confuse with women like this, nagrereklamo tapos tinatanggap din na man. I mean you know. All i can say is wag magpakasigurado. Have you watched a film with halley berry on it, tapos napatay nya ang asawa nya? The lesson there is, you will never know a person even if he is your husband.
    Dont be too complacent. Walang usok kung walang apoy sa loob.


    thanks sa advice.. :)

    i will keep my eyes open.. but make sure to have a sound judgement...
  • tripl3tripl3 PEx Veteran ⭐⭐
    Oo nga. Andaya ni TS. Hindi sinabing may sinasabi na yung asawa nya tungkol dito before pa na ginawa nya tong thread. :glee:

    Follow your instincts na nga lang
Sign In or Register to comment.